Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Sunday, May 16, 2010

Have you ever felt the same? (CHAPTER 10: “TIME”)


(AKO SI DESTINY
2)
Have you ever felt the same?
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/

Sometimes life has but a tragic ways in teaching us lessons… think before it’s too late! ---GRAVEDHEART

CHAPTER 10: “TIME



Kinikilig ako. Hindi ko maitatanggi yun. Hindi naman ako manhid para hindi tablan sa mga ka-sweetan ni Russel. Ito na ang kinatatakutan ko. Bigla akong nangamba. Hanggang saan ko ba dapat hayaan ang sarili kong mahulog sa kanya? Kapag ba nahulog na rin siya? Sabi nila kontrolado mo parin ang puso mo. Ikaw parin ang mag-dedesisyon kung ma-iinlove ka o palilipasin mo na lang. Utak daw kasi ang nagdidikta sa puso para tumibok. Pati ang emosyon siya rin ang nagsasabi. Pero bakit ganun? Minsan mas nagingibabaw parin ang gusto ko. At minsan naiisip ng utak ko na wag pansinin ang mga idinidikta niya sa puso ko.

Alas-11 na ng gabi. Tahimik parin naming binaybay ang daan pauwi ng Cavite. Walang kibo si Russel. Siguro hindi lang talaga siya likas na madaldal lalo na kapag nagmamaneho. Tiningnan ko siya. Seryoso ang mukha. Parang nakakunot ang noo. Parang medyo magkasalubong ang kilay. Hindi ko masyado maaninag. Madilim sa van at tanging mga repleksyon ng ilaw sa mga nakakasalubong naming sasakyan ang nagsisilbing liwanag sa loob.

May nagawa ba akong hindi maganda? Meron ba akong nasabing hindi niya nagustuhan? Gusto ko siyang tanungin kung ano ang problema ngunit pinigilan ko ang sarili kong makialam. Sinabayan ko ang katahimikan. Pinikit ko ang aking mga mata. Nagpahinga. Umaasang baka sa muli kong pagdilat nakangiti na ulit ang anghel sa tabi ko.

(Dumagundong ang kulog. Biglang bumuhos ang malakas na ulang nagpahawi sa mga tao sa paligid namin ni Lance. Hindi ko siya iniwan sa gitna ng daan. Niyakap ko siya ng mahigpit habang nakikiayon ang langit sa bawat hagulgol ko.

“Lance, wag mo kong iiwan…bumangon ka diyan…” tanging naibulong ko sa kanya.


Ngunit hindi ko magising ang kanyang ulirat. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanyang kamay.

“Tulungan niyo kami! Tumawag kayo ng ambulansya!!!”


Parang walang naririnig ang mga tao. Mas malakas pa yata ang patak ng ulan kaysa sa sigaw ko.


“Nandito na ako
Lance… wag mong ipipikit ang mata mo…”

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Kasabay ng paparating na ambulansya, umalingawngaw ang boses ko sa daan.

”LAAAAAAAAANNNNNCCE!!!”

At tuluyan na siyang bumitaw mula sa pagkakakapit. Tuluyan na niya akong iniwan.)


Para akong nalunod mula sa pagkakatulog. Tatlumpung minuto akong nakaidlip. Bangungot na naman. Shit! Paulit-ulit na lang. Si Lance. Ang eksena kung saan naaksidente siya. May gusto yatang sabihin. Ngunit hindi niya masabi. Kinutuban akong bigla. Kinabahan.

Pagmulat ko tumingin kaagad ako kay Russel. Kinuha ang cellphone niya. Mabilis niya pinindot upang tingnan ang mga mensahe na natanggap niya simula pa yata kaninang umaga.

“Tsk!” usal nito.

Tumingin sa’kin si Russel. Kinabahan ako. Kahit hindi ko nakikita ang kulay ng aking mukha alam kong namutla ako nung mga oras na iyon. Nakikipagsabayan pa ang mabilis na kalabog ng dibdib ko.

“okay ka lang ba?” tanong niya sa akin habang pinunasan niya ng panyo ang mga butil ng pawis sa aking noo.

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko galit siya sa akin. Inanod ng kanyang haplos ang mga pangamba ko. Hinawi ni Russel ang masamang panaginip na kanina’y nagpakaba sa’kin.

“oo okay lang ako…” tugon ko naman sa kanya.

“pasensiya ka na ah? moody lang talaga ako…”

Nginitian ko siya. Hindi naman niya kailangang magpaliwanag.

“naging masaya ka naman ba?” pahabol ng intregerong anghel.

“bakit mo naman tinatanong…”

“wala lang, kasi baka boring ako kasama…”

“hindi ah… naging masaya ako… salamat po?” sabay tapik sa balikat niya.

“Salamat po?”

“salamat kasi naging mabait ka sa’kin…”

“mabait naman talaga ako, ikaw lang naman yung nagsusuplado nung una pa lang eh…”

Napalitan ng pagba-blush ang namumutla kong mukha. Natabunan naman ng kwentuhan at tawanan ang kaninang tahimik na atmosphere sa van. Habang palapit na kami sa bahay lalong ginanahan si Russel na magkwento ng kung anu-anong bagay. Ang buhay niya sa Dubai, ang lola niya na si ka Mila, si Jhen ang kaibigan naming babaeng bakla, at kung sinu-sino pa na may koneksyon sa’ming dalawa. Hindi niya nabanggit si Lance. Gusto ko sanang isingit sa usapan ngunit baka hindi magustuhan ni Russel. Kaya naman hinayaan ko na siya mismo ang magbukas na mga topic na pwede naming pagkwentuhan.

12:30 AM. Sabay kaming bumaba ni Russel mula sa van. Nagtahulan ang mga alagang aso ng kapit-bahay namin dulot ng ingay mula sa sasakyan. Nakiusap si Russel na bigyan ko siya ng isang basong tubig. Natuyuan yata siya ng laway dahil siya ang halos na bumangka ng kwento habang bumibiyahe kami pauwi. Kasunod ko siyang pumasok sa may gate. Napansin kong isang ilaw na lang ang nakabukas sa bahay. Senyales na tulog na sila. Tinungo ko ang loob. Nagpaiwan naman si Russel sa may terrace. Nahihiya daw siya pumasok at baka magising pa daw ang mga tao. Hindi ko na pinilit ang anghel. Natawa na lang din ako sa rason niya.

Sumalubong sa akin ang nakainom kong tatay. Isang bote ng Jose Cuervo ang karamay niya sa pagpupuyat. Parang pabangong sumingaw ang halimuyak ng tequila. Amoy pa lang nakakaduwal na. Nakikita ko pa lang ang kulay nito, nasusuka na ako. Never ko pang natikman ang iniinom niya. Pakiramdam ko kapag nakainom ako nun, lalagnatin ako. Mahina kasi ang tolerance ko sa alcohol. Umiinom naman ako pero kapag may okasyon lang tulad nung birthday ni Jhen. Kung meron man siguro akong isang bagay na hindi namana sa tatay ko, yun ay ang pagiging lasenggo.

“mano po ‘tay…”

“Oh ,b
akit ngayon ka lang?” mahinahong tanong ng isang nagtatakang ama.

“may inasikaso lang po…” (Inasikaso? Excuses.)

Napansin niya si Russel na nakaupo sa ledge ng terrace. Dahil malabo ang mata isinuot niya ang kanyang reading glasses upang makita ang nagtatago na binata sa dilim.

“sino ba yang kasama mo? papasukin mo nga, ba’t iniwan mo naman sa labas?”

“nahihiya daw siya ‘tay…”

“walang hiya-hiya dito iho, halika… dito ka tumagay ka…”


Muli akong lumabas upang piliting pumasok si Russel. Hindi naman ako nahirapan sa pagkumbinsi sa kanya na humarap kay itay. Tiningnan ko si Russel. Nahihiya talaga siya. Kitang-kita sa mga mata niya na hindi siya at ease habang sisnisipat siya ng aking ama.

“kaninong anak ka ba iho?”

“Tay, lola niya si ka Mila…”
sagot ko dahil mukhang hindi nasagap ni Russel ang tanong niya.

“ah ikaw na ba iyon? Ang laki mo na ah…”

“opo…” tipid naman niyang sagot.

Iniabot ni Itay ang unang tagay para kay Russel. Tininganan ko siya ng makahulugan. Nginitian niya ako na parang nagsasabing: “Okay lang ako… wag mo ako alalahanin…”
Pinanuod ko siya sa paglagok ng alak. Hindi man lang siya napaitan. Sinipsip niya ang kalamansi. Mas nagibabaw pa nga ang pangangasim niya. Bigla akong nahiya kay Russel. Imbis na tubig ang inumin, heto’t alak ang nagpapawi ng natuyo niyang lalamunan kanina. Ang tatay talaga, may makasabay lang sa pag-inom kahit hindi kilala yayayain niya.

1:37 AM. Nakaramdam na ako ng antok. Nakakaboring pala manuod lang sa dalawang nagiinuman. Kuda ng kuda si Itay. Kung anu-anong mga kwento sa loob at labas ng Pilipinas. Artista, pulitiko, relihiyon, ang mga hinanakit sa mga nanunungkulan sa gobyerno, mga artista ulit, mag kapatid namin sa pananampalataya. Doon lang umikot ang kwentuhan naming tatlo. In fairness marami kang matututunan sa mga lasing.

Sa kung ano mang dahilan may sinabi si Itay na muntik nang mag-laglag sa mga panga ko:

“Gusto kita para sa anak ko…”

“ano po?” paglilinaw ni Russel.

“ang ibig kong sabihin, gusto kita bilang kaibigan ng anak ko…” sabay tawa ng malakas ng lasenggero kong ama.

Matapos ng nakakapikon na mga banat, tumayo si tatay. Kasabay nun iniabot niya kay Russel ang tagay ng tequila. Nagmamadali siyang pumunta sa banyo. Iihi yata. Pagtalikod niya inagaw ko bigla kay Russel ang shot glass. Mabilisan kong nilagok iyon upang sagipin ang anghel na halatang lasing na rin. Pinisil naman niya ang pisngi ko dahil sa ginawa kong pagsalo sa tagay niya. Nakaramdam ako ng kilig. Hindi ko alam kung dulot ng ininom ko o dahil sa ginawa niya.

“thanks…” sabi niya.

“ano ka ba… tama na nga kung hindi mo na kaya…”


“nakakahiya sa tatay mo.”

“dito ka na lang matulog, delikado kung magda-drive kang ganyan.”

Tinaguan niya lang ako. Hindi na rin makausap ng matino ang batang ito. Dulot ng espiritu ni Jose Cuervo humiga siya sa sofa. Dinadaing niya ang umiikot niyang paligid. Nahihilo ang mokong. Si tatay naman ay hindi na bumalik sa kainuman niya. Tumakas na siya at tuluyang tinungo ang kwarto na halos kalapit lamang ng banyo.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano ba mag-alaga ng isang lasing? Unang pumasok sa isip ko ang mga ginagawa ni nanay kay tatay kapag umuuwi itong nasobrahan sa paginom. Nagpakulo ako ng tubig. Titimplahan ko siya ng kape para mahimasmasan ang anghel. Naghanap din ako ng bimpo sa may kabinet. Binasa ko iyon ng malamig na tubig. Ipinunas ko sa mukha ni Russel. Sa palibot ng kanyang leeg. Hindi natinag ang binata. Siguro hilong-hilo talaga siya. Itinaas ko ang suot niyang t-shirt. Nagdalawang isip pa nga ako kung huhubarin ko ba o itatas na lang. Sunod kong inilapat ang basang bimpo sa kanyang dibdib upang malamigan ang kanina pang mainit niyang katawan. Init dulot ng tequila. Napatingin ako sa labi ni Russel. Puta! Natutukso akong halikan iyon. Na-spellbind na naman ako. Si Russel ay isang buhay na hipnotismo. At isa ako sa mga lagi niyang biktima.

Bago pa ako makalimot ng tuluyan, nagsimulang pumito ang pinakuluan kong tubig sa takure. Pumunta na rin ako sa kusina upang timplahan si Russel ng kape. Maya-maya lang ay biglang bumangon ang pasyente ko. Nagmamadaling pinuntahan ako.

“CR?” tanong niya.

Inalalayan ko siya papasok ng CR. Hindi napigilan ng binata na sumuka. Bumulwak ang mga ininom at kinain niya kanina. Hirap na hirap si Russel sa pag-duwal. Naalala ko hindi pala kami kumain ng dinner. Hinagod ko ang kanyang likod at hinawakan ang kanyang kanang kamay upang tulungan siya sa puwersa na inilalabas niya. Halos umiyak na ang anghel. Kawawa naman si Russel. Kaya naman hindi ko siya iniwan. Dadamayan ko siya. Hindi ako nakaramdam ng pandidiri. Ang gwapo niya parin kahit sa sitwasyon niya ngayon.

Muntik nang mapuno ang toilet bowl na kaagad ko naman na-flush para hindi siya mahiya sa akin. Muli siyang pinagpawisan. Ngunit mukhang nahimasmasan na siya kumpara kanina.

“oh ano? Kaya pa?” biro ko sa kanya.

Ngumiti lang siya kasabay nun tinungo niya ang lababo upang mag-hilamos at mag-mumog na rin. Lumabas naman ako ng banyo upang ipagpatuloy ang naudlot na pagtitimpla ng kape. Napatingin ako sa orasan. 2:05 na ng madaling araw.

Lumabas si Russel sa banyo na parang walang nangyari. Muli siyang nagpakawala ng makapangyarihang ngiti na nagpakulay sa malamig naming madaling araw. Iniabot ko sa kanya ang kape na tinimplahan ko. Hindi niya iyon tinanggihan.

“okay lang ba talaga na dito ako matulog?”

“oo, dun ka na lang din sa room ko…”

Tiningnan ako ni Russel. Sa pagkakataong iyon para akong kandila na natunaw sa mga sulyap niya. Bigla kong nakalimutan kung ano ang gagawin ko. Sa pagiwas niya ng tingin sa akin upang ubusin ang kape saka ko lang naalala na kailangan ko pa lang ayusin ang kama at pahiramin siya ng masusuot, maski pantulog man lang.

“gusto mo maligo?” tanong ko sa kanya.

“oo, pwedeng pahiram ng…”

Nahiya si Russel ituloy ang sasabihin niya kaya ako na ang nagdugtong:

“Boxer’s saka sando?”

“oo! Pa’no mo nalaman?”


Hindi ko rin alam kung paano ko nahulaan. Basta ramdam ko iyon ang gusto niya.

“mauna ka na Luis… medyo nahihilo pa kasi ako…” pahabol niya sa’kin.

(Sabay na lang kaya tayo?) biro naman ng mapag-laro kong isip.

Inilapag ko sa lamesa ang hinihiram ni Russel. Pinili ko ang pinaka-maganda kong boxer’s shorts at kulay puti na sando. Espesyal ‘yun para sa kanya.

10 minutes lang yata ako naligo. Sa loob ng sampung minuto na iyon kinikilig ako. Parang langit sa piling ng anghel.

Pag-labas ko ng banyo laking gulat ko at nakaabang na si Russel sa labas. Nakatawa ito na para bang nanunukso na hindi mo malaman. Bigla niya pinisil ang ilong ko. Sabay nagmamadaling pumasok sa loob ng CR. Loko-loko talaga yun. Natawa na lang din ako. Masisiraan na yata ako ng bait!

2:46 AM. Ilang minuto bago mag-alas tres ng umaga, humiga na ako sa aking kama. Pinili ko ang puwesto malapit sa pader at bintana. Nakaramdam ako bigla ng pagod at bigat ng katawan. Saka ko naisip na masyado na palang late upang manatiling gising. Mula sa nakasiwang na pintuan ng aking kwarto, rinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Mukhang nag-enjoy si Russel sa paliligo. Medyo matagal din kasi ang binubuno niya sa loob. Ipinikit ko ang aking mata. Nagisip ng bagay na parang wala sa katotohanan. At tuluyan nang nagpahinga ang aking diwa.

Hindi ko na namalayan na pumasok si Russel sa loob ng kwarto. Ang alam ko lang pagkalipas ng isang oras nagising ako. Sinulyapan ko ang phone ko, mag-aalas quarto na. Madilim parin sa labas. Ngunit malamig. Tiningnan ko ang katabi ko. Himbing na himbing siya. Nakatalikod ito sa akin. Nanghina bigla ang puso ko. Saka ko naamin sa sarili ko na inlove na ako sa kanya. Putsa! Hindi ako makapaniwala. Parang isang panaginip lang. Ang bilis ng oras. Sa panaginip kaunti lang ang nangyari pero kapag nagising ka na sa realidad ilang oras ka na palang nakakatulog. Hindi ko alam kung dapat ko bang hilingin na magising mula sa katotohanan. Basta ang alam ko lang hindi ito isang panaginip.

Biglang humarap si Russel sa akin. Mula sa katiting na liwanag na nagmumula sa poste sa labas ng bintana natanaw ko ang nakadilat niyang mga mata. Pimikit akong bigla. Ayaw kong isipin niyang pinapanuod ko siyang matulog. Naging hobby ko na yata na pagmasdan siya palagi. Kung may isang bagay mang hindi nakaksawang gawin iyon ay ang silayan ang magaganda niyang mga mata. Kabisaduhin ang maaamo niyang mukha. At pagnasahan ang mapupula niyang labi.

Ang mga sumunod na eksena ay gumuhit sa kasaysayan ng aking silid. Hindi ko alam kung paano humantong sa ganun ang kaninang wholesome na senaryo.

Hinaplos ng isang anghel ang kapirasong laman na nasa pagitan ng aking mga hita. Dahan-dahan niyang kinapa iyon upang bumangon ito mula sa pagkakaidlip. Hindi siya nabigo. Dumungaw ito sa kanyang lungga at maamong nagpahawak sa kanya. Hinawakan niya ang pisngi ko. Mula sa pagkakatagilid, isinentro niya ang anggulo ng aking labi upang lumapat at mabigyan ako ng isang matamis na halik. Isang halik mula sa langit. May respeto ang bawat galaw ng kanyang labi. Hindi nakakabastos ang dilang naglalaro at nakikipag-espadahan sa akin. Tuluyan niyang ibinaba ang aking panloob na kasuotan. Hindi ko halos maramdaman iyon dahil inaliw niya ako sa pamamagitan ng pakikipagtunggali sa kanyang labi. Hinubad niya ang suot kong pang-itaas. Mula sa isang maamong anghel na kanina ay mabagal at dahan-dahang gumagalaw, sinunggaban niya na parang isang mabangis na hayop ang aking dibdib. Muli niya ginamit ang matatalim ngunit basang dila upang ako’y umungol sa dulot nitong kakaibang sarap. Para siyang sanggol sa nauubusan ng gatas. Kaya naman biglang umakyat ang init na nararamdaman ko sa aking tainga. Napapabangon ako sa sobrang sarap. Pilit niya naman akong ibinabalik mula sa pagkakahiga. Hinigpitan niya ang hawak sa aking pagkalalake. Mabilis siyang yumuko upang diligan ang alagang kahit minsa’y hindi pa nababasa ng laway ng iba.

“oh shit…” tanging nasambit ko.

Hinubad ko ang ipinahiram ko sa kanyang sando. Lumantad sa akin ang maganda at maputing katawan ni Russel. Walang sabi-sabi, ginaya ko siya sa kanyang mga ginawa. Inilakad ko ang aking dila mula sa kanyang labi pababa sa kanyang leeg. Inikot ko iyon patungo sa kanyang malalapad na dibdib. Diniligan ko ang bawat parte ng kanyang katawan. Matamis. Inulan ko siya ng halik. Bawat sulok nito ay aking dinaanan. Tiningnan ko siya. Nginitian niya ako. Lalo lang akong ginahan. Kaya naman tinungo ko ang kanyang tiyan at sinubukang kalasin ang kandado sa kanyang ibaba.

Pinigilan niya ako. “Sigurado ka ba?” tanong niya sa’kin

Tumango lang ako. At tinuloy ang naudlot na romansa.

Inilabas ng anghel ang kanyang itinatagong alindog. Matigas. Hindi ko inaasahan na ganun kalaki ang itinatago niyang lihim. Sinamba ko ang kanyang pagkatao sa paraang alam ko. Isang ritwal na sa kauna-unahang pagkakataon ay isang anghel ang buena mano. Pilit kong ipinagkasya sa aking bibig ang kanyang ari. Halos mabulunan ako ng sinimulan niyang salubungin ang bawat ulos na aking ginagawa. Baba. Taas. Iyon ang naging posisiyon namin sa loob ng hindi mabilang na minuto.

Muli niya akong inihiga. Pumatong siya sa akin at umupo sa aking mga hita. Pinagdikit niya ang dalawang laman na kanina lamang ay ginagawa naming lollipop. Ikiniskis niya iyon at sabay na pinaikot sa kanyang mga makikinis na palad. Kakaibang sensasyon ang naidulot sa akin. Binilisan niya pa ang kanyang paghagod na wari mo’y wala nang bukas. Para siyang nakawala sa isang kulungan habang napapaliyad pa kasabay ng walang humapay na paggalaw sa aming mga alaga.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Sinabayan ko ang bawat indayog ng kamay at katawan ni Russel. Hinalikan ko siya at muling ninamnam ang matatamis niyang dila. Unti-unting sumabog ang katas. Katas na sadyang naghalo. Lalong lumapot ang aming laman na kanina lamang ay dulot lang ng laway at pawis. Sabay kaming bumagsak sa kama pagkatapos ng isang malupit na palabas.

Kinuha ko ang tissue sa loob ng tukador. Nagkusa akong punasan ang mga basang parte ng kanyang katawan. Hindi siya nagpahuli. Pinanasan niya rin ako.

Muli kaming humiga na parang walang kahit na anong naganap. Nagisip ako. Kinurot ang aking braso. Hindi siya panaginip. Muli kong sinilip ang aking telepono. Suminag ang ilaw nito. Napansin ko na nakatitig siya sa akin.

4:55 AM. Limang minuto bago magising ang mga tao sa bahay. Hindi ko alam kung anong puwersa ang humila sa akin upang yumakap habang nakatalikod si Russel. Hindi naman niya ako pinigilan. Dinama niya rin ang kamay kong nakapulupot sa kanya. Hubu’t-hubad naming sinalubong ang pagsikat ng araw. Walang saplot naming hinarap ang tunay na panaginip. Kung babangungutin man ako ulit, walang patol kasi siya naman ang kapiling ko. May nagbabantay sa akin. Guardian angel ko.




Read more...

8 komento:

shanejosh May 17, 2010 at 8:29 PM  

kanyaman nakarin.... tol update kang maranun ne! maka inspired lareng kwentu mu!

Anonymous,  May 25, 2010 at 10:25 AM  

excellent prose! you have much improved the past few years, Paul..

AVERY ISAAC June 6, 2010 at 5:12 PM  

naiilang ako kay Luis, kapag tinatawag niya si Russel na anghel. haha! mushy. kainis. apir.

Anonymous,  June 13, 2010 at 2:56 AM  

Tol napakagaling mo. Ramdam na ramdam ko ang istorya. Maiiintindihan mo kung ano ang nais iparating ng mga bawat karakter. Minsan hinangad ko din na magkaroon ng talento sa pagsusulat gaya ng sa iyo pero nabibigo lang ako. Kulang pa siguro ang experience ko. Pag-ingatan mo yang talento mo at lalo mo pang pag-igihin. Ipinagkaloob sayo yan dahil karapat dapat ka. Aabangan ko pa ang mga susunod mong kwento. Maraming salamat Paul...

Anonymous,  June 17, 2010 at 10:02 AM  

paulkian ang galing galing mo talagang writer dalang dala mo ang mambabasa mo.

luv it tlga. kaso di pa rin aq makamove on ke lance. i think kaialangang bumalik si lance since sya talaga si destiny. napakababaw kasi nung pagkamatay nya ndi naelaborate maigi at saka katulad din sya ng panaginip ni lance na si russel naman ang nategi. kaya mabigyan mo ng magandang twist ang kwento kung saan babalik si lance.

thnx and more power!

-kearse

Anonymous,  July 5, 2010 at 10:12 PM  

wow galing mo paul tama si kearse ako rin hindi maka move on sa pagkamatay ni lance felling ko hapi ending sa part one hindi pala... kung nalungkot si russel at luis sa pagkamatay ni lance mas ako kc sya yung destiny bakit nwala at ganun lng sya nmatay...pero like n like ko si russel feeling ko may kilala ako tulad nya...cge po hintayin ko yung nxt chapter sana marami pa!
tnx!....troy!

Anonymous,  July 23, 2010 at 5:36 PM  

I'm excited sa upcoming chapters with Luis' premonitions. Galing ng istorya. Keep up the good work!

Anonymous,  May 21, 2012 at 8:43 PM  

Wa pin. Hehe


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP