Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Thursday, October 23, 2008

ONE NIGHT STAND

*based on a true story (December 9, 2007)



"One night stands, or what's often called tricking, can be satisfying way to have sex if both people agree that's what the tryst is about..."

--- The Essential Book of Gay Manners and Etiquette.




ONE NIGHT STAND
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/



Sabi ng clanmate ko kanina, "'wag mong masyadong seryosohin 'yung mga nakaka-one night stand mo..."

Kung sa bagay, tama siya. Hindi ko naman kasi inaasahan na sa ganito mauuwi ang lahat. Hindi ko minsan naisip na isang gabi makakatabi ko sa kama ang taong nakakasalubong ko lang sa corridor ng school namin. Hindi ko inasahan na ang taong hinahangaan ko at nakapagpapakilig sa nanahimik kong damdamin ay mahahalikan at mahahagkan ko ng buong magdamag. At hindi ko naisip na ang espiritu ng alak ang magbubuklod sa aming dalawa para angkinin ang isa't-isa.

Nangyari na ang hindi ko inaasahan. Nalaman ko na ang dapat kong malaman. Katulad ko rin siya. Isang nilalang na pilit ikinukubli ang nararamdaman. Batid niya na gusto ko siya, at hindi na issue sa akin 'yon o maging sa kanya. Ang issue kasi ngayon kung gusto rin ba niya ako tulad ng nararamdaman ko sa kasalukuyan.

Iniisip ko nga: "Gusto rin kaya niya ako kaya hinayaan niyang may mangyari sa aming dalawa?" Maaring oo at pupwede ring isang malaking hindi ang kasagutan...Malamang nadala lamang siya sa bugso ng kanyang nagaapoy na damdamin. At ako, nadala lamang ng minsanang oportunidad.

Naalala ko sabi ko dati: "Maangkin lang kita ng isang gabi masaya na ako..." Nakakatawa di ba? Pero bakit kabaligtaran ang nangyari? Tuluyan akong nahulog sa bitag niya at unti-unting nilamon ng mapangakit niyang alaala. Ayaw ko paasahin ang sarili ko pero hanggang sa ngayon namumutawi pa rin sa aking utak ang mga halik niyang kakaiba,waring may nais pakahulugan. Nanunuyot pa rin sa isip ko ang haplos at yakap niya na parang nagsasabing pagmamay-ari niya ako.

Sa ngayon, hindi ko alam kung dapat ba ako magpakaapekto sa nangyari. Tutal naman isang malupit na lihim ang ikinulong namin sa apat na sulok ng aking dorm, kaya walang makakaalam. Hindi ko hinahangad na lumalim pa ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko rin nais pang pangarapin na magiging kami pagdating ng araw. At alam ko na wala siyang panahon sa mga ganoong bagay dahil sadyang sarado pa ang musmos niyang personalidad sa mga ganoong aspeto. At dahil ako ang nakakatanda at mas nakakaunawa, malamang ako na lang ang lilimot sa lahat. Siguro pareho lang din kami ng gagawin, ang paglalaro naming dalawa sa apoy ng kahapon ay parte na lamang ng isa kong magandang panaginip at malikot na imahinasyon.



WAKAS

Read more...

4 komento:

Anonymous,  December 13, 2008 at 3:25 AM  

wow winner ang kata ng lola mo! pangmagpakailanman ang blog kalokey! hello tita mel ikaw ba yan? chunglili alam mo may ganyan din ako experience kaloka! hindi natin alam kung ano mangyayari satin bukas.. ang mr.dreamboy ng buhay isang araw e magiging malapit sa iyo at bibigyan ka ng sangkatutak na oportunidad para lafangin sya para di ko chinuchurva kasi ayoko mawala ang fafa ko pag di nya nagustuhan yung churvahan chenes.. lahat ay pangarap lang.. pangarap na bituin.. jang geum ikaw ba yan???

charlescameros July 27, 2010 at 8:33 PM  

just think of this. . .

marami ding nag'aasam na matikman ka nila...but you can't give the love that they'r wanting from you..because all u can feel is just lust, nothing else..



same thing with what you experienced..
gusto mo ng luv nia, but hnd nia kaya ibigay..


i feel for you..

emmanuel February 28, 2011 at 1:40 PM  

hehehe...wow nice blog...

Inner Thoughts August 13, 2012 at 4:26 AM  

I've been through these. It was all I can give nothing more. Just one night. that's it. But I felt ashamed of what I've done. Really regret it.


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP