(AKO SI DESTINY 2)
Have you ever felt the same?
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/
"DONT LOOK FOR HIM/HER, JUST WAIT... ONCE YOU FOUND IT, JUST DO EVERYTHING YOU CAN TO MAKE THAT PERSON STAY... BUT WHEN AGAIN FAILS, NEVER REGRET. BE HAPPY INSTEAD... AT LEAST SINUBUKAN MO ULIT AND YOU WERE NEVER A LOSER!!!'" ---unknown
CHAPTER 15: “NEUVOJA”
Humiga ako sa malamig na yero. Pinagmasdan ang mga bituin na nagkalat sa langit. Ito ang bago kong tambayan: ang rooftop. Dalawang linggo na akong nagbababad dito sa ilalim ng liwanag ng buwan. Gabi-gabi. Gabi na kung saan malungkot at walang karamay.
Nag-resign na rin ako sa trabaho. Immediate resignation. Ang press relaease ko sa opisina ay mag-a-abroad na ako. Nagising na lang kasi ako isang araw na hindi pala sa call center ang mundo ko.
Silent treatment naman sila nanay at tatay sa bahay. Hindi ako nagmamalaki. Isang senyales nga ng pagpapakumbaba ang pag-balik ko sa bahay, ang pag-mano sa kanilang dalawa. Siguro nga hindi pa sila handang harapin ang katotohanan. Hahayaan ko na lang muna. Hindi gagaling ang sugat kapag lagi mong kinakalikot. Baka lalo lang ma-impeksyon kapag pinagpilitan. Pare-pareho kaming nasaktan sa mga nangyari. Siguro hindi pa ito ang tamang panahon upang pag-usapan. Darating din ang tamang timing kung saan magiging maayos rin ang lahat. In God's time.
Simula nung iniwan ako ni Russel na nag-iisa sa harap ng puntod ni Lance. Duguan. Unti-unting nasasaktan, hindi na siya nagparamdam ulit. Ilang text, tawag, at e-mail na ang ginawa ko pero wala pa rin. Nagising din ako isang araw na nag-iisa na lang ako sa pangarap na binuo ko. Mukha na akong tanga.
Na-mi-miss ko na talaga siya. Palagi ko na lang siya iniisip... Siguro nga talagang kakalimutan na niya ako, o baka nakalimutan na nga niya ako. 'Di ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito, siguro nga minahal ko na siya sa maikling panahon na 'yun... 'Di ko pa rin matanggap hanggang sa ngayon kung bakit nagkaganito... Hindi pa rin ako makapaniwala... Sa ngayon hindi ko alam kung ano ang tama... 'Di ko alam kung tama bang ginugulo ko pa rin siya. Aaminin ko, ang lakas ng impact niya sa'kin. Hindi ko alam kung bakit. Maniwala man kayo o hindi, nahihirapan talaga ako. Nakakatawa man kung paniniwalaan niyo nga ako. Hindi ko alam kung sapat na ba ang nilalaman nito para mapaniwala ko siya sa nararamdaman ko at pinagdadaanan ko ngayon...
Ang tanging magagawa ko na lang siguro ay unawain siya kung ano man din ang nararamdaman at mga balak niya... kahit alam kong mahirap...
Siguro, matatagalan pa'to.
Kung ano man ang kahihinatnan, o kung makasalubong ko man siya diyan sa tabi-tabi o muli siyang magparamdam... Sana siya parin yung Russel na nagpakulay sa dating jologs kong pamumuhay...
Haaaay, ang jologs ko nga talaga... :(
"I will be honest this time... This will really be the last time i'll be talking about my feelings... I hope maging masaya ka.. mahirap kasi eh.. Miss na talaga kita Russel... Ang daya mo talaga ha? Iniwan mo na kagad ako... kung kailan naman. Hindi man lang kita nayakap. Hindi ko man lang naparamdam sa'yo kung ga'no ka kahalaga sa'kin. Ma-mi-miss talaga kita Russel. As in sobra!"
Iyang ang huling mensaheng pinakawalan ng telepono ko patapon sa cellphone ni Russel. Huli na'to, pangako ko sa sarili ko. Hindi ko inaasahan ang mabilis niyang tugon. Siguro nairita na siya sa dami ng mensaheng pinaulan ko sa kanya nitong mga nakaraang araw. Tulad ng dati, simple lang ang sagot niya. Ngunit malaman at masakit.
"Luis, sna wag mo nman srilinin ang sakit. Ptawad tlaga sa gnawa ko. Hindi ko cnasadya ang mga skit na pinagdadaanan mo ngaun. If only i can do sumting about it. I'm really sorry..."
Pinigilan ko ang sarili kong hindi na mag-reply. Parang unti-unting gumuho ang lahat. Mas lalo kong naramdamang nag-iisa na lang ako. Pero minsan akala natin tinalikuran na tayo ng lahat. Ngunit may ilang tao paring haharap sa'yo para patunayan na hindi dapat sumuko.
Sa ngayon dapat kong pakinggan ko ang payo sa aking ng nakababata kong kapatid na si Lara:
"Kuya, just keep on believing that you can still go on. Life doesn't end with failures...kahit sa relationships man. It's just a start of a new beginning. You'll soon realize, you'll be happier even without that someone special. Sa susunod kuya, ma-inlove ka man, sa babae man o lalaki, don't fully give everything. Spare even a single percent for yourself! That's the best lesson I've ever learned after loving too much... 'yan ang natutunan ko kay Marlon"
Siguro nga hindi na naman ako nagtira ng kaunti para sa sarili ko. Siguro nga binigay ko na naman lahat. Nagtiwala
sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Nahihiya tuloy ako sa sarili ko. Hindi naman kasi ito ang unang pagkakataong nasaktan ako. Tama si Lara. At siguro nga saka mo matutunan lahat-lahat kapag nasaktan ka na tulad ng nangyari sa kanila ng ex niyang si Marlon.
"You'll find someone soon, who can make you feel loved and happy... just trust God and you'll totally forget everything that had happened in the past... Don't feel bitter bout love... don't feel bad as if u feel you were deceived and that no one cares for you... your friends are there for you. Nandito pa ako kuya."
"Well, well, well... ano 'tong mga bitter-bitter na naririnig ko? At bakit English only policy dito sa rooftop ah Lara?" entrada ni Jhen, suot ang off shoulder niyang blouse.
Nasira ang moment naming magkapatid. Tumayo si Lara at bumeso sa kanyang ate Jhen.
"Ito kasing si Kuya, may mga drama..."
"ano ba itei, ang alam ko kaya ako pumunta dito kasi ako ang mag-dra-drama sa'yo..."
"Jhen, sabihin mo nga sa akin, masama ba akong tao?"
Kahit walang ka-ide-idea si Jennifer sa mga tanong ko at nangyayari sinagot niya pa rin ang 100 million dollar question ko.
"Luis, gaga! you're a wonderful person! sobra! Tangina. I don't know what's goin' on sa'yo ngayon pero syet! nandito kaming lahat para sa'yo. At kung usapang kabaklaang lovelife ang paguusapan, utang na loob Luis, malaki ka na at alam kong kayang-kaya mo 'yan!"
Napahinto ng ilang segundo si Jhen sa mga nasabi niya. Napagtanto niyang kasama pala namin si Lara.
"Ay sorry, what I mean to say is..."
"Okay lang friend, alam na nila."
Natatawang bumaba si Lara mula sa rooftop. Binigyan niya kami ni Jhen ng pagkakataon upang makapag-usap. Hindi talaga nagbabago si Jennifer. Taklesa parin. At bago pa kung saan mauwi ang usapan, iniba ko ang topic.
"Pumunta ako sa ospital niyo last week yata 'yun... Nakita kita kasama mo kuya mo saka si..."
Hinawakan ni Jennifer ang kamay ko. Napabalikwas ako sa mula sa pagkaka-upo sa bubong. Mahigpit ang kapit ng kaibigan ko. At kahit natatakpan ng anino ng poste ang mukha niya, kitang-kita pa rin ang bigat sa likod ng masayahin niyang aura.
"HIV positive si Kuya Andrei..."
Tuluyan nang humagulgol si Jennifer. Sa kauna-unahang pagkakataon nakita ko siyang magtangis. Hindi ko maintindihan. Dali-dali ko siyang niyakap.
"Luis, nasa early stage pa lang naman si kuya... maagapan pa naman 'yun diba?"
Patuloy sa pag-iyak si Jennifer. Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko.
"Akala ko Luis, okay lang na malaman kong bakla ang kuya ko. Masakit din pala, lalo pa't malalaman ko na may sakit siya..."
Nakaramdam ako ng pag-unawa sa sinabi ni Jhen. Hindi nga siguro ganun kadaling tanggapin ang totoo. Lalo na sa ganyang sitwasyon. Sitwasyong AIDS na ang usapan.
Si tatay, si nanay, at si Lara. Mahal na mahal ko sila. Alam kong mahal na mahal din nila ako o higit pa. Nauunawaan ko kung bakit ganun na lang din sila sa akin nang malaman nila ang tunay kong pagkatao. Hindi lang para sa kanila. Kundi para din sa akin.
At dahil hindi naman ako pinanganak kahapon upang hindi malaman ang mga bagy-bagay tungkol sa sakit na 'yun, hindi na ako nag-usisa pa kung paano nagsimula ang lahat.
"Wag ka na umiyak Jhen, malalagpasan ng kuya mo 'yan..."
"Paano kung hindi siya gumaling... himala na lang eh..."
"Gaga! Think Positive!"
"tanga! HIV positive nga eh!" sabay tawa ng malakas.
Napatawa ko ang luhaang Jennifer. Lalo ko siyang niyakap ng mahigpit. Gusto ko pa sana siyang tanungin kung bakit nila kasama si Russel nung mga panahong nakita ko sila sa ospital pero parang hindi yata akma sa eksena na isingit ko pa iyon. At saka, ano pa nga bang paki-alam ko. Kapag nalaman ko ba ang totoo, may mababago ba? Ganun pa rin naman. Mas maigi pang wala na akong alam.
Pero minsan kahit hindi mo tanungin, kahit 'di mo alamin, sadyang lalapit sa'yo ang katotohanan upang ipamukha sa'yo ang kailangan mo malaman.
"Luis, ito pa ang isa pang nakakaloka..."
"huh...?"
"Si Papa Russel at ang Kuya ko..."
"Bakit?"
Kinabahan ako. Ito na yata ang sagot sa mga katanungang ilang linggo ko na ring hinahanapan ng kasagutan.
"Alam ni Russel na HIV Postive si kuya noon pa..."
"Huh? Paano? teka? Bakit ganun?"
"Diba nga nag-masters sa Dubai si Kuya Andrei? Tapos dun nag-aral si Russel diba? Nasa iisang dorm lang sila dun...iisang school lang din ang pinasukan nila. Si kuya pala yung nagtakbo kay Russel sa ospital nung may mga suicide chorva ang lolo mo..."
Parang sumakay sa time machine ang utak ko. Muling nag-flash back ang gunita ko sa unang araw na nagkita kami ni Russel. Ang kapansin-pansing peklat sa kanyang pulso.
"Sa Dubai pa lang nagpa-check-up na daw si Kuya..."
Akala ko masasagot na ang lahat ng gumugulo sa isip ko. Ngunit parang napalitan pa ng mas malaking tanong. Bakit kailangan ilihim ni Russel na close pala sila?
"Ngayon mo lang ba nalaman 'to Jhen?"
"Actually noon pa... nabanggit na siya sa'kin ni Russel... Ayaw daw pasabi sakin ni kuya kasi nga nasa closet ang lola mo..."
Kaya pala nung birthday ni Jhen habang naglalaro kami ng truth or consequence. Kaya pala parang may something.
“Jhen, diba dumating na kuya mo? Bakit wala siya?” singit na tanong ni russel.
“Haaay nako, alam mo naman yun… masakit daw ang ulo…”
“Aah oo nga daw…” mabilis na pagsang-ayon ni Russel sabay ngisi.
Wala namang alam si Jhen sa kaganapan sa pagitan namin ni Russel at Andrei. Wala rin namang idea si Russel na binubuska ako ng kapatid ni Jhen. Siguro nga kaya hindi ko alam kasi meron din silang bagay na hindi alam.
Humiga sa balikat ko si Jhen. Mukhang napagod siya sa mga pasabog niya. Pinagpatuloy kong pinanuod ang mga nag-kikislapang bituin sa kalangitan.
Sabi nga sa napanuod kong pelikula, kapag nakakakita tayo ng isang kumikislap na tala. Yung pinakamalayong star ay unti-unting mawawala. Habang ang liwanag ay gumagawa ng ilang milyong light year travel sa kalawakan, yung bituin na yun ay mamamatay at mawawalan din ng kislap. Kapag wala nang liwanag, dun mo mas lalong ma-aappreciate ang ganda. Parang kapag nawala na yung taong mahalaga sa'tin saka lang natin malalaman kung gaano ito ka-importante.
Kung gaano sila kahalaga.
Kaya bago pa man sila mawala, siguraduhin mong na-appreciate mo sila. Napahalagahan ng sobra. O napasalamatan man lang.
Iniwan ko si Jhen na nakahiga sa bubong. Mukhang kailangan niya rin munang mag-nilay-nilay sa mga bagay na nagaganap sa buhay nilang mag-kuya.
Bumaba ako mula sa roof top. Tinungo ko ang garahe kung saan nakaupo sina nanay at tatay. Tulad ng dati, hindi sila kumikibo. Patuloy sa pagbabasa ng diyaryo si tatay samantalang si nanay naman ay busy sa paglilista ng mga nabili sa kanyang mga paninda.
"nay? tay?" bungad ko sa kanila.
Hindi sila natinag. Mukhang nagbingi-bingihan. Ngunt hindi ako sumuko, bagkus niyakap ko silang dalawa ng mahigpit. Alam kong masyadong makapangyarihan ang yakap.
"Mahal na mahal ko po kayo... Patawad po... Bati naman na tayo oh... "
Biglang binitawan ni nanay ang kanyang listahan. Itinupi naman ni tatay ang binab

"Sorry nay, tay..."
"Anak, tanggap ka namin kung ano ka pa..." iyan ang inusal ni tatay na nagpalakas ng kalooban ko.
"Anak, wag ka lang masyadong mag-bo-boyfriend ah?" banat naman ni nanay na wala na naman sa hulog. Hindi ko lang masabi sa kanya na: "Opo hindi na ako mangangarap magka-boyfriend kasi lagi na lang ako nasasaktan..."
Gumaan bigla ang pakiramdam ko. Lahat ng bagahe parang nawala. Masayang pamilya. Tulad ng mga napapanuod natin sa mga serye sa TV na lumalayo ang kamera sa isang pamilyang magkakayakap at lumuluha dulot ng saya, iyon ang naging ending.
Ito na siguro ang simula. Simula ng bagong LUIS. Walang halong pait. Walang tinatago. Walang galit.
Hindi naman ako magbabago. Naisip ko lang na dapat may mga bagay akong mas pina-prioritize bago ang mga bagay na hindi naman masyado kahalagan.
Naisip ko, bakit ka magpapakabaliw sa isang taong hindi ka naman kayang gawing parte ng buhay niya? There are more than 100 reasons why, pero kung gusto mo talaga kahit walang rason susugal ka.
Another lesson learned. Matuto na tayo. Payuhan mo sarili mo.
ITUTULOY
Guys, malapit nang matapos ang ASD2... Nawa'y makapag-bigay kayo ng sarili ninyong pananaw sa kwento. Salamat sa patuloy na pag-babasa. -PK
Read more...
Guys, malapit nang matapos ang ASD2... Nawa'y makapag-bigay kayo ng sarili ninyong pananaw sa kwento. Salamat sa patuloy na pag-babasa. -PK
21 komento:
wow.... it's just wow! lam mo tol may resemblance talaga kwento mong to sa buhay ko..... lately lang ng nagabroad ako dun ko naramdaman ang totoong saloobin ng isang BI darating yung time na you want someone to love you someone you care and thinking your partner forever..... pero for now ganito namuna buhayko sinisikap kong maging matatag at positibo sa bawat araw na dumaraan kahit na ba madaming pagsubok dedma lang ienjoy ang buhay sa kahit anong paraan.....
basta ang mahalaga nabubuhay tayo ayon sa ninanais natin at sa katwiran!
thanks so much(",)
-SHANEJOSH-
puta.. nabitin aq s pinost mo..lol galing mo tlgang mambitin ng mga readers..
marlon a.
ang saya naman.sana lhat ng family ganyan ka understanding...tama lhat ang cnbi mo. We should not depend our hapiness on other people. We got to learn how 2 be happy wid hu we are and what we have.
pwede po na ibalik nio nalang si lance, kaung nawala siya ng parang bula, babalik siya ng ganoon din po. please. huhuhu tsaka gagaling din po si andrei
Naiyak ako.. Grabe.. Pinagiisipan mo talaga ang bawat linya nila.. Nahulog tlga ako dto sa blog mo... Haahaa.. Everyday ko binibisita blog mo bka my mga updAtes kasi.. Wag ka sanang mapagod na magsulat.. Kung gagawa ka man ng libro.. 4 sure aq unang bibili.
Dj.
sobrang ganda....pls ipublish mo na ang kasunod...hehehehhehehehe
bkit puro anonymous nag comment?? wala lng ahaha..
part two pls
potah ganda tlga ng kwento ng blog mo.. tgal naman po ng sunod na story.. excited na ako ee.. haha nice one.. keep up the good work bro'.. :D
i love it..
wow........ u really are a good writer... ehhehehhehehehe
i really love the story...
relate n relate aq grbieh. ngktaon lang b oh sadya.
kc ganyan ang tinkbo ng storya ng lovelyf q..hehheh peo walng nmatay ah at wlang my HIV..
nkrelate aq sa attitude ni jhen na nurse. kc ung bff q nurse din at jennifer din nym nea...gravie super relate aq.
keep a good work bro..!!
by the way im ejhay LANCE kea 1 thing n relate ako..heheh
blessed you...
baket ang tagal mag update ng story...hays napakaganda naman ng kwento...
@carmie go - anonymous kasi karamihan ng dumadalaw dito discreet :)
i was looking forward to the next episode. i love your story. naeenjoy ko na basahin ang mga story mo. you are the best writer that i had seen. i was hoping that you try your best to make the story more interesting. great job.
everytime i read your story it leave's me pain such a wonderful yet heat breaking story :) :(
Wala pa bang continuation to? Naexcite pa naman ako. Ang ganda ganda! :-)
hi paulkian... hope you take time to visit my blog and follow me... i need readers... sana'y mapagbigyan :)
http://mgakwentonimaskedman.blogspot.com/
waaaaaaaaaaaaaaa!!!! can't see the "next page. click here" oohh shit!!
more than 7hours kung binabasa to. destiny1-2..
super like ang story. i hope that someday tv networks would feature this story. :)
keep it up kian! xoxo!
wow,,kaabang abang naman to,,nakakbitin talga,,,kilan po ulit ipopost ang another part,,plssssssss
grabe ganda ng plot ng story at mga twist nia.now may aabangan na akong blogstory.
Kapampangan ya siguru y PK. Aliwa ya ing ataki na king pamanyulat. Solid! Kudos!!!
sobrang ganda talaga... kahit nung first part(ako si destiny 1) maganda na eh... youre such a very300x good writer hihi....
(nelheartfilia_30@hotmail.com)
Post a Comment