Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Thursday, June 05, 2008

AKO si DESTINY (CHAPTER 1: "DYSPNEA")


For Lance, hope you like it.
To my family, and dear friends Jinky, Manel, Jeff, Lea, Vince, Willeth


and to R.S., J.V.T., and C.A.M., i miss you

---pauLkiaN




"Love does not begin and end the way we seem to think it does. Love is a battle, love is a war, love is a growing up."

--- James Baldwin





Isa ka bang hopel
ess romantic person?
Yung tipong sabik mainlove?
Naniniwala ka ba sa love at first sight?

Yung tipong kahit hindi mo pa nakikita mahal mo na?
Naniniwala ka ba sa DESTINY?
Kahit parang nagkataon lang ang lahat?




eh paano kung...,




"AKO SI DESTINY"
(a heart-warming love story)

By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/



CHAPTER 1 : "DYSPNEA"



Ako si Lance, 21 years old. Super single. Isang hopeless romantic. Isang nursing student.
Putsa! Ayaw ko naman talaga maging nurse eh. Kaso dahil nauuso ang kursong nursing, nakiuso na rin ako. Kaya eto ako ngayon sa klase, sa isang napakaboring na klase: Ang Nursing Care Management 102 sa pagtuturoni Dr. Alonzo. Si Doc Alonzo na hindi marunong ngumiti (palibhasa matandang binata) at laging kausap ang white board at ang kanyang over-head projector. Si doc na parang boses ipis. Kaya naman laging wala sa discussion ang utak ko. Madalas lumilipad ito. Nagde-day dreaming. O kaya nakikipagdaldalan gamit ang "chika pad". Ang chika pad ay ang aking notebook. Dahil hindi naman ako nagsusulat ng notes, kasi nakasanayan ko nang umasa sa mga handouts na nagiging dahilan para maging tamad ang mga estudyante, ginawa ko na lang itong "chikapad" para maging kapaki-pakinabang. Kapag gusto naming magdaldalan ni Jhen, (seatmate at bestfriend ko) dun namin sinusulat lahat-lahat ng nais naming pagtsismisan para walang ingay.

Madalas puro pagsusumbong ang sinusulat ko. Puro kahupaan sa pag-ibig. Puro kabiguan.

CHIKA PAD- NOV. 13-07

LANCE:
Kapatid, alam mo
ba, may lover na si Neo. Hu!hu!hu! Napakasaklap! kaya pala parang hindi siya interesado sa akin.

JHEN:
Bakit? Ano ba nangyari? Teka, ano ba gender niya??? Saka paano niya sinabi sa'yo?

LANCE:
Ano ka ba naman?! Bi din siya noh. Kasi ganito yun. Diba nga kahapon magkatext kami. Tapos sabi niya magsho-shower lang daw siya. Diba nga ang tagal magreply? Kaya naman hindi na ako nakapaghintay, nagtext na ako, sabi ko:


"bc ka b? Sori kung ang kulet kulet ko, im interested kase 2 knw u..."

"Bkit ka interested skin?"

"kasi type kta!"

"ok lang, kaya lang may lover na ako eh, ok lng sau?"

"sbi ko n nga b eh,, :c
frends po? Pwde?"

JHEN:
He!he! Talaga namang tumatak ha? Alam mo parang dun sa sinabi niya parang type ka di
n niya kasi tinanong ka niya kung ok lang sa'yo na may chuchu na siya di ba?

LANCE:
Alam mo jhen, wala ako balak maging kerida noh?!!
At saka 14 mos. na daw sila nung bf niya na taga GMA (gen. mariano alvarez) din.
Haaay! Kagabi ang lungkot-lungkot ko talaga... Siguro nga kaya naimbento ang salitang "sad"... Pakshet!

JHEN:
Hay nako Lance! Sinabi ko naman kasi sa'yo nung una pa lang na wag mo na siya masyadong asahan. Kasi ba naman kung interesado siya makipag-close sa'yo dapat after pa lang niya mag-shower tinext
ka na niya noh?! Wag ka mag-alala panget naman yun, hehehe.
May dadating pang mas deserving sa iyo. Isa pa, hindi naman siya dumating sa'yo eh. GINUSTO mo lang na siya ang dumating sa'yo. Ay! Hindi pala ginusto, INASAHAN lang pala! He!he!he!

LANCE:
Lagot ka sa'kin mamayang breaktime, bibigwasan kita! Negative ka na naman!!!
Hu!hu!hu!
Kung sa bagay, totoo nga yung mga pananaw mo. Sabi nga sa text, makakapili ka ng mauupuan sa bus pero hindi mo mapipili ang taong tatabi sa'yo.
Haaay...buhay...

JHEN:
Oo nga, kasi hindi mo din talaga masasabi kung sino pupwedeng tumabi sa'yo.
Ikaw naman kasi nakakita ka lang ng gwapo akala mo naman soulmate mo na kaagad! Ambisyosa ka! Joke! He!he!

LANCE:
Sorry ha?!! Palibhasa nahanap mo na yung "soulmate" mo na ginagawa ka namang punching bag! Oh ayan, bawi na, he!he!

JHEN:
Gaga!

LANCE:
At eto pa jhen, dahil
super duper depress ako kagabi, bandang 12am naginternet ako magisa. Tapos nagdrama ako sa chat room ng MIRC. Tipong nagpapansin. Tapos, may nakachat ako. Cute siya taga Cabuyao, Laguna. Nawala yung lungkot ko nung nagkausap kami. Paguwi ko sa dorm, tinawagan niya pa ako. 35 minutes kami nagusap bandang
2:00am. Ayun!

JHEN:
At kaya hindi ka mukhang depress kanina at humahalinghing ka pa he!he!
oh ayan, may kumatok na naman sa'yo, i mean nag-buzz pala. Wag mo din masyadong asahan 'yan baka hindi naman iyan yung hinahanap mo.
Hmmm. Bi din ba? Ano naman pinagusapan niyo? Para pala yang tranquilizer ng buhay mo kagabi! He!he!

LANCE:

Oo naman! Bi yun! Nabubuhay kaya ako sa mundo ng mga bi!
Sana nga walang adverse effect ang tranquilizer na 'yan.
Single din daw siya, gwapo sa pics at sa cam. Pero prinangka ko siya sabi ko:

"gwapo ka sa pix, ewan ko lang kapag sa personal na..."

Ewan ko... Bahala na... Siguro naawa na sa akin si Lord. Kagabi kasi napaka
"desperado" ko. He!he!

JHEN:
Baka nga gwapo sa pics at cam, tapos sa personal naman mala-dagul pala! Ha!ha!
Sige ayos lang naman yun, at nakatulong siya sa'yo na mapagaan ang kalooban mo diba?
Anong sinabi niya nung sinabihan mo siya ng ganun?

LANCE:
Natawa siya, sabi niya:

"wala pa naman napapangitan sa akin kapag nakikipagmeet ako. Baka ikaw ang kauna-unahan..."

5'8" daw siya. Nagaaral at nagtatrabaho, 21 yrs old din.

JHEN:
Lance, matangkad pala si Cabuyao noh?
Ikaw ba ano height mo?

LANCE:
5'6" lang ako...he!he!he!


Biglang nahinto ang daldalan namin ni Jhen gamit ang aking notebook. Nagulantang kami dahil biglang naguromintado si Doc. Ang tatahitahimik na clinical instructor ay biglang naging isang mabangis at terror na doktor. Grabe! Ngayon ko lang nakitang ganun si Doc Alon
zo. Parang leon. Nawindang ang buong klase. Pati kaming 2 ni Jhen nangatal sa kinauupuan namin. Ang boring na klase with doc alonzo ay naging bayolenteng tagpo sa aming mga nursing students. Akala mo may martial law. Napabulong ako kay Jhen upang tanungin ang kaganapang hindi ko maunawaan.

"Jhen, anong meron? Ba't nagwawala yan?"

Hindi ako pinansin ni Jhen. Titig na titig siya sa aming clinical instructor. Kulang na lang i take down notes ni Jhen lahat-lahat ng litanya ng C.I. namin. Kaya naman siniko ko siya at muling tinanong.

"Ano ka ba Jhen??!
Ano bang meron??!!"

Syet! Napalakas yata ang pagkakatanong ko. Napanganga na lang ako ng biglang naglingunan ang mga classmates ko na nasa harapan. Si Jhen, binigyan ako ng isang kurot na nagbigay warning sa akin na tumahimik. Ngunit huli na ang lahat para busalan ang aking malakas na bunganga. Naituon ni Dr. Alonzo ang kanyang atensyon sa akin.

"Mr. Morillo??!!! What seems to be the problem?!!!"

Tangna talaga! Nganga kung nganga. Hindi na ako nakapagsalita. Ang nagaapoy na galit ng isang clinical instructor ay naipasa sa akin.
Sumigaw ulit si Doc.

"What seems to be the problem!!!? DALDAL KA NG DALDAL!!!
Sige sagutin mo ito, tingnan ko kung ano ang magagawa ng kadaldalan mo!"

Grabe! Halos mangilid-ngilid na ang luha ko sa sobrang takot at kahihiyan. Puta! Halos tapak-tapakan na ang pagkatao ko. At ako? daldal ng daldal?! Syet, natiyempuhan lang naman ako ah. Kahit papaano n
aman alam ko kung saan ilulugar ang kadaldalan ko. Kamalasan talaga!
Oo nga hindi ako nakikinig sa klase niya pero kahit hindi ako attentive at least hindi ako nagiingay.
Nanginginig akong tumayo at hinablot ko ang handout na hindi naman akma sa dini-discuss niya. Syet! Makakatulong ba ito? Himala na lang talaga ang makakapagligtas sa akin sa kahihiyan. Sana may kaalaman ako sa ibabato niyang tanong.

"What are the 6 P's of dyspnea?"

Parang bumagal ang utak ko sa mga pangyayari. Hindi ko naintindihan ang tinanong ni Doc. Ibang lenggwahe ba ginamit niya? As in parang puro murmur lang ang narinig ko. Super british accent pa si doc.

"Im sorry? Kindly repeat the question sir? "

Parang beauty contest. Ako ay isang contestant na masyadong nabingi at napatanga sa nakaka-nose bleed na tanong ng emcee.
Buti na lang bumulo
ng mula sa likod si Jhen.

"6 P's of dyspnea daw..."

Biglang parang makinang umandar ang aking kinalawang na utak. Siguro yun na ang inaantay kong himala. Biglang kuminang ang mata ko dahil nagadvance reading ako (yes! nagbabasa ako noh!)
ng tungkol sa mga dyspnea na yan. Kaya naman taas noo akong sumagot ng:

"Aaahm sir, 6 P's of dyspnea are:
1. Pump failure
2. Pneumonia
3. Pulmonary embolus
4. Possible foreign b
ody
5. Pneumothorax
and...
(shet! Nakalimutan ko yung last!!! Ano nga ba yun?! Tangna!)
Pulmonary... Aaahm pulmonary... Mmmm...
Sir, i forgot the last one."

Ang malas pa rin! Akala ko pa naman masasagot ko na lahat. Akala ko naman makakapagpakitang gilas na ako sa mapanlait na C.I. na'to. May nakalimutan pa akong isa. Kaya naman to the rescue si Jhen. Binulong niya sa akin ang kulang.

"Pulmonary bron
chial constriction, Sir!" sigaw ko pagkatapos mag-coach ni Jhen.

Nakahinga ako ng maluwag. Feeling ko nung mga oras na yun ang tali-talino ko. Oh ano ngayon ha? Wala palang magagawa ang kadaldalan ko ha? Ayun, napahiya ang doktor na kalalaking tao eh parang na-memenopause. Napagalaman ko na kaya pala nag-ala rambo si Doc eh, may nahuli siyang natutulog sa klase. Paano ba naman kasi, nakakaantok talaga magdiscuss itong C.I. na ito. Tapos, ang hina pa ng boses. Plus factor pa ang napakalamig na binubuga ng aircon sa loob ng room.
Kaya pagkatapos
akong tanungin yung natutulog na ang pinagdiskitahan niya.

"Ang taray mo kapatid! At saan mo naman nahagilap yung mga 6 p's, i mean 5 p's lang pala kasi ki-noach ko yung isa?"

Grabe talagang manlait yang si Jhen. Sagad-sagaran hanggang buto. Simula nung nagshift ako ng nursing, si Jhen na ang naging close ko. Kapatid na ang turing ko sa kanya. Kaya naman kami ang magkasangga sa lahat ng bagay,mapabuhay nursing man yan o kalandian. Wala naman na ako kasing ibang kaibigan na nakakaalam ng pinakatagu-tago kong pagkatao. Si Jhen lang ang nakakaunawa ng lahat. Trinansform ko siya para maging babaeng bakla. Naaalala ko pa nga nung mga araw na nagtapat ako kay Jhen, natawa lang s
iya. Kasi ba naman marunong daw siya mangamoy ng mga tulad ko. At noon pa daw niya alam. Isa daw siyang babaeng may gaydar (may radar pagdating sa pagamoy sa mga pamintang tulad ko)
Kaya naman mabilis kaming naging close.

"Oi! Jennifer! Anong akala mo sa akin hindi nagbabasa?"
Pagtatanggol ko sa aking sarili habang inaayos ang aking bag.

"Aba malay ko ba? Puro kasi kapokpokan ang ginagawa mo!"

"Grabe ka naman! Ganyan ba pagkakakilala mo sa akin?" sabay ismid.

"Joke lang kapatid, ito naman nagtampo kaagad... Ang galing mo nga kanina eh. Imbis na ikaw ang mapahiya, parang si Doc pa ang napahiya.he!he! Astig!"

"Hay nako! Sinagot ko lang naman ang dyspnea na yan... Salamat na lang talaga sa Memory Notebook of Nursing..." sambit ko habang iwinawagayway ang mahiwagang notebook.

"Wow! Kapatid saan mo ninakaw yan?!"

"Hoy! Bumibingo ka na ha? Sige ka hindi kita ililibre ng siomai!
Hmmm...
May nagbigay sa akin nito kaso hindi ko kilala kung sino...
Isang araw nakita ko na lang itong nakasabit sa pintuan ng dorm ko. Tapos may message pa:

"Sa'yo na lang po ito...
--Destiny "

oh diba may secret admirer pala ako..."

Humalakhak lang ng malakas si Jennifer. Nakakabanas talaga! Pagdating sa usapang pagibig laging kontrabida ang hitad.

"Destiny talaga ha?!Halika na nga Lance, nagugutom na ako! Hindi ako naglunch noh? Ilibre mo ko ng siomai...ha!ha!"
parang sawang umangkla sa akin si Jhen.

"Saglit lang naman lalagay ko lang 'tong book sa locker ko..."

Nagtatatakbo ako
sa corridor upang puntahan ang aking locker. Sa pagmamadali ko halos humahangos na ako. 15 minutes lang kasi ang binigay na break ni doc. Mahirap na malate baka paginitan na naman ako. Huling hakbang papuntang locker may nakabungguan akong isa ring nursing student.

" aray! Awwwts, sori..."

Tumilapon ang mga librong hawak-hawak ko sa de tiles na sahig. Nagmadali akong p
ulutin itong isa-isa.

"My God, sorry! Tulungan na kita..."
offer ni kapwa nursing.

Hindi na ako tumanggi pa hinayaan ko lang siyang pulutin ang mga natitirang mga libro. Pagkaabot niya sa akin saka ko lang nakita ang mukha niya.

"Im sorry, nabangga kita... By the way, im Russel..."
sabi ni kapwa nursing habang iniaabot ang libro at ang kanyang kanang kamay para makipagshake hands.

(at parang biglang nagkaroon ng background music ang kapaligiran: "Anghel sa Lupa" by: stonefree)

Natulala ako sa kinatatayuan ko. Ang gwapo pala ni kapwa nursing! Meron palang nabubuhay dito sa Perpetual na ganito kagwapo. At bakit ngayon ko lang ito nakita 'to? Para syang anghel. At nakakamagnet talaga ang dimples niya. Parang si Aga Muhlach nung kabataan niya.

"Ay, hindi...okey lang. Tatanga-tanga din kasi ako... Ako nga pala si Lance...hmmm Freshman ka noh?"
(Oh diba? Pang Mr. Congeniality.)

Nahalata kong first year siya kasi imbis na white shoes ang suot niya ay naka black shoes pa ito. Bukod dun, kulay itim ang nameplate niya. Palatandaan na kabilang siya sa mga freshmen.

"yup! Nice meeting you Lance, pano? Una na ako ha? Sorry ulit kung naabala pa kita..."
sabay tapik sa aking mga balikat.

Wow! Si Russel mukhang anghel. An angel in disguise. Parang anghel na rin siyang lumipad papunta sa kanyang patutunguan. Habang ako naman ay nanatili sa aking kinatatayuan. Mistulang hanga parin sa taglay na alindog ni Russel.
Biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Bumilis ng bumilis.
Mayamaya lang ay dumating na si Jhen, nakabusangot na ang mukha nito.

"Hoy! Morrillo! Kamusta naman? Nilamon ka na ba ng locker mo?!"
reklamo ni Jhen habang papalapit sa akin.

"Jhen, nakakita na ako ng anghel..."

"Anung anghel, anghel?! Nakashabu ka ba?! "

"waaaah! Nakita ko na ang anghel ko! Shet! Nahihirapan ako huminga... Magkaka- dyspnea na rin yata ako..."

At tuluyan na akong binatukan ni Jennifer.



---Itutuloy



NEXT CHAPTER --- CLICK HERE



Read more...

13 komento:

Vincent September 28, 2008 at 3:14 PM  

Kaylan ang kasunod? magandang kwento ang sarap damhin....

jbenchmark,  October 7, 2008 at 1:15 PM  

paul ang galing mo dude!!!! iba ka....

napakasarap basahin... kadarating ko pa lang dito sa office nun nalaman kong may update ka binasa ko agad... bahala silang lahat hehe.... nice po..


ingat lagi,... god bless...

regards,

Anonymous,  October 8, 2008 at 5:56 PM  

i can't wait for chapter 12
...its reminds of my past...parang away ko nang mag ka bf hahahaha.. l

...ganda ng story congratz

ben,  October 8, 2008 at 5:59 PM  

i can't wait for chapter 12
...its reminds of my past...parang away ko nang mag ka bf hahahaha.. l

...ganda ng story congratz

PAULKIAN October 9, 2008 at 10:24 PM  

maraming salamat po sa mga nagcocomment dito sa blogspot... natutuwa ako at may bumibisita rin pala dito...

maraming salamat!

Mac Callister January 5, 2009 at 6:03 PM  

gawain din namin yan dati nung collger ages ago!haha kinda brings back memories with my college friends hmmm,i wonder where they are now hehe

lester0189 July 27, 2010 at 6:25 PM  

ahhmm... honestly, wala pa akong masasabi about the story, i will start reading it tonaight and hopefully i will be able to finish it...

anyway, in advance, thanks paul for writing stories,, nabasa ko na yung ibang stories mo like si tito, ang tatlong pananasa, one night stand, unchaste, incest, phone sex...... yun pa lang nababasa ko.. pero i can say na you are really talented and God really gave you a writing hand and an imaginative mind... God must be very thankful because you are using His gift wisely and productively..

thanks paul..

by the way, i'm mark.

a seminarian.

lester0189,  July 27, 2010 at 6:26 PM  

hopefully, balang araw magawan mo rin ng kwento and buhay ko pag nagkakilala tayo ng lubusan. thanks.
godbless.

wangshiishii July 28, 2010 at 7:16 PM  

chapter one: done, onto the next..

funny! naalala ko tuloy barkada ko since college, bi din cya. super kami kakikayan.. :)

Anonymous,  August 6, 2010 at 10:06 PM  

hay sinu kaya ung taga cabuyao na naka chat ni lance? hahahhaha baka kilala ko.. at san perpz ang akul ni lance at jhen hehheheh

Anonymous,  August 22, 2010 at 3:37 AM  

Tsk! paki-tama lang ang paggamit ng word na "BI" sa context ng storya. Halata namang HINDI "BI" si Lance dahil puro lalake ang kina-kape nya. He's GAY! and this is a queen's series. Wag na gamitin ang word na BI sa series na to para lang pagtakpan ang sariling homophobia.

Anonymous,  January 22, 2011 at 3:38 AM  

I love paulkian.blogspot.com! Here I always find a lot of helpful information for myself. Thanks you for your work.
Webmaster of http://loveepicentre.com and http://movieszone.eu
Best regards

Hey Adams November 28, 2015 at 10:39 AM  

2015 na pero ito ako ngayon binabasa ulit sa isa na namang pagkakataon ang kwentong naging isang napakalaging bahagi sa pagbuo ko sa pagkatao ko ngayon.

1st year high school ako nang unang mabasa ko ito at sa hindi mabilang na pagkakataon binabasa ko na naman ito ulit ngayong 1st yr college student ako.

Nakakatuwang balikan ang mga istoryang tulad nito.


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP