Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Thursday, February 05, 2009

Have you ever felt the same? ( CHAPTER 3: “PINK”)

(AKO SI DESTINY 2)
Have you ever felt the same?
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/

“We know the truth, not only by the reason, but also by the heart.” ---Blaise Pascal


CHAPTER 3: “PINK”



Habang nanonood ng “P
laying it Straight”, isang reality show sa Studio 23 patungkol sa mga gay na nagpapanggap na tunay na lalaki upang magkamit ng premyo, nag-open ako ng isang topic kay Lara na nais kong bigyang kasagutan.

“Lara? Okey lang bang ma
galit sa boyfriend ng mahal mo?”

“Magalit sa boyfriend ng mahal mo?”


Kumunot ang noo ni Lara sa tinanong ko. Medyo nag-isip ang dalaga sa wirdo kong tanong.


“Boyfriend ng mahal mo? So it means, taken na ang
mahal mo kuya?” balikwas na tanong niya sa’kin.

“Hmmm… parang ganun na nga siguro.”


“Kuya, ano ba yang mga tanong mo? Well, depende kasi sa sitwasyon. Bakit ka magagalit sa kanya? May kasalanan ba siya?”

“Sa akin wala pero dun sa mahal ko alam ko meron.”

Ngumiti ng makahulugan ang psychology student kong kapatid sabay banat ng mga teorya niya.

“Malamang defense mechanism lang yan kuya…”

“Defense Mechanism?”

“Oo kuya. Alam mo kahit hi
ndi mo man aminin sa’kin halatang naiinsecure ka lang dun sa bf ng “mahal” mo. Hindi ko alam kung bakit pero halata sa mga mata mo. Kaya siguro naghahanap ka lang ng dahilan para mainis ka sa kanya.”

Natahimik ako sa lecture ni Lara. May future itong kapatid ko. Naniniwala a
ko magiging successful siyang psychologist balang araw.

“Sabi mo sa’kin may
kasalanan siya sa mahal mo na gf niya kaya ka nagagalit. Kung tutuusin kuya, labas ka na dun kasi problema na nila yung dalawa. Oo , normal lang na makaramdam ka ng ganyan kasi nga na-aagrabyado ang pinakamamahal mo. Pero, isipin mo rin kung ano ang role mo. Dapat alam mo kung hanggang saan ka lang…” dagdag ni Lara.

Sapol hanggang bone marrow ang mga litanya ni utol. Hindi ako nagkamali sa hiningan ko ng opinyon. Unti-unting luminaw ang magulo kong iniisip kanina pa. Naunawaan ko rin kung bakit ako nagkakaganito.


“At saka kuya, big deal ba sa “mahal” mo yung kasalanan ni bf? Aware ba siya o baka naman wala lang yun para sa kanya at napatawad na niya kasi nga boyfriend naman niya yun… basta kuya, depende talaga sa sitwasyon…”

“Oo nga
, tama ka…”

“What ba kasi? Stop nga being OR noh?” tonong pang-conyo ni Lara.

“huh? Anong OR?”


“Duh??? It’s like daglat for OVER-REACTING, you know sobrang maka-react?”


“Tangnang ‘to! Sinasapian ka na naman ng pagiging conyo-conyohan mo, eh kung konyatan kaya kita diyan?”


“OMG! Im gonna make sumbong you to nanay if you’ll make patuloy that… you know, continue.”

Parang ligaw na bala ang salitang OVER-REACTING. Dumaplis sa mga ugat ng baga ko ang tambalang salitang binitawan ni Lara.Grabe talaga magpayo si Lara, parang mas matanda pa sa’kin kung magsalita. Wag lang siya magcoconyo-conyuhan at masasapok ko talaga siya.

Kung tutuusin, hindi naman talaga dapat ako magpaapekto sa sitwasyon. Ako lang naman kasi ang gumagawa ng sari
li kong apoy. Isang apoy na pwedeng pagmulan ng kung anong sunog na maaaring mauwi sa arson. Kaya naman pansamantala muna akong magsisinungaling at hindi paniniwalaan ang kasabihang: “kapag may usok may apoy…” Sa pagkakataong ito,napagtanto ko na ang usok na nakita ko ay gawa lamang ng mabilis na kabog ng puso ko. Ang bawat dikta ng utak upang pagmulan ng galit. O ang kutob na wala namang basehan kundi puro kaba mula sa kaibuturan ng iyong aorta.

Sabi nga ng naging professor ko sa Film Aesthetics, mas ma-aappreciate mo ang isang abstract painting kung titingnan mo siya mula sa malayo. Parang pelikula na kapag hindi mo hinalukay ang lalim na nais niyang ipahiwatig sa mga manonood, hindi mo matu
tuklasan ang tunay na ganda nito.

Kung i-rerelate naman sa buhay ng tao, parang ganun din ang konsepto. Kung hindi nating uunawain ng may lalim ang mga kaganapan sa paligid o kung magpapadala lang tayo sa kung ano ang nakikita sa malapitan, malamang hindi rin natin masyado maiintindihan kung bakit may parte sa buhay natin na minsan ay daig pa ang mga abstract paintings ni Vincent Van Gogh.

Sa pagdating nina nanay at tatay sa ba
hay huminto muna kami. Inilagak ko muna sa sulok ang mga dalahin ko sa aking kalooban. Siguro dahil ayaw ko lang mahalata nila na may bagahe na naman ako. Sabi nga ni tatay nung minsang napansin akong problemado:

“Anak, alam mo para kang si Sharon Cuneta?”

“Huh? Bakit po?”

“Kasi pasan mo ang daigdig!!!” sabay tawa ng nakakabanas na halakhak.

“ang korni ang puta…” bulong ko naman sa gilid.

Pero kahit ganun, masaya naman talaga ako sa piling ng pamilya
ko. Sila ang nag-neuneutralize ng bawat kaganapan sa loob ng bahay. Lalo na kapag negatibong enerhiya ito. Hangga’t maari kasi ayaw nila ng malungkot na eksena. Gusto nila ng smooth sailing at kampanteng pamumuhay kaya naman laging kakambal ang humor sa kanila. Ewan ko ba kung bakit ‘yun ang hindi ko namana.

Pagkatapos naming mag-mano ni Lara inasikaso namin ang mga kanya-kanyang gawain sa bahay. Si Lara ay nagu
mpisang maghain para sa hapunan at ako naman ay nag-prepara ng paplantsahing damit dahil papasok na naman ako sa office mamaya.

Kinatok ako ni nanay sa kwarto para iabot ang pasalubong niya sa’kin.

“Anak, isukat mo nga ‘tong t-shirt na binili ko sa’yo…”

Madalas kami bilhan ni nanay ng damit. Hindi makakalipas ang isang linggo na wala siyang maiuuwing bagong shirt sa akin at blouse naman para kay utol. Ganun ka-thoughtful si nanay.

“Wow, t-shirt…”


Inilabas ko sa paper
bag ang damit. Kulay pink iyon at medyo malaki sa nakasanayan kong mga sinusuot na t-shirt. Small kasi palagi ang size na pinipili ko. At ang isa pang nakakawindang, printed ito na may nakalagay na: “REAL MEN WEAR PINK”

“Ay, bakit medium?”

“Wala na kasing small eh… hayaan mo na, ang laki-laki mong tao, tama lang sa’yo yan…”

“At saka sana nay hindi pink.”

“Dalawa nga anak yung pinagpilian ko niyan eh, yung isa ang nakalagay: IM PROUD TO BE GAY… Eh hindi ka naman bakla diba? Kaya ‘yan nalang pinili ko… at saka wala ka pa naming pink na damit ah?”

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Pero dahil magand
a naman yung binili ni nanay na t-shirt, hindi na ako nag-reklamo pa.

Napansin ko ang pangisi-ngising mukha ni Lara habang nagsasandok ng ka
nin.

“Kung ayaw mo kuya akin na lang… papa-repair ko na lang para magkasya sa’kin…”

“Tse! Akin na’to, isusuot ko ‘to mamaya…”

“Tingnan mo ‘tong kuya mo, kunyari pang ayaw sa pink… eh kung alam ko lang paborito niya yan…” sing
it na banat ni tatay habang nakikipag-hagikgikan kay nanay.

Napakunot ang makapal kong kilay sa narinig ko. Nakakapikon talaga mga padale ng sarili kong ama. Tiningnan ko siya ng masama at nagpahiwatig ako na hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.
At dahil dun, nagpahabol si tatay ng:

“JOKE!!! Oh tara kain na tayo!”

Talaga nga naman. Hindi ko alam kung pinagkakaisahan ako dito sa bahay dahil sa kabadingan ko. Siguro inaasar lang nila ako kasi alam nila madali akong mapikon lalo na kapag sekswalidad na ang pinangiinis sa’kin. Tapos kapag pumalag ako sa mga “joke” nila ito sasabihin nila:

“Bakit defensive ka anak?”

Oh diba? Nakakapika talaga! Kaya naman mas pinili ko pang manahimik na l
ang at dedmahin ang mga panloloko nila sa’kin. Pasok sa kaliwang taenga at lalabas sa kabila.



Pagkalipas ng ilang mga oras at nag-umpisa na naman ang giyera sa magdamag:

“Thank you for calling McAfee technical support for COMCAST. My name is Luis; may I have your COMCAST e-mail address please?”

“My COMCAST e-mail address is la
dylawyer@comcast.net...”

“Okay thank you very much for that information, let me just v
erify your COMCAST e-mail address if I got it correctly… L for Lima, a for alpha, D for delta, Y for Yankee, L for Lima, a for alpha, W for whiskey, Y for Yankee, E for echo, R for Romeo… Is that correct?”

“Yes that’s correct!”

“Allow me to pull-up your account here on my data base please stay on the line for just a minute…”

Ito ang unang opening spiel
ko sa gabing ito. Kalmado pa at malumanay. Ganado
pa naman. Kailangan eh. Pero mamaya niyan daig ko pa ang sinaniban , lalo na kapag nasa ika-20 customer na ako. Nag-umpisa na naman kasi ang isang madugong giyera sa floor. As in madugo talaga! Ang term nga ni Jhen diyan eh EPISTAXIS. Makikipag-tongue twister na naman ako sa mga customer.


Minsan nga naiisipan ko nang mag-resign kasi nakakapagod na yung ganitong trabaho. Pero kapag naiisip ko rin na mahirap ang walang trabaho sa panahong ito at hindi magandang halimbawa ang tumambay lang sa bahay, sumisipag ako lalo.

Naalala ko yung sinabi ni Jhen:

“Night life? Define night life? Ano ka bampira? Nagaambisyon ka pang magka-night life! Pa-call center-call center ka pa kasi ayan ang napala mo, magdusa ka! sayang naman kapatid yung titulo mong: AB-MASS COMMUNICATION chorvanels...”

Saka ko na lang siguro papangaraping magka-night life kapag may jowa na ako. Sa ngayon habang nag
hihintay sa taong talagang para sa akin, magbubusy-busyhan muna ako. Tipong magpapayaman muna para kapag nagaka-boyfriend na ako walang problema.

Speaking of Jennifer, galing ako sa kanila kanina bago ako pumasok ng office. Ewan ko ba kung bakit hinila ang mga paa ko papunta s
a bahay nila. At dahil maaga pa naman kanina, dumaan na rin ako. Naalala ko rin kasi na may kailangan pala akong ikuwento sa kanya. Isasangguni ko yung paghaharap naming dalawa ni Russel. Isang paghaharap na kahit sa hinagap ng isip ko hindi ko na-imagine. Nag-eexpect ako nang isang negatibong reaksyon sa kanya. Alam ko naman na kahit saang anggulo tingnan, mali ako at mababaw.

“Nakakloka ka…” reaksyon ni Curacha.

“Eh sa ‘yun yung nararamdaman ko sa kanya, anong magagawa ko?”

“Try mo kayang manalamin, tapos ihampas mo yung ulo mo sa salamin para matauhan ka…tapos hubarin mo yang pink na shirt mo at mukhang mas bagay sa’kin yan…”


“Jhen naman eh…”

“Akala ko pa naman Papa Luis matalino ka, Listen!”

Tumaas ang tono ng boses ni Jhen. Hudyat iyon na kailangan kong ituon ang atensyon ko sa mga bibitawan niyang mga salita. Naramdaman ko kaagad na napakahalaga nun kaya naman halos hindi na ako kumurap habang inaantay ko ang mga sasabihin niya.

Kasabay nang pagtaas ng kanyang kilay binunyag niya ang isang rebelasyon.

“Nang malaman ni Russel na namatay sa aksidente si Lance halos gumuho ang mundo niya. Ilang ara
w daw siyang nagkulong sa kwarto. Isang araw dinistrongka na daw nila yung kwarto ni Russel sa Dubai… Nadatnan siyang duguan at laslas ang pulso.”

Biglang nag-flash back sa akin ang yugto kung saan kakamayan ako ni Russel sa sementeryo. Oo nga, may malaking peklat siya sa kaliwang pulso niya. Kaya pala… iyon pala ‘yun.

“Buti na lang at naitakbo kaagad siya sa ospital ng kapatid niya. Muntikan na siya dun sa suicide attempt niya na yun. At kung hindi naagapan malamang magkasama na sila ni Lance ngayon sa heaven…” dugtong ni Jhen.

Hindi ko alam ang magigi
ng reaksyon ko noong mga oras na iyon. Naisip ko na lang na maswerte nga si Lance kasi handang magpakamatay nung boyfriend niya para lang magkasama sila sa kabilang buhay. Naisip ko rin na mali pala ang mga haka-haka ko. Iba talaga ang nagagawa ng pagiging insecure at inggit na rin siguro. Dahil sa rebelasyon ni Jhen sa likod ng mga pangyayari sa buhay ni Russel parang may bumbilyang nagliwanag sa madilim kong isip.

“So ngayon? Magiinarte ka pa?”
tanong ni Jennifer sa’kin.

“Eh bakit kasi ngayon mo lang kinuwento ‘yan?”


“Aba, ngayon ko lang naman din nalaman noh? Tumawag sa akin yung kapatid niya kanina, ibinilin sa akin yung kuya niya at ayun i-chinika na sa’kin ni shupatembang yung mga paglalaslas ng pulso epek…”

“Shupatembang? Ano na naman yan?”


“Gaga! Shupatembang! Kapatid!... hay naku naman! Umatend ka nga ng tutorial ko…”

Halos hindi ko naramdaman ang biyahe mula Dasmariñas hanggang Makati. Habang sakay ng Victory Liner, pinagnilayan ko an
g mga sandaling nalaman ko. Nakakahiya pala yung mga inasal ko kay Russel. Hiyang-hiya ako sa kanya at maging sa sarili ko na rin. Kailangan ko mag-sorry. Pero paano ba?

Dahil sa nangyari, may natu
tunan na naman ako. Wag magpadalus-dalos. Hindi lahat ng ilog mababaw, minsan kapag sinisid mo ‘yun magugulat ka na lang na ang lalim na pala.


Ilang minuto bago ako mag-out ito ang eksena:

“Because we need to end this call so that you can perform some steps befo
re we can continue assisting you in resolving your concern, the status of this service request will be pending for the next 72 hours…”

“Okay Luis, thank you so much for helping me…”

“Oh you’re very much welcome ma’am; by the way, you may also receive an e-mail survey regarding the level of service I have provided. Please take a few moments to answer and kindly return it back to us…”

“Okay no problem.”


“So, is there anything else I can assist you with regarding your McAfee software?”


“I think that will be all,”

“Thank you for contacting McAfee, and have a good day! Bye!”

Iyan na ang huling closing spiel ko s
a araw na ito. Sa wakas, tapos na rin ang 9 hours na duty. Buti na lang wala akong na-encounter na mga i-rate na mga customers. Yung tipong kulang na lang eh lamunin nila ang mouth piece ng telepono habang sumisigaw. Hindi rin masyadong queuing kanina. Konte lang ang mga calls ko kaya naman na-handle ko siya ng maayos at kalamado. Nakatulong ng malaki ang pagninilay-nilay ko sa bus kanina. Meditation yata ang ginawa ko kaya malinis ang utak ko na sumalang kanina sa floor.

Matapos kong itago ang headset ko sa locker, kumaripas na ako
ng lakad palabas. Habang nag-hihintay ng masasakyang bus pauwi ng Cavite ininda ko ang sumasakit kong batok. Haaaay, na-stress na naman yata ako. Habang umaakyat sa loob ng air-conditioned na bus pinatunog ko ang mga buto ko sa leeg at maging ang mga litid nito. Sa mga ganitong pagkakataon ang sarap siguro magpamasahe.

“ilan boss?” tanong ng konduktor

“isa lang, Bacoor…”

Sa pag-abot sa aking ng sukli at ticket, bahagya kong ipinik
it ang aking mga mata upang makpagpahinga. Kaantukan na talaga kaya hindi ko maiwasang umidlip ng panandalian. Ang panandaliang pagidlip ay nauwi sa mahabang tulog. Nagising ako sa pagtapik sa akin ng konduktor ng bus.

“Boss, dasma na ho ‘to…”


“Ay shet! Lumagpas na pala ako…”


Dali-dali akong bumaba sa bus at nagisip ng aking gagawin. Nang mahimasmasan mula sa pagkakagising, sinisi ko ang konduktor dahil hindi man lang niya ako ginising na nasa Bacoor na kanina. Pero dahil ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit ako lumagpas, dedma na lang.

“tutal naman nandito na ako, makapg-SM nga…”

Magandang ideya ang naisip ko. Pampapawi din ng stress ang pagpasok sa mall. At dahil alas-diyes y media na rin ng umaga bukas na ang SM sa mga tulad kong amak sa mga arcades ng Quantum.


Muli akong sinalubong ng malamig na air curtain. Ang sarap talaga nang feeling nung humahampas sa’yo ang malamig na hanging dulot ng aircon. At kahit mukha na akong dugyuting bata dahil kagabi pa ako gising, taas noo pa rin akong umakyat sa pamamagitan ng escalator.

Wala pang katao-tao sa loob ng Quantum. Siguro mabibilang ko pa sa mga daliri ko ang mga naglilibang sa loob ng amusement center. Mas ginanahan tuloy akong pumasok at maglaro muli ng Time Crisis. Nagmamadali akong bumili ng mga token na nung mga pana
hong iyon ay siyete pesos pa ang isa.

Sa hindi sinasadyang pangyayari, binunggo ako ng isang matabang bata kaya naman sumabog sa sahig ang mga binili kong token. Baka akalain nila na nais kong magpaa
gaw ng token sa mga bata. Nagkalat iyon at nagpagulong-gulong sa paligid. Ang clumsy ko talaga o baka sadyang inaantok na rin ako kaya ganun.

Pinulot ko isa-isa ang mga nagkalat na token. 10 token yun, sayang naman kung hahayaan ko na lang ang ibang nahihirapan hindi matanaw ng aking mga inaantok na mata.

“Kulang pa ng isa…”
bulong ko sa sarili ko.

At dahil nawalan na ako ng pasensiya kakahanap, hinayaan ko na lang.

Saktong pagtayo ko isang binata ang nag-abot sa akin ng pang-sampung token na nawawala.


Sa pagtayo ko nginitian niya ako na parang walang nangyari nung nakaraan
g araw na huli kaming nagkita.

Sa pagkuha ko ng ika-sampung token napako ako sa kanyang mga mata.

Parang may kung anong nagpahinto sa bawat sandali. Parang may sumigaw ng:
“TIME SPACE WARP NGAYON DIN!”


At bigla akong nabato-balani nang mapansin kong pereho pala kami ng kulay ng damit. Pink na t-shirt din ang suot niya.


Nang mabasa ko ang naka-print sa harap mas lalo akong naloka: “IM PROUD TO BE GAY”


“Real men wear pink pala ha?”
bulong ni Russel sa akin na nagpagising sa inaantok kong diwa.





Read more...

3 komento:

budeeth July 28, 2010 at 7:07 PM  

paulkian, astig nmn mga entries mo... kakabasa ko lng ng pink... grabe, ang ganda ng phasing, tuloy-tuloy... nice!!! go... wait ko ung chap 4.. heheh...

wangshiishii July 28, 2010 at 7:09 PM  

im an instant fan!

funny yung story and the best part is it can happen to others. i'll be reading your other blogs (any suggestion where to start kasi this is the 1st blog mo na nabasa ko?)

(i love the part when you said “TIME SPACE WARP NGAYON DIN!”, i grew up with that show with my bothers) hehe


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP