Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Friday, December 26, 2008

Have you ever felt the same? (CHAPTER 2: "QUANTUM")


(AKO SI DESTINY 2)

Have you ever felt the same?

By: paulkian



“Rudeness is the weak man’s imitation of strength.” -Eric Hoffer


CHAPTER 2: “QUANTUM”




Kung puwede ko lang hilingin sa Ama na pabangunin lahat ng patay na nakahimlay sa memorial , siguro kanina ko pa ginawa maiwasan lang ang paghaharap namin ni Russel. Si Russel na kinamumuhian ko ng sobra-sobra. Siguro para sa iba masyado akong nagoover-react. Pero ito naman talaga ang nararamdaman ko kaya ayaw kong magpanggap. Ayaw kong lokohin ang bumubulwak kong emosyon. Kaya nais ko itong paupawin na parang lawa. Lunurin ang dapat lunurin! Sa banding huli, alam ko aahunin ko ang aking sarili. At siya naman ay malulugmok sa pagkakalunod sa sarili kong nararamdaman.

“Russel, siya nga pala si Papa Luis…” introduce sa’kin ni Jhen sa kanya.




Iniabot ng karibal ko ang kanyang kaliwang kamay upang makipag-shakehands. Napansin ko ang peklat sa bandang pulso niya. Masyadong malaki iyon kaya naman agaw-pansin talaga ang
naghilom na sugat. Kinamayan ni Russel ang hangin. Napahiya lang ang gago sa akin nang hindi ko abutin ang nakabuka niyang kamay. Eh sa hindi ko siya feel eh! Ano bang magagawa niya?

Bagkus, humarap ako kay Jerome at siya ang kinamayan ko at kinamusta.

“Jero? Long time, no see ha? Kamusta ka na? tumaba ka yata?”


“Oo nga eh, hiyang kasi eh…” sagot naman niya na parang naiilang sa ginawa kong pambabastos kay Russel.

Ang mga sumunod na eksena? Nahati ang grupo sa dalawa. Sina Jhen at Russel ang naguusap malapit sa puntod ni Lance. Habang kami naman ni Jerome ang magkaagapay sa lilim ng puno. Pinagmamasdan ko sila mula sa malayo. Pinapakiramdaman ang bawat moment. Ang mga moment na sa kauna-unahang pagkakataon nakita niya ang himlayan ng nasira niyang kasintahan. Niyakap ni Jennifer ang nagtatangis at naulilang binata. Kontradiksyon na naman ang namayani sa bitter kong kalooban: “kahit ilang baldeng luha ang ibuhos mo diyan sa puntod niya, hindi na siya babangon para yakapin ka…” Iyan ang ibinulong ko sa aking sarili. Pagkatapos nun, isang matinding irap ang aking pinakawalan at itinuon ko ang aking atensyon kay Jero.
“Oh bakit ganyan ang mukha mo?” tanong niya sa’kin.

“Huh? Mukha ko?”


“Oo kaya, ang gwapo-gwapo mo nakabusangot ang mukha mo diyan… nabubuwisit ka parin sa kanya noh?”

Hindi ako nakakibo, nginitian ko lang si Jerome sa mga sinabi niya. Si Jero ang madalas kong kabalitaktakan noong panahon ng pagluluksa kaya naman may puhunan na kaming closeness sa isa’t-isa. Actually hindi naman mahirap pakisamahan si Jerome. Friendly din kasi ito at kalog. Sa mga unang yugto ng kwentuhan namin, nakagaanan ko kaagad siya ng loob. Magaan ang loob ko sa kanya kahit sa unang pagkikita pa lang namin. Kaya naman mabilis niya nakuha ang pagtitiwala ko. Sa kanya ko shinare lahat-lahat ng mga hinagpis ko at mga tinatagong sama ng loob. Naramdaman ko ‘yun at nakikita ko sa mga ngiti ng kanyang mga mata.


Hindi na kami nagtagal sa sementeryo. Nagsimula na kasi sabayan ni haring araw ang init na dulot ng nakatirik na kandila sa lapida ni Lawrence. Bukod dun, nagsimula na ring humikab si Jhen. Ang hikab na naging daan upang lisanin namin ang lugar ng kapayapaan.

“Oh pano gays? I mean “guys” pala, kailangan ko na ring humimlay sa banig! Siya nga pala Russel, hanggang kailan ka magbabakasyon galore ditei?” tanong ni Jhen.

“I don’t know… baka 2
months? Hindi ko alam eh, depende sa’kin kung gaano ko katagal nais mag-stay dito.”

“O siya sige, text-text na lang tayo…
malapit na rin kasi ang birthday ni akez… invited lahat ng nasa kalawakan!!!”

Parang ipu-ipong tumawid ng kalsada si Curacha. Segundo lang din ang pagitan at nakasakay na siya ng jeep. Naiwan kaming tatlong n
akatayo sa kabilang way ng kalsada. Nagsilbing Great Wall of China si Jerome upang hindi magumpugan ang dalawang bato. Nakipagsabayan muli kami sa katahimikan mula sa loob ng memorial. Nakakabingi. Nagpapakiramdaman. Nabasag ang iniingatang katahimikan nang bumusina ang paparating na van na sinakyan nila kanina.

“Sabay ka na sa’min…” winika ni Russel.

“Oo nga naman bro.” dagdag pa ni Jerome habang hinah
atak na ako papasok ng van.

“Wag na, may pupuntahan pa kasi ako.”

Hindi na nila ako pinilit. Nahalata siguro nila sa mukha ko na ayaw kong sumakay sa sasakyan nila. Ayaw kong sakyan ang isang bagay na alam ko pagsisishan ko sa bandang huli. Sa pagharurot ng kulay navy blue na van, naiwan akong magisa. Mas maigi na ‘yung ganito. At muling bumalik ang naudlot na katahimikan.


Para kaming teatro kanina. Suot ang mga kanya-kanyang maskara. Iba’t-ibang emosyon ang sumimoy sa nagmistulang entabladong sementeryo. Pilit na nilabanan ang kaba at hinawi ang lungkot ng kurtina. Ang mga ilaw na repleksyon ng nakaraan ya pilit na sumalamin sa tinatago kong muhi. Ang bawat alingawngaw sa kalawakan ng entablado ang bumalanse sa nagba
baik-loob kong karibal. Lahat sa isang magandang palabas. Lahat puro pag-akto. Mga artista sa sariling dula. Dula-dulaang nakakasuya sa’kin. . Samantalang para sa isa, ito ang pagkakataon ng simpatya.

Pinawi ng paparating na jeep ang katahimikan. Sumenyas ang drayber na may isa pang bakante sa loob ng sasakyan. Sumakay ako sa loob at muling tinungo ang SM dasma. Para sa’kin, paraiso ang mall na iyon. Paraiso iyon para sa mga mapag-isang nilalang na tulad ko.

Sinalubong ko ang lamig ng air curtain. Sumalubong din sa akin si kuya guard. Kapkap dito, kapkap doon. Wala naman siya nakapkap kaya nagtuloy-tuloy na ako sa loob ng mall.

Sinunod ko ang dikta ng aking mga paa. Hinila ako pababa sa unang palapag ng pamilihan. Hindi masyado karamihan ang mga tao sa SM. Tama lang ang dami ng katao nung mga oras na iyon. Dinala ako ng aking paa sa food court kung saan ako naupo panandalian. Pinagmasdan ko ang mga taong nagiikot sa paligid. Pamilya, magkaibigan, mag-boyfriend, at meron din namang mga “solo flight” na katulad ko. Lahat sila mabilis na tinatahak ang nais nilang patunguan sa loob o labas ng boutique o maging sa itaas o baba man ng mall. Nakakainggit sila. Halatang alam na alam nila ang kanilang patutunguan. Sadyang alam nila sa sarili nila kung saan sila pupunta. Samantalang ako? Heto, hindi alam kung saan babaybay. Walang patutunguan. Parang walang mapupuntahan.

Bigla akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Kaya naman bago pa sumabog ang pantog ko, kumaripas na ako ng lakad papunta sa pinakamalapit na CR sa food court. Namili ako sa mga nakahilerang urinal sa loob at dini
nig ang tawag ng kalikasan.

Isang maskuladong lalaki, na malamang nasa late 20’s
, ang lumapit sa katabing urinal upang umihi. Mas mataas siya sa’kin ng kaunti at halatang adik sa pag-gygym. Nginitian niya ako at kinindatan na waring may nais pakahulugan noong mga sandaling iyon. Natawa ako sa inasal niyang kabaklaan kaya naman nagmamadali akong umalis sa aking kinatatayuan at lumipat sa lababo para makapaghugas ng kamay. Mula sa repleksyon ng salamin, kitang-kita ko ang ginagawa niyang pang-aakit sa’kin. Nilaru-laro niya ang kanyang tinatagong sandata at pilit na iwinawagayway sa hangin. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Nakaamoy ako ng kaba at takot sa paligid ng comfort room. “Sana may pumasok…” inusal kong dasal. At hindi nga ako nagkamali, sa puntong isinara ko ang gripo sa lababo pumasok ang dalawang lalaki na nagsilbing tagapagligtas sa nagbabadyang temptasyon. Ito na rin ang aking naging hudyat upang umeskapo sa isang makamundong eksena. Eksenang pansamantalang nagpainit sa malamig na ambiance ng mall.

May mga ganun pala kahayok maibsan lamang ang libog sa katawan. Walang pinipiling lugar. Matao man o hindi. Publiko man o pribado. Basta’t may pagkakataong ilaba
s ang nais ilabas, aagos ito sa kawalan at magpapakalat ng init sa kalooban. First time ko maka-encounter ng ganoon sa buong buhay ko. Totoo pala ang mga nababasa ko sa mga blogs patungkol sa mga “tripper” na nagpapamalas ng masidhing temptasyon sa mga CR sa ibang malls. Basta pala may pagkakataon hindi nila sinasayang. Balewala sa kanila ang nagaabang na panganib na mahili o mahawa ng kung anong sakit mula sa taong ‘di naman nila kilala.

Simula nung nakilala ko ang sarili ko at lumabas si “Luis” at ang kanyang tunay na pagkatao, ipinangako ko na gagawin ko lang iyon sa ta
ong malaki ang puwang ditto sa puso ko. Nakakatawa diba? Parang Maria Clara ang drama ko. Masyadong kumbensyunal sa isang bisexual na tulad ko. Pero puwera biro, ganun talaga ang nais ko. kaya naman puwede na akong ehemplo ng kabirhenan. Ang sagwa mang pakinggan pero ‘yun ang totoo. Masarap gawin ang sex sa taong mahal na mahal mo dahil alam mo at ramdam mo rin na hindi init ang dahilan kung bakit mo gagawin iyon.

Naalala ko tuloy ang isang nakakaintrigang interogasyon ni Jhen dati:


“Oi! eto answerable by yes or no, may nangyari na ba sa inyo ni Lance?”

Wala ang sagot ko. Siyempre, sa tulad ni Jhen na masyadong intrigera hindi niya ako pinaniwalaan. Showbiz daw ako masyado. Alangan namang magsinungaling ako at sabihin ko na; “Oo nag-sex kami once, twice, thrice…” eh wala naman talagang nangyaring lumagpas pa sa inaakala niya. At kung meron nga kung saka-sakali, hindi na dapat ikwento pa. Kahit nga sigurong may pagkakataon kaming gawin yun dati, hindi ako nag-atim na magnakaw ng sandali. Dahil masakit para sa’kin na gawin niya iyon dahil nalilibugan siya at hindi dahil may nararamdaman siyang pagmamahal sa’kin.


Sa pamamagitan ng escalator tinungo ko ang ikatlong palapag. Sa pagkakataong ito alam ko na ang patutunguan ko. Gusto ko maglaro ng Time Crisis kaya naman sa Quantum ang bagsak ko. Matagal na rin kasi akong hindi nakapaglalaro ng arcades kaya naman muli kong babalikan ang pagkabata at bibili ng token upang malibang ko naman ang aking sarili.

Hindi naman karamihan ang tao sa loob kaya mas masarap namnamin ang paglalaro sa Quantum. May mga grupo ng mga koreano ang nagkalat sa iba’t-ibang palaruan. Marami rin ang mga estudyante ng La
Salle Dasma. Palibhasa ang SM ang pinakamalapit na mall sa pamantasan nila bukod sa Robinson’s Palapala, kaya naman normal na sa paligid ng nasabing mall ang mga naka-unipormeng mga lasalista.

Hawak ang baril, muli kong binuhos ang sama ng aking loob sa mga kalaban. Inasinta ko ang bawat pagkakataong mauubos ko ang mga bandido. Sinimulan na ang giyera sa Time Crisis. Halos kabisado ko
na ang daanan at ang bawat galaw ng mga makakaengkwentro ko sa kadahilanang ito ang pinaka-paborito kong arcade. Ramdam ko ang isang lalaking nanood sa likod at pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Lalo akong ginanahan maglaro dahil may isa pala akong audience sa likod. Sa bawat pagpadyak ko upang magkaroon ng pagkakataong umilag at maikasa ang baril, ganun din naman ako kagigil na kalabitin gatilyo ng joystick. Halos nasa kalagitnaan na ako ng laban at walang takot kong sinuong ang panganib. Habang tumatagal ang laro, lalong humihirap at nagiging kumplikado. Parang ang buhay natin. Habang tumatanda tayo, pahirap ng pahirap din ang giyerang sinusuong natin. Kapag napagod ka sa pakikipaglaban, patay ka. Kapag sumuko ka at itinaas mo ang puting bandera, talo ka. Presence of mind daw ang kailangan upang manalo sa laban. At iyan ang nakalimutan ko sa pagkakataong ito.

Isa. Dalawa. Tatlo. Tatlong bala ang pumatay sa akin at nagpagame-over sa larong aking sinimulan.


“Shet!” tanging nasambit ko habng binababa ko ang sandata.

Lumapit ang isang manonood mula sa aking likod. Namumuk
aan ko siya. Siya ang maskuladong lalaki kanina sa CR. Nginitian niya ako ng makahulugan at muling kinindatan.

Muli akong natawa sa ikinilos niya kaya naman muli ako
ng dumukot ng token upang maipagpatuloy ang naudlot na laro.

“Ang galing mo maglaro ha? Sa kama din ba magaling ka makipaglaro?” bulong sa’kin ng lalaki.

Hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila niya. Kaya naman hindi siya karapat-dapat bigyan ng atensyon. At saka, sino ba siya? Close na ba kami por que nakita ko ang alaga niya kanina? Muli kong pinairal ang pagiging suplado at muling itinuon ang aking mukha sa harap ng monitor.

Ngunit sadyang makulit at mapangahas ang malibog na gago.
Mas dumikit pa siya sa aking likod at sinimulang ikiskis ang crotch ng kanyang pantalon. Dahan-dahan niyang idinadampi ang kung ano mang nais niyang idikit sa’kin. Kaya naman nilingon ko na ang lalaking makulit.

Sa paglingon ko sa kanya binitawan niya ang isang paanyaya:

“Bro? sex tayo?”

Bigla akong nakaramdam ng init mula sa kaibututran ng aking damdamin. Hindi siya init ng kalibugan. Hindi siya init ng pagnanasa o pagnanais na makatikim ng katawan. Init siya dulot ng inis at galit. Nakakapikon!

Nginitian ko muna siya habang binababa ang hawak kong laruang baril sabay sambit ng:

“Fuck you! Asshole!”

Nagulat ang pobreng malibog kaya parang walang nangyari siyang tumalikod at naglakad papalayo mula sa kinatatayuan ko. At ako naman ay muling pinagpatuloy ang level 2 ng Time Crisis.

Hindi pa nagiinit ang level 2 muling lumapit ang lalaki at hindi pa nakuntento ay inakbayan pa ako. At ito na rin ang ikalawang level ng aming paghaharap.

“Ang kulit mo rin noh?” sigaw ko sa kanya

“Oh easy ka lang… ang init naman ng ulo mo?”

Nagulat ako pagharap ko sa kanya. Ang lalaking malaswa na kanina lang ay minura-mura ko ay hindi pala nagbalik. Si Russel pala ang umakbay sa’kin. Si Russel pala, badtrip!

“Ah ikaw pala yan… akala ko…”

“Akala mo?”

“Ah wala…”

Muli akong humarap sa Time Crisis. Pinakawalan ko ang kaunting ngiti mula sa aking labi. Nakakahiya, si Russel pala.

“Ikaw talaga, hindi mo man lang sinabi na dito rin pala ang punta mo eh ‘di sana sumabay kana sa van…”

“Eh ano bang pakialam mo sa pupuntahan ko? Wala kang pake!”

“Ano bang problema?” pagtatakang tanong ni Russel.

“Problema? Ikaw ang problema ko!”

“Ba’t ba ang init ng dugo mo sa’kin? Ano bang nagawa kong kasalanan sa’yo?"

“Kasalanan? Sa’kin wala, pero kay Lance alam ko malaki!”

“Ayun, lumabas din… tungkol pala kay Lance itong dramang ito…”


Ilang segundo akong natahimik sa sinabi niya.

“Hindi ito basta drama lang Russel, hindi mo alam ang mga pinagdaanan ko…”

“Hindi mo rin alam ang mga pinagdaanan ko Luis…”

“Ah talaga lang ha?”

“Move on Luis, tahimik na si Lance… masaya na siya kung nasaan man siya naroroon ngayon… at kung ano man ang ipinagpuputok ng butsi mo, malamang hindi siya natutuwa ngayon…”

Oo alam ko hindi siya matutuwa. Kung nabubuhay man siya ngayon at nakikita niya tayong nagkakasagutan alam ko mas kakampihan ka niya kasi ikaw ang bf at ako ang panggulo, ako ang kotrabida. Oo sige na mababaw na ako kung sa mababaw. Tipong isang maliit na bagay na masyado kong pinalalaki. Pero sabi nga nila, hindi mo mauunawaan ang mga bagay kung wala ka sa posisyon nung nakakadanas ng sakit at hapdi. Subukan niyong lumugar sa posisyon ko. If you were in my shoes, malamang mauunawaan mo rin ako.

Lumisan si Russel sa loob ng Quantum. Muli akong naiwan mag-isa. Pagharap ko sa Time Crisis, game over na pala ako.




Read more...

5 komento:

PAULKIAN December 26, 2008 at 10:39 PM  

ang chapter na ito ay handog ko sa'yo jaycee... jaycee, san ka man naroroon ngayon alam ko magiging masaya ka na sa piling Niya...
lagi kang laman ng panalangin ko at ng aking ala-ala...

maraming salamat...

---PAULKIAN


maiksi lang ang buhay... kaya matuto tayong pahalagahan ito habang hindi pa huli ang lahat...

Mac Callister January 3, 2009 at 7:18 PM  

hmmm baklit deleted mga commnets?hehe i like your post

Mac Callister January 4, 2009 at 5:15 AM  

hmmm bakit binura ang mga comments?anyway,i like your stories pwde kang scriptwriter tapos pag sikat k n gawan mo ng story life ko ha dude hehehe

christuff,  January 12, 2009 at 8:16 PM  

Hi Paul, this is christuff from g4m. I hope you still remember me. I am an avid fan of your stories. Actually, I browsed this page hoping to read the next chapter of Have You Ever Felt The Same.

Un, I was just hit by a quote on your page. Ung, the greatest hurt is the disappointment of unfulfilled expectation. Kakabreak ko lang kasi, at nasasaktan pa rin. In fact, I got teary eyed upon reading it because its so true.

Anyways, continue writing, you've got the talent. I'm waiting for the next chapter.

Keep it up!

PhilBuzz January 19, 2009 at 2:00 AM  

nice site try sharing your post sa http://philbuzz.com/


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP