Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Saturday, November 15, 2008

TATLONG PAGNANASA 1 ( SI DENNIS TRILLO)

Kasalanan bang piliin kung ano ang nararapat at tama?



TATLONG PAGNANASA
(a love triangle)
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/




SI DENNIS TRILLO


Binaybay ko ang kahabaan ng highway. Marami ang rumaragasang jeep, truck, at mga tricycle. Wala akong pera pamasahe. Kahit isang sentimo walang laman ang bulsa ko. Puro bigat ng kalooban ang bitbit ko. Kaya wala na ako pakialam kung mahagip man ako ng kung anung mga sasakyan sa daan.
Hindi ko alam kung s
aan ako patungo. Matapos ng lahat ng revelation na naganap sa pagitan namin ni Jaime at ng kanyang ama, hindi ko na alam ang aking gagawin.
Kasalanan ko eh. Kasalanan ko talaga ang lahat. Kung sa simula pa lamang nagisip na ako, hindi na siguro mauuwi dito. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Marami akong nasaktan. Marami akong pinaasa. Marami ang lumuha. Nakasira ako ng isang pamilya. Nakasira ako ng 2 pagsasama. Pagsasama nilang
mag-asawa at silang mag-ama. Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging bunga ng lahat.

Simple lang naman ang pangarap ko eh. Gusto ko lang naman makatapos ng pagaaral. Gusto ko lang makapagtapos ng college kasi hindi kaya ni nanay na pagaralin ako sa kolehiyo. Nais ko lang siya matulungan kapag umasenso na ako. Dalawa na lang kasi kaming magkaramay kaya mahal na mahal ko ang nanay ko. Simula nung parang bula na nawala si tatay, ako na talaga ang kumayod para mabuhay kaming mag-ina. Lahat ng trabaho pinasok ko. Kahit ano
basta yung kikita ako ng pera. At dahil bata pa ako nun, naging mailap at limitado ang trabaho sa akin. Sadyang napakahirap. Hanggang sa naisip kong ikalakal ang sarili kong pagkalalake. Sa tulong ng isang kaibigang beterano na sa pagkokolboy, hinulma niya ako para sikmurain ang hindi nakagisnang trabaho. Ang trabahong imoral sa mga mata ng mapanghusga. Trabahong magpapalamon sa aming magina. At magiging susi sa aking kinabukasan.

Sa loob ng dalawang buwan. Nasikmura ko na rin ang dating pinandidiriang trabaho. Wala naman akong choice. Mas malaki ang kita dito. Mas mabilis. At mas masaya at masarap. At dahil gwapo daw ako, marami akong parokyano.
Biruin mo sa isang gabi puwede ka kumita ng 3 libo. Depende kung ilang customer ang makukuha mo. Bukod pa ang tip o dagdag bayad kapag natuwa sayo ang matrona o ang bakla. Kahit lupaypay at tuyot na ak
o, okey lang basta may mauuwing pera. Pera para kay inay.

Isang gabi habang nakatambay sa tapat ng isang mall, nakilala ko si Edward. Si Edward na nagmulat sa akin na hindi susi ang pagbebenta ng katawan para makaalis sa kahirapan.


--- itutuloy


"Alam ko naiintindihan ako ng Panginoon... Kahit ganito ako alam ko nauunawaan Niya ang laman ng puso ko..."

--- Alvin


ang pagpapatuloy ni Alvin na maging kabilang sa...


"TATLONG PAGNANASA"
(a love triangle)
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


"Gumigimik ka ba?" tanong ng isang lalaking naka maong na jacket habang papalapit sa aking kinatatayuan.

"Oo naman... Magkano ba kaya mo?"

"Sige kahit magkano, Tara!"

Niyaya niya ako kung saan nakapark ang kanyang kulay blue na owner type jeep. Nung mga oras na yun, ewan ko ba kung b
akit hindi na ako nagdalawang isip pa. Sumunod na ako sa kanya at sumakay sa kanyang sasakyan.
Tahimik lang ako, nakikiramdam. Sabi ko nga mukhang ang weird ng customer ko ngayon. Pero mukhang hindi naman siya harmful. Ang amo-amo nga ng mukha eh. Nung una kong nakita si Edward, naisip ko kaagad na may kamukha siya. Kaso hindi ko maalala kung sino.

45 minutes na kaming
bumibiyahe, at napansin kong paikot-ikot lang kami. Kaya naman nagsalita na ako:

"malayo pa ba?"

Natawa siya sa tanong ko. Hindi siya sumagot. Pinisil niya lang yung pisngi ko. Inisip kong maigi yung tinanong ko. May nakakatawa ba dun? Wala naman ah. Abnormal yata ito eh. Hindi kaya masamang tao 'to at napagtripan ako? Hindi naman siguro. Kaya naman tumahimik na lang ulit ako.
Pumarada kami sa tapat ng 7-11, sabi niya saglit lang daw may bibilin lang daw siya. Tumango lang ako. Medyo pikon pa rin ako sa inasal niya kanina. Hindi nakakatuwa. Kung hindi ko lang kailangan ng pera hindi ko talaga siya pagtitiyagaan. Mahirap talaga kumita. Pagkalipas ng ilang minuto bumalik na siya sa sasakyan. Bum
ili siya ng mga beer in can, at mga pampulutang kutkutin. Tinuloy na niya ang pagda-drive. Road trip yata ang ginagawa namin. Sabi ko sa isip-isip ko, okey din ang trip nito ah. Parang hindi ko masasakyan. .
Ilang minuto lang ay huminto kami sa isang lugar na hindi ko alam at hindi ko pa napupuntahan. Hanep sa ganda ng lugar. Panalo talaga! Kung ide-describe ko siya, napaka perfect iyon para pag-shootingan ng mga koreanovela na nauuso ngayon. Para kasing nakita ko na siya sa mga eksena ng Hwang Jini. Tanaw na tanaw ang lawak ng siyudad at ang mga bituin sa kalangitan. Parang tagaytay.
In short, napakaromantic ng lugar. Angkop ang lugar na iyon para magtapat ng pagibig, o magpropo
se ng kasal, o magsex na rin. Basta napakaganda talaga. Kaya naman napawi ng magandang tanawin ang inis ko. Sabay kaming bumaba ng sasakyan at naupo sa harapan nito. Inalok niya akong uminom, siyempre tumanggi kaagad ako. Hindi kasi ako umiinom eh. Mahina ang tolerance ko sa alcohol. Hindi ko pa nakakalahati ang bote, tumba na ako. Kaya naman nakakahiya lang kung magmamarunong ako.
Natawa ulit siya. Sa muling pagtawa niya, biglang ru
mehistro sa akin kung sino ang kamukha niya na kanina ko pa iniisip. Kahawig niya yung pulis na gumanap sa "Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros". Ganun kagwapo, ganun katikas.
At ganun kaamo ang mukha. At bigla na lang din ako natawa. Halakhak na parang umalingawngaw na yata sa buong lugar. At ito na ang naging hudyat ng kanyang drama.

"Masaya ka ba?" tanong niya sa akin habang tinutungga ang beer.

Papilosopo ko siyang
sinagot:
"Ano 'to interview?"

Inaasahan ko ang muling pagtawa niya pero seryoso yata talaga siya. Mabigat ang dinadala ng taong 'to. Malalim. Kaya naman nagshift mood kaagad ako. Sinabayan ko siya sa agos ng drama-drama.

"joke lang...hmm, Ako? Masaya? Hmmm... Oo, pero hindi ganun kaganap." sagot ko sa kanya habang binubuksan ko ang chippy.

"Pano mo nasabing hindi ganap?"

"hindi ganap kasi, m
ay mas hinahangad pa ako...gets mo?"

"pareho pala tayo..." sabay kurot ulit sa aking pisngi.

"Araay ha! Kanina ka pa ha."

"nacu-cutan lang ako sa'yo, kamukha mo kasi si dennis trillo..."

Hindi ko alam kung isa ba yung pamumuri o pambobola ng costumer para makadiscount. Kaya hindi ko siya masyado sineryoso.
Habang nagkukwentuhan kami,nagulat ako sa aking natanaw sa langit. Kaya naman napabulalas ako:



" Uy! Falling star!"

Pinikit ko ang aking mata at dali-daling nagwish.

" sana makapagaral ako sa college..."
bulong ko sa aking isip.
Nung mga oras na yun, nakit
a ko ring pumikit si Edward. Siguro nagwish din siya.

Lumipas na ang buong gabi at
naubos na niya ang 6 na can,at naubos ko na rin ang mga junkfoods. Umikot lang ang usapan namin sa buhay, pangarap, pagibig, buhay, pananaw pangarap, at pagibig ulit. Puro ganoon lang. Nakakapagtakang walang sex o kamunduhan sa nabanggit.
Sa totoo lang masarap kausap si Edward. Palibhasa matanda na kaya matured na magisip. Ayaw ko kasi sa mga taong late maturer. Yung tipong matanda na ang edad pero ang mga pananaw sa buhay ay baluktot at pambata parin. Yung tipong walang pagunlad pagdating sa emotional status niya sa buhay. Hindi kasi ako ganun. Sa murang edad namulat ako sa mga dapat kong kamulatan. Ayaw ko rin ng mga taong walang prinsipyo sa buhay. Yung mga tipong walang pangarap.
Kaya naman matapos ko marinig ang mga kwento ni Edward bilang ama, pulis, at bilang asawa ay humanga talaga ako sa kanya. Magkahalintulad ang mga pananaw namin sa buhay kaya naman gumaan ang loob ko sa isang weird na estranghero. Si Edward ang kauna-unahang parokyano ko na hindi nakipagsex sa akin pagkatapos akong mapick-up. Kakaiba. Kausap lang pala ang hanap niya. Yung makakabagayan ng loob at masasabihan ng mga bigat sa dibdib. At simula nun, naging parte na siya ng buhay ko.

Lumipas ang ilang buwan at pinamulat niya sa akin ang dapat kong mapagtanto. Isang umaga nagising na lang ako at nakapagisip-isip na tumigil na ako sa pagbebenta ng katawan. Nagsimula na rin nagbago ang ikot ng mundo ko. Binago ko ang nakagisnan at naghanap ng isang marangal na trabaho. Lahat ng iyan ay dahil kay Edward. Siya ang dahilan ng aking pagbabago. Astig talaga! Kaya naman hindi nakakapagtakang nahulog na rin ang loob ko sa kanya. Hindi man ako aminado palagi sa kanya, pero alam ko sapat na ang mga naipakita, naiparamdam at napatikim ko para malaman niyang mahal ko siya. Sapat na yun. Hindi na kailangan sabihin. Ang mahalaga nararamdaman niya. At alam ko, hindi naman siya naghahangad ng iba pa. Sapat na nung mga oras na iyon ang 2 taon naming relasyon,o kung ano mang tawag sa kung anung meron sa pagitan naming dalawa.

Isang offer ang inihain ni Edward na hindi ko inaasahan. Isang offer na hindi ko kayang tanggihan.

" diba, gusto mong makatapos? Ngayong june, kung okey lang sa'yo, ipapasok kita sa school kung saan papasok ang anak ko..."

Sa sobrang tuwa ko napayakap ako sa kanya ng mahigpit, at hinalikan ko siya sa pisngi.

"Syet! Salamat talaga Edward, salamat talaga!"

Grabe talaga ang kagalakang naramdaman ko. Akala ko kasi hanggang pangarap na lang para sa'kin ang makatuntong ng college. Hindi pala. Ngayon ko lang napagtanto na totoo pala ang mga falling star. May dala pala talaga silang pag-asa. Pagasa para sa mga nagwiwish sa kanila. Parang si Edward, pagasa ko para sa aking kinabukasan.

"Lord, thank you po talaga at ginawa Niyo siyang instrumento para makapagaral ako..."

Gabi-gabi kong dasal iyan ng pasasalamat kay God. Mahirap na, baka bawiin pa. At naging simula din iyon ng pagiging relihiyoso ko. Oh diba? Ang daming nagbago? Simula talaga nung dumating ang lover kong pulis naging matiwasay na ang buhay ko.
At wala na akong hinahangad pa.

Ilang araw bago magpasukan, pinakita sa akin ni Edward ang picture ng kanyang anak---si Jaime.
Ang litratong iyon ay mukhang kuha pa sa isang studio. Pang PBB teen housemate ang porma. At talaga namang hahangaan mo. Magaling pang magpose ng naaayon sa kanyang personalidad. Ngunit sa mata palang alam mo na ang kanyang pagkatao.
"Gwapo pala si Jaime" sa isip-isip ko,
talagang mana sa ama. Parang pinabatang version ni Edward. Mas gwapo pa nga ang anak niya kung tutuusin.

"Alvin, ito ang anak ko na kinukuwento ko sa'yo,
Liberal Arts din ang kinukuha niyan kaya malaki ang posibilidad na maging magkaklase kayo."

Sa punto ng pananalita ni Edward, naunawaan ko na ang gusto niyang sabihin. Kailangan kong maging kaibigan si Jaime. Si Jaime na anak niya. Si Jaime na magiging daan para maging madali sa amin ang lahat. Lahat-lahat ng lihim at kasinungalingan.


Isang napakalakas na busina ang gumising sa natutulog kong ulirat.

"Tangina ka ha!!! Magpapasagasa ka ba?!"

Dinedma ko lang ang driver ng jeep, bagkus nagtuloy-tuloy ako upang tahakin ang patutunguan na hindi ko naman alam kung saan. Nung mga oras na iyon, wala akong pakialam. Wala akong emosyon. Wala akong pakiramdam.
Malayo na pala ang nalalakad ko. Mahaba na rin pala ang mga kalsadang nadaanan ko. Kasing haba ng mga gunita ko kay Edward. Napakaraming ala-ala. Halo-halong aral at pangarap.

Pagkatapos ng halos isang oras na paglalakad ng wala sa sarili, natagpuan ko na lang ang aking sarili sa loob ng isang simbahan. Magbabakasakali ako na dito ko mahahanap ang katahimikan. Umaasang dito ko mahahanap ang mga kasagutan para mapahupa ang bigat na nararamdaman. Lumuhod ako para magdasal. Mas pinili kong lumuhod sa semento upang ramdam ko ang tigas nito. Naalala ko si Jaime. Siya ang nagpatibay ng paniniwala at pananampalataya ko sa Maykapal. Pinamulat niya sa akin na Siya ang tunay na susi sa lahat. Sa panahon ng kasadlakan, asahan mong ibabangon ka Niya. Hindi ka Niya pababayaan at aakayin ka Niya patungo sa tama at nararapat. Basta't marunong kang magtiwala sa Kanya, hinding-hindi ka Niya bibiguin. Tuluyan na akong humagulgol sa pook-dalanginan.


"In God's perfect time, Alvin." iyan ang mga katagang sinabi ni Jaime nung mga panahong hindi ko alam kung papaano ko tatanggapin ang pagkamatay ni nanay. Si Jaime ang dumamay sa akin sa panahon ng pagluluksa. Hindi niya talaga ako iniwan sa mortuary. Pinatunayan niya ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan na hindi ko pa nakikita sa iba.

Kung iisipin, napakadami ko ng utang kay Jaime. Simula sa mga pagtulong niya sa akin sa pagbuo ng mga term paper, pagaantay niya sa akin ng 2 oras kapag may lakad kami, panlilibre niya sa akin ng pamasahe, lunch, atbp, at kung anu-ano pang mga good deeds na hindi ko yata nasusuklian. Ganun kabait si Jaime. Kasing bait ng tatay niya. Kaya naman hindi ako nahirapang gawin siyang matalik kong kaibigan.
Idol ko rin yan si Jaime pagdating sa academics at leadership. Kaya naman feeling ko minsan nahahawaan na niya ako ng katalinuhan. Ang dating Alvin na paeasy-easy lang sa pagaaral ay naging studious at laging nagsusunog ng kilay. Maganda talaga ang naging bunga nito kasi pumasok ako sa top 10 na may highest na grade sa Philosophy, Logic, at Retorika. Kaya naman pagdating ng final exam, exempted na ako.

Naging madali ang buhay kolehiyo kasama si Jaime. Smooth sailing. Walang problema. At masaya pa dahil madalas na kami magkita ni Edward sa tuwing dumadalaw ako sa bahay nilang mag-ama. Hanggang sa isang pagtatapat ang hindi ko talaga minsang inasahan.

"Alvin, isang sign lang naman ang hininingi ko kay Lord kung ipagpapatuloy ko ba ito o hindi. Pero binigay Niya ang hinihingi ko,..."

Hindi ako nagsasalita. Inantay kong tapusin niya ang mga nais niyang ibulgar. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang sinasabing:

"Alvin, mahal na mahal na kita... Mas malalim na definition ng pagmamahal. Kung alam mo lang noon pa. Sorry po, pero hindi ko na talaga mapigilan. Alam ko we're friends pero sana give me a chance to prove how much i care and love you, kahit saglit lang..."

Unti-unti nang naglapat ang aming mga labi. Ang bilis! Masyado akong nadala sa bugso ng damdamin.



---itutuloy


ang pagpapatuloy ni ALVIN para kontrolin
ang nabubuong...


"TATLONG PAGNANASA"
(a love triangle)
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/

ANG KATAPUSAN


Hindi ko makalimutan ang halik ni Jaime. That kiss na parang pang fairytale, magical at parang may spark ng fireworks. Hindi ko maiwasang maikumpara ang halik ng mag-ama. Wala namang pinagkaiba. Like father, like son.
Bigla akong naguluhan sa aking nararamdaman. Ang dating nanahimik kong damdamin ay biglang nawindang. Epekto ng pagtatapat at halik ni Jaime. Si Jaime na bestfriend ko. Si Jaime na anak ng lover ko. Masyadong magulo! Ayaw ko ng ganito. Kailangan kong ayusin ang gulo ng damdamin. Ayaw kong mauwi sa kung anong negatibong maibubunga nito sa amin. Hindi ko binalak na pag-agawan ng mag-ama kapag nagkataon. Kaya naman habang maaga pa nireject ko na ang nararamdaman ni Jaime. At pinaalala ko sa kanya at pilit ipinaunawa na kailangan naming i-consider ang aming friendship. Nakakapanghinayang naman kung masisira lang dahil dun. Gustuhin ko man sabihin sa kanya ang totoo na taken na ako, (at daddy niya ang bf ko) hindi pa rin pupwede sa kadahilanang mas magiging kumplikado ang lahat.

Gayunpaman, sinabi ko parin kay Edward ang aming sitwasyon (ngunit hindi yung kiss). Tulad ng palagi niyang gawain, natawa lang siya. Malamang hindi niya masyadong sineseryoso ang pagtatapat ni Jaime sa akin. Hindi siguro threat sa kanya ang anak niya. O baka naman talagang wala siyang pakialam sa mga ganung bagay dahil siguro kilala na niya ako, at kilala niya rin ang anak niya. Ang hirap talaga mainterpret ang tawa ni Edward. Hindi mo alam kung nanunuya ba o may nakakatawa nga talaga. Napakasarcastic kasi eh. Dun talaga ako minsan napipikon. Iniisip ko nalang na baka naman kabaliktaran iyon ng mga nararamdaman niya. Anyway, kung ano man ang nais niyang pakahulugan sa kanyang misteryosong tawa, wala na ako pakialam. Ang importante sinabi ko ang sitwasyon namin ni Jaime. Hindi ko man kinuwento ang buong nangyari, siguro tama lang yun. Sa pananaw ko, hindi mo naman dapat ikuwento lahat-lahat ng nangyari sa karelasyon mo for the sake of honesty at trust. Minsan kasi the more na nagiging honest tayo, the more natin silang nasasaktan. Kaya ang nangyayari, nagiging paranoid lang sila. Iniisip na lang nila yung pinagtapat mo na baka ulitin mo ulit. Diba mas malala kapag ganun ang nangyari? Kaya dapat pinipili lang ang dapat ikuwento. Napakalaki ang pagkakaiba ng "pagtataksil" at "white lies". Ang pagtataksil, nagsisinungaling ka kasi may ginagawa kang kabalastugan. Ang white lies, kailangan mo magsinungaling para sa ikabubuti ninyong dalawa at ng inyong relasyon. Nandun lang ako sa pangalawa. Para sa kabutihan naman naming 2 yun.

Madaling nakarecover si Jaime. Para ngang walang nangyari eh. Mas lalo pa kami naging close. Minsan nga nagdududa ako kung binasa niya ba talaga yung sulat na binigay ko. Kasi mukhang hindi siya apektado. Pero nang mahalata ko ang kaunting distansyang ginawa niya, dun lang ako nakasigurado. Hindi na siya kasing cariñoso kumpara dati. Wala naman nagbago pero feeling ko parang meron. Napakagaling talagang artista ni Jaime. Ang husay niya magsuot ng maskara. At unti-unti na naman ako naguluhan.

Madalas na ako matulog kina alvin. Siyempre katuparan iyon ng mga pangarap ni Edward. At saka si Jaime rin naman ang nagyayaya. Ngunit dun ako siyempre natutulog sa silid ni Jaime. Magkatabi kami palagi sa kama. Walang malisya. As in wala talaga.
Kaya lang isang weird naman na panaginip ang palagi kong napapanaginipan kapag doon natutulog.

May isa daw gagamba ang madalas gumagapang sa aking katawan. Ang gagamba daw ay kasing laki ng aking mga palad. Gumagapang daw ito sa buo kong pagkalalaki. Binabaybay ang aking kasingit-singitan. Sinasaputan ang aking alaga. At hinahagod ang aking bolang kalamnan. Kakaiba ang mga paa nito dahil sa tuwing tatapak sa paborito niyang gapangan (ang akin ari) ay parang pumipisil-pisil pa ito. Nakakakiliti. Napakasarap!

Palagi ganyan ang panaginip ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit lagi ko siyang napapanaginipan kapag natutulog ako katabi si Jaime. Hindi ko talaga alam.

Isang gabi habang nakikipagkwentuhan kay Jaime, nakatulog ako ng hindi ko namamalayan sa kanyang mahiwagang kama. Dala na rin siguro ng pagod dahil galing ako sa seminar nun. Tulad ng palagi nangyayari, dinalaw ulit ako ng suking panaginip. Ang aking panaginip na pinamagatan kong : "Ang Gapang ng Gagamba."

Gapang.
Pisil.
Gapang
Kapa
Gapang
Kamay ay isinalang,
Hagod
Pisil
Hagod
Likot
Hagod
Pisil
Hagod
Hanggang sa siya'y tuluyang mapagod.


Naalimpungatan ako. Nakaramdam kasi ako na parang may lumilikot sa akin. Hindi ako kaagad gumalaw. Hindi ko kaagad minulat ang aking mata. Basta ramdam ko na may kamay na nakapatong sa aking harapan. Hinayaan ko lang ang kamay. Nakiramdam ako kung hanggang saan ang kaya niyang gawin. Maya-maya lang ay tinanggal na niya ang kanyang kamay. Ang inaasahan kong magiging sukdulang pagkapa ay nawala. At diyan nagtapos ang gapang ng gagamba.

Malibog din pala si bestfriend. Pero bakit hindi niya tinuloy ang balak niya. Nagdalawang isip ba siya? Kinabahan? Ewan. Iniisip ko tuloy, papaano kung tinuloy niya ang nais niyang gawin? Madadala kaya ako sa eksena? Hindi ko rin alam eh. Masyado akong horny kapag sex na ang usapan. At kahit bestfriend ko pa yan o anak ni Edward kapag pinaginit ako wala na talagang kawala. Buti na nga lang walang nangyari. Kung hindi baka pagsisihan ko lang, at mas lalong lumala ang sitwasyon.
Pero talagang tukso ang tadhana. Isang hapon habang inaantay si Jaime sa kanyang kwarto. Naisipan kong manood ng bold habang nagpaparaos. Ang tagal ko na rin kasi hindi nakakapanood ng triple x na pelikula kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon.
Sa kasukdulan ng aking masturbation, biglang bumukas ang pinto at lumagapak si Jaime sa sahig.
Shit! Kanina pa ba siyang nandun? Pinapanood niya pala ako! Tangina nakakahiya!

"Oi! Anong ginagawa mo diyan?"
Tanong ko sa kanya.

" eh ikaw? Anung ginagawa mo ha?"

Parang binalik niya lang din sa akin ang tinanong ko. Mukhang tanga talaga! Pagkatapos ng bukuhan, ayun! Pumuslit ng hindi ko namamalayan ang katas ko sa pader. At mas lalo pa akong napahiya sa sinabi ni Jaime.

"Hahahaha! Mga kalibugan mo Alvino ha?!!hahaha! Naughty ka talaga!
Linisin mo yang pader ha? Baka mangamoy semilya tong kwarto. Hahaha!"

Nagnilay-nilay ako. Inisip ko kung paano kung may nangyari talaga sa amin?
Paano kung sa puntong iyon ako na ang nagyaya? Puro paano. Walang kasiguraduhan. Buti na lang din at ganoon ang nangyari.
At sa pangalawang pagkakataon muli naistorbo ang aking damdamin.

Sabi nila love is unpredictable. Kapag tinamaan ka niya wala siyang pipiliing tao, lugar, o panahon. Walang patawad. Babanggain ka talaga na parang isang rumaragasang bus sa kalye. Aminado man ako o hindi pero mukhang nainlove yata ako kay Jaime. Kahinaan ko kasi ang mapagarugang tao. Mas napagtanto ko na mahal ko na rin siya nung mga panahong inalagaan niya ako habang inaapoy ako ng lagnat. Biglang bumaligtad ang pananaw ko na hindi dapat mainlove sa isang kaibigan. Bumilis ang takbo ng oras. Maging ako talagang nagulat. Sinubukan kong payuhan ang sarili ngunit kontrolado ng aking puso si hypothalamus.
Ako pa naman yung tipo ng tao na hindi bara-bara kung magdesisyon. Gusto ko talagang pinagiisipan. Just give me 2 weeks to decide, sabi ko sa aking puso. Kaya naman 2 linggo rin akong hindi nagpakita sa dalawa. Kay Edward at kay Jaime.


Kung kailan nakapagdesisyon na ako saka pala huli na ang lahat. Napakasaklap! Tuluyan nang bumaha ng luha sa aking kinaluluhuran. Pinagmasdan ko si Kristo. Si Kristo na nagpapako sa krus upang sagipin tayo sa ating mga kasalanan. Si Hesus na ating Tagapagligtas. Nahihiya ako sa kanya. Napakarami kong kasalanan. Napakarami kong nasaktan.

"Lord God patawarin Niyo Po ako..."

Kasabay ng paghingi ko ng tawad. May kumalabit sa aking likuran. Nilingon ko ito upang tingnan kung sino ang nangalabit. Isang matandang babae na mukhang nagtitinda ng sampaguita. Nakangiti siya sa akin at iniaabot ang ang isang tali nito sa akin.

"Iho, kanina pa kita nakikitang humahagulgol diyan...ito baka gusto mo ng sampaguita?"

Bumunot ako sa bulsa ko ng pambayad. Naalala ko wala pala akong pera kahit singko.

"Manang, pasensya na po pero wala pala akong pera dito..."

"Hindi naman kita pagbabayarin, bigay ko sa iyo 'to."

Napangiti ako sa sinabi ng matanda, kaya naman tinanggap ko na rin ang libreng sampaguita.

"Basta iho, kung ano man ang problema mo, malulutas din yan. Sa tamang oras ng Panginoon..."

Kinilabutan ako sa kanyang sinabi. Unti-unting humupa ang bigat sa aking dibdib. At huminto na rin ang walang humpay kong pagluha. Kasabay ng paghalimuyak ng sampaguita, naamoy ko na rin ang pagasa. At narealized ko, hindi pala ako nagiisa...


Lumipas ang isang taon at nagkaroon ako ng isang trabahong maipagmamalaki ko. Sapat na ang pagiging salesman para buhayin ang aking sarili at makipagipon na rin. Ngunit parang hindi pa rin sapat ang 1 taon para makalimutan ang nakaraan. The more na tumatakas ka dito, lalo ka niyang lalapitan.

Isang gabi habang papalabas sa mall kung saan ako nagtatrabaho nakita ko si Jaime. Pataas ako nun sa escalator at siya naman ay pababa. Parang pamilyar sa akin ang ganung eksena. Parang eksena sa pelikula ang nangyari. Nagtama ang aming mga mata at gulat na gulat sa muling pagkikita. Pagkalagpas namin sa isa't-isa, dali-dali ko siyang nilingon. Umasa akong lilingon din siya ngunit hindi na niya ako nilingunan pa. At napakasakit pa, bigla siyang umakbay sa lalaking nasa tabi niya na mukhang bf niya yata. Gusto ko sana siyang habulin ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Kaya naman hindi ko na siya hinabol pa. Para ano pa diba? Mapapahiya lang ako.

Para talagang nananadya ang tadhana. Pagkalipas ng 1 linggo si Edward naman ang nakita ko. Kasama niya si Tita Norina at nakaangkla 'to sa kanya. Hindi nila ako napansin kaya hindi na rin ako nagpakita pa. Napansin ko rin na masaya si Edward. At napangiti na lang din ako sa aking kinatatayuan.


-------------------------------------------------------------------


NEXT:

TATLONG PAGNANASA 1 (AN ANGLE OF REFLECTION)
CLICK HERE


Same Ground - Kitchie Nadal

Read more...

1 komento:

Anonymous,  December 13, 2008 at 9:16 PM  

ang gandang kwento parang napanood ko na heheheh... parangngangyari na rin saekn to


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP