Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Tuesday, November 11, 2008

AKO si DESTINY (CHAPTER 3: "RUBICK'S CUBE")

"AKO SI DESTINY"
(a heart-warming love story)

By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


Ang buhay ay parang pagbuo ng rubick's cube,
bawat bloke may katumbas na kulay,
may kaugnay na anggulo,
sa una mahirap at magulo,
ngunit kapag naging bihasa sa pattern nito, mapupuno rin ang bawat sulok ng magkakaparehong kulay na nais mo... Tanging sandata mo? Diskarte at pasensiya...



CHAPTER 3: RUBICK'S CUBE


Napakabilis ng mga kaganapan sa buhay ko.
Sa isang iglap, maaaring mabago ang kulay ng paniniwala mo. Sa isang kurap, biglang magugulo ang bawat anggulo ng damdamin mo.
Kaninang umaga lang nakabungguan ko ang isang estrangherong muling nakapagpanginig sa aking kalamnan. Ngayon, sa mga puntong ito nasa kama ko siya at ninanamnam ang lambot ng aking kutson. Bigla na naman akong kinilig. Haaay! Ang gwapo naman kasi masyado!

Ipinatong ko ang boomerang sa ibabaw ng double deck kong kama. Tutal naman bumalik sa akin ito, puwes! akin na 'to. Hindi pa man ako nakakaupo upang maipagpatuloy ang panunuod ko sa nahihimbing na anghel, ay may kumatok na sa pinto ng dorm.

"pakshet! Sino ba itong istorbong ito!" bulong ko sa aking sarili habang nagmamadaling buksan ang pintuan.

Hindi ko inaasahang, isang batang babae na nasa edad na 7 o 8 ang kumakatok sa pinto.
Napakunot noo ako, at nagtaka kung ano ang pakay niya sa akin.

"kuya 'yung laruan ko po..." sambit ng bata habang nakatanaw sa ibabaw ng kama kung saan ko inilapag ang boomerang.

"ah 'yun ba?"

Kinuha ko ang pulang boomerang at iniabot sa bata. Siya pala ang naghagis nito kanina. Lokong bata 'to. Hindi ko na masyadong inusisa pa. Hindi na big deal sa akin, bata naman pala eh.
Naisip ko lang, ang isang bagay nga naman kahit angkinin mo kung alam mo sa sarili mong hindi naman para sa'yo, hindi talaga mapapasa'yo.
Kung may nagmamayari na dito, hindi na dapat pa magtangkang nakawin ito. Kahit sa anong aspeto ng buhay, ganun naman talaga dapat. Ang kay juan, ay kay juan. Ang kay pedro, ay kay pedro.
Alam ko kasi ang pakiramdam ng isang taong inagawan o ninakawan. Minsan na akong nawalan, kaya alam ko kung gaano ito kasakit. Kaya siguro hanggang ngayon hindi pa rin ganoon kadali ang magpatawad sa nakaraan. Kapag puso na kasi ang nasugatan, taon ang bibilangin bago talaga maghilom ang sugat. Mahabang proseso ng panggagamot ang kailangan isaalang-alang.

Simula nang iwan ako ni Jerome (last bf ko) dahil may nanligaw sa kanyang mas gwapo at mas bata, ayun nagkandaletse-letse na ang buhay pag-ibig ng bida niyo.
Isinumpa ko sa sarili ko na hindi na ako magkakaboyfriend ulit. As in! Bitter na kung bitter. Nabago na ang mga pananaw ko. Binago niya. Mas pinaniniwalaan ko na ngayon na pagdating sa same sex relationship, walang permanente...walang ideal. Matapos mo ba naman magpakaloyal,gagaguhin ka lang. At kaya nga siguro 2 years na ang nakakaraan wala pa rin pagbabago sa mga kahupaan ko sa buhay. Paulit-ulit na lang. Walang improvement. Walang progreso.

"pasensiya ka na Lance, pero mas mahal ko na siya kaysa sa'yo..."

Iyan ang eksaktong dialogue ni Jerome na hinding-hindi ko makalimutan. Ano 'yun? Lokohan? Wala pa silang 1 linggong magkakilala, sinundan lang siya sa mall, nakasex lang niya, tsinupa lang siya o nagtsupaan lang sila, mahal na niya?! Bullshit yun! Nakakaloka yun ah!
Pinagpalit niya ako sa isang taong hindi niya pa nakikilala. Mas pinili niya ang taong kikilalanin niya pa kaysa sa kabisado na niya ang paguugali. Hindi man lang niya kinonsider ang 2 taong pagsasama namin. Bakit malaki ba titi nun? Titi na lang ba ang batayan sa panahon na 'to? Unfair diba? Napakaunfair! Sana nga lang maging maligaya siya. At sana nga lang hindi niya pagsisihan ang mga naging desisyon niya. Kasi kung hindi, ako pa ang unang papalakpak at hahalakhak. Oh diba? Kontrabida.


Sinara ko ang pintuan ng dorm pagkatapos kong maisauli ang boomerang.
Sakto namang tumayo si Russel mula sa pagkakahiga sa kutson.

"puwedeng makiinom?" paalam niya sa akin habang nilalagyan ng tubig ang baso.

Napansin ko ang pulang marka sa bandang tiyan ni Russel. Napakaputi kasi ni anghel kaya nangibabaw ang pamilyar na markang pula sa kanyang tiyan. Kung hindi ako nagkakamali, kiss mark 'yun.
Napansin ni Russel ang pagkakatitig ko sa mahiwagang marka. Nahiya ang lolo niyo kaya umiwas ako ng tingin at uminom din ng tubig. Samantalang nagbihis naman ng pangitaas na damit si Russel para siguro matakpan ang tsikinini sa tiyan.

"wow rubick's cube!
Pahiram ha? Marunong ka nito?"
tanong ni Russel habang excited na kinalikot ang mga makukulay na bloke.

Hindi ako sumagot. Nakakahiya man, pero isang side lang ang kaya kong buuin dun. Kung puro red, puro red. Kung puro yellow, lahat yellow. Ganoon kalimitado.
Si Jerome, ayun 2 minuto lang yata kaya niyang buuin ang lahat ng kulay. Sa katunayan, siya pa nga ang nagbigay sa akin ng rubick's cube na yan. Gift niya sa akin nung 1st monthsary namin. Naaalala ko pa nga nagpapaturo ako sa kanya kung papaano buuin ang lahat ng kulay sa bawat anggulo. Pero lagi niya sinasabi na:

"kaya mo yan... Pagaralan mo na lang po."

Kaya naman tinamad na rin ako, at ginawa ko na lang pangdisplay sa dorm ang una niyang regalo sa akin. May pagkawirdo rin talaga paminsan-minsan si Jerome. Hindi ko maunawaan kung bakit rubick's cube pa ang binigay niya sa akin. Puwede naman rose, bear, card, o boxer's shorts. Eh bakit yung bagay pa na dapat ko pang pagaralan para buuin? At ang nakakaloka pa dito, ayaw niya ituro sa akin ang technique.


"jarrraaaan!!! Hehehe,
nabuo ko na!" sigaw ni Russel pagkatapos mailapag ang bloke sa sahig.

Dagdag pogi points na naman iyon kay anghel. Isang minuto lang yata yung binuno niya para mabuo ang bawat bloke.

"Alam mo, girlfriend ko ang nagturo sa'kin nito... Pero ngayon mas magaling na ako kaysa sa kanya...hahaha!" pagmamalaki ni Russel sa akin.

"aah ganun ba?"
(care ko ba sa gf mo!)

Sabi ko na nga ba eh. Taken na ang bata. At take note, GIRLFRIEND! Straight ang anghel na nasa harapan ko. Tuwid na tuwid. Hindi baluktot. Hindi bandido. At lalong-lalo na hindi pirata. Haaay. Parang gumuho ang kastilyong buhangin. Ito ang problema sa mga assumerong tulad ko eh. Expectations kaagad. Hindi nagiisip.

"maganda pala boses mo noh?"
(change topic ang banat)

"ah, hehe... Hindi naman...medyo lang..." pahumble epek ni Russel habang nagkamot ng ulo.

"bakit hindi ka sumali sa university choir?"

"choir?ah eh, Choir na rin kasi ako sa amin. Kaya hindi na puwede..."

"bakit?" usisa ko sa kanya.

"INC po ako."

"Aaah... Iglesia ka rin pala...
Hmmm i see..."

Wow! Bakit ba lagi na lang ako nabibihag ng mga INC? Nung una si Jerome, tapos ngayon naman si Russel... Nagkataon lang ba ito?
Unti-unting nagflash back sa gunita ko ang mga prinsipyo ni Jerome:

"Hindi naman batayan ang religion sa 2 nagmamahalan eh, basta ang mahalaga may Diyos kayong pinasasalamatan at pinaniniwalaang gumawa ng lahat..."

Kaya ko siya minahal ng todo-todo dahil hindi mahalaga sa kanya ang katayuan ng pananampalataya sa pagitan ng 2 nagmamahalan. Kahit katoliko ako at iba ang relihiyon niya, namuhay pa rin kami ng normal at masaya. Iyon siguro ang isa sa mga magagandang ala-alang iniwan sa akin ni Jerome. At ngayon muling binubuhay ni Russel.

"katoliko ka noh?" pagveverify ni Russel sa akin.

"Paano mo nalaman?"

"ayan oh..." sabay turo sa nakasabit na rosary sa aking kama.



--- itutuloy



NEXT CHAPTER--- CLICK HERE



Read more...

0 komento:


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP