Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Tuesday, November 11, 2008

AKO si DESTINY (CHAPTER 10: “REVELATION" )

"AKO SI DESTINY"
(a heart-warming love story)

By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


“When someone hugs you, never be the first to let go. You will never know it could be the last.”

-Anonymous



CHAPTER 10: “REVELATION"


Life has full of surprises. Minsan, kung ano pa ‘yung hindi mo inaasahan ‘yon pa ang nangyayari. Ganoon daw talaga ang buhay, kailangan natin sumabay minsan sa agos hanggang sa malunod ka. Kapag nalunod ka, suwerte mo na lang kung may makakasagip sa’yo at i-aapply ang natutunang CPR. Kung wala naman, ayun magdusa ka! Sasabay-sabay ka sa mabilis na agos tapos kapag bumulusok ka sa kailaliman hindi ka naman pala marunong umahon pataas. I come clean, hindi ako marunong lumangoy… kaya siguro ganito. Pero marunong akong mag-CPR. Sapat na ‘yun.

Magdamag namin pinagsaluhan ni Russel ang isa’t-isa. Naging isa ang aming katawan sa ilalim ng espiritu ng alak. Pinagbuklod kami ng init. Ibinigay ko ang aking sarili. Pinasok niya ang aking kaibuturan. Ako’y nagpaubaya (babae?). Tiniis ko ang lahat ng hapdi at sakit. Para sa kanya. Para sa isang anghel. Para kay Russel. Dahil mahal ko na yata siya. Iyon ang dahilan, wala ng iba. Ito ang kauna-unahang pagkakataong maangkin ng iba ang aking kalooban. Teka? love na ba ito? Ano ba kasi ang pamantayan ng pagibig? Love na bang matatawag ang nangyayari sa aming dalawa ngayon? Mahal ko na ba talaga siya?

Niyakap ko ng mahigpit si Russel. Parang mantika siya kung matulog kaya kahit malamog siya kakayapos ko parang ‘di siya magigising. Dinama ko ang init ng buo niyang katawan bago pa man mahuli ang lahat. Kahit nakatagilid siya sa akin pinilit kong mahagkan ang malaman niyang katawan. Masaya ako. Sana si Russel na ang matagal ko nang hinahanap. Ang taong makapagpapakumpleto sa puzzle dito sa puso ko. Ang maghahatid sa akin ng walang humpay na ligaya. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Pinagmasdan ko ang nakapikit niyang mga mata. Ang kanyang ilong na matangos. Ang lips niyang aking naangkin. Dinampian ko ng halik ang kanyang mapupulang labi.

“Russel?” bulong ko sa kanya. Ngunit sadyang mahimbing na ang anghel.

“Sana sa akin ka na lang…” dugtong ko habang humiga na ako sa kanyang dibdib.

Sabi nila ang pinaka-makapangyarihang phrase sa buong mundo ay ang mga salitang: “I love you”. Makapangyarihan kasi kapag sinambit mo ito, maraming buhay ang mababago. Maraming damdaming liligaya, o aasa. Depende sa interpretasyon ng sinabihan. Depende sa intension ng nagsabi. Ang tatlong salitang ito ang nagsisilbing signal ng 2 taong may gusto sa isa’t-isa. Nagpapahupa rin ito ng galit para sa mag-asawang nagkakatampuhan. At higit sa lahat nagpapayabong ng pinagsamahan.

Naalala ko si Papa. Isang araw tinawagan niya ako sa cellphone. Umiiyak siya noong mga oras na iyon. Nagsusumbong siya sa akin. Hindi na daw siya mahal ni Mommy. Hindi na daw nagsasabi ng “I love you”. Napagtanto kong napakahalaga pa pala iyon kahit 30 years na kayong kasal. Noong mga oras na iyon naawa ako sa Papa ko. Hindi ko naman masisi si Mommy. Siguro nga kaya hindi niya iyon sinasabi dahil wala na siyang nararamdamang ganoon para kay Papa. Pagkatapos kasi na mahuli ni Mommy si Papa na may ibang babae at may anak sa labas, nawalan na siya ng amor dito. Siguro para kay Mommy, ang pagsasabi ng “I love you” ay isang malaking kakornihan at kaplastikan na lang. Pero kay Papa, napakahalaga nito. Pinilit magbago ni Papa dahil napagtanto niya na mas mahal niya si Mommy, ngunit parang huli na ang lahat. Pagkalipas ng ilang araw pagkatapos tumawag sa akin ang Papa, inatake siya sa puso. Namatay si Papa ng may bigat sa kanyang kalooban. Hindi man lang nasabi ni Mommy sa kanya na mahal niya pa rin ito. Huli na ang lahat. Abo’t langit ang pagsisisi ni Mommy.

Para naman sa akin ang mga salitang ito ang nagpahina sa akin kanina. Ito ang nagdulot sa aking magkaroon ng pansamantalang amnesia. Ito ang nagsindi ng apoy sa pagitan naming dalawa ni Russel. Apoy na nakakapaso.

Basta mahal niya ako--- ito ang tumatak sa akin.

“Russel? Mahal kita…” ibinulong ko sa kanyang tainga.
Kasabay nun ipinikit ko na ang aking mga mata at dinama ang kanyang presensiya.

Hindi parin ako makatulog ng maayos. Naghahalo ang ligaya sa aking kalooban at hapdi sa aking likuran. Pinagmasdan ko lang ang kanyang mukha. Masyadong perpekto ang gabing ito para sa akin. Natatakot ako na isang araw ay bawiin ito ng biglaan. Handa na ba ko kapag dumating ang araw na iyon? Ang araw kung saan muli akong mag-iisa. Lahat tayo takot maging mag-isa. Lahat tayo nangangamba na baka isang araw mawalan tayo ng nagmamahal sa atin o minamahal. Lahat naman tayo mawawalan. Dadating ang araw na kinakailangang bawiin sa atin ito. Kung tapos na ang sinasabi nilang “purpose” wala tayong magagawa. Kaya habang maaga, kailangan nating tanggapin na ang mundo ay pansamantala lamang. Ganun ang ang mundo ko. Matagal ko nang pinaniwala ang sarili ko sa mga ganitong aspeto. Matagal na akong handa.

Simula noong namatay ang Papa sinanay ko na ang sarili ko na lahat ng bagay ay ipinahiram lang sa atin ng Diyos. Noong namatay si Papa hindi pa nga ako makapaniwala dahil ilang araw bago siya pumanaw nakausap ko pa siya sa telepono at nagbilin pa na ilakad ko daw siya kay Mommy. Manliligaw daw siya ulit. Naniwala lang ako na wala na ang aking ama nung makita kong nakahimlay ang kanyang katawan sa loob ng puting kahon. Hindi ako umiyak. Pinigilan ko. Ipinangako ko sa aking sarili na hindi ako luluha. Hindi pupwedeng makita ni Mommy. Si Mommy na nung mga oras na iyon na halos hindi na makausap. Halos wala nang mailuha. Hindi na kumakain dahil maghapong nasa harap ni Papa yakap ang picture frame na may lamang litato nilang dalawa. Sinisisi ni Mommy ang kanyang sarili sa pagkawala ni Papa. Gusto na daw niyang mamatay.

“Ma? Wag mo naman pabayaan ang sarili mo, nandito pa naman ako ha? hindi pa kita iniiwan…”

Iyan lang ang mga katagang nasabi ko kay Mommy. Mga katagang nagpakalma sa kanya. Hindi pa naman katapusan ng mundo. Siguro nga may nawala pero may maganda at Dakilang dahilan ang Maykapal kung bakit nagaganap ang lahat. Basta’t magtiwala tayo sa Kanya at hindi Niya tayo pababayaan. Simula noon nagsimulang magparamdam si Destiny. Si Destiny na laging nagpapaalala. Si Destiny na nauunawaan ang lahat.

“God has His reason why we wake up sometimes with heavy heart… he wants us to know that life is generally beautiful, it is our choice to put dark clouds into it.
---DESTINY”

Hanga ako sa kanya. Kung makikilala ko siya ng lubusan sana okey ako ngayon.


Nagising ako sa pamamagitan ng isang haplos sa aking noo. Pagmulat ng aking mga mata isang anghel ang aking nakita.

“uuwi na ako ha? alas-onse na eh…” wika nito sa akin habang patuloy pa rin ang paghaplos niya sa akin.

“Sige po saglit lang, hatid na kita…”

Nagmamadali akong bumangon mula sa pagkakahiga. Dumiretso ako sa banyo upang magsipilyo at maghilamos. Nagpalit rin ako ng t-shirt. Hindi talaga ako makalabas ng dorm na mukhang busabos ang suot ko. Itinuon naman ni Russel ang kanyang mata sa mga litrato sa aking pader. Pinagmamasdan niyang maigi ang mga lipas na picture ni Jerome. Wala akong narinig na kahit isang tanong mula kay Russel patungkol kay x. Siguro hindi siya interesadong malaman ang nakaraan namin. Ang mga larawang nakikita niya na ang mageexplain kung ano si Jerome sa buhay ko. Wala rin akong balak ikwento sa kanya ang nakalipas. Kapag nagtanong lang siya, saka ko na lang sasabihin.

“kailan ulit tayo magkikita niyan?” tanong ko sa kanya.

“Ano ka ba? Nasa iisang school lang tayo, at saka madali ako makamiss kaya asahan mong palagi kita pupuntahan dito.”

Niyakap ko ng mahigpit si Russel. Sinimulan kong makipagsukatan ng dibdib sa isang anghel. Mahigpit ko siyang hinagkan. Parang walang katapusan. Halos ayaw ko na bumitaw.

“Oh baka hindi na ako makahinga niyan ha?” tugon niya sa aking yakap.

Natawa ako sa sinabi niya kaya bumitaw na ako. Hinawakan niya ang aking mukha. Pinagmasdan niya ang aking mga mata. Nakipag-eye to eye contact si gwapo. Halos matunaw ako. Kung marunong lang ako magbasa ng nilalaman ng kanyang mga mata siguro nabasa ko na. Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha. Idinikit niya ang kanyang noo sa aking noo.

“Lance, maraming salamat ha? Sana mahalin mo pa rin ako sa kabila ng lahat…”

Muling naglapat ang aming mga labi. Sa pagkakataong ito passionate na ang bawat hagod ni Russel. Muling nag-init ang aming mga pakiramdam. Mas mainit pa sa tanghali. Gumapang ang kanyang mga kamay sa aking dibdib. Pinisil ang aking dalawang nipples na nagpakilig sa bawat sandali. Muling gumapang ang kanyang mga kamay patungo sa aking tiyan. Pilit niyang ipinapasok ito paloob ng aking shorts. Nawindang ako. Pinigilan ko ang mapanghimasok niyang kamay. Ngunit sadyang makulit si Russel.

“hindi ka naman nagpalabas kagabi ha, relax ka lang babawi ako sa’yo” wika ni Russel.

Bumilis ang bawat pangyayari. Niluhuran ako ng anghel. Ibinaba ang aking salawal. Sinubo ang tulog kong alaga. Kasabay ng pagkagulat ko sa kanyang ginawa nabuhay ito sa kanyang bunganga. Sinimulan niyang pagapangin ang kanyang dila sa bawat sulok ng aking alaga. Mukhang beterano. Mukhang praktisado. Bumilis ng bumilis ang bawat ayudang nagpaungol sa akin. Mula sa pagkakatayo napaupo ako sa sahig. Nilasap niya ang pagkakataon. Sinulit niya ang init. Habang ang aking mga mata ay napapapikit.

“malapit na ako…” tanging nasabi ko.

Parang walang narinig si Russel. Nagpatuloy ito sa kanyang ginagawa. Lalo pang bumilis ang bawat eksena. Lalong humigpit ang kanyang labi. Lalong lumagkit ang kanyang dila.

“Shet! Ayan na!” parang napasigaw pa yata ako.

Bigla ko siyang itinulak upang hindi siya maputukan. Ngunit sadyang nakakapit siya sa akin at sinadya niyang angkinin ang ilalabas kong katas. At nakamit niya ang kanyang pinaghirapan.

Napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Nagulat ako sa ginawa niya. Maluha-luha ko siyang hinagkan.

“Bakit mo ginawa ‘yun?”

Natawa lang siya sa akin. Ngayon alam ko na. Kilala ko na siya. Nangyari na ang hindi ko inaasahan. Nalaman ko na ang dapat kong malaman. Katulad ko rin siya. Isang nilalang na pilit ikinukubli ang nararamdaman.

Hinatid ko si Russel sa terminal ng mga jeep. Hindi siya nagsasalita. Siguro nahihiya siya sa nagawa niya. Hinayaan ko lang na maghari ang katahimikan sa aming dalawa. Ayaw ko muna mangusisa pa. Irerespeto ko kung ano man ang iniisip niya sa mga puntong iyon. Siguro ayun na ‘yung sinasabi niyang: “…Sana mahalin mo pa rin ako sa kabila ng lahat…” Ngayon nauunawaan ko na. Hindi naman big deal ‘yun. Masaya ako dahil nasagot na ang mga katanungan ko sa isip ko. Kaya siguro ayaw na niya sa gf niya kasi may kung anong nararamdaman siya sa puso niya na para sa kapwa lalaki. At ako ang maswerteng lalaking iyon.

“Sige Lance, salamat po sa paghatid…” sabay halik sa aking pisngi.

Umuwi ako ng dorm na may ngiti sa aking mga labi. Ito na siguro ang isa sa mga pinaka-maligayang yugto ng buhay kalandian ko. Isang gabi, natikman ko siya. Isang gabi, naangkin niya ako. Sa loob ng isang gabi nakilala ko siya ng lubusan.

Pagpasok ko sa aking munting tahanan sinimulan kong planuhin ang aking maghapon. Dahil masaya ako ngayon, maglilinis ako ng dorm. Yes! Maglilinis ako. Kailangan kong magpalit ng kobre kama, ng kurtina, maglinis ng CR, magtupi ng mga damit, maglaba ng uniform, at marami pang iba. Uunahin ko muna magpalit ng bed sheet. Pagkatapos nito kakain muna ako ng lunch sa labas. Medyo nakakaramdam na rin kasi ako ng gutom. Pinili ko ang kulay green kong sapin sa kama. Pinalitan ko na rin ang mga damit ng mga unan ko. Dinama ko muna ang unang hinigaan ni Russel. Ang bango talaga! Kumapit ang amoy ng anghel. Naalala ko ang sinabi niya sa akin kanina: “…madali ako makamiss kaya asahan mong palagi kita pupuntahan dito.” So dapat pala kinakailangang laging malinis ang dorm. Para sa kanya. Para sa isang anghel. Para kay Russel.

Habang nagwawalis ng mga agiw at alikabok nag-ring ang aking cellphone. Nagmamadali kong kinuha ito upang makita kung sino ang tumatawag. Si Russel. Bumilis muli ang tibok ng aking puso.

“hello? Oh bakit?” (namiss mo na siguro ako noh?)

“Yung wallet ko po naiwan ko diyan sa ibabaw ng TV… pakitabi na lang po ha? Babalikan ko mamaya pagkatapos namin sumamba ni girlfriend… punta ko diyan.”

“Ay, oo nga noh… bute nakauwi ka pa niyan?” tanong ko sa kanya.

“Buti nga kamo may pera ako sa bulsa ko… hahaha… Sige po wala na po akong load. See you later. Love you!”

“I lo…” naputol na ang linya sa puntong sasagutin ko ang binitawan niyang 3 kataga.

Itinuloy ko ang naudlot na pagwawalis. Sinimot ko lahat-lahat ng kalat. Ang mga alikabok ng nakaraan. Pinagsumikapan ko ring walisan ang ilalim ng aking kama. Maraming papel akong nakita. Mga handouts, sulat, at kung anu-ano pang basura. Pwede nang pamahayan ng anaconda ang ilalim nito. Isang mabangis na hayop na maaaring manuklaw. Kaya naman kailangang linisin lahat ng kalat sa dorm. Bago pa ako malason ng kung ano pang kamandag.

Tinungo ko ang pader kung saan naka-post ang iba’t-ibang larawan ng aking buhay. Pinagmasdan ko ang mga pictures namin ni Jerome. Marami rin pala. Humugot ako ng hininga mula sa kailaliman. Inisa-isa kong tanggalin ang aming mga litrato sa pader. Ngayon ang tamang pagkakataon upang gawin ito. Noon kasi kapag sinusubukan kong tanggalin iyong mga yun, hindi ko kinakaya. Nakaka-tatlong litarato pa lang ako humahagulgol na ako. Wala akong tinira maski isang picture naming dalawa. Isinilid ko sa isang kahon lahat ng mga larawan. Isinilid ko rin ang mga alaala ni Jerome sa likod ng aking puso. Panahon na para muling lumigaya.

Kumuha ako ng basahan. Pinunasan ko ang ibabaw ng TV. Pupwede na kasing tamnan ng kamote sa sobrang alikabok. Nakita ko ang naiwang wallet ni Russel. Itinaas ko muna iyon at inihagis sa ibabaw ng aking kama. Natawa pa nga ako sa sarili ko. Bakit ko ba kasi inihagis yung wallet ng mahal ko? Pagkatapos nun, kumuha ako ng isang basong tubig upang mapawi ang aking uhaw. Napansin ko ang wallet ni Russel na inihagis ko sa kama. Bumulatlat iyon at lumabas ang mga litrato sa loob nito. Nacurious ako sa ibang mga pictures kaya tiningnan ko ang mga iyon. Muling bumungad sa akin ang litrato ng isang magandang babae. Ang picture ng karibal ko. Ang girlfriend ni Russel. Nakaramdam na naman ako ng hapdi sa aking puso, ngunit hindi na kasing hapdi ng dati. Inisa-isa kong inayos ang nagkalat na mga litrato.

Ayaw ko na sanang tingnan pa ang ibang pix pero napansin ko na parang may isang pamilyar na mukha akong nakikita. Inisa-isa ko na parang baraha ang bawat larawan. Nagulat ako sa aking mga nakita.

“Putang ina!” iyan lang ang nasambit ko.

Anong ibig sabihin nito? Bakit ganun? Hindi ko maintindihan! Akala ko ba? Shet! Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Bumilis ang bawat tibok ng aking puso. Sa bawat litratong nakikita ko may kapalit itong sakit sa aking dibdib na animo’y panaksak na unti-unting tumatarak sa akin. Muli kong tiningnan ang litrato ng “girlfriend” ni Russel. Pinagmasdan ko siyang maigi. Tiningnan ko ang likuran ng picture. May mensahe.

Kuya,

Sana nagustuhan mo ‘tong wallet. Wag na wag mong tatanggalin ang pix natin dito ha? Baka naman ipalit mo ‘yung pix niyo ng jowa mo? Kapag tinanggal mo ‘to magtatampo ako sa’yo.

Mamimiss kita! Sunod ka sa Dubai ha? I love you kuya!

Ang iyong magandang kapatid,
Grace


“Sinungaling ka! Napaka-sinungaling mo!”

Nanginginig kong inisa-isa muli ang mga larawan. Mga wallet size na picture na halatang kuha mula sa cellphone. May magkaakbay, magkadikit ang mukha, naghahalikan, at kung anu-ano pang pose ng mag-boyfriend.

Masakit! Napakasakit! Ang tanga ko talaga! Bakit ako naniwala kay Russel!? Bakit hindi ako naniwala kay Jerome?! Manloloko ka! Mga manloloko kayo! Pinaglaruan niyo ako! Mga hayup kayo! Putang ina ninyo!!!

“PUTANG INA! ANG TANGA TANGA KO!!!”

Biglang parang puzzle na nabuo ang lahat. Nag-flash back sa akin lahat ng mga tagpo sa amin ni Russel. Nagdugtong-dugtong ang mga pangyayari.

Naalala ko nung mga panahong binuo ni Russel ang Rubick’s cube, girlfriend daw niya ang nagturo nito sa kanya.

"Alam mo, girlfriend ko ang nagturo sa'kin nito... Pero ngayon mas magaling na ako kaysa sa kanya...hahaha!"

Si Jerome ang tinutukoy niyang gf. Si Jerome na ilang minuto lang ay kayang buuin ang isang rubick’s cube.

Naalala ko ang sinabi ni Russel kanina sa cellphone nung tumawag siya sa akin:

“…Babalikan ko mamaya pagkatapos namin sumamba ni girlfriend”

Pareho silang INC ng karelasyon niya! Si Jerome, na kapwa Iglesia ni Russel. Siya ang girlfriend na tinutukoy ni Russel.

Unti-unti akong nanghihina sa bawat katotohanang bumabalik sa aking gunita. Muli kong naalala nung tinanong ko siya kung saan siya nakatira:

"ah, o sige ba... Saan ka ba nauwe?"

"diyan lang sa village,,”

Sa village siya nakatira. Sa village kung saan papunta rin si Jerome nung huling punta niya dito sa dorm. Natatandaan ko nung mga panahong naabutan akong naglalaba ni Jerome last year:

"aah hindi na... Dumaan lang talaga ako... Pupunta pa kasi ako diyan sa village...b-day kasi eh... Alam mo na,..."

Si Russel. Si Russel ang tinutukoy ni Jerome nung mga panahong iyon. Siya ang ipinalit sa akin ni Jerome. Si Russel ang pinalit sa akin ni Jerome 2 taon na ang nakakaraan. Si Russel ang nakilala ni Jerome sa mall. Siya ang naging dahilan ng hiwalayan namin. Ang taong patay na patay ako ngayon ay ang taong sumira sa relasyon namin ni Jerome.

Nanuyot sa aking utak ang pinagusapan namin ni Russel kagabi. Sabi niya napakapossessive daw ng “girlfriend” niya.

“Oo, ‘yung karelasyon ko kasi ngayon eh, napaka-possessive… nasasakal na ako sa kanya…”

Si Jerome ang tinutukoy niyang karelasyon. Si Jerome na ubod ng possessive.

Halos mawalan na ako ng panimbang sa bawat naalala ko. Nagkaamnesia ba ako? Bakit ngayon lang naglabasan ‘to? Bakit ngayon lang!? Masyado ba akong nagpakatanga? Masyado ba akong nabulag sa mga matatamis na salita ni Russel? Ano ba ito Lord? Akala ko ba okey na ang lahat? Akala ko ba maayos na ‘yung ibinigay Mong sign?

At ang mga huling kataga ni Jerome sa akin ang nagpatibay ng lahat:

"Ayaw ko sanang gawin 'to kasi baka isipin mong nanghihimasok ako sa buhay mo. Sino ba naman ako diba? Isang x-boyfriend mo na puro sakit ang idinulot sa'yo... Pero sa tingin ko kailangan kitang balaan kung ayaw mong masaktan ulit ng todo-todo...
Please, tigilan mo na si Russel, may girlfriend na siya. Matauhan ka Lance, 'wag kang magpakatanga!"

Tuluyan na akong nawalan ng lakas. Mula sa pagkakatayo nabitawan ko ang hawak-hawak kong baso. Nabasag ito sa sahig at nagpira-piraso. Isa-isa kong pinulot ang mga bubog ngunit nasugatan lang ako. Nakisali ang luha ko at nakihalo sa piraso ng mga bubog na nagkalat sa sahig. Kasama ng mga patak ng dugo, muling nasugatan ang aking puso.


---itutuloy



NEXT CHAPTER: CHAPTER 11: "DEJA VU"



Read more...

10 komento:

Anonymous,  April 3, 2009 at 12:14 AM  

fuck.! ang sama nman. bgla nguho lahat.

ang nice ng blog mu kian.
hihi

manny/09108790356,  September 3, 2009 at 3:34 PM  

you're the best bro,.,..
ito yung climax yata ng story ami right?
very good!!!

Anonymous,  June 10, 2010 at 5:00 PM  

hay nko...nakakainis nman yan...kng klan msaya n s bhay yng si Lance...dto pa nsira yng mga pangarap nya....hay nko..dmi tlagang mga traydor, sinungaling at manloloko...nkaka inis tlga....im following your blog kuya paulkian...sana i accept mo yng friend request k s fb...at idol n rin..kta keep the good work..nd god bless....ingat lagi....xD

-lorenso (enzo)

Anonymous,  June 11, 2010 at 11:58 PM  

nakakabitin. very nice story. 2 thumbs for you

jb lopez,  July 2, 2010 at 2:42 PM  

puta! ang sakit naman nun! shit! tol wala pa bang kasunod to?? bitin na bitin ako tol!!!

Anonymous,  July 21, 2010 at 8:24 PM  

hoy bj lopez, manatili ka nalang diyan sa nueva vizcaya at ng may kasama ako pag uwi ko diyan,.hehehehehehe....baklang ito,.pati pala itong mga kwento nasasamid mo sa internet,.adik...heheheheh

adelermaceda July 27, 2010 at 7:07 PM  

Umamin ka, Teacher's Village yung tinutukoy mong village noh! (joke lang po!) Pero, infairness ang ganda-ganda tagala! Super hook na talaga ako, at parang gusto ko maya-maya basahin ito. Grabeeehhhh!!! Hehe! Love you!

adelermaceda July 27, 2010 at 7:08 PM  

Sister, di simulan mo yung next chapter sa MAGRA, ang tawag nila sa GMA Market na katapat ng Teacher's Village! Tapos, ideretso mo na rin sa Sunshine at San Jose, pati na rin sa Old Bulihan at sa mismong Bulihan, sa bandang Phase 1-B at isulat mo na nakilala na ako at ako na ang naging bagong DESTINY nya para bongga! Isulat mo na nakilala ko sya sa ilog ng Phase 1-B ng magbalak siyang lunurin ang sarili nya sa isa sa mga ilog doon at swerte namang naliligo ang sirena (si Adeler) at yung naging pantaserye na ang kwento (toink! joke lang po!)

ugatbayo,  July 28, 2010 at 7:36 PM  

grabe nice naman galing talaga ni paul kian magkwento ang galing, i like the nabasag na baso ang galing umeksena nice parang movie congrats antay ko ang chapter 11 ha mukhang confrontational scene na ito hehehehe


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP