Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Tuesday, November 11, 2008

AKO si DESTINY (CHAPTER 4: "FRENCH FRIES" )

"AKO SI DESTINY"
(a heart-warming love story)

By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/



"Hindi naman na kayang ibalik ng french fries ang nasirang pinagsamahan..."
---Lance



CHAPTER 4: FRENCH FRIES


"Oh tapos?! Anung nangyari?"
Atat na atat na pagtatanong ni Jhen habang isinasara ang kanyang bag.

"Wala na, ayun lang, tinuro lan
g niya yung rosaryo, tapos maya-maya lang sabi niya, uuwi na daw siya..."

"'yun lang!??"


"Oo nga... Ayun lang."

Biglang nagshiftmood si Jennifer. Dali-dali itong bumalikwas habang nagbibitaw ng mga nakakairitang mga banat.

"Hay nako Lance! Nakakatamad ang kwento mo! Ayan na yon? Ayan na yung "special" na nangyari sa inyo? Tangna, napakaspecial nga! Hahaha"
Sabay tawa ng malakas. Isang tawang nakapanunuya.

"Bakit ba? Eh sa espesyal sa'kin yun! Walang pakialamanan ng lovelife!"
Pagtatanggol ko sa aking sarili.

"At kailan pa naging lovelife yung estrangherong 'yon sa buhay mo?! Kahapon mo lang nakilala yun ah?
At espesyal na sa'yo yung mga moment na napansin niya 'yung
rosary mong nakasabit? Buti naman hindi nagyayang magrosaryo? O maglead ng orasyon?!"

Lagi talagang kontrapelo si Jhen sa mga kwentong kahupaan ko. Sabi niya kung pareho daw kaming magiging positive, 'pag dumating ang araw na kailangan nang harapin ang realidad, triple na ang sakit kasi umasa ka na ng umasa. Parang dissapointment of unfulfilled expectation. Si Jhen ang nagsisilbing tagapagtanggal ng helmet ko para mauntog sa pader ng katoto
hanan. Magkabukol man ako o hemorrhage, at least binalaan niya ako sa mga posibilidad na magaganap. Malaki na daw ako para malaman ang dapat kong malaman. Sarili lang naman daw natin ang kakampi natin kapag puso na ang kinawawa. In short, walang makakatulong sa'yo kundi sarili mo rin. No one can put you down, except yourself.

"Lawrence Morillo! Ayan ka na naman! Humaharya ka na naman...tigil-tigilan na nga yan at magaral ka na lang! Hindi naman makakatulong yan para maperfect mo yung quiz! Tapos kapag bumagsak ka ngangalngal-ngalngal ka!"
At hinampas ang sangkatutak na handouts sa pagmumukha ko.

"aray!? Alam mo napakabuti mong kaibigan. Napakabuti! Hindi mo man lang suportahan ang kaligayahan ng bestfriend mo!"
Sarkastikong banat ko habang pinupulot ang mga nagliparang handouts sa corridor.

"Hay nako kapatid! Tantanan na nga ako! Gusto mo bang bigyan kita ng umaatikabong sampal at sikmuraan kita ng bonggang bongga para matauhan ka sa pinaggagawa mo sa buhay?!! Pinapaalalahanan lang kita,"

Ayaw kong magpatalo sa mga dale ni Jhen, kaya naman bumanat na ako para
makaganti.

"ah ganun? Bayolente ka? Classmates! Alam niyo ba itong si Jennifer... Laging ano... Laging inaano... I mean laging nagpapaano... "
At dahil diyan nagkamit ako ng sunod-sunod na hampas upang maudlot ang aking sasabihin.

"aaah, labasan na lang pala ng baho dito?! Bunyagan na ba ng sikreto? Ano?!! Hahaha! Classmates si Lance, may lihim... Lihim na ano... Lihim na kaanuhan! Lihim na chorva!"

"Tangina mo Jhen! Magtigil ka..."
Pabulong kong sinambit.

Hinatak ko siya papalayo sa mga kaklase namin. Mahirap na baka makahalata sila na ang lihim na chorva ko ay lalaki pala. Kapag nagkataon showbiz central ang labas ko nun.

Namuti na ang mga mata namin. Isang oras at kalahati na kaming naghihintay sa aming clinical instructor. At dahil wala na yatang balak pumasok ang doktor, nagsipaglayasan na ang buong klase. Aba! Dapat nga kapag 30 minutes at walang instructor umaalis na eh. Kaya naman pagkatapos namin pumirma sa yellow pad na nagsisilbing atten
dance sheet, umeskapo na kami ng kaibigan kong laging nagmamaganda.

"Jhen, tara kain tayo sa mcdo. Para kasing gusto ko ng french fries..."

"Mcdo? Himala! At naglilihe??!"

"Oo nga eh,, hahaha...tara na huwag ka na maginarte ililibre kita!"

"Next time na lang kapatid, may usapan kami ng jowa ko nga
yon..."

Tumaas ang kilay ko. Kulang na lang lumipad sa ere. Ngayon lang kasi tumanggi si Jhen sa yaya ko, lalo pa't ililibre ko siya. Pagdating talaga sa boyfriend niya nanginginig lagi itong si Jhen. Paano ba naman kapag hindi sila nagkakaunawaan umuuwi siyang pasaan. Ugat ang selos sa pambubugbog ni boyfriend. Insecure kasi. Sabi ko nga kay jhen, "bakit ka ba nagkaboyfriend ng boksingero?" pero dedma parin ang lola niyo. At ang nakakabuwiset pinagtatanggol niya pa: "Naiintindihan ko naman eh, at saka kasalanan ko rin naman" Napakatanga diba?! Ubod ng kagagahan. May mga tao talagang kahit sinasadista na ay patulo
y pa rin nagmamahal. Kaya nga naniniwala akong tanga ang pagibig. Ehemplong buhay ang bestfriend ko. At ako na rin siguro. Malakas ang kutob ko, susundan ko ang yapak ni Jennifer.

"Oh siya sige, uwi na lang din ako. Magmadali ka na at baka balian ka ng ribs ng jowa mo kapag nalate ka!"

"Hindi naman kapatid, walanghiya ka talaga! oh paano? Bye girl!"
at bumeso na ang hitad.

Naiwan na naman akong magisa. Ang hirap talaga kapag walang
kasama sa mga panahong kailangan mo ng kalinga. Lagi ko na lang kakambal ang salitang "loner".
Ayaw ko pa sanang umuwi ng dorm pero mukhang mapipilitan na ako. Itutulog ko na lang siguro ang paglilihe ko ng french fries. Nakakatamad na kasi maglakad papuntang mcdo noh? Tirik na tirik pa kasi ang araw. Gamit ang itim kong pouch, pinangtabing ko ito sa aking pisngi. Takot akong masunog ang pagmumukha ko. At saka mahal na ang sabong pampaputi ngayon. Kaya naman bago pa magkapekas ang mukha ko dahil sa init, binilisan ko na ang lakad ko. Napansin k
o kasing para akong naglalakad sa ilalim ng liwanag ng buwan. Halatang wala na naman ako sa huwisyo. Halatang nagiisip ng malalim.

Naalala ko na naman kasi si Jerome. Nung kasagsagan pa ng relasyon namin, isa ang mcdo sa mga paborito naming tambayan at french fries bilang paborito naming pagkain. Kapag may sakit ako o kaya naman nagkakatampuhan laging tulay ang patatas para maging maayos ang lahat. Ilang karton na rin ng fries ang naipon ko nung mga panahong iyon. May mga mensahe. Meron din namang wala, at mga date lang kung kailan namin binili. Ngayon? abo na ang mga karton. Sinunog ko na lahat matapos wakasan ni Jerome ang pagsasama namin. Para ano pa't magtago ng mga ala-ala? Para ano pa't may mga basura pa akong itinatabi? Hindi sila makakatulong sa pagmove-on ko. Hindi naman na kayang ibalik ng french fries ang nasirang pinagsamahan. Lalo na't hindi na maibabalik ng mcdo ang pagmamahal sa akin ni Jerome.
Simula noon, naniwala akong nalugi na ang mcdo. Hindi na ba naman ako kumain sa kanila. Nabawasan sila ng isang masugid na customer. Nabawasan na rin ang mga calories ko sa katawan. Wala nang piniritong patatas eh. Wala na kasing love life. Wala nang magsusubo sa'kin ng pirasong french fries. Wala na. Pakshet!

Pero ngayon, napagtanto ko na okey na ako. Nakapagyayaya na akong magmcdo eh. Naks! Yayaman na naman ang mcdo niyan. Bumalik na ang suki nila. Bumalik na rin ang gana kong kumain ng french fries. Ngunit ang kumain magisa, hindi ko parin kaya. Naghahanap pa rin ako ng kasama.

Nagdire-diretso ako sa kama. Nagpalit lang ako ng komportableng boxer shorts na blue at kulay itim na sando. Tapos binuksan ko ng todo ang bentilador upang makatulog na ng mahimbing. Ang aga ko kasi nagising kanina. Kailangan magbawi ng tulog. Paggising ko, saka na lang ako kakain. Tutal naman hindi pa ako masyadong gutom.

Niyakap ko ang unan na hinigaan ni Russel. Kumapit pala ang amoy ng pabango niya sa damit ng unan. Rumehistro sa gunita ko ang sinabi ni Jhen:

"At kailan pa naging lovelife yung estrangherong 'yon sa buhay mo?! Kahapon mo lang nakilala yun ah?..."

At biglang naglakbay na ang aking diwang sawi.


(Mabilis akong tumatakbo. Hinahabol ko ang isang lalaking mas mabilis tumakbo kaysa sa akin. Walang humpay kaming naghabulan sa damuhan. Hindi ko mamukaan ang estranghero. Basta ang alam ko kailangan ko siyang habulin. Kailangan ko siyang yakapin. Ilang sandali pa't huminto na rin ang lalaking hinahabol ko. Hindi pa rin lumilingon. Parang pinapakiramdaman ang susunod kong hakbang. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Niyakap ko na siya. Kahit hindi ko makita ang mukha. Kahit hindi ko siya kilala. Kahit walang kasiguraduhan.
Tinanggal niya ang aking kamay mula sa pagkakayakap ko sa kanya. At muli siyang tumakbo papalayo sa akin.)


Nagising ako sa katotohanan na panaginip lang pala ang lahat. At naalimpungatan ako dahil may kumakatok na sa pintuan.

"Kuya Lance?, kuya Lance?"

Pamilyar ang boses. Kaya naman kahit pupungas-pungas pa binuksan ko na ang pinto.

"oh ikaw pala yan!?"

"Naistorbo yata kita?
Napadaan lang ako..."

Si Russel. Isang bisitang hindi inaasahan. Anghel na laging bumababa sa langit upang bigyan ako ng isang matamis na ngiti.

"ay, hindi naman! Ahm. Halika dito pasok ka..."
(ayan, natataranta na naman ako.)

"Hihiram sana ako ng anatomy book, kung meron ka pa?"

(Shet! Yun pala ang kailangan... Haaay!)
"ah oo, buhay pa
ana/physio ko, wait lang hanapin ko..."

"At saka dinalhan pala kita ng french fries, baka kasi hindi ka pa nagmemeryenda,..."
Sabay labas ng fries mula sa bag ni Russel.

French fries??? Huminto ang mundo ko sa sinabi ni Russel. Napalingon ako sa kanya para ikumpirma kung tama ba yung pagkakarinig ko.
At kumpirmado nga may french fries, inaabot niya sa'kin.

"wow! Salamat! Favorite ko 'to..."

Ngiti lang ang sinukli ng anghel. Huwag kang ganyan, utang na loob. At muling natunaw ang puso kong sawi.



---itutuloy.



NEXT CHAPTER--- CLICK HERE



Read more...

1 komento:

manny/09108790356,  September 1, 2009 at 12:48 PM  

ang ganda ng twist ng love story mo paul..,.heart warming talaga,.,.


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP