Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Wednesday, April 22, 2009

Have you ever felt the same? ( CHAPTER 6: “FALLING STAR”)

(AKO SI DESTINY 2)
Have you ever felt the same?
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/

“I am like a falling star who has finally found her place next to another in a lovely constellation, where we will sparkle in the heavens forever.”
-Amy Tan


CHAPTER 6: “FALLING STAR”



Tumingala ako sa kalangitan. Pinuno ng mga bituin ang madilim na kalawakan. Sabi nila kapag marami raw bituin sa langit wala daw pag-asang umulan. Walang kahit isang posibilidad na mahulog ang mga patak ng luha mula sa langit. Sayang, ready pa naman akong magpaulan kung saka-sakali at saluhin ang bawat butil at patak nila.


Iniyuko ko ang aking ulo at tiningnan ang oras sa aking relo. Pasado ala-una na ng madaling araw.

Isa-isa na kaming naglabasan sa munting tahanan ni Jhen. Pa
gkatapos kong inumin kanina ang 3 shot ng lambanog, iyon din ang naging katapusan ng gabi. Sinalubong naming apat ang sumunod na araw. Isang araw na kung saan para sa akin ay kasunod na level ng aking buhay. Parang Time Crisis lang kumbaga.

Sa labas, dalawang motorsiklo kaagad ang tumambad sa akin
. Naka-motor pala sina Russel kanina nung dumating. Maya-maya lang eh bumilis ang pacing ng bawat eksena.

Sumenyas si Jerome na mauuna na sakay ng kanyang motorsiklo. Humarurot si Jero papalayo habang patalikod na kumakaway sa aming tatlo.

Naalala ko yung sinabi ng kaibigan ko nung highschool. Sabi niya wag ka daw kakaway ng patalikod kasi dadating daw yung panahon na magkakalimutan kayo. Ang taong kumaway at ang taong kinawayan, makakalimutan ang
isa’t-isa. Kung iisipin nga naman isang melo-dramatic ang ganung senaryo. Nakatalikaod, naglalakad palayo. Tapos kumakaway, pero hindi nakatingin sa kinakawayan. Pero naisip ko rin na isa lamang siyang alamat. Hindi naman totoo yun! Wala namang basehan o kahit na isang katiting na scientific explanation na makapagpapatibay sa mga teorya ng kaibigan ko nung highschool.

Sumunod na sumenyas si Russel. Isang pagsenyas na ang ibig sabihin ay “tara na…”

Ewan ko nga ba kung bakit ang tipid ng mga tao sa pagsasalita ngayon. Pero dahil mahilig naman ako magpadaloy sa agos, hinayaan ko na lang at nanahimik na rin ako.

Biglang pina-arangkada ni Russel ang sinasakyan naming motor. Muntik pa nga akong ma-out of balance sa bilis na pagtakbo nito. Nilingon ko si Jhen na naiwan sa tapat ng gate nila. Kumakaway na ito at halatang antok na antok. At iyon din ang naging hudyat upang lisanin namin ang lugar. Ang lugar kung saan naganap ang unang halik ng aking karibal.

Nagsimula na ang biyahe namin ni Russel pauwi. Humahampas sa ami
n ang lamig ng hanging amihan na nanggagaling mula sa bayan ng Tagaytay. Deadma parin kaya kahit malamig sinalubong parin naming ang salungat na ihip ng hangin. Dumadampi ang hamog sa aking pisngi. Feeling ko hindi lang basta hamog ang kumakapit sa mukha ko. Malamang smog na yun.

“huwag kang bibitaw ha? Higpitan mo ang kapit mo baka mahulog ka…” usal ni Russel habang patuloy naming binabaybay ang kahabaan ng highway.

“baka makatulog ako Russel, at tuluyang mahulog. Basta saluhin mo ako ha?”

“Ano ka ba? Hindi kita pwede saluhin, hawak ko ang manibela baka mabunggo tayo kapag sinalo kita…”

Ipinikit ko ang aking mga mata. Hinigpitan ko ang y
akap ko sa kanya. Sa pagkakataong ito magtitiwala ako na hindi niya ako pababayaan. Kahit alam kong hindi niya ako kayang sagipin, kung sakaling malaglag man ako, o tuluyang makabitaw sa pagkakakapit, ibibigay ko parin sa kanya ang buong pagtitiwala ko.

Alam ko hindi niya ako pababayaan. Lahat ng pagtitiwala ko ibibigay ko sa kanya ng walang pagaalinlangan. As an old saying goes: “Follow your heart, but be quiet for a while first. Ask questions, and then feel the answer. Learn to trust your heart.” sa pagkakataon ding ito magtitiwala ako sa puso ko. Dahil alam ko hindi ako mabibigo. Yun ang paniniwala ko. Iyon ang pananaw ko.

Sa unti-unting pagdilat ng aking mata unti-unti rin
g ipinarada ni Russel ang sinasakyan naming motor sa gilid ng isang convenient store. Wala siyang kibo kaya nakiayon na rin ako sa nais niyang gawin. Pagbaba namin sa motor napansin ko ang grupo ng mga kapulisan sa bandang dulo ng highway. “Kaya naman pala” naibulong ko na lang sa aking sarili.

Pumasok si Russel sa loob ng Ministop. Hindi na ako sumunod sa kanya. Wala naman akong balak bumili ng kahit ano sa loob kaya umupo na lang ako sa may gilid at chineck ang aking telepono. Walang mensahe. Nakakafrustrate.
Simula kaninang hapon hanggang sa ngayon wala man lang nagtetext sa akin.

Ilang minuto ang pagitan lumabas na rin si Russel hawak-hawak ang dalawang styro-cup ng kape. Ibinigay niya sa akin ang isa kaya hindi na ako nakatanggi pa. Sabay naming ininom ang mainit na kape habang pinagmamasdan ang mga taong nakamotor na nahuhuli ng mga pulis sa kabilang ibayo. Wala paring kibo si
Russel. Moody talaga. O
baka wala naman talaga siyang nais sabihin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Hindi ko rin alam kung ano ang plano niya. Basta ako tatahimik na rin lang.

Nakatingin si Russel sa kalangitan. Pinagmamasdan niya ang mga bituin na isinabog at nagkalat sa madilim na langit. Ako? Pinagmamasdan ko siya. Sa
totoo lang ngayon ko lang siya na-appreciate ng ganito. Okay naman pala si Russel. Hindi ako nagtataka na kahit sino maaaring mahulog ang loob sa kanya. Mahulog na parang isang tala mula sa itaas.

“Luis!!! May falling star oh!!!”

Iyon ang nagpabasag ng namamayaning katahimikan sa pagitan naming dalawa. Isang falling star lang pala ang magiging dahilan upang makapagsambit si Russel ng isang pangungusap. Isang pangungusap na puno ng emosyon.

Tinanong ko siya:

“ano winish mo?”

Ewan ko ba kung ano ang pumasok sa kokote ko at pinakialaman ko ang wish niya. Buti na lang at hindi niya ako ini-snob.


“winish ko na sana magpakita sa’kin si Lance, kahit saglit lang para makapagpaalam ako sa kanya…”

“nakakatakot naman yung wish mo…”


“bakit ka natatakot? Ayaw mo ba magpakita sa’yo si Lance?”

Ilang sgundo akong na-blangko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Napansin niya siguro na na-mental block ako sa tanong niya na yes or no lang naman ang sagot kaya iniba na niya ang question niya:

“Ikaw? Ano winish mo?”

“hindi ko nakita yung falling star eh, pero kapag nakita ko iwiwish ko na sana hindi na matapos ang gabing ito…”

“huh?” pagtatakang reaksyon ni Russel.

Kaya bago pa siya magisip ng kung anu-ano dinugtungan ko na ang sagot ko:

“kasi ayaw kong pumasok sa work bukas ng gabi.. h
a!ha!”

Hindi natawa si Russel sa akin bagkus ay tumayo na ito mula sa pagkakasalampak sa semento at muling sumenyas na kailangan na naming umalis. Kahit hindi pa ubos ang iniinom kong kape ay muli akong umangkas mula sa kanyang likuran. Sa pagkakataong ito iniwasan kong kumapit sa kanya. Kailangan kong matutong huwag kumapit sa taong alam kong nagmamaneho patungo sa aming patutunguan.

Tinungo namin ang shortcut. Iyon ang nagpadali ng mga bagay
-bagay. Isang uri iyon ng pagtakas sa mga pulis na nagbabadya naman ng pangongotong. Itinuro ko kay Russel kung saan kami dapat dumaan. Patungo iyon sa aming tahanan. Wala pa rin siyang kibong sinuong ang mga dinidikta kong direksyon.

Nagpababa na lang ako sa may kanto, ilang lakad lang ang layo mula sa aming bahay. Ngunit pinilit ni Russel na ituro ko kung saan ako nakatira. Sabi niya mas maigi na daw na malaman niya para next time kung mapadaan siya ulit s
a Bacoor pwede niya akong madalaw. Kaya naman hindi na ako nagpakipot pang magpahatid hanggang sa tapat ng bahay namin.

Pagbaba ko sa motor, biglang humarurot si Russel palayo… sumigaw na lang ako ng:

“Salamat ha? Ingat ka!!!”


At ang natatanging tugon niya lamang ay isang kaway habang nakatalikod papalayo sa akin. Talagang nauuso ang mga ganitong eksena ng pamamaalam.

Habang tinatanaw si Russel at ang kanyang motor, tinanaw ko rin ang kalangitan. Kumislap ang isang bituin at nahulog sa kawalan.

“shocks… falling star…” tanging naibulong ko sa aking gunita habang inuusal ko ang aking wish.

Anong winish ko? Secret! Akin na lang yun noh!





Read more...

6 komento:

Anonymous,  April 22, 2009 at 6:47 PM  

hay nabitin na naman ako! hmpf.

nice. namiss ko ito. ☺

jeira,  April 22, 2009 at 9:28 PM  

hala! sobrang nakakabitin tong chapter nah toh.. sobrang ikli..

Jake May 3, 2009 at 4:28 PM  

Hehe. Can't wait for the conclusion.

ramil July 14, 2009 at 2:02 AM  

may ganito palang blog. ang cool.

Anonymous,  August 29, 2010 at 9:47 AM  

'naguluhan akung bgla ' nbasa ku namang buo ang st0ry ng destiny fr0m 1 to 12 ' w0nder fr0m this chapter nagkasama c l0uis and russel'? 'db fr0m chapter 12 nagpunta ng dubai si russel'? 'NU b naman y0n'? Smart 09291227268/gl0be09275320611

Anonymous,  December 5, 2010 at 7:07 AM  

bitin naman nang dahil sa falling star.....


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP