Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Sunday, July 25, 2010

Have you ever felt the same? (CHAPTER 11: “THREAT”)

(AKO SI DESTINY 2)
Have you ever felt the same?
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/

If you want someone, don’t expect that person to just go and fly to you. You should put a little bit of effort and sprinkle of patience into it. You’ll see but if it doesn’t work well, you just have to do it the hard way. There are the words: kidnapping, harassment and blackmail. Just be creative! --- kingkang[ID-2927554] 14.Apr.2009 - 12:01 (PLANET ROMEO)


CHAPTER 11: “THREAT”



Inunat ko ang aking mga braso. Nagulat ako kasi wala na siya sa tabi ko. Tanging kumot na lang ang nakatapis sa hubad kong katawan. Nakatupi naman na ang hiniram niyang boxer’s shorts at sando. Nakapatong iyon sa may paanan ng kama ko. Inamoy ko iyon, kumapit kasi ang gwapong-amoy ni Russel. Napa-sulyap ako sa pinto. Nakasiwang ito. Kung nanaisin masisilip ako ng taong nasa labas. Tiningnan ko ang orasan. Pasado alas-diyes na ng umaga. Tanghali na. Muli kong ini-lock ang pinto upang makapag-bihis ng shorts. Hindi man lang nagpaalam si Russel. Siguro hindi na niya ako inistorbo kasi mahimbing akong natutulog. Sino ba naman kasi ang hindi makakatulog ng mahimbing sa piling ng taong nagpapasaya sa’yo. Kahit siguro hindi ka na magising basta ba siya ang kasiping mo sa kama. Kinilig akong bigla. Syet!

Lumabas ako ng kwarto ng may ngiti sa aking labi. Kakaiba ang umagang ito. Hindi ko alam kung dahil ba sa makulimlim na panahon o dahil kay Russel. May kung anong kaba ang bumulabog sa damdamin ko. Putek! In-love na yata ako! Pansamantalang nabura sa isip ko na huling araw na ng off ko ngayon. At kahit bukas ay papasok na naman ako sa opisina, malamang sisipagin na ako. Bigla ako nagkaroon ng isang inspirasyon. Sa isang iglap nagkaroon ako ng dahilan upang lumigaya ulit. Ngayon na lang naulit ito. Akala ko manhid na ako. Hindi pa pala.

Nagtuluy-tuloy ako sa sala. Umupo muna ako sa sofa at pinindot ang remote control upang mabuksan ang TV. Walang tao sa bahay. Siguro mayroon na silang kanya-kanyang pinagkakaabalahan. Si Lara sa eskwela, si nanay sa negosyo, si tatay…ewan ko. Sanay na sila sa akin na late na kung bumangon. Kaya naman kapag almusal, hindi na nila ako ginigising upang sumabay sa kanila. Naghanap ako ng magandang palabas. Na-pokus ang atensyon ko sa National Geographic Channel. Pinapakita nila ang mga iba’t-ibang uri ng paru-paro. “Butterflies are day-flying insects…” sabi nung Lepidopterists (taong mahilig pag-aralan ang mga paru-paro) kaya naman hindi sila dumadaan sa mga madidilim lalo na sa mga ilalim ng tulay. Mas ninanais nilang tumawid sa ibabaw nito kung saan naroon ang liwanag. May option sila kung saan sila tutungo. Pwede silang mamili kung saan sila lilipad. Maaari nilang iwasan ang dilim at tahakin ang liwanag. Bongga diba?

Matapos akong mag-almusal ng mga trivia patungkol sa paru-paro inilipat ko muli ang channel, Fashion TV naman. Namangha ako sa mga modelo na parang mga mannequin at taas noo kung rumampa. Magagara rin ang mga damit. Kakaiba pero nasa uso. Natutuwa ako sa kanila. Hindi ko naman sila gustong gayahin pero masarap lang talaga silang panoorin. Masarap silang gayakan. Mukha silang mga manika.

Naalala ko, nung grade three pa lang ako nahuli ako ng tatay na binibihisan ang laruang manika ni Lara. Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa ako kay Barbie nung mga oras na iyon. Isang araw inagaw ni tatay ang mamahaling manika, itinapon niya iyon at parang boomerang na nag-paikot-ikot sa ere. Pinagalitan ako ni Tatay. Hindi pa maunawaan ng musmos kong isip ang mga sinasabi niya sa’kin. Ngunit ramdam ko ang galit. Halos lumatay naman sa puwitan ko ang sinturon na hinahampas niya. Hindi naman mag-kanda-ugaga si nanay habang inaawat ang aking ama. Masisilayan mo sa kanya ang awa habang ako naman ay humahagulgol sa pagiyak. Umiiyak din ang kapatid kong si Lara dahil halos magkandalasug-lasog si Barbie dulot ng pag-bagsak. Simula noon parang latay na tumatak sa utak ko na ang laruang pambabae ay para lang sa babae. At ako ay isang tunay na lalake.

Iyon ang una at huling pagkakataon na nakita kong galit na galit sa akin ang aking ama. Hindi na naulit pa ang tagpong iyon habang ako’y nagkakaisip at namumulat sa tunay kong nararamdaman. Naging mabuti akong anak sa kanila. Kasi kahit hindi ako open sa tunay kong pagkatao alam kong matatanggap nila ako. At kahit minsan ay may napapansin sila sa aking bahid ng kabaklaan, hindi nila ako masyado inilalagay sa “hotseat”. Nararamdaman ko na hindi mag-aamok si tatay kapag magka-bukingan. At napapangiti rin ako kasi malamang matutuwa si nanay kapag nagtapat na ako sa kanila. Paano ako nakakasigurado? Siyempre mga magulang ko sila. Kilala ko na sila mula ulo hanggang paa. Sa kabila ng aming relihiyon alam kong matatanggap nila ako. Mahal ako ng pamilya ko.

Inilipat kong muli ang channel. Natuwa ako kina Tom & Jerry kaya naman naging permanente ang panunuod ko sa Cartoon Network. Naalala ko ang cellphone ko. Inisip ko kung saan ko nailapag iyon. Malamang may text sa’kin si Russel. Napabangon ako mula sa masarap kong pagkaka-upo sa sofa. Bumalik ako sa aking silid upang kunin ang telepono. Natagpuan ko iyon sa ulunan ng aking kama. Low-battery na. Kasunod kong hinanap ang charger. Nawawala na naman. Palibhasa walang charger si Lara kaya pinaghahatian naming ang charger ng telepono ko. Muli akong lumabas ng kwarto upang hanapin ang nawawalang charger. Sakto namang papasok si nanay sa bahay. Mukhang balisa.

“Nay, nakita niyo po ba ‘yung charger?” pambungad na bati ko sa kanya.

Deadma si nanay. Para akong multo na dinaanan lang niya at hindi pinansin. Naisip ko na baka hindi niya lang ako nakita at narinig kaya naman muli akong nagsalita.

“Nay, yung charger po?”

Tumugon ang nanay ko ngunit kakaiba ang mga binitawan niyang salita.

“Ewan. Pwede ba Luis… Hanapin mo.”

Hindi naman pasigaw. Hindi naman galit. Ngunit malamig. Kakaiba. Kilala ko nanay ko. Masayahin siya sa kabila ng busy niyang lifestyle. Nakakapagtaka. Parang may something. Kung ano ‘yung something? Hindi ko alam. Tikom ang bibig akong pumasok muli sa kwarto. Inisip ko na lang na pagod lang siguro ang nanay kaya ganun. O baka may hindi sila pagkaka-unawaan ni tatay kaninang umaga lalo pa’t lasing na naman siyang umuwi kagabi. Siguro nga.

Inisa-isa kong binuksan ang mga drawer. Sinilip ang silong ng kama. Hinawi ang kurtina at pinagpag ang higaan. Wala parin ang punyetang charger. Halos itaob ko na ang buong silid ngunit wala parin talaga. Muli akong lumabas ng kwarto. Paglabas ko sakto naman ding lumabas si nanay. Mukhang may naiwan lang sa bahay kaya siya bumalik. Bumalik na rin ako sa sofa. Medyo hiningal ako sa ginawa kong “search for the missing charger”. Ang isang bagay nga naman kung kailan kailangan saka mawawala. Doon mo maa-appreciate ang worth ng bagay na iyon. Kinapa ko ang likuran ng sofa upang maabot ang remote control. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, may nahawakan akong wire. Ang charger. Lintek! Kanina ko pa pala katabi hindi ko pa napapansin. Nasa tabi ko lang pala hindi ko pa nakikita. Minsan kailangan nating buksan ang mga mata natin dahil ang hinahanap-hanap natin ay nasa tabi-tabi lang. Parang kaligayahan lang ‘yan. Huwag mong hanapin. Dahil nasa tabi mo lang. Naghihintay na mapansin mo.

Isinaksak ko ang plug ng charger sa outlet. Nagsimulang mag-ipon ng enerhiya ang baterya ng telepono ko. Muling nakuryente ang isip ko. Naalala ko si Russel. Si Russel na gwapo. Hindi mo pagsasawaan. Kahit nakasibangot gwapo parin. Si Russel na misteryoso. Ngunit sa kabila ng pagiging malihim at seryoso, mababakas mo sa mukha niya na totoo siya sa lahat ng nakakahalubilo niya. Kaya naman hindi nakakapagtakang naging sila ni Jerome. At hindi rin ako nagulat kung bakit mahal na mahal ni Lance (sumalangit-nawa) si Papa Russel.

“Lance, sana okay lang sa’yo na mahalin ko rin siya…” bulong ko sa sarili ko.

At sana gusto rin niya ako. Ayokong umasa. Ayokong paasahin ang sarili ko. Basta bahala na nga. Kung hanggang saan ang kabaliwang ito. Kung kabaliwan nga bang matatawag ito.

Sinimulan ko ang umaga kahit late na. Ayokong masayang ang natitirang oras ng off ko. Pinatay ko ang telebisyon. Bago tumayo, binuksan ko ang cellphone ko. Walang mensahe. Siguro delay lang ang mga messages. Pumasok ako ng kwarto upang ihanda ang susuotin kong damit. Balak kong pumunta kay Jhen. Makikipag-tsismisan. Wala pa siyang idea sa nagaganap sa amin ni Russel. At wala akong balak mag-kwento.

Makalipas ng ilang minutong paliligo at pagbibihis, nagmadali akong lumabas ng bahay. Baka kasi abutan ako ng malakas na ulan. Sinakop na ng mga nimbus clouds ang buong kalangitan. Wala pa naman akong payong. Binilisan ko ang paglalakd upang makasakay kaagad ng tricycle palabas ng subdivision. Isang humaharurot na itim na kotse ang humarang sa daanan ko. Bumusina ito ng tatlong beses.

“Sakay!” sigaw ni Andrei pagkatapos niyang buksan ang bintana ng kanyang kotse.

“Ha?!”

“Tanga! Uulan ng malakas, Sumakay ka na!”


Hindi ko alam kung bakit ako napasakay sa sasakyan niya. May kung anong kapangyarihan ang mapandikta niyang boses upang sumunod ako sa utos niya. Sumakay na ako sa loob dahil nagsisimula nang umambon.

“bakit ba pakalat-kalat ka dito, alam mo namang uulan ng malakas…” tanong niya sa’kin habang iniaatras niya ang kotse.

“Natural, lugar ko ‘to kaya normal lang na makita mo akong pakalat-kalat dito… ikaw ang dapat na tinatanong ko kung bakit ka nandito?”

“hindi ba obvious? Papunta ako sa inyo…”


Inis ang naramdaman ko. Walang kilig na tumusok sa puso ko. Ewan ko ba kung bakit ang bigat ng dugo ko sa lalaking ito. Kung tutuusin nga dapat ma-flatter ako kasi may gusto siya sa akin pero kabaligtaran ang nararamdaman ko.

“at bakit? Anung meron?” tugon na katanungan ko sa kanya.

“Hindi natuloy date natin kahapon diba? Ngayon tayo aalis. Whether you like it or not!”

“Ayoko, pupunta ako sa kapatid mo…” diretsong pagtanggi ko.

“Wala kang choice. At isa pa wala si Jhen, may duty siya…”

“Puwes, ibaba mo ako dito at ayoko sumama sa’yo.”

Inihinto niya ang sasakyan. Akala ko madali siyang kausap nung mga oras na iyon. Kasi nung aktong bubuksan ko na sana ang pinto upang makalabas, hinatak niya ako papalapit sa kanya. Para siyang ahas na nilingkis ang aking mga braso at sinakmal ng halik. Sa laki ng katawan ni Andrei biglang nanghina ang patpatin kong katawan. Kasabay nun isang malakas na kulog ang dumagundong sa kalangitaan na nagdulot upang bumuhos ang kanina pang nagpipigil na ulan. Parang sinumpa ng langit ang halik ni Andrei. Puno ng pait at pagpupumilit. Lahat negatibo. Ang dila naman niya ay parang mananakop na nagpupumilit makapasok sa aking bibig. Ngunit sadyang sarado ito sa mga sa mga dilang hindi naman pinaunlakan. Naalala ko si Russel. Isang malakas na puwersa ang nahugot ko mula sa aking puso upang maitulak si Andrei mula sa malilibog niyang hangarin. Iyon ang panahon upang talikuran ang nagbabadyang pag-uudyok.

“PUTANG INA NAMAN EH!” sigaw ko sa kanya matapos siyang tumalsik sa kabilang parte ng sasakyan.

“Pwede ba Luis, wag ka na magpakipot alam ko namang gusto mo rin ‘to”

“Fuck you! Kahit kailan hindi kita magugustuhan!”


“Sino gusto mo? Si Russel? Balita ko nag-EK kayo kahapon ah? At sa inyo siya natulog diba?”

Isang tanong kaagad ang umalingawngaw sa utak ko. Kanino niya nalaman ‘yun? Sino nagsabi sa kanya ng detalye? Wala akong panahon upang masagot ito ng ilang segundo lang kaya naman iniba ko na lang ang usapan.

“Gago ka! Wala kang pakia-alam…”

“Malaki ba titi niya? Sino mas malaki ang burat sa aming dalawa?” sabay inilabas ni Andrei ang naghuhumindig niyang alaga.

“Ang baboy mo talaga noh!?”

“Sino kaya mas baboy sa’tin? Bakla ka, wag kang magmalinis , nagbaboy ka rin kagabi puta ka!”

“Eh tangina mo pala eh! Mahal ko si Russel, hindi lang basta libog yun,”

“Mahal? Pwe! Tingnan ko lang kung hanggang saan ang mararating ng pagmamahal na ‘yan…hindi lang ako ang kontrabida dito Luis, tumingin ka sa paligid.”


“Ulul! Wala akong ibang nakikita kundi ikaw lang!”

“Tumingin ka sa salamin para makita mo ang sarili mo…tandaan mo ‘to, baka hindi mo magustuhan ang mga gagawin ko…

Fuck you sign, iyan ang natanggap niya sa akin. Binuksan ko ang sasakyan. Pumasok ang malakas na hanging dulot ng ulan. Nagtatakbo ako sa daan. Para kasing horror na may pagka-suspense-thriller ang mga pagbabanta ni Andrei. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga banat na ganun. Hindi ko rin lubos na maunawaan kung bakit ganun na lang din ang pagnanais niya para makuha ako. Baliw siya. At nababaliw na rin ako kakatakbo dahil para na akong nakipamiyesta sa San Juan. Basang-basa na ako.

Nasa gitna ako ng kawalan. Buti na lang nakahanap ako ng masisilungan kaya kahit papaano hindi na ako nababasa. Pinagmasdan ko ang mga butil ng ulan na patuloy na bumabagsak mula sa itaas. Muling sumabog ang langit. Kumulog. Kasabay nun ay gumulong ang kidlat na gumuhit sa buong kalangitan. Tuwing ganito ang eksena may naalala ako. Naaalala ko si Lance.

Simula nang makasalubong ko si Russel na papunta sa dorm ni Lance bago siya lumipad papuntang Dubai, tinanggap ko na sa sarili ko na si Russel ang mas pipiliin niya. Sino ba naman ako diba? Wala ako sa kalingkingan niya. At alam ko simula’t –simula pa lang ay si Russel na ang pinaka-mamahal niya. Ayokong isipin na naging panakip-butas lang ako noon. Pero parang ganun ang nangyari. Rebound guy ang dating ko. Pero alam ko naman at ginusto ko ang sitwasyon. Dahil naniniwala ako na balang araw mamahalin din ako ni ni Lance tulad ng nasira nilang pag-ibig ni Russel.

Ilang buwan din akong nagmukmok. Ilang buwan akong naawa sa sarili ko. Ilang buwang naging manhid sa mga taong nagnanais akong mahalin. Ang hirap maka-recover. Sobrang hirap. Hanggang sa isang araw nagising na lang ako na kailangan ko na palang patawarin ang sarili ko. Galit pala ako sa kanya at para makapagsimula ako ulit kailangan kong tanggapin na ang nangyari ay para sa ikabubuti ng lahat. Dahil kung para sa iyo ang isang bagay, para sa’yo. Minsan talaga hindi lahat ng nangyayari ay naaayon sa kagustuhan natin. Kailangan nating isipin ang iba.

Nung araw din na iyon napag-pasyahan kong dalawin si Lance. Madilim ang ambiance ng paligid. Nagbabanta rin ng malaks na pag-ulan. Hindi naging balakid sa akin iyon upang bisitahin ang isang napaka-halagang tao sa buhay ko.

Ilang minuto rin ang biniyahe ko papunta sa kanila. Excited ako nung mga oras na iyon. Alam ko matutuwa siya kapag nakita niya ako. Nang huminto ang sinasakyan kong jeep sa terminal, nagmamadali akong naglakad patungo sa baranggay kung saan naroroon ang dorm ni Lance. Sobrang dami ng tao.

Naaliw ako sa mga taong nakikiusyoso sa gitna ng daan. Tao nga naman, likas na tsismoso. Nakakaintriga na talaga kung ano ang kaganapan dun. Parang may naaksidente yata. Parang may nasagasaan. Bigla akong kinilabutan. Napakabilis bawiin ng Ama ang buhay. Sa sandaling ikumpas Niya lang ang kamay Niya, kahit hindi ka pa handa mawawala ka sa mundo. Kapag tapos na ang nakatakdang layunin mo, wala ng extension pa.

Nakasalubong ko ang mga babaeng nagtatakbuhan papalabas ng dorm. Nakakakilabot ang bawat hangos nila. May umiiyak. Meron din namang parang tuliro. Yung isa may isinisigaw. Malabo yung mga salita kaya hindi ko masyadong maintindihan. Ngunit habang papalapit na sila sa akin luminaw din ang mga salitang nais niyang pakawalan.

“Si Lance ‘yun!!! Si Lance!!!”

Napahinto ako sa aking paglalakad papasok ng dorm. Tama ba ang narinig ko?

Muling inulit ng babae ang isinisigaw niya:

“Si Lance ‘yun!!! Si Lance!!!”

Bumilis ang pintig ng aking puso. Sa sobrang lakas ng tibok nito halos nabingi na ang tainga ko sa paligid. Hindi ko alam kung anong puwersa ang humatak sa katawan ko upang magtungo sa kumpulan ng mga tao sa daan. Kinukutuban ako ng masama. Nakikipagsabayan ang kulog sa pabilis na pabilis na pump ng aking puso.

Sinilip ko kung ano ang mayroon. May isang lalaking nakabulagta at duguan. Hindi ko makita. Masyadong marami ang tao. Halos hindi na nga mahulugan ng karayom ang daan sa sobrang dami ng usisero. Hindi ako nagpapigil. Kailangan ko siyang makita. Nakipagsiksikan ako sa mga tao. Buti na lang nagpaubaya silang magparaan upang makapunta ako sa harapan.

At hindi ko inaasahan ang aking nakita. Nangatal ako. Nanginig ang buong katawan ko. Nanlamig ang pisngi ko.

Tumingin ako sa mga taong nakapaligid. Halos walang reaksyon ang mga mukha nila.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Totoo ba ‘to? Bakit may mga dugo?

Muling kumulog ng malakas. Biglang pumatak ang luha mula sa aking kaliwang mata. Dahan-dahan akong lumuhod at pinakiramdaman ko ang lalaking nakahandusay sa semento. Kilala ko siya. Bakit nandito ka? Anong ginagawa mo rito?

Niyakap ko siya ng mahigpit. Halos ipininta na ang kanyang dugo sa buong katawan ko dahil sa higpit ng pagkakahagkan ko sa kanya. Hindi pupwede ‘to! Hindi ‘to totoo! Hindi nangyayari ‘to!


”LAAAAAAAAANNNNNCCE!!!”


Dumagundong ang kulog. Biglang bumuhos ang malakas na ulang nagpahawi sa mga tao sa paligid namin ni Lance. Hindi ko siya iniwan sa gitna ng daan. Niyakap ko siya ng mahigpit habang nakikiayon ang langit sa bawat hagulgol ko.
“Lance, wag mo kong iiwan…bumangon ka diyan…” tanging naibulong ko sa kanya.

Ngunit hindi ko magising ang kanyang ulirat. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kanyang kamay.

“Tulungan niyo kami! Tumawag kayo ng ambulansya!!!”

Parang walang naririnig ang mga tao. Mas malakas pa yata ang patak ng ulan kaysa sa sigaw ko.

“Nandito na ako Lance… wag mong ipipikit ang mata mo…”

Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Kasabay ng paparating na ambulansya, umalingawngaw ang boses ko sa daan.

”LAAAAAAAAANNNNNCCE!!!”

At tuluyan na siyang bumitaw mula sa pagkakakapit. Tuluyan na niya akong iniwan.


Saksi ako nang bawiin ng buhay si Lance. Sabi sa report, isang kulay itim na Honda Civic ang walang awang bumangga sa kanya. Para daw hindi aksidente. Mukhang sinadya. Nakaladkad si Lance ng ilang metro na naging dahilan upang bawian siya ng buhay. Hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang salarin. Hindi man lang na-trace ng pulisya kung sino ang nag-mamamay-ari ng sasakyan. Wala rin naman kasi nakapag-lista ng plate number nito. Ayon sa mga nakakita, humarurot daw ito sa daan patungong Dasmariñas. Kung sino man yung hayop nay un, patawarin ako, pero sana ma-karma siya sa ginawa niya.

Pumatak ang luha ko sa aking mga mata. Tumila na rin ang kaninang mala-bagyong panahon. Sana tahimik na si Lance ngayon kung saan man siya narororoon. Ilang taon na ang nakaraan. Naghilom na ang mga sugat. Ngunit alam kong sa puso ni Russel siya parin ang bida. Napasisp tuloy akong bigla sa sinabi ni Andrei kanina:

“…hindi lang ako ang kontrabida dito Luis, tumingin ka sa paligid. Tumingin ka sa salamin para makita mo ang sarili mo…”

Ako ba ang kontrabida? Natawa akong bigla. Parang teleserye lang. Sabi nila sa mundo natin walang inosente. Lahat ay suspect.




ITUTULOY


(Guys, comments and suggestion will be appreciated... just hit POST A COMMENT)


NEXT
CHAPTER 12: “FALSE HOPE”




Read more...

15 komento:

Anonymous,  July 25, 2010 at 6:00 PM  

i andrei siguru itang maka black Honda Civic.... Tol maka interest yata talagang basan ing kwentu mu kahit malwat kung manenaya more than 2 months din yata ehehe.. Dakal Salamat(",) - shanejosh

Anonymous,  July 26, 2010 at 5:27 AM  

Looking forward for the next chapter! Things are patching up! - Julian

Anonymous,  July 26, 2010 at 2:26 PM  

na excite ako sa kwento.. galing!

Anonymous,  July 26, 2010 at 5:20 PM  

grabe!!! antagal paulkian lumabas ung chapter 11 hehehe pero sulit naman. sana ung nxt chapter wag masyadong matagal at saka looking forward n aq s destiny 3 hehehe.

more power.

-Kearse

marqee,  July 26, 2010 at 9:56 PM  

i know na...eto...kaya pla alam ni andrei dahil ex ni russel si andrei naging sila sa dubai..remember dun nag masters si andrei..dun din c russel nag aral remember..nung nalaman nya na di sha mahal ni russel kundi si lance d2 sa pilipinas..umuwi sha para patayin ito...at ng akala nya na makukuha nya si russel nag kamali sha kaya naging stalker sya nila luis at russel....

A & C July 28, 2010 at 12:58 AM  

yan din ang tingin ko marquee.... nice catch.. galing talga ni paul!!!!

astig... sana makahanap ako ng lance or ng luis ko... hahaha

Anonymous,  July 28, 2010 at 8:26 PM  

kuya paulkian...

Salamat pala sa iyong akdang ginawa dahil itoy may dulot sa iyong mambabasa na..kasiyahan ..kalungkutan..at binigyan mo nang paglaum na mag-mahal muli ang mga nakabasa nitong akdang ito kahit sa imahinasyon dahil kapag nababasa namin ito..ay para kaming napupunta sa eksena..ng mga katauhan sa kuwento...dahil ito'y may dulot na kilig at saya sa bawat kasiyahan ng ating protagonista na si Lance sa(AKO SI DESTINY) ..at si Luis (AKO SI DESTINY 2)..at lungkot din kapag may nangyari sa kanilang di kaayaaya...sa kanilang buhay...

masaya ako dahil may bagong pag-ibig na si Luis...kay Russel..dahil nawala na rin ang kanyang lungkto..sa nangyaring kamatayan ng ating protagonista sa unang libro nitong kuwento...sana lang wag na makisali si ANDREI ang sting antagonista sa kuwento ...dahil hindi naman sya mahal ni luis...

yung tungkol sa rebelasyon ni Andrei kay Luis ay may nabuo sa aking isipan na...isa sya sa maaaring may kasalanan kung bakit namatay si Lance sa unang libro nitong kuwento mo...dahil si Andrei ay mayroong itim na kotseng honda civic..at may nalalaman ito tungkol sa nakaraan ni Luis...sana wag nang gambalain ni Andrei si LUIS...

kuya paulkian...ako po ay humihingi ng paumanhin dahil sa di ko palaging pag komento ko sa iyong mga akda... kaya ko ito hinabaan kasi nakakahiya sa'yo na..palagi kang nagkokoment sa bawat sinasabi namin sa iyong FB...so bilang bawi din sa mga hirap at pagod mong gumawa ng kuwento...eeh ito na lang ang aking sukli sa lahat...

Ingat po kayo kuya paulkian...sana ay gabayan kayo ng dyos may-kapal...sana ay madugtungan itong kabanata na ito....

-Lorenso Lavina..

bluejay_junior823 August 4, 2010 at 2:00 PM  

aftr ol d ridings, now lng aq mgcoment. thanks s stories...muling nbuhay ang kawalang-pag-asa q s mga gnito. for almost a dcade, i thot im bound to desolation as "norms" and "clergy's" dictates. i used to hav a princple of courtship and love until it failed seven years ago. i bent it by thinkng dat there's no such thing for someone like me. i thn resorted to casuals, no string attached, and purely physical.

not until i've read "AKO SI DESTINY", wow, so awakening...i can't believe it's possible to have commitment even before or without the act. i now have no intention of casuals. i may be alone (for now), at least, i'm always ready to accept that someone.

Thanks paul! your works (true or not) are an inspiration. i still can't get over with kuya lance and kanyang anghel even f i alrdy started readng DESTINY2. i felt d ganap kligayahan n luis coz even dead nah c lance, it can't b denied dat russel's heart belongs to him pah.

sorry for d long comment. pang.1tym. hehe. not to brag you but sana may chap12 nah. it seems like the climax starts to unfold ([like lance] assumera...hehe)

'til thn!

Anonymous,  August 8, 2010 at 9:06 PM  

Tol.. ang ganda talga. ng ako si destiny... mula book one hanggang ngayon.. sinubaybayan ko talaga.... thnks for it dudez

Anonymous,  August 18, 2010 at 3:22 PM  

hi paul nagcomment ako sa multiply about this e kasi nakalimutan ko password ko sa google pero ok na hehehhe

Anonymous,  November 8, 2010 at 6:17 PM  

kua paul..sobrang inspiring ung story...nkakarelate aq.gbie ang pagmamahal ni russel kay lance khit n patay n ito.khit cguro aq rin ganun gagawin q,hindi ako titigil n sa pagmamahal sa taong nging buhay ko nah..

i wish mpublish ung kwentong ito at kng mbibigyan ng pag kakataon gusto mapanood ang storya nila LANCE, RUSSEL,LUIS atbp.ksi grbi ganda ng takbo ng istorya..

o kea mpublish ito at ilagay sa libro..grabi hindi ko alam san kau humugot ng lakas para mbuo ito.dal NAPAKAGANDA..

i wish you for all blessing..
thanks kua paul..

jhay marikina
09093402455
hehhehhehe...

Anonymous,  November 13, 2010 at 6:12 AM  

lagi ko talgang inaabangan every episode nito...sna ma publish story mo...maganda talga promise... i read all your stories...at sobrang naka2relate ako...more power paul kian! hehe

thanks

Alvin
09392924833
imalben@aol.com (fb)

Krys Tan,  May 27, 2011 at 10:35 PM  

ang liit nga naman ng mundo
grabe
akalain mo konektado talaga sila sa isat isa
anyway ang ganda talaga nito
bawat chapter nakakapanabik
bawat eksena di dapat palampasin (teleserye sa prometime?)
I wonder sana maging makulay ang mga susunod na kabanata
-Krys Tan

Krys tan,  May 27, 2011 at 10:36 PM  

atin pala kapampanga keni ne
waw!
sana atsu keni ing mr. right guy ku
-KT

Anonymous,  September 12, 2011 at 8:36 PM  

Hello Po!

What a nice story. Tuwing napupunta ako s blog site m hindi ko pinapansin ang story n to. pero ng masmulan ko xang basahin. hmmmp.. it's interesting! galing m. heheheh

BTW, saan m nkuha ang piture n ginamt m s chapter n to? heheheh... Coz i know the place. It's in davao. heheheh

Anyways, I like your story. Good job!

-jovee


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP