Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Saturday, May 31, 2008

TATLONG PAGNANASA 1 (ANG ACHIEVER)

"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana ipinaglaban ko ang nararamdaman ko sa'yo...sana hindi ako naging duwag..."
--- Jaime


Dahil sa mainit na pagyakap at nakaka-arouse na pagtanggap sa kwentong pinamagatang "si TITO",
Hayaan niyo pong muli ko kayong handugan ng isang pagnanasang guguhit sa inyong mga puso, makapagpapatayo sa inyong kalooban, at makapagpapataas muli sa kilay ng aking mga kritiko.
Ito ay walang iba kundi ang kwentong:



"TATLONG PAGNANASA"
(a love triangle)
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/



Tayo ay nabubuhay sa isang mapanlait at mapandiktang lipunan. Kung pagninilayan mo
tatlo lang naman ang palaging kinatatakutan ng mga nasa ikatlong lahi. (1) revelation, (2)discrimination, at (3) rejection.




Oo nga tatlo. Tatlong sulok. Tatlong problema. Tatlong pagkatao. Tiyak maglalabu-labo.




ANG ACHIEVER


Isang pamilyar na mga ungol ang aking narinig habang papasok ng bahay. Mula sa likod ng bahay, sa pintuan ng kusina ako tumuloy kasi mas malapit ito sa kwarto kung saan iniwan ko si Alvin na mahimbing pang natutulog.


Madalas mag-sleep over si Alvin sa bahay. Parang kapatid ko na kasi siyang maituturing, malalim na ang aming pinagsamahan. Hindi na rin siya iba kay mommy, lalong-lalo na kay daddy. Kaya naman wala na kaming sikreto sa isa't-isa. Lahat ng problemang hindi naman niya dapat problemahin ay alam ko. At ganoon din ako sa kanya. Indeed, I consider our friendship as a gift and, as such, something of great value. Kaya naman ganoon na lang ang pagpapahalaga ko sa kanya. I give a lot of time and attention to develop and maintain our friendship. Its just an art of reciprocation. Give and take. Ibinabalik ko lang sa kanya lahat-lahat ng kabutihang nagawa at ginagawa niya sa akin. Snobbish kasi yan sa school. Palibhasa ubod ng gwapo (kamukha ni Dennis Trillo), kaya nagsusuplado lalo na sa mga hindi niya gusto. Choosy rin siya sa mga kaibigan kaya naman nakakatuwang (at nakakakilig na rin) isipin na mas pinili niya akong maging bestfriend. Isa yan sa mga dahilan why i always find a way to pay back his kindness. O baka nga siguro in-love lang talaga ako kay Alvin.

Isang taon na kaming magkaibigan. Halos pareho kasi ang likes and dislikes namin kaya madali kaming nag-jive at naging vibes. Hanggang sa tuluyan na akong nahulog sa kanyang karisma. Parang may gayuma kasi si bestfriend. Hindi na nakukumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakasama. Unti-unting nilamon ng pagibig ang aking hiya. Nagtapat ako sa kanya. Niligawan siya. Sumugal ako para sa isang bagay na walang assurance. Kung gaano ako katalino sa academics, kabaligtaran naman pagdating sa love. Ang love na madalas makasira sa mga tulad kong bisexual. Kaya naman I seized the day (carpe diem). Bahala na, kaysa naman may pagsisihan ako sa huli. At least gumawa ako ng paraan para malaman niya ang nararamdaman ko. Kahit ma-reject ako, ok lang. Hindi ko naman sinasadyang mahulog ang loob ko sa kanya. Hindi ko naman hawak ang puso ko para madiktahan.
Ngunit isang mapait na sulat lamang ang kanyang sinagot:

Jaime,

Una sa lahat gusto kita pasalamatan sa lahat ng mga ginagawa mo para sa akin. Pero sa kabila ng lahat ng yun, hindi ko talaga magawang suklian yung kaya mo ibigay sa akin. Siguro hindi lang talaga ako yung taong para sa'yo. Honestly, i havent thought that you'll be serious about what you're feeling for me. I thought it was a joke. But the time you expressed and told me what you really feel & your intention is, nalito na ako. Itong letter na to is an indication that you need to re-think and reconsider things. Give and do yourself a favor. Nakikita mo naman na walang growth sa kabila ng efforts mo. Jaime, sorry bago pa mas lalong lumalim yung feelings mo haayaan mong bilang bestfriend mo iahon na kita bago ka pa tuluyang lumubog. Sana naiintindihan mo at sana walang magbabago.
Aasahan ko yan ha?

your bestfriend,
Alvin


Not everything is meant to be, but everything is worth a try. Iyan na ang naging motto ko pagkatapos ko mabasa ang letter ni Alvin.
Prangkahan kung prangkahan. Walang paliguy-ligoy. Basted kung basted. Kung sa bagay, tama siya. I have to reconsider our friendship. Hindi na biro ang mga pinagdaanan namin. Ang damayan namin sa exams, ang pakikiramay ko sa kanyang yumaong ina, ang payo niya sa akin sa awayang Jaime vs Daddy, at marami pang iba na sumubok sa pagkakaibigan namin. Kaya naman after all is said and done, its true that friendships matter most. Mas nailang pa nga ako sa kanya. Pero si alvin, hindi nagbago. Parang sanay na sanay na sa mga ganoong eksena. Kaya lalo ko siya minahal. Patuloy at lihim na minamahal. Pinilit kong kinalimutan ang isang kahupaan. Dahil kahupaan ang magmahal ng isang bestfriend. Iyan ang naging pananaw ko. Kaya kahit napakahirap at masyadong excruciating ang sitwasyon, hindi ko na pinagpilitan pa ang aking nararamdaman. Tutal naman masya naman kami bilang "mag-bestfriend", kaya there's no need to ask for more. Hindi dapat pa maghangad. Hindi dapat umasa. Dapat makuntento. Yun ang dapat. At unti-unting bumalik sa normal ang lahat. Kahit na alam ko na nagpapanggap lang ako. Kahit na gabi-gabi nangangarap ako na minsan papatulan niya ako. Pero alam ko sa panaginip lang mangyayari yun.

Kaya naman napaisip ako, kung hindi mapapasaakin ang puso niya, sana matikman ko man lang siya. Seryoso! Gusto ko talaga siyang tikman. Siyempre kahit papaano pinagnanasaan ko rin naman siya noh. Ewan ko lang kung nakakahalata ang mokong. Pero sa tuwing naka boxers shorts lang ito sa kwarto, napapakagat labi ako.
Isang gabi habang tulog mantika si alvin, sinubukan kong hipuin ang kanyang alaga.Mukha naman malaki. Kahit hindi matigas ramdam ko na pag nabuhay yun tiyak mukhang sawa. Isang sawa na anumang oras pupwedeng manuklaw. At dahil takot ako makagat ng ahas, itinigil ko ang pagnanakaw ng sandali. Mas pinili ko pang humiga sa dibdib niya habang pinapakinggan ang lubb-dubb ng kanyang puso.
Hindi ko kayang ituloy ang maitim na balak. Mahal ko si alvin. Hindi ko siya kayang bastusin. Hindi ko siya kayang halayin. Unless i have the right to do so, bakit hindi di ba? Kaso wala eh. Bestfriend lang ako. At mas nilinaw niya yun sa pagbasted niya sa akin.
Gusto ko tuloy malaman kung concern ba siya sa friendship namin kaya hindi niya hinayaan na tuluyan akong ma-in love sa kanya o baka hindi niya lang talaga ako gusto bilang lover niya. Kahit naman hindi niya aminin sa akin, alam ko na katulad ko rin siyang may itinatagong lansa sa katawan. Pero hinahayaan ko lang siya. Respeto na lang. Batid ko rin naman na alam ko na ganun siya, kaya hindi na dapat ikumpirma pa. Nakakalungkot lang isipin pero ganun talaga.


Papalapit ako ng papalapit sa pintuan ng aking silid. Lumalakas ng lumalakas ang mga pagungol na aking naririnig. Sound of lust, hindi ako magkakamali. Mga tunog na madalas ko marinig sa tuwing nanunuod ng x-tube. Mga tunog na sa x-rated dvd's ko lang naririnig. Naging pamilyar na rin sa akin ang tinig sa likod ng mga nakakalibog na daing.

"Boses ni alvin yun ha? Bakit ba siya umuungol?" bulong ko sa aking sarili. Lalo pa akong lumapit para makumpirma ang mahiwagang tinig. Hanggang sa marinig ko ang isang pagmamakaawa:

"Dahan-dahan lang...aaah, aray! Dahan-dahan lang fuck! Aaah..."



---itutuloy


ang pagpapatuloy ng isang ACHIEVER para maging kabilang sa...


"TATLONG PAGNANASA"
(a love triangle)
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


Rumehistro kaagad sa aking isip ang ilang mga bagay. Ano ang ginagawa ni Alvin? Sino ang kausap niya sa loob ng kwarto ko? Bakit parang libog na libog siya? May kasex ba siya? Lahat ng mga tanong na ito ay hindi ko masasagot hangga't hindi ko siya sisilipin sa aking silid. Kaya naman dahan-dahan kong ipinihit ang door knob. Kapag kasi bibiglain, may ma-poproduce itong kaunting ingay. Ayaw kong ma-distract ko siya o sila. Sinilip ko muna si Alvin sa kanyang hiwagang ginagawa. Maliit lang ang kwarto para hindi masilayan ko ang kabuuan nito. Magisa lang si Alvin. Wala siyang kasama. Nakabukas ang tv.
Binuksan ko pa ng kaunti ang pinto. Nagulat ako sa aking nasaksihan. My bestfriend is jacking-off! Shit talaga! Napanganga ako sa aking nakita. Nagjajakol si alvin nang nakatayo habang nanunuod ng mga x-rated na dvd ko. Pinagmasdan ko siya habang ginagawa niya ang pagpapaligaya sa sariling katawan. Nakababa ang boxer's niya hanggang tuhod at nakataas naman ang sandong itim hanggang balikat. Left-handed pala si Alvin kapag nagtitikol. Mabilis niyang binabate ang kanyang malaking kargada habang pinipisil-pisil at nilalagyan ng sariling laway ang kanyang 2 utong. Hot kung hot talaga! 40 degrees celcius! Panalo pa ang view! Dinaig ang mga pornstar sa Bangbus. Mas kinabog pa nga ang mga naked pics ni Brad Pitt. Hanggang sa unti-unti na akong tinayuan.

Ewan ko ba kung sinong multo o demonyo ang tumulak sa akin habang nakasilip sa pinto. Ang resulta? Napadausdos ako sa sahig at tuluyang nabuksan ang pintuan ng room ko. Shit talaga! Gumalabog talaga ang pagkadapa ko sa sahig. Shit! Anu ba yan! At nagkatinginan kami ni Alvin. Tinginang malalagkit.
Gulat na gulat siyang nakatitig sa akin habang hawak parin ang kanyang tarugo. At ako naman ay hiyang-hiya na nakadapa sa sahig.
Nataranta siyang nagsalita:

"Oi! Anong ginagawa mo diyan?"

Imbis na sagutin, inusisa ko rin siya...

" eh ikaw? Anung ginagawa mo ha?"

Pareho kaming natigilan sa isa't-isa. Parang naka-pause ang lahat. Magtanungan daw ba kami. Ilang segundo kaming nagkatitigan sa mata. Mata sa mata. Makahulugan. Tempting. Kinabahan akong bigla kaya umiwas ako ng tingin.
At biglang sumabog ang itinatago niyang katas. Tumalsik iyon sa pader kung saan nakaharap si Alvin. Mukhang malinamnam at masyadong malabnaw.
Humagalpak ako ng tawa.

"Hahahaha! Mga kalibugan mo Alvino ha?!!hahaha! Naughty ka talaga!
Linisin mo yang pader ha? Baka mangamoy semilya tong kwarto. Hahaha!"

Isang pabirong linya na lang ang nabitawan ko habang tumatayo sa pagkakadapa. Kunyari isang normal na eksena lamang ang aking nakita. Tutal naman bestfriend ko naman siya. Hindi na siguro big deal yun sa amin. Hindi ko na rin pinansin ang mga reaksyon niya.

"Oh? Bakit mukhang napaaga ang uwi mo Jaime?" tanong ni alvin sa akin habang itinataas ang boxer's short at ibinababa ang sando.

"Pack-up kasi ngayon, may sakit daw si direk..." sagot ko naman habang nagtuloy-tuloy sa aking silid.

Hilig ko talaga ang pag-akto. Ilang stage plays na rin ang mga napagbidahan ko. Puro mga panlalaki ang role. Ayaw ko kasi tumanggap ng mga bading na roles kahit na pinipilit nila ako kasi yun daw ang mas bagay. Hindi naman sa dahil hindi ko kayang i-portray ang character, o dahil nagiinarte ako pero hindi ko lang talaga maatim na nagbabading-badingan ako sa stage. Lahat ng plays ko kasi pinapapanuod nina mommy at daddy. Ayaw kong makapanuod sila ng isang dulang magrereflect sa tunay kong pagkatao. Lalo pa't pulis ang daddy. Nako! Kapag nahalata ako niyan na bakla ako baka palayasin ako. Actually, si daddy lang talaga inaalala ko kasi malaki ang respeto ko sa kanya. Pero kahit konserbatibo at moody paminsan-minsan hindi niya ako pinaghihigpitan. Si mommy, okey lang din kasi supportive naman yan kahit kailan.
Wala naman ako reklamo sa mga parents ko. Masuwerte nga ako eh. Kaya mahal na mahal ko sila.

Nabago ang ihip ng hangin dahil sa mga encouragement ni Alvin sa akin na tanggapin ang role na tinatanggihan at sinusumpa ko. Iba talaga kapag si Alvin na ang nakiusap. Malalaglag talaga brief mo. Sige na nga. Tutal naman nangako siya na susuportahan niya ako. At siya lang ang kaisa-isang taong nakapagsabi na:

" wag mo alalahanin ang dad mo, maiintindihan ka nun. Atsaka cute ka parin kahit bading..."

Kaya naman lumakas ang loob ko. Dahil kay alvin, para kay alvin. Lahat si Alvin ang dahilan. Puro si Alvin. Walang iba kung hindi si alvin. Kulang na lang magtayo ako ng fans club ni Alvin. Si alvin, si alvin, at si alvin. Siya lang ang nagpapaikot sa dating boring kong mundo. Ang jologs kong mga pananaw ay binago niya. Iba talaga si alvin ibang iba siya... Minsan nga sa mga panahon ng kabaliwan ko sa kanya sinubukan kong i-FLAMES ang mga pangalan namin. Mukhang tanga diba? Pero mukhang pati ang FLAMES kakampi ni alvin, Friends ang lumabas na result. Kaya simula nun hindi na ako naniwala sa FLAMES. Bagkus mas pinaniwala at pinaasa ko pa ang aking sarili na magiging kami balang araw. Yung tipong he will treat me like the way i treat him. Kahit isang pekeng paniniwala. Kasi sometimes, fake gives more happiness to me,while the truth gives nothng but it just hurts me.
Ngunit ang lahat ng iyon ay gumuho dahil sa isang senaryo at katotohanang hindi ko inaasahan.


Pauwi na ako nun galing ng rehearsal. Medyo maaga natapos dahil polishing na lang naman ang ginagawa namin. Ang nakasanayang 5pm na uwi ay napaaga ng 2 oras. Nagmamadali akong umuwi sapagkat dumidilim ang paligid. Uulan yata, wala pa naman akong dalang payong. Kumaripas ako ng takbo para makasakay kaagad ng tricycle. Sampung minuto lang naman ang bubunuin ni manong driver para makarating sa aming destinasyon. Pagbaba ko ng tricycle biglang bumuhos ang napakalakas na ulan at isang dumadagundong na kulog ang pinakawalan. Takot ako sa kidlat kaya nagtatakbo na ako sa loob ng bahay. Medyo nahirapan pa nga ako sa pagbukas ng gate. Sumugod ako sa likod bahay. Tulad ng nakagawian, dun ulit ako dadaan sa pintuan ng kusina. Basang-basa ako. Halos bumakat na ang suot kong panloob na sando sa polo barong kong uniporme. Tinanggal ko ang aking sapatos at binuhat ito. Magagalit si mommy kapag may footprints na putik siyang makikita sa tiles. Dahan-dahan akong naglakad kasi medyo basa ang medyas ko. Tinungo ko na ang kwarto ko na nakasarado. Bigla ko naalala ang nangyari dati na nahuli kong nagjajakol si alvin. Paano kaya kung nung mga moment na yun bigla ko sinunggaban ang tigas na tigas niyang alaga? Paano kaya kung niluhuran ko siya at sinuck? Paano kong hindi siya tumanggi?
Kinilig ako at naexcite. Oo nga pala nandiyan siya sa loob ngayon at malamang inaantay ang pagdating ko.

Tinungo ko na ang pintuan ng aking silid. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi maipaliwanag ngunit parang may mga boses akong naririnig. Pamilyar na tinig. Dahil malakas ang ulan at kumukulog pa, hindi masyadong malinaw ang aking naririnig. Malabo eh. Napaisip tuloy ako. Gumagawa na naman yata ng milagro si Alvin. Nakuryente kaagad ang aking katawan. Shit! Pagkakataon ko na ito kapag nagkataon. At hindi ko na palalagpasin ang palay na nakahain. Kaya naman imbis na maingat kong binuksan ang pinto, binigla ko ang pagbukas nito. Kasabay ng biglaang pagbukas ay lumangitngit ang pintuan. At tumambad sa akin ang mga hubad na katotohanan.

"PUTANG-INA!"

Isang mura lang ang aking naging reaksyon matapos ko makita ang tagpong hindi ko minsan naisip sa hinagap ng utak ko. Isang senaryong nakakapandiri. Isang aktong hindi akalaing magagawa nila.
Si daddy at si alvin, naabutan kong nagsesex sa sarili kong kwarto. Si Alvin tinitira ng pa-dogstyle ang aking nirerespetong ama. Ang aking ama na isang pulis.
Putang-ina! Putang-ina talaga! Gusto ko magsisigaw! Gusto kong sumigaw ng:

"Ang bababoy niyo! Baboy kayo! Hayup!"

Pero walang lumalabas na tinig sa voice box ko. Hindi rin nila alam ang kanilang gagawin. Huli sila sa akto. Para silang na-raid. Gusto kong pagbabatuhin sila ng mga trophy ko na nakapatong sa aking kabinet. Gusto kong i-flying saucer sa kanila lahat ng nakaframe kong certificates. At gusto kong ibigti sa akin ang mga medalyang natanggap ko. At biglang naibulalas ko ang nais kong sabihin:

"Hayup kayo! Ang bababoy niyo!!!"

Feeling ko biglang bumilis lahat ng pangyayari. Nagtatakbo akong lumabas ng bahay. Nakamedyas akong lumabas ng gate. Tumakbo sa kawalan at nagpaulan. Tumakbo ng tumakbo, sa dulo ng aming subdivision. Marami akong nakasalubong na kakilala, pero parang manhid ang mga senses ko sa paligid. Tanging ang patak ng ulan lang ang aking nararamdaman. At pati sa kulog at kidlat ay hindi ako natinag. Natagpuan ko na lang ang aking sarili sa park ng aming subdivision. At doon na ako humagulgol ng buong tapang. Umiyak ako ng umiyak. Sinamantala ko ang ulan dahil hindi mahahlata ang aking luha. Ibinuhos ko lahat ang aking sama ng loob." Bakit ganun? Bakit?"
Lumipas ang 1 oras at kalahating pagiyak pero it seemed like 13 days!

Hanggang sa unti-unting tumila na ang ulan. At unti-unti na ring namaga ang aking mga mata. Mukha na pala akong basang sisiw. Bigla akong naawa sa aking sarili. Self-pity na hindi ko naman nakasanayan. Hindi ko alam kung papaano ako magsisimula. Hindi ako makapagisip. Hindi ko magamit ang talino ko. Walang kwenta.



---itutuloy


Ang pagpapatuloy ng isang ACHIEVER sa pagkatuklas niya sa...


"TATLONG PAGNANASA"
(a love triangle)
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman. Galit? Takot? Lungkot? Pandidiri? Awa? Hindi ko talaga alam. Halo-halong emosyon ang bumabalot sa bobo kong puso. Hindi ko rin alam kung papaano ako magrereact. Bilang isang anak ba ni daddy? O bilang bestfriend ni Alvin? Bilang nagmamahal ng tapat sa kanyang bestfriend? O bilang karibal ng kanyang ama?
Kahit paghimay-himayin ko mahirap parin para sa akin. Hindi ko talaga kayang unawain. Kahit ang bright side nito ay hindi ko kayang tanggapin. Naging sarado ang isip ko. Ang dating optimistic kong pamumuhay ay napalitan ng puro negatibong persepsyon. Mabilis binago ng emosyon ang aking nararamdaman. Naimpluwensiyahan ako ng matindi. Mabilis din ang muling pagsikat ng araw pagkatapos ng isang malakas na ulan. Hindi ako natinag sa pagkakaupo ko sa parke. Lalo ko pa ninamnam ang mga oras na iyon. Niyakap ko ang bawat sandali ng nagiisa at walang karamay. Pinagaralan ko kung papaano maihahalintulad ang aking buhay sa isang rainbow na ngayon ay aking abot-tanaw. Tulad ng isang bahag-hari na makulay at tinitingala. Katulad niya na hinahangaan sa kagandahan at hindi maabot. Inaliw ko pansamantala ang aking sarili sa ibat-ibang kulay nito. Nakakabato-balani talaga ang kagandahan. Nakakamangha.
Pinagmasdan ko rin ang mga batang naligo sa ulan. Naalala ko,ganyan din ako nung bata. Masayahin at walang problema. Tanging ang mommy at ang daddy lamang ang aking minamahal. At sila ang laging takbuhan at iniiyakan sa tuwing ako ay nasusugatan. Sugat na madaling paghilumin ng betadine.

Isang yapos mula sa likod ang aking naramdaman. Hindi parin ako natinag sa aking pagkakaupo. Pamilyar ang haplos na iyon. Hindi rin ako lumingon. Mas pinili ko pang tumingala at pagmasdan ang bahag-hari. Bigla akong ginapos ng tao sa aking likod gamit ang kanyang braso't kamay. Mahigpit niya akong hinagkan habang ako'y nakatingala sa kawalan. Mahigpit ang yakap niya na mukhang nagbabadya ng pagpapaalam. Kahit ramdam ko ang ibig sabihin nun, hindi parin ako natinag. Ayaw kong magsisi kapag ako'y lumingon. Hindi parin ako yumuko para lingunin ang taong nasa likod. Inantay ko siyang pakawalan niya ako. Inantay kong mapagtanto niya na hindi ako interesado sa yakap niya. Ngunit hindi siya bumitaw, bagkus mas humigpit pa ang yakap niya. Pero wala akong pakialam. Hindi kayang pawiin ng yakap ang pait na aking nararamdaman. Hanggang sa marinig ko ang tinig ng taong may dahilan ng lahat.

"Im so sorry Jaime, im so sorry. Alam ko wala na akong mukhang maihaharap sa'yo... Patawarin mo ko. Hindi ko kayang makita kang ganyan. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa'yo. Sana ngayon nauunawaan mo ko kung bakit mas pinili kitang maging bestfriend... Sana ngayon malinaw na sa iyo kung bakit hindi puwedeng maging tayo...
Kahit alam ko na masasaktan ka, tiniis ko na lang kasi alam ko ito ang dapat... dahil napamahal ka na sa'kin...
Im sorry Jaime...kilala mo naman ako diba?
Hindi ko sinasadya..."

Tuluyan nang tumulo ang kanina ko pang pinipigilang luha. Kahit nakatingala ako nagtuloy-tuloy parin ang pag-agos nito. Hindi ko alam kung dapat pa ba ako maniwala sa kanya. Ang 300% pagtitiwala ay walang natira. Kasabay nun, unti-unti akong pinakawalan ni Alvin. Yun ang pinakamasakit na parte. Bumitaw na siya mula sa pagkakayakap sa akin. At naramdaman ko ang paglayo niya. Iiwan na niya ako. Dali-dali ko siyang nilingon para pahabulan siya ng mga salita:

"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana ipinaglaban ko ang nararamdaman ko sa'yo...sana hindi ako naging duwag..."

Hindi na lumingon pa si Alvin. Sapat na yung huminto siya para pakinggan ang mga sinabi ko. Ayaw na talaga niya ipakita ang mukha niya. Natanaw ko si daddy sa likod ng puno. Malamang inaantay niya si Alvin. Tumalikod na akong bigla. Ayaw ko na makita ko silang magkasama. Hindi ko kakayanin. Kaya tumingala na lang ako ulit, para pagmasdan ang rainbow at muling pinigilan ang aking pagluha.

Madilim na nang datnan ko si mommy sa bahay. Mag-isa habang nakaupo sa sofa. Alam ko umiyak siya pero hindi kasing grabe ng sa akin. Hindi ko na siya inusisa pa. Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at muling bumalik sa aking pagkabata para umiyak sa aking mga magulang. Pero sa pagkakataong ito, wala na si daddy. At hindi kayang hilumin ng betadine ang tinamo kong sugat.

---------------------------------


NEXT:

TATLONG PAGNANASA 1 (ANG CLOSET QUEEN)
CLICK HERE


Read more...

12 komento:

aero June 2, 2008 at 3:36 PM  

i would like to congratulate you paul_kian sa kwento mo na to, maganda sya, malinis, me libog, pag ibig at aral kumpleto sya, patuloy kang magkuwento at magpaligaya ng mga mambabasa good luck more power and God Bless

ibañez December 15, 2008 at 3:09 PM  

at first i thought . . .ibang story . . sxa . . last night pa nga eh . . nagiisip ako kung anu sinabi ni jaime kay alvin . . dun sa "closet queen"eto pla ung karugtong . . nice

Anonymous,  December 15, 2008 at 9:44 PM  

ang ganda ng mga kwento mo paul,kagaya ako ng mga karakter mo sa kwento.meron din akong karelasyon mage-8 na kami str8 ako nagyun ko lang narealized na kung magmamahal ka dapat lubos na kahit anu pa man siya... keep up the good work kian....

Sasarai May 29, 2010 at 11:16 PM  

Wew, medyo mapaiyak na ako sa nangyari sa kwento.. hai. ganun talaga eh. kahit paikut-ikutin rin ang lahat, wala rin.

liam1981 July 26, 2010 at 8:18 PM  

ganda ng kwen2 mo naiyak 2loy aq...... i feel the pain na isang tao na nagmmhal sa isang bestfrend & most pain is ama pa ang mgging karibal mo......

ilovetrix July 27, 2010 at 9:03 PM  

wow nice story.ang galing mo paul

Anonymous,  August 26, 2010 at 10:18 PM  

Ang sakit....it really hurts....sa lahat ng tao dad mo pa ang karibal mo sa isang bestfriend na talagang mahal mo. I cant really imagine if this would happen to me.....Thumbs up Paulkian

frixman1 September 14, 2010 at 2:36 PM  

.,.wow!!! grabeh ang ganda ng storya,.,talagang nkakalibog pa.,.,hahaha.,.knowing na yung father mo eh nakkipagsex sa taong mahal mo,.pero cguro kung saken ngyari yun tulad ni jaime sa kwento magagalit din ako sa daddy ko,.kc all throughout my life nirerespeto ko xa bilang striktong ama.,.tapos ganon din pala xa kalaswa.,.maisusumpa ko tlaga xa.,.,

.,,para kay paul kian,.ang masasavi ko.,napakagaling mo.,.
.,,.alam mo tlaga kung paano huhulihin ang kiliti ng mga mambabasa mo.,.,

.,.well I suggest,.kung sakaling meron man film producer na makakabasa nito,.!!! dapat mo itong isa pelikula.,.it can be one of the best INDEPENDENT film in the history,.aani ito ng maraming award.,.,lalo na kung si COCO MARTIN ang gaganap na alvin,.,hehe.,.tapos c GAby concecion nmn ung daddy,.,
.,.

,.,bahala na cila kung cno ang magiging jaime,.,


.,.cguradong manonood ako kapag naisaelikula na ito.,.,

,,.,go go go.,.more power sau paul kian.,.,

Anonymous,  November 26, 2010 at 10:32 PM  

god
di ko alam kung anung words ang mkakapagxplain//grabehh wonderful!

Anonymous,  December 14, 2010 at 4:11 PM  

Hanggan kelan ako mag hihintay? :d

Yagami,  May 28, 2011 at 12:30 AM  

i was supposed to be sleeping by now but after reading this story, i cannot help but to cry instead and felt sadness sa buong pagkatao ko. i dont know, maybe naapektuhan lang ako kasi naranasan ko na yung ganyang betrayal but not with my father of course. its from someone else... love your story... keep it up!

Anonymous,  June 16, 2011 at 12:06 AM  

na inspired po ako dito. andaming quotable quotes..babasahin ko lahat ng story dito..hmmm


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP