Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Tuesday, July 27, 2010

Have you ever felt the same? (CHAPTER 12: “FALSE HOPE”)

(AKO SI DESTINY 2)
Have you ever felt the same?
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


At first we hope too much; later on, not enough.
-Joseph Roux



CHAPTER 12: “FALSE HOPE”



Sa kalagitnaan ng aking pagbabalik-tanaw may isang lalaking naka-sakay sa motor ang pumarada sa harap ng waiting shed na sinisilungan ko.

Robert Akizuki ang porma. Naka itim na jacket, faded na maong pants, gloves na pang-motorcycling, rubber shoes, at ang mala- Mask Rider Black niyang helmet. Knight in shining armor, iyan lagi ang papel ni Russel sa buhay ko. Lagi siyang dumadating sa gitna ng nagso-solo at lugami kong mga eksena. Parang nagte-teleport siya mula sa kanyang kinaroroonan papunta sa lugar ko. Parang nasanay na ako. Parang tipikal na lang sa akin na makita siyang nasa tabi ko kahit ano mang oras.

“Nag-text ako sa’yo ah? hindi mo ba na-receive?” bungad niyang tanong habang inaalis ang suot-suot niyang helmet.

Naalala ko na naiwan ko pala ang telepono sa bahay na naka-charge.

“sorry, hindi ko nabasa… naiwan ko kasi cellphone ko…” tugon ko naman sa kanya.

“Anong ginagawa mo dito?”

“aah eh… Papunta sana ako sa inyo…” (dumadahilan?)

Sumilay ang tipid na ngiti sa labi ni Russel nang marinig niya ang sinabi ko. Ngiting naging dahilan upang umangkas ako sa likod niya. Ang kati ko diba? Hindi ko naman talaga alam ang daan patungo kina Russel. Siguro nga naniwala siya sa idinahilan ko kahit na alam ko sa sarili ko na nagsisinungaling lang ako. Minsan kailangan mong hindi magsabi ng totoo para sa ikaliligaya mo. Minsan ang pagsisinungaling ay isang paraan upang maging maayos ang lahat. Sa pangalawang pagkakataon, muli akong nasa likod ng isang anghel habang ipinahaharurot ang kanyang motorsiklo. Muli naming binaybay ang kahabaan ng highway. Hindi alintana ang mga sasakyang nakakasalubong namin.

Muling sumagi sa isip ko ang sinabi ni Andrei:

“Mahal? Pwe! Tingnan ko lang kung hanggang saan ang mararating ng pagmamahal na ‘yan…hindi lang ako ang kontrabida dito Luis, tumingin ka sa paligid.”

Yumakap ako sa likod niya. Pinakiramdaman ko siya. Siguro kung may totoong pakpak ang anghel na ito baka nalagas na ang balahibo niya sa higpit ng yakap ko. Ngayon ko napatunayan na hindi lang isang “puppy love” o landi slash libog ang isinisigaw ng mga ugat dito sa puso ko. Alam kong darating ang araw na mas lalalim pa ito. Hinayaan lang ako ni Russel na yumapos sa kanya. Sabi nga nila kapag hinayaan kang gawin yun sa’yo ibig sabihin gusto mo rin.

Gusto ko ang nangyari sa amin kagabi. At malamang gusto rin yun ni Russel. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na ang lalakeng nasa harap ko ay nakasiping ko sa iisang kama. Hubu’t-hubad. Ang anghel na yakap ko ngayon ay naangkin ang aking pagkatao at iminulat ang isip ko sa kakaibang sensasyong dulot ng init naming dalawa. Init sa pinagsaluhan namin magdamag. Init na bumulwak at kumawala sa buo naming katawan.

“kumapit kang maigi Luis, please wag kang bibitaw…”

Ipinaharurot niya ang motorsiklo sa kalsada. Sumunod ako sa sinabi niya. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakakyakap. Hinding-hindi ako bibitaw. Ayokong mahulog bigla sa sinasakyan naming motor. Bahagya akong pumikit. Dinama ko ang bawat pintig ng puso niya na naririnig ko mula sa kanyang likod. Hindi ko alam pero pakiramdam ko habang tumatagal pabilis ito ng pabilis. Kasing bilis ng mga rumaragasang sasakyang nakakasalubong namin.

Huminto kami sa isang maliit na tindahan ng mga bulaklak. Ang puso ko naman ang biglang tumibok ng mabilis. Bumaba si Russel. Itinaas niya ang salamin ng helmet upang kausapin ang tindera sa flower shop. Bumili siya ng isang bouquet ng puting rosas.

“Luis pakihawak naman oh…” pakiusap sa akin ng gwapong anghel.

Siyempre hinawakan ko ang mga bulaklak para sa kanya. Kinilig akong bigla. Alam ko naman na para sa akin ito. Sweet talaga si Russel. At dahil dun, niyakap ko siya ulit. Ipinaikot ko ang aking mga braso sa palibot ng kanyang tiyan. Damang-dama ko ang malaman niyang katawan.

“wag masyado mahigpit, baka hindi na ako makahinga niyan…”

Hindi ko siya sinunod, bagkus mas lalo kong hinigpitan na parang ayaw ko na siya pakawalan pa. Muli kaming lumipad ng anghel. Tinungo namin ang daan patungo ng Dasmariñas. Hindi ko alam kung ano ang plano niya. hinayaan ko lang siya kung saan niya gusto pumunta. Sa kanya ako ngayon. At sana dumating ang araw na maging akin siya. Ipinikit kong muli ang aking mga mata at muling nagtiwala sa kanya. Alam ko hindi niya ako bibitawan. Hindi niya ako pababayaan.

“Luis, uy! nandito na tayo…”

Nakaidlip pala ako sa likod niya. Hindi ko namalayan. Masyado akong naging kampante at hindi ko inalintana ang panganib. Nagulat ako sa lugar kung saan ako dinala ni Russel.

“anong ginagawa natin dito?” usisa ko sa kanya.

“Anniversary namin ni Lance kahapon… hindi ko siya nadalaw.”

Biglang naalala ko ang sinabi ni Jhen last thursday nung gabing bago ako lumiban sa trabaho:

“ano bang meron ngayon? Kakatapos lang naman ng birthday ng baklitang yun ah, at siyempre tapos na rin ang undas! Hmmm… Baka anniversary nila ni Russel?”

Kinuha niya sa akin ang isang bouquet ng mga rosas. Inilapag niya iyon sa lapida ni Lance. Nanatili akong nakaupo sa motor. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.
Pinanuod ko siya sa mga gagawin niya. Sumalampak si Russel sa Bermuda grass. Hinaplos-haplos niya ang pangalan ni Lawrence Morillo na nakaukit sa marmol. Kahit hindi siya nakaharap at hindi ko nakikita ang mukha niya alam kong umiiyak siya. Inilabas niya ang panyo mula sa kanyang bulsa. Ipinunas niya iyon sa lapida. Siguro natuluan niya iyon ng luha.

Hindi ko lubusang maisip na kahit ilang taon na ang nakaakaraan, ganyan parin kabigat ang emosyon ni Russel sa tuwing haharap sa puntod ni Lance. Gusto kong sabihin sa kanya ang sinabi niya sa akin nung nagka-komprontahan kami sa Quantum:

“Move on Luis, tahimik na si Lance… masaya na siya kung nasaan man siya naroroon ngayon… at kung ano man ang ipinagpuputok ng butsi mo, malamang hindi siya natutuwa ngayon…”

Hindi ako masaya sa mga nakikita ko kaya naman umalis ako sa inuupuan kong motor. Kasabay nun bigla ring tumayo si Russel mula sa pagkakaupo. Nilapitan niya ako. Nakangiti siya sa akin. Ngiting alam kong huwad. Halata parin ang luhang natira sa gilid ng kanyang mga mata.

Hinawakan niya ang kamay ko. Itinaas niya iyon at inilapit sa kaliwang bahagi ng dibdib niya. Muli kong nadama ang malakas na tibok ng kanyang puso. Halatang kinakabahan. Tiningnan niya ako sa mata. Parang gusto niyang sabihin na hindi siya nagsisinungaling. Biglang nawala ang huwad na ngiti. Napalitan ng isang hindi maipaliwanag na emosyon. Plain lang ngunit maayos parin. Alam ko inaantay niya akong magsalita. Hindi ako manghuhula pero alam ko na ako ang gusto niyang magsimula ng usapan. Kaya naman naglakas loob akong nagtanong. Hindi ko alam kung saang parte ng katawan ko nahugot ang tapang.

“Have you ever felt the same?” tanong ko sa kanya.

“Ang alin?” insensitive naman niyang sagot sa’kin.

“Do you love me?”

Katahimikan lang ang namutawi at namayani sa kanyang labi. Biglang nagulo ang kaninang maayos niyang reaksyon.

“Say it… say it…” insist ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang kanyang kamay.

Muli kong inulit ang tanong upang muli at taimtim itong rumehistro sa kanyang utak.

“Mahal mo na rin ba ako?”

Ngunit parang pinagsisihan ko kung bakit pa ako nagtanong sa kanya. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa itinugon niya.

“I care for you very much, but I’m just not ready to say love yet… nauunawaan mo ba ako?” ito lang ang reply niya sa mga “pathetic” kong mga tanong.

“Russel?”

“I’m sorry Luis, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa’yo ng maayos…nang hindi ka…”

Masasaktan. Iyan ang salitang gustong sabihin ni Russel. Sino bang gustong masaktan? At sino bang gustong manakit ng damdamin ng iba? Kahit gaano kabulaklak at kaganda ang sasabihin mo kung ang itinutumbok naman ay rejection, ganun parin ‘yun. Masakit parin. Simula pa lang ng usapang ito parang alam ko na ang kahahantungan. Parang naulit na ’to dati eh. Kaya naman iniba ko ang usapan at muling isinentro sa kaganapan kagabi.

“Yung kagabi, Russel, naramdaman mo ba?”

Katahimikan. Iyan ang tugon ni Russel. Ngunit alam ko na meron pa siyang nais sabihin. Inantay ko siyang muling magsalita. Umasa ako na sana pareho lang ang nararamdaman namin.

“wala akong naramdaman… libog lang yun Luis…wag mong bigyan ng ibang meaning.”

Libog. Iyon ang pakahulugan ni Russel sa nangyari kagabi. Puta! para akong pinagsakluban ng langit at lupa at ng mga heavenly bodies sa buong kalawakan. Inangkin ko ang katahimikang kanina lamang ay pag-aari ni Russel.

“Gago ka Russel…” hindi ko alam kung bakit ito ang naitugon ko.

“Huh?”

“sabi ko gago ka!”

“Im sorry Luis…”

“mag-iinvest na ako oh…Ito na mamahalin na kita, tapos sabay sasabihin mo na libog lang ang lahat? Gago ka!!!”

Kung maririnig siguro ako ng iba, malamang sasabihin nila na mas bitter pa ako sa ampalaya. Aminado ako, napakapait ng sitwasyong ito. Hindi ko matanggap. Parang ayoko na makinig sa mga sasabihin niya. Kasi alam ko na hindi ko rin naman magugustuhan. Ngunit sadyang bukas ang aking mga tainga upang pakinggan ang mga paliwanag niya.

“wala akong magagawa… murahin mo ako, kamuhian mo ako… sige magalit ka sa’kin… pero mas gusto ko na yan kaysa sabihin kong mahal kita at makipag-gaguhan lang.”

Gusto kong isipin na nagbibiro lang siya. Gusto kong marinig mula sa bibig niya na isang joke lang ang lahat ng ito. At kahit alam kong hindi ito isang magandang biro, tatawa parin ako.

“mamahalin kita Russel, please, alam ko nagsisinungaling ka lang…you’re just denying the fact that you’re also in love with me.”

“Please din Luis, enough… pinapaasa mo lang sarili mo eh. Mapapagod ka lang…kilala mo naman kung sino ang mahal ko diba? si Lance. Hindi na magbabago yun.”

“wag tayo maglokohan, wag mo lokohin ang sarili mo. Wala na si Lance, patay na siya. Nakalibing siya diyan oh! Heto ako oh, buhay na buhay at nahahawakan mo…bakit hindi ako?”

Ngunit ang totoo ako pala ang nasa denial stage. Hindi ko matanggap ang katotohanan na hindi pareho ang nararamdaman naming dalawa. Napakasaklap. Bigla akong tinalikuran ako ni Russel. Bastos na anghel. Sinimulan niyang maglakad papalayo. Gusto niyang takasan ang tanong na ibinato ko sa kanya. Sinundan ko siya. Mas binilisan niya ang lakad niya papalayo sa akin.

“Russel! Ano ba!!?”

Bigla siya huminto. Hindi siya lumilingon . Nanatili akong nakaabang sa likod niya habang inaantay ang susunod niyang hakbang. Nilapitan ko siya. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Ngunit parang kahit malapit na ako ay napakalayo niya parin sa akin.

“gusto mo malaman?” biglaang tanong niya.

Hindi siya natinag. Nakatalikod parin siya sa akin. Hindi ako kaagad nagsalita. Inaantay kong sagutin niya rin ang sarili niyang tanong. Ngunit hindi ako nakatiis. Makalipas ang ilang segundo muli ko siyang kinulit.

“sabihin mo Russel, bakit hindi ako?”

Sinimulan niyang humakbang. Aktong papalayo sa akin. Pinigilan ko siya. Hinawakan ko ang braso niya upang hindi siya makaalis. Iyon ang naging dahilan upang lingunin niya ako at sabihin ang mga salitang hindi ko inaasahang sasambitin niya.

“Kasi hindi ikaw si Lance… si Luis ka. Kahit kailan, hinding-hindi mo siya mapapalitaan kahit anong gawin mo…hindi ikaw ang destiny ko, and I never felt the same …” kasabay nun muli siyang tumalikod at tuluyan na siyang sumakay sa motor. Iniwan niya akong nag-iisa sa harap ng puntod ni Lance. Duguan. Unti-unting nasasaktan.

Iyan na siguro ang isa sa mga pinaka-masakit na pangungusap na maaari mong marinig sa isang taong sobrang pinahahalagahan mo. Ibang Russel ang kaharap ko. Hindi ko lubusang maisip kung paano lumabas sa bibig niya ang mga masasakit na salitang iyon. Hindi ko inaasahan na makakapanakit ng damdamin ang isang maamong anghel.

Naglakad ako palabas ng memorial. Kinilabutan ako. Hindi dahil sa ambiance ng sementeryo, kundi dahil sa mga pinagsasabi ko kanina kay Russel. Ngayon ko lang na-realize na ibang Luis din pala ang kaharap niya kanina.

Syet! Para akong tanga. Naghahabol ako sa isang lalake na hindi naman ako gusto. Pinagpipilitan ko ang sarili ko sa kanya. Umaasa na sana, na sana nga talaga iisa lang ang nararamdaman naming dalawa. Baka may spark din siyang nakita nung nasa Enchanted kami habang pinapanuod ang fireworks display. Alam mo yun? Baka kinikilig din siya kapag nakikita niya ako. Baka nahuhulog din ang loob niya sa akin kasabay ng pagbagsak ng falling star mula sa langit. Daig ko pa ang pulubi. Nanlilimos ako sa isang pagmamahal. Nagmamakaawa. Wala parin akong pinagbago. Tulad ng pagkabaliw ko kay Lance noon, ganun parin ako ngayon. Parang isang tsubibo. Paikot-ikot. Paulit-ulit. Isang clichéd rejection.

Naisip ko ang halik niya sa’kin sa park. Ano ang ibig sabihin nun? Isang palabas? Isang kasinungalingan? Isang paglilibog? O isang katotohanan?

Ang bigat ng pakiramdam. Alam mo yung parang gustong sumabog ng dibdib mo sa sobrang sakit. Parang nahihirapan akong huminga. Bigla yatang nanikip ang kanina lamang ay maayos kong pag-inhale-exhale. Sumakit din ang ulo ko. Ang daming mga bagay ang hindi ma-accommodate ng aking utak . Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Sumunod na gumulong ang mga katanungan sa isip ko.

Bakit ganun noh? Kung kailan akala mo siya na ang hinahanap mo saka naman ipapamukha sa’yo na hindi pala. Kung kailan umasa ka sa isang bagay saka isasampal sa mukha mo na maling akala lang ang lahat. False hope. Isang napakalaking FALSE HOPE. Umasa ako eh. Nangarap na “sana” gusto rin ako ni Russel. Pero mali pala ako. Maling-mali. Kasi kahit kailan, hindi niya ako magugustuhan. Kahit minsan hindi niya ako magagawang mahalin. At alam ko hindi ko mapapalitan si Lance sa puso niya. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Sumagi ang guilt na noon ko pa sana naramdaman. Feeling ko ako ang tunay na kontrabida. Ako ang suspect sa sarili kong krimen.

Isa lang naman ang nais ko ah, ang magkaroon ng isang taong papahalagahan ako bilang isang espesyal na parte ng buhay niya. Pero bakit masyadong mahirap? Simple lang naman ang kahilingan ko, pero bakit parang mga bulalakaw na masyadong mailap? Bakit sa tuwing may magugustuhan at mamahalin ako lagi na lang akong umiiyak? Lagi na lang nasasaktan. Ano bang nagawa ko sa buhay ko at bakit laging ganito? Siguro nga kakambal na ng pagkatao ko ang lungkot. Bakla na nga ako eh, tapos pati sa punyetang pag-ibig na’to papahirapan pa ako! Parang gusto ko tuloy maniwala na kahit kailan walang handang magmahal sa akin. Siguro nga ganyan talaga ang buhay, hindi lahat ng nais mo makukuha mo. Hindi lahat ng gusto mo umaayon sa sitwasyon. Minsan kailangan nating tanggapin na hindi lahat ng bagay ay para sa atin. Ang sakit nun. Wala kang laban. Sobrang sakit.

“Kasi hindi ikaw si Lance… si Luis ka. Kahit kailan, hinding-hindi mo siya mapapalitaan kahit anong gawin mo…hindi ikaw ang destiny ko, and I never felt the same …”

Paulit-ulit. Replay ng replay sa isip ko. Walang humpay ang pag-rewind. Iyan ang mga katagang nagpalinaw sa dating “malabo” kong pananaw at pag-aakala.

Nang dahil doon, nakita ko na lang ang aking sarili sa lugar na minsan na naming na-tambayan. Dinama ko ang bench kung saan kami naupo, masaya, at naghalikan. Kung hindi ko ba binigyan ng malisya ang lahat, aabot ba kami sa ganito?

Unti-unting umukit sa puso ko ang hapdi at sakit. Dahan-dahan ko ring inukit ang tanong na nagpaiyak sa akin ngayon: HAVE YOU EVER FELT THE SAME? Inukit ko ang katagang ito sa kahoy na aking inuupuan at umaasang muli niyang sasagutin ito ng naaayon sa aking nararamdaman.

Kasabay ng pagpatak ng aking luha muli kong inalala ang naging simula. Sa paghagulgol ng aking damdamin, ang hudyat ng mga naging umpisa ng kaganapan.





ITUTULOY


(comments will be appreciated ^_^)

NEXT: CHAPTER 13: "REFLECTION"



Read more...

30 komento:

Anonymous,  July 28, 2010 at 3:48 PM  

akala ko mababasa kona Part 12: False Hope..... nakaka suspense naman ehe. Tol anten ke pane keng vivisit site mu (",) - shanejosh

greenmike,  August 8, 2010 at 2:50 PM  

paulkian, ipost nyo na po...
more power sayo at sa blog na to! XD

Anonymous,  August 15, 2010 at 2:02 PM  

Tol i really like your story from the very first beginning.... I know it's not easy let's say for you to write the story and post it as soon as possible pero ang tagal kasi mag-antay ng next story mo the fact na sobrang ganda nito eh nawawalan ng sentiment minsan hope you got my point!.... Over all it's a good job and hoping for the next chapter release... thanks so much(",) - shanejosh

Anonymous,  August 16, 2010 at 5:54 PM  

kuya shanejosh..

...wag ka nang magtampo ke kuya paulkian...na hindi kaagad niya inuupdate at di kaagad niya nagagwa yung kasunod na kabanata...kasi minsan po busy yan lagi....palagi ko nga sinasabhan yan na..iupdate n kaagad..kso...sya lang naman ang me kaya na mag update so...intay intay lamg tayo...ikanga nag iba eehh.... "patiensce is a virtue..." baka akalin mo kuya inaaway kita...hindi kita inaaaway aahh....friends tayo aahh..basta wait lang tayo...hehe..

Kuya paulkian....

.... nakaka inis si RUSSEL...super duper...ang bastos niya kay Luis...sinasabi lag naman ang totoo ni luis...eeh..tpos..sobrang maka react tong si RUSSEL...naiinis na ako s knya...ansama ng ginawa nya sa protagonista....hehehe..pero yugn ke Luis naman...napaka denial nya naman...ksi sinabi n nga ni RUSSEL na hindya typenito..tpos.ipilit ba ang di pde sayo....so denial sya na...hindi sila pede

...pero naiinis lang ako nug merong nangyari s kanila...na snabi ni RUSSEL na..
"libog lang ang lahat ng iyon...."
parang ansakit s apart ni Lui kais minahal niya ito g lubusan pero...hindi pala..gnoon yung pagmamahal ni RUSSEL ke...Luis...

kuya update kaaagad..aahh..wag kaming..pinapaainip aaahh..vsta andito lang kami...good luck and god bless.....INGATS! ...apir!

-Enso...(pres. of lam mo na yun.hehe)

Anonymous,  August 17, 2010 at 5:17 PM  

hahaha.... opo wala yun nangungulit lang kasi may konting resemblance kasi story niya dahil sa ex ko na INC din hehehe... more power po to your story at GOD BLESS! - shanejosh

Anonymous,  August 17, 2010 at 6:19 PM  

Isang napakalungkot na eksena haizt!;-( ganyan talaga ang buhay gaano man kasakit at kabigat ang mga pangyayaring dumating sa atin ay kailangan pa ring malampasan. Dito minsan nasusukat ang katatagan at tibay ng paninindigan upang harapin ang mas marami pang hamon sa pagtahak ng buhay sa mundong ibabaw.

eban,  August 18, 2010 at 2:53 PM  

hi paulkian.. alam kahit na napakatagal mo mag-update, hindi ako manghihinayang na maghintay dahil laging sulit yung paghihintay ko sa chapter na ipopost mo..

iba ka pa din, hindi kita kayang ikumpara sa ibang auhtor..

kung sa ibang auhtor kasi punong puno ng damdamin, ayo naguumapaw, hindi naman sa pagiging exaggerated pero yun talaga yung nakikita ko sa mga kwento mo.. walang kwento mo ang hindi nagdulot sakin ng kakaibang damdamin.. ang gulo gulo..

hirap ipaliwanag ng nararamdaman ko pagnagbabasa ko ngkwento mo..

basta isa lang ang sigurado..

apektadong apektado ako...


thanks, dami kong natutunan sayo..
you're such a great author..

mga.lahi.ni.eban@gmail.com

Anonymous,  August 18, 2010 at 3:25 PM  

hay wawa nman si luis, ang galing talaga ng kwento mo paul, antayin ko susunod - ugatbayo

Anonymous,  August 19, 2010 at 2:12 AM  

Hi Paul,

Wala ako masabi sa twists ng story mo... akala ko ang susunod na story is about dun sa revealation na si Andrei ang sumagasa kay lance.. ehehehe.. pero nagawa mong pag isipin talaga ang mga readers mo.. dahil sa FALSE HOPE na ito...

I admit.. i was moved by this chapter... coz i just experienced that... almost same scene.. same act.. same words.. (hindi nga lang sa simenteryo at wala naman EX na namatay) pero alam kong may EX na nasa paligid lang.. malayo..

i felt the pain that luis is suffering... waah... ang hirap i explain.. pero dun sa characters, mix ako ni luis at russel... i do all the things and always there when needed by my friend.. but on the act that i asked if he ever felt the same... ang sagot... " I just cared for you... and wala akong sinasabi na kahit ano kasi i am not ready for anything"


hayz... more power... im looking forward for your next post...


- Paulo Cruz (your FB Friend)

Anonymous,  August 19, 2010 at 4:40 PM  

i like this chapter its so true, u just cant really easily move on to a love so true, sometimes its not always happy ending but who knows what instored for both of them right? nd pa naman ending e. Your really good paulkian, i cant help to react every chapter of your stories, hope to read the next chapter soon, Kudos to you.
im thankful i found ur blog,

unbroken August 19, 2010 at 6:30 PM  

You're my idol Paulkian.
:)

lurxie August 20, 2010 at 6:07 AM  

uhm what can i say ba?
siguro i can only say na super ganda ng stories.. especially how you narrated it.. sobrang lawak ng utak mo.. (hahah hindi ata maganda yung term? hahah!!)
i mean kasi, nakatutuwa na from the start, parang alam mo na agad yung mangyayari.. yung tipong wow! parang pelikula.. simula palang, katapusan na.. di ko talaga alam kung paano idedescribe eh.. hahah!!
but your stories make me fall inlove all over again.. <3 kawawa naman si LUIS.. minsan nalang magmahal, nagkakaganun pa.. eh bakit ba kasi hindi nalang sya magpa-check up sa tenga.. hindi nya marinig na sya yung sinisigaw ng puso ko.. what? hahahah!! love love!!

marqymarc,  September 6, 2010 at 1:49 PM  

kelan po update nito?? cant wait na po.. may hang over pa ko sa kakabasa ng story mo paul.. 2hours lang tulog ko..hehehe.. tingin sana ako kung may update na kaso wala pa pala.. update na pleasseeeee...

Eban... September 10, 2010 at 2:36 PM  

hey paulkian, thanks ulit sa kwento, saka thanks sa pagfollow mo sa blog ko, haha

lovelotz,
eban

Anonymous,  September 11, 2010 at 11:15 PM  

hey paul, LUIS here, kilala mo na siguro kung sino ako hehe. ngayon ko lang nabasa Chapter 12 and what should i say, nakakaiyak... ewan ko kung bakit ako naiiyak, nag paka emo nga ako nung nabsa ko hahaha. ang ganda super ganda... miss you. :)

Mac Callister September 13, 2010 at 5:55 AM  

this is a great read...thanks for posting...more power and post the next story na pls!

Anonymous,  September 21, 2010 at 7:52 AM  

kelan po update nito??? kakasad naman po wala pan update...=(

---------marqymarc

alex October 14, 2010 at 7:52 AM  

first time ko mag comment n kahit n saan blogsite n nabasa ko...sobrang sobra akong nag emo sa mga stories mo...sana me kasunod n...more power ..hope n d k magsawa mag share ng gifted talent mo...

Anonymous,  October 18, 2010 at 3:52 PM  

i've read almost all of your stories here at masasabi ko na you are an exceptional writer. wala akong pakialam kung puro kabaklaan ung stories mo at kahthang-isip mo lang at puro ka-emo-han pa; but dude, u rili have the talent. keep it up. hindi ko rin alam kung bakit ako naligaw sa site mo pero natutuwa ako at nalaman ko 'tong site mo kasi naman ung stories mo kayang magpukaw ng emotions na parang involved din ung mga readers dun sa stories.

Anonymous,  October 23, 2010 at 11:08 AM  

very great!!!
chapter 13 pls...

Anonymous,  October 26, 2010 at 7:59 PM  

san n 13? tgl kbtin.

Anonymous,  December 3, 2010 at 1:20 AM  

nasan na ung 13?

hard2getxxx December 4, 2010 at 9:09 AM  

ang sad naman ng chapter na to parang pelikula na palimos na pagibig

hmm exciting ang next part and napaisip kami kung sad or happy ending.

Ester Yaje December 8, 2010 at 12:47 PM  

ang galing neto. parang may konting part na tinamaan ako. medyo emo pero natoral lang. ang ganda! first time ko dito at promise babalik ako :P

xerrex,  December 28, 2010 at 11:37 PM  

sa lahat c jerome ang kawawa. Walang natira sa kanya. Asan na ang chapter 13 IRONIC

Anonymous,  January 3, 2011 at 4:20 PM  

Dude happy new year... komusta naka? sana apost mune susunud mung kwento malwat narin emune ayupdate... hoping for the next update asap... thanks so much!


shanejosh

david January 4, 2011 at 3:09 AM  

hi PaulKian..

I was about to type in ur real name but I remembered that u do have this poetic name..

Anyhow, it has been years since mabasa ko ung AWOL. may bago na pla.. :)

I hope that ur other readers would be as lucky as I am -- to know u personally and to belong to one single team way back 2009... hehehe.. kaya nga ako ngpalipat ng team nio kc gusto kita makasama.. bgla namang nagramp down.. amp

Anyway, post k naman sa wall ko pag may Chapter 13 na oh? Please?

Txt kita one of these days and ill make sure na pkilala ako..

treb_mcafee-comcast

Anonymous,  January 5, 2011 at 3:31 AM  

anu pong nagyari bat di na nasundan to? can't wait na sa chapter 13....

Anonymous,  May 27, 2011 at 11:03 PM  

:'( :'( :'(
aaaaaaaahhhhh!!!!
napaka sad ng chapter na ito
false hope nga
nakakainis naman si russell
anu nga ba naman un?? palabas lang?
nakakaawa naman si luis
naalala ko tuloy ung ex bff ko nung sinabi ni russell na "kasi di ikaw si lance, at kahit kelan di mo siya mapapalitan"

Anonymous,  June 23, 2011 at 1:46 PM  

hay grabe nakakaiyak tong chapter na to!SHET! hayy... nakakaawa si luis ;(


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP