Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Wednesday, February 02, 2011

Have you ever felt the same? (CHAPTER 14: “MAZE”)

(AKO SI DESTINY 2)
Have you ever felt the same?
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/

Binuksan ang mga pinto At bintana nang ito ay magkusa Na matunton ang kanyang paglaya. Ngunit nalito at walang- Direksyong lumipad- Lipad sa pagnanais na makalabas - INTENSYON, Reuel Molina Aguila (Oct 21, '09)


CHAPTER 14: “MAZE



Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin alam ang direksyon na patutunguan ko. Basta ang alam ko magulo ang buhay ko ngayon. Sabi nga nila ang buhay daw ay maihahalintulad sa isang maze. Isa itong kumplikadong sanga-sangang daan na kung saan kailangan mong hanapin ang tamang ruta palabas. Minsan may mga twist. Minsan naman isang tingin mo lang alam na ang daan papuntang dulo. Ngunit kapag nagkamali ka maaari kang makulong sa dead-end at wala kang choice kundi bumalik mula sa simula.

Anong gagawin ko? Kailangan ko bang bumalik sa puno't-dulo ng lahat? From the start? Kailangan ko bang lumingon? Back to zero?

Humahangos at buti-butil ang pawis kong kinatok ang pintuan. Ito ang kanyang tahanan. Gulat na gulat siya na ako ang nasilayan niya sa labas ng kanilang munting garahe. Nabanaag ko sa kanya ang pagaalala. Siguro nasilayan niya kasi sa akin ang pinaghalong lungkot, takot, at pangamba. Totoo, nangangamba ako. Nagaalala ako sa mga susunod na mangyayari. Sa mga susunod na kaganapan sa buhay ko.

"kailangan kita, tulungan mo ako..." pagmamakaawa ko sa kanya.

Dali-dali siyang lumabas ng bahay. Kahit nakatapis lang siya ng tuwalya at mukhang hindi pa natatapos maligo, pinagb uksan niya ako ng gate. Hindi ko napigilan ang aking sarili. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hinagkan na parang wala nang bukas. Dinama ang basa niyang katawan. Walang anu-ano'y hinatak niya ako papasok sa loob. At doon ko sinimulan ang kuwento.

Hinayaan niya lang akong magtangis. Bawat patak ng luha ko'y sinalo niya sa pamamagitan ng kanyang kaliwang palad. Hindi niya alintana ang sabon na namuo na sa kanyang buhok. Pinakinggan niya ako. Inunawa. Dinamayan.

Pagkatapos ng mahabang kuwento, tinawanan niya ako. Hindi daw bagay sa akin ang tume-teleserye. Natawa din ako sa term na ginamit niya: "tume-teleserye" , parang nahiya akong bigla sa kanya.

Bigla siyang tumayo upang kumuha ng shorts. At sinimulan niya ang kanyang mga litanya:

"Dapat matuto tayong magmahal na walang hinihiling na kapalit. That way, magkakakulay ang mundo. Kasi minsa n we're expecting for something na gawin din sa'tin ng gusto, partner, kaibigan, o ng pamilya natin. Kung ibinili ka, dapat ba bilhan mo rin siya? Sabi nga nila ang isang sutil na anak ay mauuntog din sa hindi pagsunod sa payo ng magulang kapag napaso na siya sa lahat ng mga ginagawa niya at wala siyang magagawa kundi bumalik sa nanay at tatay niya at mahalin sila ng tapat. Darating ang time na maiisip nila 'yun, dadating 'yung panahon na mauunawaan nila.. kung hindi man baka hindi pa sa ngayon."

Malalim. Makahulugan. At makabuluhan. Hitting two birds in one stone ang mga payo ni Jerome. Sapul na sapol. Mapa-Russel man o mapa-pamilya. Isa lang ang tinutumbok.

Hindi ako nagkamali ng pinuntahan. Alam kong matutulungan ako ni Jerome. Siya lang ang kauna-unahang taong pumasok sa isip ko nang tuluyan akong kumawala sa bahay. Alam kong mauunawaan niya ang pinagdaraanan ko. Buong lugod niya akong pinatuloy na tahanan nila. Ipina-cancel niya pa nga ang lakad niya para ang makinig sa akin.

"Salamat Jero..."

"Ano
ka ba... Wala 'yun... kaibigan mo ako. Alam mo 'yan."

Niyakap ko ulit siya ng mahigpit. Sinuklian naman niya ako ng mas mahigpit pang yakap. Ramdam ko ang katapatan ni Jerome. Puro simpatiya, walang halong kaplastikan.

"Salamat sa pakikinig... Maswerte magiging lover mo sa'yo..."

"Ngek! Kung sino man 'yung mokong na 'yun sana dumating na siya kasi naiinip na ako." tugon niya habang natatawa.

"Wag mong hintayin, wag mong hanapin. Bigla na lang bubulaga 'yun sa'yo. Kakatok sa pintuan mo. Papaligayahin ka."

"Katulad ng pagkatok sa pintuan ko kanina?" banat ni Jerome

"Loko-loko! basta dadating din 'yun..."

"Asa pa ako, manlilimos na lang ako ng pag-ibig. haha!"

"Shonga! pinagpapaguran ang tapat na pagmamahal, pero hindi ka nagmahal para manlimos.. kundi para mahalin din at pahalagahan. Oha! Sige na nga alis na ako... Dadaan muna ako kay Jhen sa ospital..."

"Ingatan mo sarili mo ha... 'di pa katapusan ng mundo. Baka isang araw paparating na siya. Tapos nasira na buhay mo, paano na 'yung taong 'yun diba? Malay mo bukas-makalawa makasalubong mo siya, tapos hindi mo napansin kasi lumulutang ang isip mo sa kawalan dahil may iniisip kang iba. O kaya makasakay mo siya sa jeep, tumabi na pala siya sa'yo at tnitingnan ka na niya pero dedma ka parin kasi nga iba ang laman niyan. Basta marami pang pwedeng maging bahagi ng buhay mo... Nandito ako. Nandiyan ang pamilya mo. Kaya bumalik ka sa kanila pagkatapos mo kina Jhen ah..."

May kung anong hatid na pag-asa ang mga salita ni Jerome.

"at 'wag ka magalala, hindi ka nila magagawang itakwil Luis..." pahabol ni Jerome habang papalabas ako ng bahay niya.

Sana nga ganun lang kadali lutasin ang lahat. Sana isang kumpas lang maging maayos na ang lahat.



Hindi ako dumiretso sa ospital na pinag-dudutihan ni Jennifer. Naiba ang plano kong bigla. May isa akong taong dapat puntahan.

Bumaba ako sa Memorial Park. Isang sakay lang ang layo nun sa bahay nila Jerome. Kakaibang ambiance na naman ang sumalubong sa akin. Tulad ng dati. Tahimik pero hindi nakakatakot. Nakakabingi ang katahimikan ngunit sadyang musika ang huni ng mga ibong nagliliparan sa paligid.

Bakit ako nandito? Hindi ko alam kung bakit. Ganun ba talaga? Kailangan ko ba talagang bumalik dito upang hanapin an g nawawalang sarili?

Nilakad ko ang kahabaan ng memorial. Tanaw ko ang kalayuan ng puntod ni Lance. Sa tabi nun may isang lalaki na paalis. Mapormang hindi katangkarang lalake. Hindi naman kalabuan ang mata ko kaya napansin ko siya. Bago pa man ako makarating sa kinatitirikang lapida ni Lance, nakaalis na siya palabas ng sementeryo. Nakakapagtaka. Iniwanan niya ng bulaklak ang puntod ng ama ni Lance. Halos magkatabi lang kasi ang labi nilang mag-ama kaya napansin ko ang namumukod-tanging mga orchids.

"Baka siguro kamag-anak nila..." bulong ko sa aking sarili.

At bago pa may sumagot na "Oo, kamag-anak namin 'yun" sumalampak na ako sa damuhan. Hinipan ko ang lapida ni Lance upang magliparan ang mga natuyong dahong tumatakip sa kanyang pangalan. Sabay hugot n isang malalim na buntong-hininga.

"Lance..."

Kinilabutan ako sa inusal kong pangalan. Ngunit hindi katulad sa mga horror na pelikula. Walang nagpakitang kaluluwa. Hindi umihip ang ulap ng malamig na hangin. Patuloy parin ang mga ibon sa pag-kanta. Positibo lahat ng aking nakikita.

Hindi ko siya kinausap. Mas pinili kong respetuhin ang nananatiling katahimikan sa buong paligid. Ayaw kong basagin ang sandali. Siguro, alam ko sa sarili ko na kasalanan ko rin. Siguro nga hindi nagkulang ng paalala si Lance. Paalala sa pamamagitan ng mga panaginip.

“Luis ‘wag mo na ako hintayin, makakaabala lang ako sa’yo…”

“Ano ka ba naman? Kahit kailan hindi ka naging sagabal sa’kin, kaya sige na aantayin kita dito okey?”

“Luis? Please??? Wag na.”


Nagbalik-tanaw na naman sa akin ang nakaraan. Ang nakalipas na kung saan umaasa akong may "pag-asa" ako sa kanya. Ilang taon ang lumipas. Nag-iba ang ikot ng mga buhay namin. Ayoko na sabihin ulit ang mga 'yan kay Russel o sa mga susunod pang mga taong magiging parte ng buhay ko.

Nagpaalam ako kay Lance ng may ngiti sa aking mga labi. Hindi ko hinayaang may isang luhang pumatak mula sa namamaga ko pang mga mata.

"Hinding-hindi na ako iiyak..." Determinado. Iyan ang pangako ko sa sarili ko.

Sinimulan kong bumiyahe papunta sa ospital. Kailangan kong tumawa kasama si Jhen. Tulad ng dati wala akong balak magkwento sa kanya ng mga kaganapan sa pagitan namin ni Russel. Hindi na siguro niya dapat malaman. Tama nang kay Jerome ko binuhos lahat ng emosyon. Si Jhen ang tamang nilalang para sa pagpapayo patungkol sa mga isyung pampamilya. Family-oriented din si Curacha. Hindi lang halata pero mahal na mahal niya ang pamilya niya.

Tiyak masosorpresa 'yun kasi sa kauna-unahang pagkakataon susunduin ko siya mula sa trabaho. Matagal na niyang hinihiling 'yun sa akin.

Bumaba ako sa tinda han na halos katapat lang ospital. Hindi nagre-reply ang gaga sa mga text ko. Tinatawagan ko , out of coverage naman. Siguro wala ng battery ang telepono niya.

Pinagnilayan ko ang mga payo ni Jhen sa akin...

“Alam mo Luis, ang pagbubukas ng lata gamit ang can opener ay parang love lang… kung first time mo at wala kang alam, malaki ang chances na masugatan ka. Pero kapag alam mo na kung paano, kahit nakapikit ka kayang-kaya mo na…”

Naalala ko ang unang pagkakataong mahulog ng todo-todo ang loob ko kay Lance. Sabi ko nga, first time ko pa naman main-love tapos masasaktan pa ako. Ngayon, muli akong nasugatan. Kailan ba ako matututo sa mga katangahang ganito?

"...kung hindi man lumambot ang mga puso nila at matanggap ang tunay mong pagkatao, darating ang time na matatanggap din nila yun… basta palamigin lang...."

Halos pareho lang ang sinabi noon ni Jhen sa akin sa mga binaggit ni Jerome kanina. Parang continuation lang ng season 1. Para ngang nagusap ang dalawa. At dahil season 2 na daw, kailangan ko na magisip-isip. Ito daw ang twist.

Naiinip na ako. Kinse minutos na akong nakatambay sa tindahan. Hindi parin lumalabas ang kaibigan kong nurse. Hindi ko na yata siya naabutan. Siguro maaga siyang lumabas at hindi kami nagpang-abot. Nag-set na ako ng utak ko na uuwi akong lugami parin. At mukhang sasarilinin ko ang problema.

Napagdesisyunan ko nang umalis na lang at dalhin mag-isa ang bigat sa aking loob. Ngunit saktong pagtayo ko lumabas si Jennifer mula sa exit ng ospital. Nagmamadali. Pupuntahan ko na sana siya upang salbungin ngunit napatigil ako sa aking kinatatayuan. Napigilan ako nang makita kong palabas din mula sa ospital ang kapaitid niyang si Andrei. Mula sa sulok ng tindahan, ako'y nagkubli.

Pinanuod ko si Andrei habang niyayakap niya ng mahigpit ang kanyang nakakabatang kapatid. Masyado silang malayo kaya hindi ko mapansin kung ano bang eksena ang mayroon. Ngunit alam ko. Hindi ako nagkakamali, umiiyak silang pareho.

Hinayaan ko na lang silang dalawa. Napagdesisyunan kong 'wag na lang magpakita. Ayoko nang dagdagan pa ang problema ni Jhen. At ayoko ring mag-krus muli ang landas namin ni Andrei. Kung ano man 'yun, siguro mas mabuting hindi na lang ako makialam. At hindi ko na siguro pa dapat malaman.

Pero minsan kahit hindi ka interesadong alamin ang katotohanan, pilit ipapamukha sa'yo ang dapat mo malaman.

Biglang lumabas sa ospital si Russel. Pagbitaw ni Jhen mula sa pagkakayakap sa kanyang kuya Andrei, sinalubong naman ni Russel ng yapos ang nagtatangis na lalaki. Si Russel at si Andrei. Nagyakapan. Huli!

Naguluhan akong bigla. Close sila? Ang sa akin lang, bakit hindi ko alam? Kailan pa?

Parang paglalaro ng isang nakakalitong maze. Tulad ng pag-resolba sa isang puzzle o kaya ng panghuhula sa mga riddles. Maaari kang humingi ng tulong sa iba. Maaari kang humingi ng hint sa mga bugtong na pinapahulaan sa'yo. Ngunit sa bandang huli, ikaw pa'rin ang magiisip ng solusyon. Ikaw pa rin ang gagawa ng hakbang upang malutas ang mga suliranin na dinadala mo. Hawak mo ang buhay at ang tadhana mo. Ikaw si DESTINY. Ngunit kapag ang pira-pirasong puzzle ay nabuo, at kapag ang dulo ng maze ay narating mo, at kapag nasagot mo na ang magkaka-tonong bugtong, alam kong mapapakamot ka na lang ng ulo.





Read more...

11 komento:

Anonymous,  February 2, 2011 at 4:47 PM  

I am such an AVID fun of yours! Ang galing na writer.... sana publish na book... =)

treb-comcast,  February 3, 2011 at 11:10 AM  

wow.. what's next?? napapadalas na ah.. still waiting for your next post.. J L Tiongson M ... :)

tristan February 3, 2011 at 2:52 PM  

don't tell me may relasyon o fucking buddy cna andrei and russel? excited na q malaman ang katapusan...

qzionejake February 4, 2011 at 10:04 AM  

cant wait for the next part...txt mu naman ako minsan...frnds tayo...09339759888

Anonymous,  February 7, 2011 at 1:37 AM  

Grabeh... Bawat chapter, may natututunan ako... Ang galing mo paulkian, sana madalas ang paggawa mo ng mga kwento.. Humahanga po talaga ako.. Parang ang lalim mong tao, bawat eksena pinagiisipan talaga, ung tipobg d mo palalagapsin bawat linya dahil napakaganda ng nais iparating sa mga mambabasa.. The best ka!


Dj

Anonymous,  February 8, 2011 at 7:57 AM  

kahapon ko lng n open site mo pro halos di n ako ntulog s kababasa ng mga soyries mo. please i post mo agad n katuloy ng stiory ni luis.... kawawa nmn n ngyari s buhay ni lance.. sna masaya cya kung san mn cya naroroon.

Anonymous,  February 10, 2011 at 3:03 PM  

kilala mu ba si mikejuha ??
kc ang gaganda rin ng mga kwento nya ee ! ung ang kuya kong crush ng bayan ang ganda nun nbasa ko lng mga kwento nyu sa cummonbaby .blogspot.com ee ! alam mo ba ang kanyang blog ?? thank`s mor power ! paki bilisan na ung next stories ! wag muna ending kawawa nmn c lance kala ko pa nmn xa na ung pinaka bida sana mabuhay xa kunwaring patay lng !!

sungetghurl25 February 11, 2011 at 12:42 AM  

grabe wag mong sabihing si luis ay namatay rin ha.....
masayado ng malungkot kung ganun tatakbo ang storya

Anonymous,  February 11, 2011 at 12:44 AM  

grabeat eber, wag muong sabihin natay din si luis sa story..masayado ng malungkot...

Anonymous,  February 13, 2011 at 9:51 AM  

what?? mgkakaroon ng ako si destiny 3??
follower talga ako ng nobelang to.. breath taking hehehe...

job well done paulkian... frustrated writer din kasi ako..

Krys Tan,  May 27, 2011 at 11:32 PM  

Paul Kian

ang galing talaga ng mga twist!
grabe!
pang telenobela, pang primetime!
astig!

sana lumigaya na si Luis at Jerome
who knows, sila pala para sa isat isa

Krys Tan


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP