THE FINAL HEARTBEAT (CHAPTER 1: “SKEPTICISM”)
(AKO SI DESTINY 3)
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/
CHAPTER 1: “SKEPTICISM”
“Promise po… Promise! Maghihintay ako… Pangako ‘yan…”
Pinabaunan ko siya ng isang pangako. Dadalhin niya iyon sa Dubai at makakaasa siyang tutuparin ko ang aming napagkasunduan. Kahit anong mangyari. Kahit ilang bansa at kultura ang nakapagitan sa amin. Alam ko dadating ang araw na muli kaming magkakasama upang dugtungan ang aming nasimulan.
“Anghel ko, babalikan kita… Antayin mo lang ako.”
Kung alam lang niya na siya ang tunay na anghel na nagbigay sa akin ng tunay na kahulugan ng langit. Siya ang anghel na nagpakulay muli sa dating black and white kong puso. Ang puso kong patuloy na titibok dahil sa kanya… Para sa kanya.
Biruin mo ‘yun? Apat na taon daw. Kung tutuusin masyadong
matagal. Marami ang puwedeng mangyari sa loob ng apat na taon. Ngunit hindi
naging balakid iyon. Hindi siya naging dahilan upang isuko na lang ng
basta-basta ang nasimulan namin ni Russel. Iyon ang naging simula nang
panibagong yugto sa buhay ko. Isang kwentong alam ko sa karamihan ay isang
ordinaryong “boy meets boy” lang ang eksena. Ngunit para sa akin, isa itong
alamat. Alamat na naging makatotohanan sa tulong ng tunay na nararamdaman at
paniniwala.
****
Sabi nga nila, only change is permanent in this world. Kahit
sabihin pa nating walang magbabago, sa patuloy na pagikot ng oras at walang
tigil na pagpalit ng araw at buwan, hindi natin namamalayan na nagiiba na ang
lahat ng nasa paligid natin. Iyan ang isa sa mga realidad na minsan hindi natin
masyadong napapansin dahil sadyang abala tayo sa kung anong meron sa ngayon.
Nakakaligtaan natin na lumilipas ang panahon. Nagpapalit tayo ng kalendaryo. Tumatanda
ang mga tao. Nagiiba nang pananaw at paniniwala. May nagpapaalam. May
bumabalik. May yumayao. May nauulila. May pumapalit.
Ngunit sa kabila nang lahat ng pagbabago sa buhay ko, isa
lang yata ang hindi natinag.
“Hindi mo alam kung
gaano ako nagpapasalamat sa Taong lumikha ng lahat. Hindi mo alam kung paano ko
ipaparamdam sa’yo na simula nang dumating ka sa buhay ko, muli ako naniwala.
Binago mo ang puso kong dating hindi naniniwala sa tadhana… Nagsimula ako
muling magtiwala. Sa kabila ng sakit na naramdaman ko noon, pinalitan mo lahat
ng tamis at ligayang walang kapantay at hindi matatawaran. Binago mo kasi ang
pananaw ko na lahat ng taong mahal ko ay iniiwan lang ako. Alam mo ‘yun? binuksan
mo ang puso kong dati hindi makapag-let go sa nakaraan. Pinakita mo sa akin na
sa kabila ng mga hindi magandang nangyari sa buhay ko, nariyan ka at handa
akong damayan sa kung ano mang mga napagdanan ko at sa mga kakaharapin ko pa sa
mga susunod na kabanata ng buhay ko. Sinuportahan mo ako sa lahat ng laban ng
buhay ko”
Si Russel. Siya ang tao sa likod na matagumpay na si Lance.
Siya ang naging sandigan ko upang malagpasan lahat ng pagsubok na pinagdaanan
ko sa loob ng apat na taong malayo kami sa isa’t-isa.
Subalit hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro ngiti at
naguumapaw na pag-ibig ang dadanasin.
“Tama na Russel,
itigil na natin ‘to, wala naman nang patutunguan ‘to eh…”
“… huwag mo ako iiwan
please? Hindi ko ma-imagine ang buhay ko na wala ka. Hindi ko alam kung ano ang
mangyayari sa akin kapag nawala ka pa. Handa akong ibigin ka hanggang sa huling
hininga ko. Buong tapang ko ipaglalaban ang relasyong ito. “ pagmamakawa niya sa akin.
“Paano? Eh ni hindi
nga kita mayakap man lang. Ni hindi man lang kita mahalikan. Hindi kasi sapat
na mahal natin ang isa’t-isa eh. Kailangan kita…”
“Halos araw-araw naman
tayong magka-chat ah? Hindi ba sapat sa iyo ‘yun? Diyos ko naman Lance.”
“Hindi mo ba
nararamdaman? O sadyang manhid ka lang? Kailangan ko ng presence mo. Yung
pisikal na ikaw at hindi yung nasa monitor at telepono lang palagi…”
Katahimikan… Katahimikang
ramdam ang pait at sakit. “I’m sorry Anghel ko…” mahinahong
sinambit niya sa kabila ng pagtaas ko ng boses.
Isang tipikal na Long Distance Relationship. Iyan ang
pinakaperpektong deskripsyon ng relasyon naming dalawa. Tiis at unawa ang
pinuhunan namin dahil alam naming pareho na darating ang araw na magkakasama na
kami upang gawing konkreto lahat ng aming mga pangarap at mga plano namin sa
buhay. Kahit mahirap. Kahit minsan nasasaktan na ako. Kailangan ko parin maging
matatag. Kailangan kong tuparin ang mga naipangako ko. Kasi sabi nila kung
talagang mahal mo ang isang tao, matututo kang maghintay. Hindi ka maiinip.
Hindi ka mangangamba. Pero minsan masusubok ang iyong pasensya. Hanggang
kailan? Hanggang saan? Gaano katagal? Putang-ina!
“Sabi mo kasi sa’kin apat na taon ka lang… Pero bakit
dalawang taon pa bago ka ulit makakauwi?”
Sa totoo lang hindi ko siya maunawaan. O baka naging sarado
na ang isip ko sa mga paliwanag niya.
“Hindi ko matanggihan
‘yung scholarship eh… Sayang naman kung diyan pa ako sa Pinas magma-Masters…
Alam mo namang mas mahal diyan diba?”
Gusto kong isiping nagdadahilan lang siya. Gusto kong
paniwalaang nagsisinungaling siya. Ang sama ko. Hindi ko alam kung bakit ako
nagkakaganito.
“Oo alam kong mahal
mag-aral dito… tapatin mo na nga ako. Sagutin mo nga ang tanong ko Russel,
mahal mo pa ba ako?”
Tumahimik siya ng bahagya. Naramdaman ko na nagisip siya ng
ilang segundo bago siya nakapag-react sa tanong na hindi niya inaasahan. Na-caught
off guard yata siya dun.
“Lance? Ano bang
klaseng tanong ‘yan…” balikwas niya sa akin.
“Bakit parang iba? May
kakaiba… hindi ko ma-explain eh…”
“Walang kakaiba.
Walang iba. Ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba… Ikaw lang naman nagiisip
niyan eh. Kaya please naman oh, hindi naman makakatulong sa relasyon natin ang
paghihinala mo. At saka ang tagal na natin oh, ngayon ka pa ba susuko?”
Sapat bang maging dahilan ang katagalan ng relasyon upang
hindi sumuko? Isa ba itong panghihinayang sa tagal ng pinagsamahan o
panghihinayang sa pagmamahal na na-invest na kapag hinayaan ay masasayang lang?
Naging vocal ako sa kanya. Kilala niya ako sa pagiging tapat
sa kung ano mang emosyon ang maramdaman ko.
“Nasasaktan kasi ako
eh. Naiinggit din ako. Kasi yung mga kaibigan ko sa ospital napapakilala nila
sa’kin yung mga boyfriend at girlfriend nila. Eh ako, naturingang nasa long
term relationship kaso long distance naman…”
“Bakit mo kasi sila
iniisip? Hindi ba sabi ko sa’yo hayaan mo lang sila… basta tayo may sarili
tayong mga pangarap na bubuuin nating pareho paguwi ko… Basta maghintay ka
lang…”
Hindi maipinta ang mukha ko nang umalis ako sa inuupahan
kong apartment. Magsisimula na naman ang araw ko na wala akong gana. Tinahak ko
ang daan papunta sa sakayan ng jeep. Ilang minuto lang ang biyahe papunta sa
Sacred Heart Medical Center. Pero kahit hindi pa nagiinit ang puwet ko sa upuan
ay parang ang tagal ko nang bumiyahe dahil lumilipad ang isip ko na parang
humaharurot kasabay ng behikulong nasakyan ko. Pagbaba ko ng jeep, wala akong
pagaatubiling dumiretso sa Emergency Room kung saan ako naka-toka para sa buong
linggong ito. Walang pasyente. Kaya naman may kanya-kanyang pinagkakaabalahan
ang mga tao sa loob. Sinalubong ako ni Jhen at may inaabot sa aking dalawang
paper bag.
“My friend,
nakabusangot na naman yang feslak mo, ano meron teh?”
“ As usual…” tipid
kong sagot sa kanya habang hinahalungkat ang mga chart sa table. Inabot ni Jhen
ang dalawang paper bag sa akin na hindi ko naaninag kung ano ang laman.
“Hay nako,
tigilan ako sa mga drama mong ‘yan ah…
Yung kulay brown na paper bag sa akin galing’yan, nagpadala na naman kasi si
kuya ng balikbayan box kaya ayan…”
Naalala ko na nasa Dubai rin pala ang Kuya ni Jhen kaya
naman tinanong ko siya kung ilang taon ba ang pagma-Masters doon at kung
magkano.
“Bakit may plano kang
mag-Dubai beks?” pagtatakang tanong
ng kaibigan kong pakialamera.
“Wala ako balak
sumunod doon… Nagsasawa na ako eh, lagi na lang ako naghihintay…” tugon ko
sa kanya.
“I don’t know what’s
happening baklita, pero If you want to live together, you first need to learn how
to live apart… Alam mo ba’t ka nagkakaganyan?” Sabay tingin niya sa
ikalawang paper bag na inabot niya sa akin.
Walang kupas si Jennifer. Buong kaluluwa ko yata nababasa
niya maski hindi ako magsalita.
“Bakit kasi hindi mo
sabhin diyan sa manliligaw mo na wala siyang pagasa kasi may jowa ka na at
tumigil-tigil siya sa pagbibigay niya sa’yo ng chocolates at baka
magka-diabetes ka!”
“Wag ka ngang magduda.
Hindi siya nanliligaw sa akin gaga…” defensive ko namang sagot sa kanya.
“I wasn’t born
yesterday, I was born this way! Kaya huwag mo ako linlangin puta ka…”bulong
naman niya sa akin habang papalayo sa station ko.
Iyan ang sarili kong multo. Takot na takot ako. Natatakot
akong tanggapin na may isang taong nagpaparamdam sa akin na gusto ako.
Natatakot ako na baka dumating ang point na makalimot ako. Nangangamba ako na
baka dumating ang araw na mapatunayan ko sa sarili ko na hindi ganun katibay
ang pundasyon ng pagmamahalan naming dalawa ni Russel dahil nagsimula kami sa
isang long distance relationship. Na baka tuluyan na ako mahulog sa bitag nung
isa at mas pillin ko ang taong araw-araw ko nakakasama kumpara sa taong hindi
ko man lang mahawakan.
Bigla akong natauhan nang biglang may pamilyar na tinig ang
umalingawngaw sa likod ko: “Nandito ka na
pala..”
“Ah, oo kararating ko
lang din naman…”
“Akala ko kasi hindi
ka makakapasok ngayon diba masama pakiramdam mo kahapon? Kaya ipinaabot ko na
lang yan kay Jhen…” habang nginunguso ang paper bag na puno ng chocolates.
Gwapo siya. Moreno. Naka-braces. Siguro mga nasa 5’8” ang
taas niya at may kaunting muscle sa katawan dahil madalas itong maglaro ng
volleyball tuwing off niya. Bumabakat ang hubog ng kanyang biceps lalo na kapag
nakasuot siya ng kulay light green na scrub suit. Mas maa-appreciate mo siya
kapag kinausap ka na niya dahil palangiti at may dimples ito at medyo may
kahinhinan magsalita.
“huy, okay ka lang
ba?” pangungulit niya sa’kin.
“Ah oo, okay lang ako…Salamat…
doon muna ako ah?” pilit kong pagiwas sa kanya.
Ngunit sa tuwing iiwas ako handa siyang muli akong harapin
upang tingnan ako ng diretso sa mata at ngitian na animo’y nagmamakaawa na alayan
ko siya ng kahit na kaunting minuto upang bigyan ng pansin.
“Nakukulitan ka na ba
sa akin?” wika niya habang tinutunaw niya ako ng mala-artistahin niyang
ngiti.
Ayaw ko man sanang ulit-ulitin ngunit kailangan kong
ipaalala sa kanya na “May boyfriend na
ako… Alam mo naman ‘yun diba?”
“Malayo naman siya eh…
ako, eto lang ako oh, abot kamay mo…” hinawakan niya ang kamay ko.
Parang
wala siyang pakialam kung may makakita mang katrabaho namin sa ginagawa niya.
Ganun din siya ka-insensitive sa taong maaring masaktan kung itutuloy niya ang
nararamdaman niya.
“Hindi ganun ‘yun eh…”
hinatak ko ang kamay kong pilit niyang hinawakan. “…Kahit nasa malayo ‘yun sobrang mahal na mahal ko ‘yun. At saka
magkaibigan tayo diba?”
Bumagsak ang ngiti sa
kanyang labi habang tinatanong kung: “Bina-busted
mo na ba ako?”
“Mas gusto kitang
maging kaibigan. Bestfriend. Ganun lang…”
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng awa
habang kinakausap ko siya. Wrong timing yata na sinabi ko sa kanya yung mga
ganung bagay. Kaso kung hindi ngayon, kailan ko sasabihin? Walang tamang
panahon para sa mga ganitong klaseng sitwasyon.
Matamlay siyang lumayo sa akin. Yung totoo? Nalungkot ako.
Nakunsyensya. Mabait kasi siya. Sobra. At hindi ko intensyong saktan ang damdamin niya. Inisip ko na lang na hindi siya
mabuting maging partner kasi handa siyang manira ng isang nananahimik na relasyon
magka-love life lang. Napaka-selfish nung ganung ideya at konspeto. Yung
ideyang ako na lang mahalin mo kasi ako ang nandito at wala naman siya dito.
Kung tutuusin wala kaming pinagkaiba. Makasarili rin naman
ako. Hindi ko kasi iniisip ang sitwasyon ni Russel sa Dubai. Hindi ko
pinapahalagahan ang mga pangarap niya. Kung ano ang nais niyang marating. Ang
iniisip ko lang kasi lagi kung paano kami? Paano na ang relasyon namin kung
madadagdagan pa ng dalawang taon ang paghihintay ko? Paano na ang mga plano
naming dalawa? Laging nakapabor sa kung ano ang gusto ko at ikaliligaya ko.
Nature na natin iyon eh. Yung ayaw masaktan. Natatakot
tayong maging magisa. Kaya naman minsan nagiging makasarili tayo at hindi natin
iniisip na hindi iyon ang dapat iasal ng isang matino at matured na nilalang.
Pinuntahan ko siya sa kung saan siya naka-station. Tinatapos
niya ang chart ng isa sa mga pasyenteng kakapasok lang sa ER kani-kanina lang.
“I’m sorry kung may
nasabi man akong nakasakit sa’yo…” sinserong bulong ko sa tabi niya.
Hindi siya tumugon sa sinabi ko. Parang hindi yata siya
naniniwala at pinagdududahan pa niya ang paghingi ko ng tawad sa kanya. Bagkus,
ngumiti lang siya at inilabas ang dimples niya habang patuloy sa pagsusulat sa
mga chart. Medyo nainsulto ako. Siguro okay na iyon. Kaya naman iyon ang naging
hudyat upang tumalikod na ako upang kausapin ang kapwa naming mga nurse na may
pinagkakaabalahan sa kabilang sulok ng ER.
“Lance, hatid kita
mamaya paguwi? After nun, promise hindi na kita guguluhin…”
Nilingon ko si Dylan. Tinanguan at binigyan ng isang simpleng
ngiti.
ITUTULOY
(Salamat sa mga nagtiyagang naghintay sa loob ng 4 na taon,
Comments are very much appreciated.)
13 komento:
Welcome back Paulkian!!! I don't know pero na-excite akong nag-appear na may post ka sa dashboard ko. Another story series na aabangan.
Kaytagal kang hinintay ^^
Hi paulkian... Another mistery ha... Im kinda lost lang... I still remember the ghost effect of Destiny 2... And yet may back story hehehehe and new character... Anyways... Alam kong isa itong malaking puzzle ba masosolve kn the coming chapters... Keep it up!!! Sulit ang apat na taong paghihintay... -paulo
IM kinda lost there..i have a lot of questions but i know it will be answered on the next chapters... go paulkian... hehehehe..
finally! malalaman na kung pano nabuhay si lance :)) salamat at may update na :)
I love you Paul Kian! :D
Yan ka nanaman, ang mga pasabik at pabitin mo. Talagang hindi agad karugtong ng ikalawang book. Anyway, andito pa rin ako to support. At maghahakot pa ako ng mambabasa. :D
welcome back master bossing paul kian!
Huhu. Naiiyak ako sir paulkian. Welcome back po :) walang araw na di ako nadaan dito :) mwah mwah ingats po :)
Wla n update?
AKO SI DESTINY! HUHU! Naiiyak ako kasi sa pagkakaalala ko 1st year highschool ako nung unang nabasa ko'to at ngayon after 4 years 1st year college na ako at mababasa ko na naman siya. Nakakatuwa lang isipin na ilang taon na rin pala ang lumipas pero parang kahapon lang nangyari yung kinilig ako, umiyak at nakadama ako ng iba't ibang klaseng feelings habang binabasa ko ang ASD. Nakakaexcite! Sana may susunod nang chapter! Paniguradong napakaganda nito!
Author san po update kana, subrang love ko yong storyn ito, salamat
2 years already lapsed but Im still patiently waiting for that fabulous ending.
Worth it yung pag-aantay ko sa final hrartbeat at patuloy akong mag-aantay sa chapters neto. Nung una ko kasing nabasa to, dito ko nafeel yung totoong pagmamahal na parang roller coaster ride. Siguro ito yung kwentong never kong makakalimutan hanggang sa huli and if this will be published in books, bibilhin ko agad. Sana ma-meet ko din si Mr. Author to thank him sharing his thoughts na sobrang nakatulong sakin at sa marami para maniwala pa din sa love.
God bless, Paulkian and we, are going to wit for this final chapter. Happy New Year in advance!
Post a Comment