Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Saturday, December 13, 2008

Have you ever felt the same? (CHAPTER 1: "REUNION")


(AKO SI DESTINY 2)
Have you ever felt the same?
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


“Whatevers meant to be will find a way”


CHAPTER 1: “REUNION”




“Have you ever felt the same?” tanong ko sa kanya.

“Ang alin?” insensitive naman niyang sagot sa’kin.


“Do you love me?”

Katahimikan lang ang namutawi at namayani sa kanyang labi. Biglang nagulo ang k
aninang maayos niyang reaksyon.

“Say it… say it…” insist ko
sa kanya habang hawak-hawak ko ang kanyang kamay.

Muli kong inulit ang tanong upang muli at taimtim itong rumehistro sa kanyang utak.

“Mahal mo na rin ba ako?”

Ngunit parang pinagsisihan ko kung bakit pa ako nagtanong sa kanya. Hindi ko alam ku
ng magiging masaya ba ako sa itinugon niya.

“I care for you very much, but I’m just not ready to say love yet
… nauunawaan mo ba ako?” ito lang ang reply niya sa mga “pathetic” kong mga tanong.


Paulit-ulit. Replay ng replay sa isip ko. Walang humpay ang pag-rewind. Iyan ang mga katagang nagpalinaw sa dating “malabo” kong panana
w at pag-aakala.

Nang dahil doon, nakita ko na lang ang aking sarili sa lugar na minsan na naming na-tambayan
. Dinama ko ang bench kung saan kami naupo, masaya, at naghalikan. Kung hindi ko ba binigyan ng malisya ang lahat, aabot ba kami sa ganito?

Unti-unting umukit sa puso ko ang hapdi at sakit. Dahan-dahan ko ring inukit ang tanong na nagpaiyak sa akin ngayon: HAVE YOU EVER FELT THE SAME? Inukit ko ang katagang ito sa kahoy na aking inuupuan at umaasang muli niyang sasagutin ito ng naaayon sa aking nararamdaman.

Kasabay ng pagpatak ng
aking luha muli kong inalala ang naging simula. Sa paghagulgol ng aking damdamin, ang hudyat ng mga naging umpisa ng kaganapan:





(Naaliw ako sa mga taong nakikiusyoso sa gitna ng daan. Tao nga naman, likas na tsismoso. Nakakaintriga na talaga kung ano ang kaganapan dun. Parang may naaksidente yata. Parang may nasagasaan. Bigla akong kinilabutan. Napakabilis bawiin ng Ama ang buhay. Sa sandaling ikumpas Niya lang ang kamay Niya, kahit hindi ka pa handa mawawala ka sa mundo. Kapag tapos na ang nakatakdang layunin mo, wala ng extension pa.

Nakasalubong ko ang mga babaeng nagtatakbuhan papalabas ng dorm. Nakakakilabot ang bawat hangos nila. May umiiyak. Meron din namang parang tuliro. Yung isa may isinisigaw. Malabo yung mga salita kaya hindi ko masyadong maintindihan. Ngunit habang papalapit na sila sa akin luminaw din ang mga salit
ang nais niyang pakawalan.

“Si Lance ‘yun!!! Si Lance!!!”

Napahinto ako sa aking paglalakad papasok ng dorm. Tama ba ang narinig ko?

Muling inulit ng babae ang isinisigaw niya:

“Si Lance ‘yun!!! Si Lance!!!”

Bumilis ang pintig ng aki
ng puso. Sa sobrang lakas ng tibok nito halos nabingi na ang tainga ko sa paligid. Hindi ko alam kung anong puwersa ang humatak sa katawan ko upang magtungo sa kumpulan ng mga tao sa daan. Kinukutuban ako ng masama. Nakikipagsabayan ang kulog sa pabilis na pabilis na pump ng aking puso.

Sinilip ko kung ano ang mayroon. May isang lalaking nakabulagta
at duguan. Hindi ko makita. Masyadong marami ang tao. Halos hindi na nga mahulugan ng karayom ang daan sa sobrang dami ng usisero. Hindi ako nagpapigil. Kailangan ko siyang makita. Nakipagsiksikan ako sa mga tao. Buti na lang nagpaubaya silang magparaan upang makapunta ako sa harapan.

At hindi ko inaasahan ang aking nakita. Nangatal ako. Nanginig ang buong katawan ko. Nanlamig ang pisngi ko.

Tumingin ako sa mga taong
nakapaligid. Halos walang reaksyon ang mga mukha nila.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Totoo ba ‘to? Bakit may mga dugo?

Muling kumulog ng malakas. Biglang pumatak ang luha mula sa aking kaliwang mata. Dahan-dahan akong lumuhod at pinakiramdaman k
o ang lalaking nakahandusay sa semento. Kilala ko siya. Bakit nandito ka? Anong ginagawa mo rito?

Niyakap ko siya ng mahigp
it. Halos ipininta na ang kanyang dugo sa buong katawan ko dahil sa higpit ng pagkakahagkan ko sa kanya. Hindi pupwede ‘to! Hindi ‘to totoo! Hindi nangyayari ‘to!



”LAAAAAAAAANNNNNCCE!!!”



Dumagundong ang kulog. Biglang bumuhos ang malakas na ulang nagpahawi sa mga tao sa p
aligid namin ni Lance. Hindi ko siya iniwan sa gitna ng daan. Niyakap ko siya ng mahigpit habang nakikiayon ang langit sa bawat hagulgol ko.

“Lance, wag mo kong iiwan…bumangon ka diyan…” tanging naibulong ko sa kanya.

Ngunit hindi ko magising ang kanyang ulirat. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanyang kamay.

“Tulungan niyo kami! Tumawag kayo ng ambulansya!!!”

Parang walang naririnig ang mga tao. Mas malakas pa yata ang patak ng ulan kaysa sa sigaw ko.

“Nandito na ako Lance… wag mong ipipikit ang mata mo…”

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Kasabay ng paparating na ambulansya, umalingawngaw ang boses ko sa daan.

”LAAAAAAAAANNNNNCCE!!!”

At tuluyan na siyang bumitaw mula sa pagkakakapit. Tuluyan na niya
akong iniwan.)




“LANCE!!!”

Nagising ako sa isang bangungot. Paulit-ulit ko na lang itong napapanaginipan. Parang naka-record na yata ang nightmare na ito sa aking gunita, sa likod n
g aking makasaysayan at malungkot na nakaraan.

Simula nung namatay si Lance hindi na ako tinantanan ng kanyang ala-ala. Buhay na buhay pa rin ang mukha niya sa isip ko. Hindi ko lang lubusang maunawaan kung bakit sa akin pa siya madalas magparamdam sa pamamagitan ng panaginip, gayong alam ko naman
na kahit minsan hindi niya ako minahal nung kami’y magkasama pa. Siguro ito lang ang natatanging paraan na kaya niyang ipakita. Siguro ito ang paraan niya ng pasasalamat sa lahat ng nagawa ko sa kanya. O baka siguro lagi lang siyang laman at bida sa aking tangang subconscious mind. Kung ano man ang dahilan, thankful parin ako kasi kahit dalawang taon na siyang wala parang nandiyan lang siya lagi.

“I’m sorry lance, bigla na lang akong nawala…”
Parang isang maikling panalangin ang sinambit ko habang bumabangon sa aking kama.

Kung babalikan, masakit para sa akin ang biglaang pagkamatay ni Lance. Umuukit pa rin sa dibdib ko ang sakit. Nakapanghihi
nayang. Wala kasi kaming closure sa kung ano mang namagitan sa aming dalawa. Alam ko naman kasi na masaya siya kay Russel kaya naman nung mga oras na nakita kong magkayakap sila ni Lance sa dorm niya, hindi na ako nang-istorbo pa. Sino ba naman ako para pumutol sa mga sandaling iyon? Ang natatanging inisip ko na lang ay magiging kampante na ako dahil hindi siya kinalimutan ni Russel. At naniniwala ako na sa kabila ng pangingibang bansa niya, magiging matatag pa rin ang relasyon nila dahil ang bottom line: MAHAL NILA ANG ISA’T-ISA. Samantalang ako? Heto, ako lang ang nagmamahal. Kaya naman walang silbi pang ipagpatuloy ang nais ko kung ako lang ang may nararamdaman.

Ibinurol at inilibing si Lance na walang Russel na dumating. Kahit anino niya hindi nagpakita. Hindi man lang nagbalik-bayan si Russel upang masulyapan sa huling pagkakataon ang “mahal” niya. Parang mali yata ang paniniwala ko na hindi niya kakalimutan si Lance. Minsan gusto kong isipin na puro huwad at pagbabalat-kayong pagmamahal lang ang ibinigay niya sa taong napakahalaga sa akin ng higit pa sa buhay ko. Hindi man lang niya nagawang mangamusta noong kapanahunang burol ng boyfriend niya. Puro sama ng loob at poot ang idinulot noon sa akin. Galit ang naramdaman ko kay Russel noong mga panahong hindi siya sumipot bago ihatid sa huling hantungan si Lance. Dulot ‘yun lahat ng pang-dededma niya. Hindi na siya nahiya. Hindi na siya nakonsiyensiya. Parang gusto ko siyang tawagan at sabihing: “Hello?!! Okey ka lang? boyfriend mo kaya yun!” Siguro nga kung gusto mo, maraming paraan. Kung talagang mahal mo, kahit ilang dagat ang pagitan niyo gagawa at gagawa ka ng paraan upang makasama mo siya. Mahal mo yun eh! Hindi ko naman sinasabing hindi mahal ni Russel si Lance, ewan ko sa gagong ‘yun. Hindi ko naman siya kilala. Pero siguro marami ring dahilan kung bakit hindi siya sumipot. Pero kung ano man ‘yun, tiyak hindi ‘yun reasonable. Simple lang naman ang pinakita niya. Kaya hindi kumplikado upang maunawaan ng lahat. Maging si Jhen nagulat dahil nang tawagan niya si Russel para balitaan sa masamang nagyari, hindi na daw nagsalita ang gago at binabaan pa siya ng telepono. Huwag lang siya magpapakita ngayon at baka masapak ko lang siya, makaganti man lang si Lance sa ginawa niyang pagkalimot.

Tulad ng laging nakagawian bago lumabas ng kwarto, chineck ko muna ang mga mensahe sa aking cellphone. 2 messages received. Isang quotation mula sa isang kaibigan:

“Juliet wasn’t Romeo’s first love. It was a girl named Rosaline. He adored her so much but fell instantly with Juliet. That’s how uncertain love is. The person we
think are meant to us are really just instruments to find the one’s destined for us…”

DELETE! Hindi naman kasi a
ko mahilig magimbak ng mga quotation sa cellphone kaya burado kaagad ‘yan sa telepono ko. Ang isang mensahe naman ay mula kay Jennifer, sabi niya:

“papa luis, bertdey ni lanc
e ngaun ah? Nklimutan m noh? Ddlaw k b sknya? Kng ddlaw k sbay natau ha? Kta nlng tau sa sm dasma ok?”

Shet! Nov. 18 na pala nga
yon! Oo nga pala! Kaya pala napanaginipan ko siya. Kaya pala.

Nagmamadali akong lumab
as ng kwarto upang makapag-almusal at mag-gayak na rin. Buti na lang pala pumayag ako na makipag-palit ng rest day sa nag-rerequest na ka-team mate ko. Ito pala ang dahilan. Pagbukas ko ng pintuan bumungad sa akin ang masayahing aura ng aking ina.

“Oh anak? Hindi ka na yata natutulog? Simula nung nag-call cente
r ka parang hindi na uso sa’yo ang matulog…”

“Dadalawin ko po kasi Lance mamaya… Birthday niya po ngayon…”

Nagtuloy-tuloy ako sa may lababo upang makapag-hilamos at toothbrush na rin. Si nanay halatang namimiss ako kakwentuhan dahil talaga namang sinundan pa ako sa may kusina habang dumadaldal na naman ng walang humpay. Madalas kasi kaming hindi maabutan ang isa’t-isa sa bahay dahil pareho kaming busy sa kanya-kanyang trabaho.

Halos mabulunan ako sa sipilyong gamit ko nang bumanat ang nanay ng isang pampagising sa aking umaga.

“Hay nako anak ha? Mukhang napapadalas ang dalaw mo kay Lunch na yan ha?”

“Inay hindi po Lunch, tanghalian po yung lunch… Lance po…Lance
… “

“Hay nako anak, pareho lang naman yun, magkatunog din naman… Minsan naman sabihin mo sa kanya na siya naman ang dumalaw dito para maiba naman…”

“Si nanay talaga mapag-biro…”


“Joke lang anak, pakisabi kay Lance joke lang din at baka totohanin nga niya…at multuhin ako nun…ha!ha! Sino kasama mo niyan? Ikaw lang ba mag-isa dadalaw
doon?”

“May usapan po kami ni Jhen, baka sa Robinsons Palapala na lang po kami magkita… ay, sa SM dasma po pala…”

“Si Jhen ba kamo? Yung bakla?”

“Nay, ayan ka na naman babae kaya yun si Jhen…”


“Anak hindi ako nagbibiro! Diba binabae yun?”


Simula nung yumao si Lance naging close na kami ni Jhen. Siguro dahil nawalan siya ng isang matalik na kaibigan kaya ako ang pumalit sa pwesto ni Lance bilang bestfriend niya. Madalas din tumambay si Jhen sa bahay lalo na kapag wala siyang duty sa ospital. Kaya naman kilala siya nina nanay at tatay. Sa katunayan nga close din sila ng kapatid ko.

“Babae po yun nay, mukha lang bakla kasi mga kaibigan nun mga bading…”

“Babae siya? Ows? Hindi nga?”

“Oo nga po…”


“Huwag mong sabihing bading ka din kasi kaibigan kamo nitong Jhen puro binabae?”


Nakakagulat na tanong ng ina ko habang nanlalaki pa ang mata.

At bago pa kung saan mauwi ang usapan. Iniba ko na ang direksyon ng conversation naming mag-ina.

“Hay nako nay ang aga-aga para kayong naka-shabu, sige na po pumasok na kayo sa opisina niyo… teka? Nasaan po ang tatay?”

“Ano ka ba naman anak? Eh ‘di natural pumasok sa trabaho…ikaw yata ang nakashabu eh.”

“Eh akala ko ba mag-reresign na daw siya?”

“Alam mo naman ang tatay mo kapag nalalasing daig pa ang mga
pulitiko kung mangako tapos hindi naman tutuparin…”

“Asus…O sige nay ingat ka ha?, sana makarami ka ng benta ngayon sa palengke…”

“Sureness yun anak!!!”


“Bye nay, mwaaaaah!!!”
Pabaon ko sa kanya bago siya umalis ng bahay.

Binuksan ko ang nakatakip na plato sa hapag-kainan. Sinangag at cheese dog ang naabutan ko. Tamang-tama ito para malagyan ng laman ang tiyan ko. Kaing sundalo na ang ginawa ko. Kaya naman mabilis kong naubos ang natirang pagkain sa lamesa.

Dumiretso kaagad ako sa banyo upang maligo. Nako! Hindi dapat ako malate sa pagkikita namin ni Jhen, dahil kapag nahuli ako tiyak na bubungangaan na naman ako nun.

Sa ikatlong buhos ng tubig sa aking katawan nakarinig ako ng katok sa pinto ng banyo.

“Kuya? Kuya?”

“oh bakit???!”


“kuya, pautang naman ng 300? May bibilhin lang ako… pleeeeeeaaaase???”


“Asus? Pautang? Kailan mo ba binayaran ang mga inutang mo?”

“Sige na kuya, may program kasi sa school eh… “

“Oh sige na nga, kuha ka na lang dun sa wallet ko, nakapatong dun sa may tukador…”


“Talaga!!!??? Thank you talaga kuya! Ang gwapo-gwapo mo talaga!!!” pasasalamat ni utol habang kinakalabog ang pintuan ng CR.

“Sige na ‘wag mo na ako bolahin…”


“Teka lang kuya, nag-text pala sa’kin si Ate J
hen…”

“Oh ano daw sabi?” pagtatakang usisa ko sa kanya.

“Bakit daw hindi ka nag-rereply sa text niya?”

“Text mo naman, sabihin mo wala ako load, kita na lang kamo kami dun sa SM…”

“Okey sige… bye kuya… bilisan mo na maligo at magagalit na sa’yo ‘yung girlfriend mo!”

“Hoy! Hindi ko gf ‘yon noh?”

“Whateveaaaah!!!”
sabay sibat ng mapang-buska kong utol.

Siya si Lara, ang nakakabata kong kapatid. Tatlong taon ang tanda ko sa kanya kaya naman hindi malayo ang loob namin sa isa’t-isa. Close kami simula pa nung mga bata pa lamang kami. Ngunit sa kabila ng pagiging vibes namin, hindi niya rin alam ang tunay kong pagkatao. Gustuhin ko man kaso nagdadalawang-isip akong sabihin kasi baka kapag nalaman niya na ang kaisa-isang “kuya” niya ay isa pa lang “ate”, baka mawalan siya ng respeto sa akin. At saka baka isumbong ako kina nanay, at lalo na kay tatay. Nako! Kapag nagyari yun baka hindi na ako makalabas ng bahay.

Pero siguro tulad ni nanay na madalas may mga padale sa sekswalidad ko, may hint na rin siguro si Lara. Baka nga nahihiya lang siyang i-confront ako kung ano ba talaga ako kasi ng
a kahit papaano may respeto parin siya sa’kin bilang kuya niya. Kung ano man ang hinala nila, alam ko nararamdaman nila ‘yun kasi sila ang pamilya ko.

Hindi naman kasi ako translucent sa kanila. Kung ano ako, iyon din ang nakikita nila. N
apaka-transparent ko pagdating sa pamilya ko. Mahahalata talaga nila sa mukha ko kung ano mang emosyon ang nararamdaman ko sa kasalukuyan. Minsan nga kahit magpanggap akong masaya, napapansin parin ng itay na malungkot at may dinadala akong problema. Ewan ko ba! May mga lahing psychic yata yung pamilya ko. Kaya naman walang puwang ang pag-tatago ng kinikimkim sa bahay dahil sisingaw din ‘yun at maaamoy nila. Yung kabadingan ko kaya naamoy na rin kaya nila?



Sarado pa ang SM nang dumating ako. Alas-otso pa lang kasi ng umaga. Buti na lang at naunahan ko si Jhen. Maya-maya lang ay dumating na ang babaeng bakla. Segundo lang ang pagitan. Buti naman at hindi nagtagal at baka malanta na ang dala kong bulaklak.
“Tara na?!” bungad niya sa akin.

Si Jennifer ang pinakamagandang halimbawa ng “babaeng walang pahinga”. Kaya nga siya na ang binansagan kong CURACHA ng makabagong henerasyon. Paano ba naman, parang hindi rin uso sa babaeng ito ang matulog o umidlip man lang.

“Galing duty?” tanong ko kay Curacha.

“Obvious ba? Ang toxic nga Papa Luis, pero kiberberichinah lang!”

“Kiberberichanah??? Putsa ano yon?”

“Duuuuhhh??? Bakla ka ba talaga? Lenggwahe mo ‘di mo nyora?”


“Bakit kapag ba bading ka kailangan kabisado mo mga ‘yun o dapat ba bihasa kang mag-gay lingo? Kung anu-ano natututunan mo sa ospital…”

“Keti?!! Wichickles na nga neng! Ang dami mong kaechusan… so, kamusta ka naman friend?”
segue way ng kaibigan kong mas bakla pa sa’kin.

“Heto busy rin sa work… laging graveyard. Kainis nga eh, wala na akong nightlife.”


“Night life? Define night life? Ano ka bampira? Nagaambisyon ka pang magka-night life! Pa-call center-call center ka pa kasi ayan ang napala mo, magdusa ka! sayang naman kapatid yung titulo mong: AB-MASS COMMUNICATION chorvanels...”

“Wala ngang pakialamanan ng career…”

Well, may point din naman si Jennifer a.k.a. Curacha. Wala naman talaga akong balak mag-tagal sa ganitong trabaho. Pero, hindi ko rin masasabi. Mahirap magsalita ng tapos.
Masaya din naman ako sa work ko kahit maraming pressure at nakakatulilig ang boses ng mga nagrereklamong mga kanong customer. Ang mahalaga, hindi ako pabigat sa bahay at nakakatulong ako sa mga gastusin kahit papaano.


“Ma, bayad po dalawang memorial…” sabay abot ko ng bayad sa driver.

“Buti na lang dito ipinalibing ni tita si Lance noh?” entrada ni Jhen.


“Oo nga eh, anytime pwede natin siya dalawin…”

“Good thing na lahat ng kamag-anak nila nandito sa Cavite…”

“Bakit ba kasi hindi na lang dito tumira si tita? Kaysa naman nagiisa siya dun sa Bulacan…”

“Aba! Malay ko, Malay mo, malay nating lahat… Malaysia!!!”

Gaga talaga ‘tong si Curacha, napalakas ang sigaw niya ng Malaysia kaya naman napatingin sa aming lahat ang mga pasahero. Kahit talaga
puyat ‘tong si Jhen parang mas energy mas happy parin ang loka.

Sa isip-isip ko maligaya din si Lance at dito siya hinimlay sa Dasma. Minsan na niyang nabanggit sa akin na mahal na mahal niya daw ang Cavite. Kahit daw lumipat na sila ng tirahan at for good na sa Bulacan, mas pinili pa rin niyang mag-aral dito. Mas nanaisin niya pang mag-stay sa bayan na kung saan nakahanap siya ng mga tunay na kaibigan at wagas na pag-ibig.



Limang minuto lang ang binuno namin upang marating ang memorial. Tulad ng inaasahan isang napaka-solemn na paligid ang bumungad sa amin ni Jhen. Tahimik, tipong peaceful ngunit hindi

malungk
ot. Tanging mga huni lang ng ibong nagliliparan sa paligid ang iyong maririnig at mga humaharurot na mga sasakyan sa karatig na highway nito. Nilakad namin ni Jhen ang kahabaan ng Manila Memorial Park, Dasmariñas. Kabisado na namin ang daan patungo sa himlayan ni Lance kaya naman hindi na kami maliligaw. Kapansin-pansin din ang ibang mga tao na bumibisita sa kanilang mga mahal sa buhay. Siguro may birthday din ng mga yumao nilang kamag-anak.

Pagdating namin kay Lance ibinigay ko kaagad sa kanya ang bulaklak. Habang si Curacha naman ay wala pa ring pahinga kakatext.

“Ang tagal naman nila…” wika ni Curacha.

“Ang tagal niya? Bakit may inaantay ka ba? Sino pa ang dadating?”

“Ah wala… sige magchikahan muna kayo ni kapatid… “

Maya-maya lang ay isang kulay navy blue na van ang pumasok sa loob ng memo
rial. Huminto ito sa bandang lilim ng puno malapit sa tapat naming dalawa ni Jennifer. Mabilis namang lumapit si Jhen sa nakaparadang van na animo’y sasalubungin ang kung sino man ang bababa mula sa loob nito.

Sa pagbukas ng van, dalawang lalaki ang bumababa dito. Yung isa nakita ko na sa libing 2 years ago. Yung isa naman pamilyar lang ang mukha sa’kin pero kahit minsan hindi ko nakita sa panahon ng pagluluksa namin kay Lance.

“Magkasama pala kayo?” pambungad na pagbati ni Jhen…

“Oo, pasensiya na ku
ng natagalan kasi sinundo ko pa ‘yan eh…” sagot naman nung pamilyar na lalaki.

“Ang saya nitei!!! Isa itong bonggang-bonggang reunion!” sigaw ni Jennifer habang sumasayaw-sayaw pa.

Reunion? Mga kalokohan talaga ni Curacha.

Kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin na nagpalamig sa paligid bigla kong naalala kung sino ang lalaking kararating lang.

Tama! Siya nga ‘yun. At muli akong nakaramdam ng poot at galit.








Read more...

9 komento:

Coolbuster December 23, 2008 at 9:24 PM  

just put a 125x125 badge of my blog here. if your positive i will supply the code. deal?

Coolbuster December 23, 2008 at 9:57 PM  

here's the code pls copy and paste in your sidebar.

upon posting my badge,i will take care of the rest.

thank you.

Coolbuster December 23, 2008 at 9:57 PM  

http://www.mediafire.com/file/5wig3qgzmiw/coolbuster code.txt

xophil,  May 26, 2009 at 10:43 PM  

bakit namatay si Lance?diba di siya namatay sa Ako Si Destiny?

Anonymous,  November 25, 2009 at 6:16 AM  

paulkian.blogspot.com is very informative. The article is very professionally written. I enjoy reading paulkian.blogspot.com every day.
fast loan
online payday loans canada

Anonymous,  June 10, 2010 at 3:03 AM  

yeah bakit poh namatay si lance sa anong kadahilanan

lester0189 July 28, 2010 at 7:03 PM  

nabigla naman ako sa mga pangyayari..... akala ko yung chap 2 magkikita na sila ni russel after 4 years... yun pala mamamatay si lance....

ang galing ng twist.. napaka unpredictable...

keep up the good work paul...

Xavier Randol August 18, 2010 at 8:33 AM  

hmmm....ang lungkot naman.... :-[

macqi_nolasco June 5, 2011 at 5:50 PM  

bakit ganun...hindi pa naman patay si lance sa ako si destiny ahh...bakit d2 sa chapter 1 book 2 patay na si lance,as i remember sa nabasa ko nasa dubai si lance kasama ng kapatid nya.am'i right?naguguluhan ako parang tinatamad tuloy akong bahasin ung book 2


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP