Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Tuesday, November 11, 2008

AKO si DESTINY (CHAPTER 2: "BOOMERANG")

"AKO SI DESTINY"
(a heart-warming love story)
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


Napagtanto ko na ang buhay ay parang isang boomerang... And we have to convince ourselves that what goes around, comes around.






CHAPTER 2: BOOMERANG



Nasanay na ako sa konsepto na: langit ka, lupa ako. Tipong straight ka, bading ako. At kahit kailan walang posibilidad ang makapagpapalapit sa ating dalawa. Shet! Ang sakit nun diba? Yung tipong buong buhay ko na lang papangarapin ang isang bagay na hindi naman mapapasaakin. Isang bagay na sa fairytale lang yata nakukuha. Bunga yan ng lahat ng sakit na naidulot sa akin sa pagmamahal ng walang kasiguraduhan. Puro pag-aasume at pagaatim na masuntok ang buwan. Kaya naman takot na akong maulit muli ang nakaraan. At dahil same old story lang naman lagi, nakakasuya na.

Kung makakapagsalita lang ang sarili kong diwa siguro ito ang sasabihin niya:
"tangina naman oh! paulit-ulit lang tayo!"
Iyan kasi ang lagi kong iniisip habang binabaybay ang daan patungo sa aking dorm. Lagi ko kausap ang sarili ko. Kabaliwan. Tinitimbang ang bawat tama at gusto laban sa mali. Tulad nga ng lagi kong sinasabi, may tamang panahon naman para sa lahat. Pero kailan ang tamang panahon? Mainipin kasi akong tao kaya naman palagi akong ganito.

Unti-unting dumilim ang paligid. Uulan na naman. Bute na lang nagdala ako ng payong, boysco
ut eh. Kaya naman bago pa ako abutan ng ulan at maputikan ang puti kong uniporme, binilisan ko na ang lakad ko. Naudlot din ang pakikipagalitan ko ng pananaw sa aking sarili. Sira-ulo talaga ako, pati sa sarili ko nakikipagdebate ako.

Bigla akong napahinto dahil sa isang tinig. Isang tinig na nakapagpapahinto ng sandali at nakapagpapahupa ng magulong damdamin.

"How do I start to live my life alone?
Guess I'm just learning,
Learning the art of letting go…”

Putsa! Hanep ang boses ah? Parang si David Cook ang dating. Lalaking version ng Art of letting go. At dahil tsismoso ako, tinanaw ko kung sino ang kumakanta sa videoke, ngunit puro nursing students lang ang nakita ko. Kaya naman nagtuloy-tuloy na lang ako sa paglalakad. Hindi na importante kung sino man an
g lalaki sa likod ng magandang tinig. Hindi naman makakatulong para maging masaya ang buhay "single" ko.

Hindi pa man ako nakakarami ng hakbang papalayo sa tindahan kung saan ko narinig ang magandang tinig, umalingawngaw naman ang pangalan ko nang hindi ko inaasahan...

"LANCE!!!"

Pamilyar ang boses na yun. Gamit ang microphone ng videoke, ibinulalas niya ang pangalan ko. Dali-dali kong nilingon ang tindahang dinaanan ko.
Natanaw ko muli ang grupo ng mga first year. At ang isan
g pamilyar na mukha na kumakaway sa akin, tila nagaanyaya na pumunta ako at makijamming sa kanila.
Lumiwanag ang buong paligid at namukod tangi ang ngiti ng isang anghel sa kanyang mga kasama. Si Russel! shet!

Biglang umikot ang kamera at humarap sa akin. Parang ang spotlight ay biglang tumapat sa bida. Inaantay kong may sumigaw ng: "Congratulations!You're on the spot!". Ngunit parang nagslow motion ang tagpong papalapit ako sa kanya.
Ewan ko ba at nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad pabalik ng tindahan. At nagsimula na ang drama ng aking sariling pelikula.

"Dito pala kayo tumatambay."
sambit ko habang dumudukot ng barya para pambili ng yosi.

"Ah oo, pauwi ka na ba? Sabay na tayo...?"

Sabay tayo? Bongga!
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Ilang segundong pagkagulat. Nagisip ng isasagot sa isang napakasimpleng tanong. M
agpapakipot pa ba ako? Ito na ang oportunidad! Sunggab na boy!

"ah, o sige ba... Saan ka ba nauwe?"
(gusto mo iuwi na lang kita sa dorm ko? Hahaha)

"diyan lang sa village,,
siya nga pala guys, si kuya lance,

kuya mga tropa ko..."

KUYA? hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis. Kung sa bagay 4 na taon ang tanda ko kay Russel. Kung hindi ako nagkakamali 17 pa lang ito. Batang-bata para ma
pagnasahan. At baka mabantay-bata ako kapag binalak ko. Pero kahit 17 pa lang ito, mukha na itong 20. Iba kasi ang porma at tindig ng anghel na kaharap ko. Astigin pero neat. May angas pero hindi nakakapikon.

"shot ka muna kuya, para makauwi na tayo..."

sabay abot ni Russel ng shot glass.

Hindi na ako nakatanggi pa. Kahit hindi ako umiinom, pinilit kong ubusin ang punong shot glass na iniabot sa akin ni Russel. Siyemp
re magpapakitang gilas ang lolo niyo. Kahit mahina ang tolerance ko sa alcohol, sige lang. Kahit isang tagay lang namumula na kaagad, kiber lang. At alam ko mayamaya tatamaan na ako.

"oh pano guys? Una na ako? Sabay na ako dito kay kuya lance ko..."

Tama ba yung narinig ko? KUYA LANCE "KO"?
Walang anu-ano ay hinatak ako ni Russel palabas ng tindah
an.
Sunud-sunuran naman akong nagpahatak. Siyempre feeling eh.

"bilisan natin, mukhang uulan pa yata..."

sambit ni Russel sabay akbay sa akin.

Binilisan namin ni Russel ang paglalakad. Pero parang pagewang-gewang na siya kaya naman inakay ko na rin ang lasenggerong anghel. Ilang minuto rin ang lalakaran namin upang makarating siya sa terminal ng jeep at ako naman sa aking dorm.

Parang umaayon sa akin ang kapalaran at ang panahon. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabilis kong inilabas ang payong sa aking backpack. Nagsalo kaming 2 ni Russel sa isang maliit na payong. Isang napakaromantic na eksena sa pelikula.

"naks! May payong!" pansin ni Russel habang lalong humigpit ang kapit sa aking balikat.

"Hatid na lang kita dun sa terminal, para hindi ka mabasa..."

Ngiti lang sinagot ni Russel sa akin. Isang ngiting nagpaliwanag na naman sa buong paligid. Nanginig na naman ang tuhod ko. Muntik na akong matapilok dahil sa pa
matay na ngiti ni papa Russel.

"puwede bang sumama muna ako sa'yo? Hindi kasi ako pupwedeng umuwi ng ganito. Maaamoy ako. Papahinga muna ko...ok lang ba?"

Ano ba naman 'to? Lord, napakaagang blessing nito ah. Par
ang gusto kong mag-cart wheel sa daan. Haaay.

"ah ok sige, pawala ka muna ng tama mo sa dorm ko..."
(oh diba? Para-paraan!)

"nagdodorm ka pala?"

"Ah oo, 2 years na.
"

"nice, independent!" pamumuri ng anghel sabay hatak ng bagpack ko sa likod.

"oh bakit?" pagtatakang tanong ko.

"hawakan ko, nababasa na sa likod mo eh."

Kinuha ni Russel ang bag ko at hinawakan ito. Umandar na naman ang kilig factor sa aking katawan. Nagmamaganda na yata ako. Magjowa?
Hinayaan ko na siya, siya naman nagoffer eh. At saka bakit
ba ako nagpupumiling? Mukhang wala naman malisya sa kanya yun. Assumero lang talaga ako!

Ilang minuto lang ay nasa dorm na kami. Nagmamadali kong binuksan ang kandado ng pinto.
Nanginginig pa nga ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig ng ulan o dahil naeexcite ako sa mga susunod na mangyayari.

"Russel, pasok ka. Pasensiya ka na ha? Parang bodega ang dorm ko. Wala kasi akong time para mag-ayos."
palusot ko habang hinahawi ang mga nakasabit na mga uniporme.

"ok lang yan. Astig nga eh! Ikaw lang dito?"

Tinanguan ko lang siya habang busy parin ako sa pagaayo
s ng mga nakakalat na papel sa sahig. Kalat ng isang nursing student.
Biglang hinubad ni Russel ang puting polo at sapatos. Walang paapaalam sumalampak kaagad sa kama si Russel. Hindi na nga siguro kaya. Tumihaya na ang anghel at ilang saglit lang ay nakatulog na.

At ako? Ayun, nak
atulala sa kanya. Pinagmamasdan siya matulog. Sinusuri ang hubog ng kanyang katawan. Tinitingnan ang kanyang mapupulang labi, ang maputi niyang balat, ang matangos niyang ilong at ang buhok niyang pang-animè.

Nako Lord, pigilan niyo ko. Temptasyon ito! Tao lang po ako.
Biglang naginit ang buo kong pakiramdam. Ngayon lang yata
umepekto ang alak na nainom ko. At kung anu-anong kamunduhan ang naiisip ko.
Gawin ko kaya noh? Tutal naman lasing na lasing siya. At saka pagkakataon na ito. Palay na ang lumapit.

Unti-unti akong nagplano. Uminom muna ako ng tubig baka sakaling mawala ang init ng aking dugo. Mabilis na kumabog ang lahat ng pulso ko sa katawan. Feeling ko pa nga hina-highblood ako. Lumabas ako ng dorm upang maghilamos. Nasa labas kasi ang gripo. At saka baka sariwang hangin lang ang katapat ng kalibugan ko. Todo hilamos ang ginawa ko. Binasa ko rin ang buhok ko. At ayun, kahit papaano, nahimasmasan ang nagbabalak na rapist.

Aktong papasok na muli ako ng dorm isang mabilis na bagay
ang humambalos sa aking batok.

"Ouch!!! Pakshet!"

Ang sakit nun ha?! Tiningnan ko kung saan nagmula ang bagay na iyon. Ngunit wala namang tao sa paligid.
Pinulot ko ang bagay na tumama sa ulo ko.

"Boomerang?"

Tangina! May nantitrip ba sa akin? Hindi talaga ako napakali. Hinanap ko kung saan pupwede magmula ang mahiwagang boomerang. At nakakapagtaka pa nakit hindi bumalik dun sa nambato. Sa sobrang pagkabanas at pagkapikon ko, inihagis ko ang boomerang papalayo. Sabay sigaw ng:

"tangna mo! Hayup!"

At tulad ng inaasahan. Bumalik sa akin ang kulay pulang boomerang.
Na parang nagbabadyang: "kahit ibato mo ko, babalik pa rin ako sayo..."





---itutuloy



NEXT CHAPTER
CLICK HERE




Read more...

2 komento:

09108790356,  September 1, 2009 at 12:07 PM  

na excite ako dun sa part na nasa kwarto na sila lance at russel.,.bat kaya di pa nya sinunggaban kaagad.,,..he he

wangshiishii July 28, 2010 at 7:22 PM  

actually yung situation ni lance can happen to a girl, yung tipong friendship lang yung gusto ng guy sayo pero here you are assuming things that has no possibilities of happening..

paulkian youre very talented.. funny, witty and ineteresting yung story.. can't wait to read the next chapter


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP