Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Tuesday, November 11, 2008

AKO SI DESTINY (CHAPTER 12: “SELF-PITY”)

"AKO SI DESTINY"
(a heart-warming love story)

By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


“Self-pity is our worst enemy and if we yield to it, we can never do anything wise in this world.”

--- Helen Keller



CHAPTER 12: “SELF-PITY”



Umaga. Isang umagang kawawa. Isang umagang kagagaling lamang
sa bangungot. Isang bangungot na sana kumitil na lang ng buhay ko. Ano ang pakiramdam? Parang isang hang-over ng namatayan. Ang malalim na pakiramdam ng isang naulila. Ganito ang feeling ko noong namatay si Papa. Ganoon kadilim ang mundo. Ganoon kasakit ang puso. Ganoon kalupit ang tadhana. Hindi madaling tanggapin ng isang tulugan lang. Dapat sana forever na akong natulog. Sana hindi na lang ako nagising. Sana nakalimutan na ng puso ko kung papaano tumibok. Pero alam mo? ito yung pinaka-masakit eh! Sa kabila ng lahat, siya pa rin ang tinitibok nito. Sa kabila ng lahat ng poot na idinulot niya, siya parin ang laman nito. Bakit ganon noh? Kung sino pa ang nanakit sa’yo ng sobra-sobra, hindi mo makakaila na siya parin ang makapagpapahupa ng puso mong nakahulagpos sa kalungkutan. Alam mo siya pa rin ang magaahon sa nakahandusay mong pagkatao. Napaka-unfair! Sana nakalimutan na rin ng baga ko kung papaano huminga. Dahil sa tuwing ibubuga ko ang hanging panawid buhay, naaalala ko lang ang kanyang hininga na minsang pinagsaluhan namin. Sana hindi ko na lang siya nakilala. Kung ang tadhana ba ang nanadya ng lahat sana wala na lang tadhana! Sana wala ng Destiny!

Dinama ko ang lamig ng semento. Mistula akong basahang nakakalat sa sahig. Pinili ko ang ganitong senaryo. Mas gusto ko ang ganitong eksena. Mahina ako eh. Duwag ako. Kinaawaan. Nagtatapang-tapangan lang naman ako ah? Tatakbuhan ko na lang ulit ito. Dahil alam ko at pinaniniwalaan kong lilipas din
ito. Tulad ng paglipas sa pagluluksa sa aking ama. Pagkatapos ng pagluluksa, muli kong gagawing busy ang aking sarili. Ito ang paraan ng paglimot. Dapat nang kalimutan ang mga nasa short term memory ko.

Muli kong naalala si Mommy. Ako ang mga pinaghugutan niya ng lakas noong mga panahong yumao na si Papa. Sabi ko sa kanya:

“Ma? Wag mo naman pabayaan ang sarili mo, nandit
o pa naman ako ha? hindi pa kita iniiwan…”

Bigla akong nabuhayan ng dugo. Nagising ako mula sa pagkakalugmok. Oo nga naman noh? Bakit ko ba pinababayaan ang sarili kong ganito? Hindi pa naman katapusan ng mundo. At ang isa pa, hindi naman makakatulong sa nursing career ko ang mga drama scenes ko dito sa sahig. Marami pang iba diyan! Lalaki lang yan. Salot talaga yang mga lalaki na yan! Teka? Lalaki din naman ako? Haaaay! Nakakaloka talaga! Sana hindi na lang ako naging bakla! Ito naman talaga ang puno’t dulo nito eh! Ang kabaklaan ko!

At muli na naman akong humagulgol ng walang kasawaan.


“Hoy Lance!!! Buksan mo nga ‘tong pinto? Lance!??”

Si Jhen ang kumakatok. Naalala ko meron pala akong kaibigang hitad na pwedeng maiyakan. Meron palang makakaunawa sa akin. Meron palang makikinig kahit papaano sa mga kahupaan ko. Mga kahupaang
paulit-ulit na lang. Nagmamadali akong bumangon upang pagbuksan siya ng pintuan. At parang mabubuksan na rin ang aking mga mata sa mga oras na ito. Nandito na si Jhen at iuuntog na ako sa pader ng katotohanan.

“Ano na naman bang pakulo ‘to Lance ha? Bakit ka nag-absent kanina? Alam mo namang quiz natin!”

Nagtuloy-tuloy sa loob ng dorm si Jhen. Nadatnan niya ang nagkalat na baso at ang bote ng generoso. Muling lumipad ang kilay ni Jhen sa kisame. Tiningnan ako ng masama.

“So? May party galore pala d
ito kagabe? Walanghiya ka Lance! Lumaklak ka lang pala! Tapos ngayon umabsent ka!? Napakaagang celebration naman yata nito para sa birthday mo? Di mo man lang ako kinumbida?” sarkastikong banat ng bestfriend ko.

Hindi ko na inantay pang dumakdak ang kaibigan kong laitera. Maluha-luha akong yumakap kay Jhen. Nagulat siya dahil hindi niya inaasahang iiyak ako ng ganoong katindi. Ngayon lang yata ako nakita ni Jhen na ngumangawa na parang baka. Sa kauna-unahang pagkakataon wala akong narinig na panlalait mula sa kanya. Malamang mamaya pa. Yapos lang din ang isinukli niya upang mapatahan ang aking damdamin.

“Oh bakit!? Anong nangyari!? Sino ang namatay!?”

Natawa ako sa banat ng hitad kaya naudlot ang mga drama-dramang eksena kasama siya.

“Tangina naman nito oh! Nagdadrama ako dito! Sinisira mo naman yung moment ko… At pwede ba? Wala namang namatay!”

“hay naku naman! Kung makahagulgol ka kasi parang may namatay na!” sabay irap sa akin

“Oo may namatay, ang puso ko patay na. Pinatay nila! Mga hayup sila!”

“hay nako! Tigil-tigilan mo nga ako sa mga pang- teatrong dialogue mo! Ang aga-aga nag-aala- Claudine ka diyan! Pang-primetime lang yan uy!”

“hindi mo ko naiintindihan Jhen!”

“gaga! Anong hindi!? Im sure lalake na naman yang iniiyakan mo! O hindi kaya titi? At kung lalake nga yan, utang na loob tigil-tigilan na yan at hindi ako nagkulang ng paalala sa’yo!”

Swak na swak na naman sa tama si Jennifer. Iyan ang mga salitang kailangan ko upang magising sa katotohanan. Tama si Jhen, hindi siya nagkulang ng paalala. Ako lang naman yung matigas ang ulo eh. Ako lang naman ‘tong “stubborn”, walang pinapakinggan, at palagi ang sarili lang ang sinusunod. Kahit mali na sige pa rin. Kahit alam ko na ang magiging consequences, wala pa rin akong pakialam. Kaya kapag umiyak ulit ako, wala akong masisi kundi ang sarili ko rin.

“oh tapos ngayon iiyak-iyak ka? Lance naman, nasaan na ba yung sarili mo? Nasaan na si Destiny?Nasaan nga ba ‘yang Destiny na ‘yan?Nakakatulong ba “siya” sa’yo ngayon? Wala rin siyang silbi! Dapat si Destiny ang kumakalinga sa’yo ngayon. Hindi ako, hindi ibang tao, hindi si Aling Bebang! Si Destiny. Siya dapat ang kumakalinga sa’yo!”

“hindi ko pa rin siya kilala!” ito lang ang nasambit ko sa mga litanya ni Jhen.

“kilala mo siya pero ‘di mo lang binubuksan ‘yung mata mo…”

Parang naalog ng lindol ang utak ko. Nasaan na nga pala si Destiny? Bakit ba hanggang ngayon hindi ko pa rin siya kilala? Kung kilala ko lang siya siguro hindi ako mukhang kawawa ngayon. Siguro hindi ako humahagulgol ng ganito. Siguro matapang na akong haharap sa dapat harapin. Siguro malakas na ang loob kong ipaglaban kung ano ang nararapat at sa tingin kong makapagpapaligaya sa akin.

Nasasaktan na ako sa mga sinasabi ni Jhen kaya naman minabuti kong maligo na upang makahabol sa pang-hapon naming klase. Talagang binantayan niya ako at binigyan ng ultimatum. Ito ang kailangan ko sa mga panahong ito. Para akong pako na kailangan pang pukpukin upang bumaon. Ito lagi ang nagiging role ko kapag nasasaktan. Palaging nawawala sa tamang daan ang biyahe ko.

Naligo. Namalantsa. Nagwax ng buhok. Nagpahid ng nivea cream sa mukha. Nagpulbo. Nagtoothbrush. Nagmouthwash. Naglotion. Nagspray ng pabango. Muli kong ginawa ang aking daily routine bago pumasok. Akala ko maapektuhan ito pero hindi pala. Siguro dahil simula’t-sapol ginagawa ko na ito. Bago pa man dumating “sila” sa buhay ko, routine ko na ito. Kaya hindi dapat magpaapekto. Kung iisipin ko, nabuhay naman ako noon ng maayos kahit walang lovelife ah, ngayon pa kaya? Kaya kalokohan kung sasabihin kong: “hindi ko na yata kayang mabuhay!” At saka kapag narinig sa akin ni Jhen ‘yan magkakamit na naman ako ng bonggang-bonggang kutos.

Sabay kaming lumabas ng dorm ni Jhen. Pansamantala ko munang iniwan ang puso ko sa loob ng dorm. Kailangan kong harapin ang katotohanang nursing student din pala ako. Hindi masasabing excuse ang pagkakaroon ng isang sawing puso sa pagliban sa mga klase.

Paglabas namin ni Jhen ng compound sakto namang papasok si Russel. Ang suspect sa krimeng ito.

Nagpanggap ako na isa akong bulag, at bingi. Kunyari hindi ko siya makita. Kunyari hindi ko siya marinig.

“Lance, patawarin mo ako… please…” tugon ni Russel sa aking pagpapanggap.

Hinayaan ko lang siya. Hinatak ko si Jhen papalabas ng compound. Sunud-sunuran naman si bestfriend at parang nauunawaan na kailangan naming makaalis kaagad.

“Lance? Please? Maawa ka naman patawarin mo na ako?”

Biglang nagpanting ang tainga ko sa aking narinig. Mahirap pala magpanggap na bingi lalo pa’t hindi mo gusto ang iyong naririnig. Tapos na ang pagpapanggap. Hindi pala ako pipi para hindi makapagsalita.

“Maawa? Kayo? Hindi kayo naawa sa akin!” sabay talikod at lumakad ng mabilis.

"Lance ako ang destiny mo... please... makinig ka sa akin...tayo ang para sa isa't-isa!"

Napahinto ako sa isang ultimate na kasinungalingan ni Russel.

"alam mo Russel sa lahat ng kasinungalingan mo yan lang ang hindi ko matatanggap!"

Binilisan ko ang lakad ko. Halos hindi na ako mahabol ni Jhen. Ayaw kong mamayani na naman ang kirot na nararamdaman ko. Muling pumatak ang pait ng luha sa aking pisngi. Kahit pala iwan ko ang aking puso sa dorm mararamdaman ko pa rin ang hapdi.

Nainterrupt na naman ang drama ko sa mga banat ni Jhen.

“Ang ganda mo Lance ha? Isa kang diyosa! At ang haba na pala ng buhok mo? Abot hanggang dun sa guard house ng Perps…so ngayon feeling mo ikaw si Rapunzel?! Eh kung kalbuhin kaya kita?”

Si Jhen talaga kahit kailan napaka-antipatika.

“Tigil-tigilan mo nga ako Jhen, baka ikaw ang kalbuhin ko diyan! wala ako sa mood makipagbiruan.”

“Ito naman, pinapatawa lang naman kita. Ikaw naman kasi, nagso-sorry na nga sa’yo yung tao nire-reject mo pa.”

Buong pugay kong itinaas ang aking boses at kilay. Gusto kong iparamdam kay Jennifer ang galit na nararamdaman ko sa lalaking iyon.

“Hindi mo ba narinig ‘yung sinabi niya? Siya daw si Destiny?!! Sinungaling siya! Ubod siya ng sinungaling!”

“Oh baka nga naman talaga siya ang Destiny mo? Ha!ha!ha!”

“Punyeta! Hindi nga siya!”

“Bakit ikaw? Sa tingin mo kilala mo kung sino ba talaga iyang nagmamagandang Destiny mo? Hindi na Lance. Hindi na. Maski nga ako hindi ko na siya kilala eh. Hindi ko na makilala yung pinakilala kong Destiny sa’yo…”

“Kawawa naman ako Jhen…”

Nagsimula na namang tumulo ang aking unlimited na luha. Kailan ba mag-eexpire ito?
At nagsimula naring lumitanya sa akin ni Jhen habang naglalakad kami papuntang school.

“Kawawa? Simple lang ang buhay Lance, ‘wag mong gawing kumplikado. Sige ka pagtanda mo baka marami kang pagsisihan. Ang pagpapatawad walang bayad ‘yan. Libreng binibigay ‘yan. Kaya ‘wag mong ipagdamot kung may nanghihingi sa’yo.”

“hindi mo alam kung gaano kasakit Jhen, wala kang idea sa mga nagaganap dito.
Kaya please huwag mo kong sermunan na akala mo ako ang masama at kontrabida…”

“okey fine! Pero ito lang masasabi ko, kesehodang siya ang may kasalanan at biktima ka, hindi parin masama magpatawad… yun lang naman… konsyensiya mo na ‘yan bakla ka! Hindi ka pa naglalunch noh? Halika maglunch tayo, tanggal ‘yang problema mo! Don’t worry, treat ko, dun tayo sa mcdo.” sabay bawi ni Jhen matapos akong tawaging bakla.

“Ayaw ko sa mcdo!” sagot ko naman sa offer niya.

“ah okey sige, diyan na nga lang tayo sa karinderya ni Aling Bebang…may fries din naman diyan, pagtiyagaan na lang natin kahit lantutay.”

Alam ni Jhen kung papaano ako pasasayahin. Akala ko magiging mabigat ang araw na ito para sa akin. Hindi pala. Sa tulong ng isang hitad nakalimot ako sa dinadala kong bigat. Pag-uwi ko mamaya sa dorm muli kong pupulutin ang iniwan kong puso. At muli akong magseself-pity. Hanggang kailan? Hanggang sa mapagod ako.




---itutuloy


NEXT CHAPTER: CHAPTER 13: "AMNESIA"



Read more...

7 komento:

Mharc,  September 29, 2009 at 10:21 PM  

haha! gusto ko talaga si Jhen! sana meron din akong kaibigang ganyan! sumasakit tlga tyan ko sa bawat banat nya! love her!

foxytroxy July 22, 2010 at 2:09 PM  

magdusa ka Russell! You go, Jhen. Wish I have a f@ghag like her.

ugatbayo July 28, 2010 at 7:46 PM  

hay nako dumdrama na naman ang ating bida, ang ganda naman kasi ng ni lance, pero ako yun patawarin ko na si russell saka dapat marinig ko paliwanag nya

otokonaata July 28, 2010 at 7:52 PM  

cliche na ang magaling at maganda para isalarawan ang pagkakasulat ng kwentong ito . Bagkus, i papahayag ko na lang kung paano ako napapakislot sa aking kinauupuan habang binabasa ang kwentong ito . sa edad ko na ito at sa kabila ng mga pinagdaanan ko di ko pa rin napigilan ang kiligin. muli. kudos kay paul kian.

missvanity16 July 28, 2010 at 7:53 PM  

ay ang ganda..
i like this chapter..
i have just read chapter 11 and this one..
super busy kasi sa school kaya no time for this..
and still kudos to you..
keep it up..

axel19 July 28, 2010 at 7:54 PM  

wahaha... pakshit... natatawa ako... ganyan din dinanas ko a month ago... naaalala ko sarili ko... buti pa si LANCE may JHEN na masasabihan ng problema... ako, wala eh... at ayokong malaman nila ang tungkol sakin.. tsk tsk tsk...

galing mo tlga... idol na kita... naaalala ko na naman si *toot*... hahaha...

Anonymous,  August 28, 2010 at 12:54 PM  

I like this chapter, dito tumulo ang luha ko....nang sinabi ni Russel na ako ang destiny mo....kahit ganun kailangn parin natin making ng explaination....galing mo paul....


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP