Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Tuesday, November 11, 2008

AKO si DESTINY ( CHAPTER 5: "110/80" )

"AKO SI DESTINY"
(a heart-warming love story)

By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


Sa pagpintig ng sandali, natikman ko ang iyong labi. Habang kumakabog ang aking puso, hinayaan mo lang ako...





CHAPTER 5: 110/80


Siguro nga ganoon ako kabilis magtiwala sa isang tao lalo pa't type ko ang taong iyon. Hindi na mahalaga kung ilang araw ko pa lang siya nakikilala. Hindi na mahalaga ang mga "getting to know each other..." Hindi na uso yun. Mas nangingibabaw naman ang kutob eh. Alam ko at ramdam ko na may something sa kanya o sa pagitan naming dalawa na kailangan kong alamin at matuklasan. Ito yung sinasabi kong spark. Susugal ako (ulit) sa isang bagay para bigyang kasagutan ang mga hinala ko. Kung ano man ang kahihinatnan, siguro nga iyon na yung "something" na gusto kong malaman. Kung ang kalalabasan ng spark na iyon ay isang apoy para mapaso akong muli, wala na akong pakialam. Hindi naman sila ang masusunog eh. Ako naman ang iiyak at hindi sila. Isa lang ang bottom line dito, naiinlove na naman ako. After 2 years, ngayon lang muli ako kinilig ng ganito katindi. Pero hindi pa rin ako nakakalimot. Alalay pa rin ako sa puso kong kakatahi pa lang. Baka kasi bumalik ang sakit ko, at tuluyan na itong magpirapiraso na parang retaso.

"Mahirap ba magduty?" tanong ni Russel habang nangangalikot ng aking mga kagamitang pang-nursing.

"Hindi naman, sa una akala mo mahirap, tipong nakakakaba. Pero kapag nasanay ka na parang balewala na sa'yo..."
tugon ko sa kanyang tanong habang nilalantakan ang fries na dala niya.

"Nako! Matalino ka naman eh, kaya madali lang para sa'yo..."

"Sino naman nagsabi?hindi noh?! Bagsak nga mga quizzes ko eh..."
(naks! pahumble epek)

"Nakita kita nung nakaraang university week. Ang galing-galing mo ngang magemcee! 3 beses na kitang nakikita naghohost kapag may event..."

Grabe! At napapanuod niya pala ako. Mukhang nung mga panahon na iyon hindi ko pa siya nasisilayan. Pero siya nakikita na niya ako.

"Huling pageemcee mo, pageant 'yun di ba? Kilala ka pa nga nung katabi ko noon sa upuan, sabi niya magaling ka nga daw talaga!"
dagdag ni Russel sa pamumuri niya sa akin.

Speechless ako. Wala lang. Hindi ko kasi alam kung binobola lang ako nitong mokong na ito. Nakiramdam ako sandali. Baka bumubuwelo lang at ang tunay na pakay pala ay para mangutang. Pero bute na nga lang hindi pala. Dedma na nga. Tigil-tigilan muna ang pagaassume.

"marunong ka magBP di ba? Turuan mo naman po ako?"
parang nagmamakaawang sambit ni Russel habang iniaabot ang kanyang kanang kamay.

Nagmamadali kong kinuha ang sphygmomanometer at stethoscope. Sila ang mga kagamitang pangkuha ng blood pressure. Mga partner ko sa pagduduty. Sariling pera ko ang pinambili ko ng mga ito. Tandang-tanda ko pa, ilang chicharon at brownies din ang binenta ko bago ako nakaipon ng perang pambili ng kagamitang pangnursing. Kahit malayo, ginalugad pa namin ni Jhen ang Bambang dahil mas mura ang mga gamit doon. Sentro kasi ng bilihan ng mga hospital supplies ang lugar na iyon.

Tinanggal ko mula sa pagkakarolyo ang sphygmo, at isinabit ko naman sa aking leeg ang steth. Kinuha ko ang kaliwang kamay ni Russel at itinaas ko ang manggas ng kanyang uniporme. Tumambad sa akin ang malaman niyang braso.

"Kapag magBBP ka, as much as possible sa kaliwang kamay palagi para mas accurate kasi mas malapit sa puso..."

At buong puso ko ring iniikot ang cuff ng pamBP. Kinapa-kapa ko ang kanyang brachial pulse para mapagpatungan ng diaphragm ng stethoscope. Titig na titig naman si Russel sa bawat galaw na ginagawa ko. Halatang interesadong matuto. Kaya naman umakto akong bihasa sa pagkuha ng presyon upang hindi mapahiya sa isang anghel.

"para hindi ka mahirapan hanapin ang pulso at saka para malinaw mong marinig sa steth, dito mo lagi kakapain... Dito siya nakalocate palagi, paloob malapit sa katawan mo..."

"aaah, kaya pala minsan wala ako marinig, hahaha!"
sabay tumawa ng malakas si papa Russel.

Inilapat ko ang diaphragm ng steth sa pulsong nakapa ko. Malakas ang pintig nito kaya hindi ako nahirapang hanapin. Ipinihit ko pabalik ang valve ng sphygmo para malock ito. Sinimulan kong pisilin ang bulb para makapagbuga ng hanging makapagpapalobo sa cuff.

"Basta lagi mong tatandaan ang una at huling pintig... Yung una malakas, tapos pahina yun ng pahina, tapos yung last ng pintig na maririnig mo... Tandaan mo yung number na kung saan tatapat ang una't-huling pintig. Systolic at diastolic ang tawag sa mga yun."

Walang kibo si Russel. Titig na titig siya sa akin habang dinedemo ko sa kanya ang paraan ng pagkuha ng presyon. Kinarir ko ba naman ang bawat sandaling iyon. Step by step procedure talaga. Sana naimpress ko siya. Sana.

"110 over 80... Okey naman..."

Kinalas ko ang cuff sa kanyang braso. Tapos na ang pagtuturo ng nagpapanggap ng CI. Pero paano ko malalaman kung natuto ang estudyante ko? Dapat may return demonstration.

"Oh ikaw naman, i-BP mo rin ko..."

Ipinasuot ko sa kanya ang stethoscope. Umusod siya ng kaunti papalapit sa akin. Halos isang dangkal na lang ang layo namin sa isa't-isa. Hinawakan niya ang kaliwang braso ko. Medyo malamig ang kamay niya. Parang kinakabahan. First time ba?

"tama ba pagkakalagay ko?" tanong ni Russel.

Tinanguan ko lang siya. Masyado kasi akong nababato-balani sa mukhang nasa harapan ko. Feeling ko tuloy nasa langit ako. Tapos ang bango-bango pa. Ang gwapo ng amoy. Nanunuyot sa nostrils ko.
Tiningnan ko siya sa kanyang mata. May contact lens yata. Maamo talaga. Parang walang kamuwang-muwang. Bumaba ang tingin ko patungo sa kanyang labi. Ang lambot siguro kapag hinalikan. At parang naging hudyat sa akin ang pagsikip ng cuff sa aking braso. Sa kanyang pangapat na pagbomba ng bulb, nagnakaw ako ng sandali. Sa pagkakataong maririnig niya ang una at huling pintig ng aking pulso, hinalikan ko siya ng buong puso. Halik na makapagpapatigil sa pintig na kanyang maririnig. Halik na makapagpapataas ng aking presyon. Isang matamis na halik na makapagpapabago ng lahat.

"Oh? Kasama ba yan sa pagkuha ng blood pressure?"
wika ni Russel habang nakalapat pa ang labi ko sa labi niya.

Biglang huminto ang lahat. Shet! Ano ba kasi 'tong ginawa ko? Nagpapaturo magBP hindi nagpapaturo humalik! Punyeta! Paano ko ba matatakasan ang mga sandaling ito. Himatayin kaya ako? Mukhang tanga naman. Maging ako nagulat sa ginawa ko.

"Sorry... Im sorry, hindi ko sinasadya..."

Yan lang naman ang tamang mga salitang dapat bigkasin... Hindi ko sinasadya kasi nadala ako ng temptasyon. Hindi ako makatingin ng diretso kay Russel. Unti-unti ko ring inilayo ang ang katawan ko mula sa kanya. Para akong dahon ng makahiya na biglang tumiklop sa kahihiyan. Ano ba kasing espiritu ang sumapi sa akin?

"oh bakit? Ok lang naman yun, ang sarap mo pala humalik...hahaha..."

Napatingin ako sa mukha ng anghel. Nagbibiro ba siya? Pero mukha namang seryoso. At sa pagkakaalam ko hindi nagsisinungaling ang mga anghel mula sa langit. Nakipagtitigan ako sa kanyang mga mata. Matatalas na iyon. Nagbabadya ng kung ano man kaya naman umiwas na ako ng tingin. Ngunit nakatutok pa rin siya sa akin. Waring may gustong ipahiwatig. Muli ko siyang hinarap. Mata sa mata. At nginitian niya muli ako na nakapagpatunaw sa kumakabog kong damdamin.

"Ang sabi ko, ang tamis ng kiss mo... Puwede bang isa pa?"

Parang nananaginip lang ako. Sa mga sandaling iyon hindi gumagana ang utak ko. Walang na naman pakiramdam. Basta ang alam ko naglapat ang mga labi namin. Basta ang alam ko hindi ito panaginip. Muli akong nagkaroon ng lakas ng loob. Muling bumuka ang dahon ng makahiya. Sa pagkakataong ito, request na niya ang pangalawang halik. Kaya naman sumunggab na ang inyong lingkod.

Habang nagkikilanlan ang aming mga labi isang tanong ang kanyang binitiwan:
"Gusto mo ko noh...?"

Hindi ako sumagot. Sapat na ang mga halik ko para sagutin ng oo ang tanong niya. Sapat nang maramdaman niya ang yakap ko. Magaling humalik si Russel, halatang praktisado. Hindi nagpapatalo ang dila niya sa dila ko. Agresibo kung agresibo.

Sabi nga sa nabasa kong libro: "Kung maghihintay ka lang ng lalandi sa'yo, walang mangyayari sa buhay mo. Dapat, lumandi ka din." Iyan ang mga katagang naisip ko habang nakikipagsukatan ng dibdib at nakikipagpalitan ng laway kay Russel. Once the oppurtunity comes, grab the chance. You'll never know, baka ito pala ang makapagpapakumpleto sa pira-pirasong puzzle ng buhay mo. Sino ba ang nakakaalam? Baka kapag pinalagpas mo ang pagkakataon, para mo na rin pinalampas ang chance mo para maging maligaya.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinanggal namin sa ganoong tagpo. Basta ang alam ko ang kissing scene na iyon ang pinaka-the best na yugto ng aking pelikula. Passionate ang bawat galaw. Hindi nakakabastos ang bawat hagod ng leading man ko. Ngunit nagsilbing direktor ang cellphone ni Russel na nagriring. Kulang na lang sumigaw ito ng: "CUT!" para putulin ang nagaapoy na eksena. Eksenang baka kung saan pa mauwi.

"Saglit lang, sagutin ko lang yung phone ko..." paalam ni Russel sabay tayo at lumabas ng dorm upang sagutin ang tumatawag sa kanya.

Naiwan akong nakaupo sa kama. Dinampian ko ng panyo ang napalaban kong labi. Medyo humapdi iyon. Grabe rin kasi ang mga moves ng kapartner ko. Ayaw talaga magpatalo sa bawat hagod ng labi ko. Sa mga sandaling iyon, tanging ngiti lang ang naging kaagapay ko. Saksi ang dorm sa pamumukadkad ng natutulog kong damdamin. Muling nagapoy ang pagnanasa ko kay Russel. Lumalim din ang kakaibang pakiramdam na lumilikot sa aking puso't isipan. Walang pagpaplano, walang kaabog-abog. Bahala na...

"Pasensiya ka na,..."
bungad ni Russel habang papasok muli ng dorm.

"... Kailangan ko na umuwi, may importante kasi akong aasikasuhin."
dugtong niya sa kanyang pagpapaalam...

"aah, okey lang sige... Hatid na kita,..."
offer ko kay anghel.

"huwag na... Alam ko naman na yung daan palabas..."

Hindi ko na pinagpilitan pang ihatid ko siya sa sakayan. Baka makulitan pa siya sa akin. Iniabot ko na lang sa kanya ang hinihiram niyang aklat.

"Kuya lance, hmmm..."

"bakit?"

"aah wala...may tiwala naman ako sa'yo eh... Basta alam mo na yun."

(Oo, alam ko naman yun. Hindi mo na dapat sabihin pa. Baka masaktan lang ako...)

"dont worry, wala yun... Pagpasensiyahan mo na lang ako... Salamat pala dun sa french fries ah..."

Ngiting makahulugan ang lagi niyang isinusukli sa akin sa tuwing hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Siguro alam niya na mas makapangyarihan ang bawat ngiting pinakakawalan niya kaysa sa mga salitang nasasabi niya. Mas maigi na sa akin yung ganun. Positibo naman kasi ang interpretation ko sa bawat ngiti niya. Madadaya mo ang lahat pero ang huwad na ngiti ay madali mong mararamdaman. Nagmumula kasi iyon sa kaibuturan eh. Kapag peke ang smile mo, bibig lang at ngipin ang pinaghugutan mo nun.

Tinapik ako ni Russel sa balikat at kinurot niya ang pisngi ko. Huling galaw niya bago siya lumabas ng dorm. Tinanaw ko siya mula sa bintana. Nagmamadali ang lakad ng anghel, at maya-maya pa ay muli na itong lumipad sa kawalan.

Napatingin ako sa kalendaryong nakasabit malapit sa bintana. Dalawang araw... Sapat na ba ang 2 days para masabi ko sa sarili kong mahal ko na siya? Kalokohan!
Kung nakaramdam ako ng spark, naramdaman din niya kaya? Assumero! Teka, may gf siya eh. Straight ba talaga siya? O katulad ko rin? Kung hindi siya katulad ko bakit pumayag siyang mahalikan? At gumaganti pa sa bawat kiss ko. Ibig sabihin gusto niya rin. Ano na ba itong nararamdaman ko? Libog ba 'to? O infatuation? Assumero na naman yata ako. Pero hindi eh. Ayaw ko ng ganito!

PUTANG INA!

Naguguluhan na naman ako. Pero aminado ako sa sarili ko na masaya ang kabanatang ito. Kasabay ng paghawi ko sa kurtina ng aking bintana. Minarkhan ko ang date sa kalendaryo:
Nov. 14... Bisperas ng araw kung kailan ko siya nakilala.


---itutuloy...



NEXT CHAPTER--- CLICK HERE




session road

Read more...

1 komento:


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP