Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Saturday, March 27, 2010

DALAWA ANG CELLPHONE NI RAMIL


Salamat sa mga sumusunod: Kram, Jorge para sa mga payo... si Irwin para sa translations... at sa'yo JNG, okay na ako...


DALAWA ANG CELLPHONE NI RAMIL

By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


Love was never meant to be a one-way street. Darating ang panahon na magsasawa ka. Magigising ka nalang isang araw, pagod ka na umasa. Bahala ka na diyan. Kakapagod ka. Goodbye! 'Cause you're not actually "loving", you're just testing your patience. Kung hanggang saan mo kayang magtiis. Love is patient pero hanggang kailan ba dapat magtiis? Kailan mo ba dapat ipa-realize sa sarili mo na, you gave enough chance already. If things aren't working, go! Leave. Kumbaga sa appliances, sinubukan mong ma-repair pero di na kaya. Kaya huwag nang ipilit. Diretso junk shop nalang. Love is supposed to make you happy and it's not supposed to hurt. Otherwise, it's not love. Akala mo lang, or worse, pinipilit mo lang. O baka nag-iilusyon ka lang.

Ako si Kieron. Tipikal na 23 anyos. At dito nagsisimula ang aking ilusyon.


--------------------------------------------------------

Maaga kaming naglog-out sa office. Nakapag-request kasi ng VTO (voluntary time-out) ang supervisor namin kaya ang usual na 8:00am-5:00pm na shift ay napaaga ng isang oras. Eksaktong 4:15 ng hapon lumabas ako ng SM Pampanga. Doon kasi matatagpuan ang call center company na pinapasukan ko. Paglabas ng office hinanap ko siya. Mukhang wala na. Nauna na yata umuwi. Para siyang ipu-ipo sa bilis na bigla na lang naglaho. Nagbago na talaga siya. Isang pagbabagong kahit minsan hindi ko napaghandaan. Gayunpaman, kailangan kong tanggaping iniwan na niya ako. Mag-isa akong uuwi ngayon. Tanggap ko. Walang choice. Kaya ninamnam ko ang paglalakad sa nasabing mall. Nagiisa. Walang kasabay. Sinasadya yata ng pagkakataon na magpaka-loner ako nung mga sandaling iyon. Aaminin ko, umasa akong makakasama ko siya. Umaasa akong magkakasabay kami. Umasa ako na tulad ng dati maaayos ang dapat maayos. Puno ng pag-asa. Pero mukhang malabo. Kaya ang nakasanayang mga bagay ay unti-unti ko naring tinanggal sa sistema ng katawan ko...o maging sa puso ko na rin.

Habang karamay ko ang earphone ng aking telepono at ang mga musikang hatid nito binaybay ko ang biyahe papuntang San Fernando intersection. Ang hirap talaga ng ganito. Walang kasiguraduhan sa mga bagay na mangyayari. Pagbaba ng jeep, tinawid ko ang malawak na highway. Lutang. Halos makipag-patintero ako sa mga sasakyang animo'y ayaw magparaan. Naisip ko, paano kung masagasaan ako dito? Pagsisisihan niya kaya na hindi niya ako kasama nang mga oras na ito? Natawa ako sa naisip ko kaya naman bago pa nga ako tuluyang mahagip ng mga kotse at kaladkarin palayo tinungo ko na ang harap ng Jollibee intersection na katabi lamang ng terminal ng mga jeep papuntang Pandacaqui. Sa loob ng 6 buwang pamamalagi ko sa trabaho, dito na ako sumasakay pauwi. Dadaan kasi ito sa subdivision namin na malapit sa bayan ng Magalang. Kung tutuusin sanay na nga ako noon na umuuwi mag-isa. Sanay ako na walang naghahatid sa akin pauwi. Nabago ang lahat nang makilala ko siya. Bigla siyang umeksena sa tahimik na buhay ko. At muling kinundisyon ang utak at puso sa isang sitwasyon na bigla rin namang mababago pagdating ng tamang panahon.


--------------------------------------------------------


"Wag kang masyadong mabait sa'kin, baka ma-inlove ako sa'yo..." iyan ang sinabi ko sa kanya noon.

Nung una, isa lang siyang tipikal na katrabaho. Isang normal na nakakasalamuha sa araw-araw. Walang spark. Walang kahit anong senyales na mauuwi sa isang “relasyon” ang lahat. Masyado kasi siyang sweet sa'kin. Tamang concern. Hindi ako malisyoso pero hindi naiwasan ng utak kong bigyan ng kulay at kahulugan ang mga simpleng bagay na ginagawa niya sa akin. Tipong pinagmamasdan ako habang nagca-calls, pinapahiram ng jacket dahil alam niya nilalamig ako sa office, tinetext ng: "kumain ka na at magpahinga...", at marami pang iba na para sa akin ay hindi ginagawa ng isang “straight” sa kapwa niya lalake o ng isang taong walang intensyon sa'yo. Pag-aassume? Hindi noh. At hindi rin naman ako manhid. Ramdam ko kung ano siya. Malansa.

Hanggang sa isang araw, nagulat na lang ako dahil gusto ko na siya. Putsa! baligtad na yata. Napapangiti na niya ang dating tuod kong pagkatao. Parang Endless Love na may mga effects na nag-lalaglagang dahon kapag dumadaan siya. May kung anong puwang dito sa dibdib ko na naglaan bigla ng espasyo para sa kanya. Kumbaga sa chess checkmate na ako. Hindi siya gwapo. Hindi siya ang tipo ko. Hindi rin siya ma-appeal. Pero bakit minahal ko si Ramil?

Nauwi ang lahat sa isang open relationship. Baduy man pero mutual ang nararamdaman namin para sa isa't-isa. Nagsimula ang kabaduyan sa isang relasyong parang kami pero hindi naman. Walang commitment. Walang karapatan. Pero nagseselos paminsan-minsan.

Gusto mo ba ako? Iyan ang tanong na hindi naman niya nasagot ng diretso. Iyan din ang tanong na isang beses naring sinagot ng diwa ko. Nilinaw namin yan nung unang "date" namin. Ang Marquee mall sa Angeles ang saksi sa mga sinabi niya. Nagtapat si Ramil. May girlfriend siya. Anim na taon na daw sila. Wala daw silang relasyon nung office mate naming babae na si Rizza. Sweet lang daw sila sa isa’t-isa. Alam ko na yun. Pero hindi naman ako ipinanganak kahapon. At sabi niya pa:

“basta espesyal ka kanaku…” (basta espesyal ka sa akin)

Espesyal daw ako sa kanya. Natutuwa din daw siya sa akin. Hindi ko na rin ikinagulat yun. Hanggang dun lang? Espesyal? parang siopao lang? Nakakatuwa? Para ngang gusto kong matawa.

Kung hindi ko pa lilinawin sa kanya kung ano ba ang lagay namin hindi pa niya sasabihin. Doon ko naamoy na may pagka-duwag si Ramil. Alam niya sa sarili niya kung ano ang gusto niya ngunit hindi niya kayang aminin kung ano ang nais niya. Medyo nagdalawang-isp ako. Ngunit sa kabila ng naamoy ko, aminado ako sa sarili ko na gusto ko na siya. Gusto...yung tipong alam kong mauuwi sa putaragis na love.

Sabi ko naman: "at least ngayon alam ko na... Malinaw na ang lahat..."

Ako kasi yung tipo ng tao na gusto ko may paliwanag ang bawat bagay. Detalyado. Ayaw ko ng walang label ang isang relasyon. No assumptions. No what ifs. Iyan ang motto ko. Kaya naman matapos kong malaman na ganun lang pala, sinabi ko sa kanya na kailangan ko umiwas para hindi na ako masaktan pa. Pero makulit at masugid si Ramil. Papayagan daw niya akong umiwas, wala daw siyang magagawa kung yun ang desisyon ko pero hindi daw niya maipapangako na ititigil niya yung ginagawa niya. Yung pagiging cariñoso. Yung pagiging sweet at caring. Yun pa naman ang weakness ko. Natumbok niya. Hanggang sa tuluyan na akong nahulog. At tuluyan nang sininghot ang naamoy sa pagkatao niya…


--------------------------------------------------------


Nakaramdam ako ng uhaw. Uhaw dulot ng mainit na panahon. Tagaktak na rin ang pawis ko sa attire kong business casual. Sa Jollibee intersection nagtake-out ako ng iced tea, pampapawi ng uhaw. Para ngang hindi nakatulong ang ininom ko upang mapagaan ang nararamdaman kong bigat. Hindi parin mabura sa isip ko yung aura ng mukha niya kanina . Kakaiba. May malalim na kahulugan. Nakakatakot. Nakakainis. Nakakaiyak. Mixed emotions. Iba ang mga mata niya nung mga oras na iyon. Tiningnan niya ako sa office kanina na parang may gusto siyang sabihin pero bigla rin niyang binawi nung tiningnan ko siya ng matagal.

Sumakay na ako sa jeep biyaheng pa-Pandacaqui. Pinili kong umupo sa may harap sa tabi ng driver. Iyon lagi ang puwesto namin ni Ramil kapag sumasakay ng jeep. Ang hirap talagang iwaksi sa routine mo ang mga bagay na nakasanayan mo na. Parang hahanap-hanapin ng katawan mo. Parang droga, nakaka-adik. Pero para sa akin ang pag-aadik ay isang choice. Isang choice ang pagpili mo ng lugar na mauupuan sa jeep. Pwede kang mamili ng makakatabi depende sa bakanteng espasyo. Pero paano kung isang puwang na lang ang bakante? Makakapili ka pa ba? Paano kung maliit yung space? Ipag-sisiksikan mo ba ang sarili mo para lang makaupo o maghihintay na lang sa kasunod na jeep na babiyahe? Meron kaya magpapaubaya at maglalaan ng espasyo para makaupo ka?

“Atin na bang makalukluk ken?” (May nakaupo na ba diyan?)

Kumabog ang dibdib ko. Tiningnan ko ang pinagmulan ng tinig. Nadismaya lang ako nang makita kong hindi si Ramil ang nagmamay-ari ng boses. Akala na naman. Marami talagang umiiyak sa maling akala. Isang lalake na siguro ka-edad ko ang nagtanong. Umiling lang ako bilang tugon. Sa totoo lang medyo hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Kung tutuusin tatlong taon na ako sa Pampanga at naturingan pa namang mga kapampangangan ang mga kamag-anakan ko sa father side pero hindi parin ako natututo magsalita o makaintindi man lang ng dialect nila.

Umusod ako upang makaupo ang binata. Kasabay nun umusad na rin ang jeep na sinasakyan namin. Medyo madilim na. Malapit na lumubog ang araw. Nakaramdam na naman ako ng lungkot. Sinampal ako ng hangin habang sinusuong namin ang North Luzon Express way. Hindi pa rin ako natauhan. Bagkus tumulo pa ang luha ko.


--------------------------------------------------------

Akala ko nung una okay lang. Akala ko kahit sweet-sweetan sila ni Rizza wala akong selos na mararamdaman. Ang hirap pala kapag nakikita mo yung ginagawa nila. Kahit alam ko sa sarili kong wala silang relasyon, mahirap paring magpanggap na hindi ako nasasaktan. Sa kauna-unahang pagkakataon nagseselos ako sa babae. Ito rin naman kasi ang kauna-unahang pagkakataong ang karibal ko ay isang babae. Hindi lang pala isa kundi dalawa pa. Isang original na hindi ko nakikita, at isang (hindi ko alam kung ano pwedeng itawag sa kanya) na araw-araw kong nasisilayan. Ako? Nasaan ba ako sa eksena? Ano bang tawag sa akin? Kabit? Boyfriend? May relasyon ba kami? Anong level na ba? Ano bang lagay namin ni Ramil?

December 27th. Dalawang linggo makalipas magusap sa Marquee mall upang linawin ang status naming dalawa, napagdesisyunan ko nang bumitaw. Hindi ko kayang may mga taong natatapakan. Ayokong nagpakaka-selfish dahil lang sa isang kaligayahang alam kong kahit kailan ay hindi ko naman ma-sosolo. Ayoko nang masaktan at makipagrelasyon sa isang taong hindi kayang ipaglaban ang tunay na nararamdaman niya.

Sinubukan kong putulin ang kung ano mang namamagitan sa amin sa Mcdo OG Road. Wala naman kaming relasyon kaya wala nga siguro akong karapatang mag-selos. Wala nga kaming relasyon kaya wala rin siyang karapatang pigilan ako sa mga bagay na nais kong gawin. Masakit diba? Hindi ko lubusang maisip na narito ako sa loob ng circle. Pinipilit kong lumabas dahil ayokong dumating ang araw na baka makulong na ako sa loob at maiwang mag-isa. Hindi ko rin maalala kung paano ako napunta dito sa loob. Desisyon ko ba ang pumasok? Choice ko rin ba ito o may nagpapasok lang talaga sa akin?

Hinawakan niya ang kamay ko. Kahit maraming tao sa Mcdo wala siyang pakialam. Tiningnan ko siya sa mata. Nanghina ang kalamnan ko. Humupa ang sakit na nararamdaman ko nung mga oras na iyon. Mas hinigpitan niya pa ang hawak sa kamay ko na para bang ayaw na niya akong pakawalan pa. Sinubukan kong kumalas ngunit sadyang nangibabaw ang lakas niya kaya nagpaubaya ako. Hindi niya daw kaya na mawala ako sa buhay niya. Hindi daw niya ako hahayaang bumitaw. Nagmakaawa siya sa akin. Humingi siya ng tawad. Naramdaman ko yun. Damang-dama ko na ang bawat salitang binibitawan niya. Totoo lahat. Walang halong pagpapanggap. Hinigpitan ko rin ang pagkakahawak sa kamay niya. Kasabay nun nginitian ko siya. At nag-sorry rin sa kanya.

Sabi ko, maging sensitive siya sa paligid niya. Dahil may mga taong nasasaktan depende sa galaw na pinapakita mo sa iba. Tinanguan niya ako sa sinabi ko bilang pagsang-ayon. Kasabay nun sinabi niya sa akin na tandaan ko ang date ngayon. December 27th Kami na daw. Kami na!?? Putang- ina!!!

Hindi ko maipaliwanag ang emosyong bumabagabag sa loob ko. Masaya ako. Pero hindi malalim. Natabunan ang lahat nang sabihin niya sa akin na mangako daw ako na hindi ko na uulitin yung nangyari kanina na nakikipag-hiwalay sa kanya. Hindi daw niya kakayanin kapag naulit muli iyon. Nangako din siya na susubukan niyang hindi na niya ako saktan unconsciously. Susubukan daw niyang iwasan si Rizza. Unti-unti. Hindi ko hiniling sa kanya yun. Dahil alam kong mahirap para sa kanya ang mga ganung pabor. Sa kanya rin naman nagmula na gusto na niyang iwasan si Rizza noon pa bago ako pumasok sa eksena. Hinayaan ko siya. Sa pagkakataong iyon naging makasarili ako. Hindi ko inisip ang mga bagay na pwedeng maging bunga nito. Hindi ko na inisip ang mga taong iiyak. Nung mga oras na iyon ang naisip ko lang ay ang kaligayahan ko. Kaya naman nagbitaw na ako nag isang pangakong hindi ko alam kung mapapangatawanan ko ba pagdating ng araw.

“Sopan mu ku, sopan daka. Misawupan tamung adwa…” (Tulungan mo ako, tulungan kita. Magtulungan tayong dalawa.) iyan ang pangako namin sa isa’t-isa.

Kung nakapagsasalita lang siguro ang Mcdo OG Road baka sumigaw na yun ng: “Mga baklang ‘to! Ang babaduy niyo!”

Ganun naman talaga siguro. Love like it’s your first time. Sabi ko lalabas na ako ng circle, pero nasaan ako ngayon? Heto, mas lalo pang pumasok at pumunta pa sa sentro.



--------------------------------------------------------


Kasabay ng mabilis na pagharurot ng sinasakyan kong jeep, ipinikit ko ang aking mga mata. Dalawang butil ng luha ang magkasunod na gumulong sa aking pisngi. Hindi ko napigilan. Hindi ko naagapan. Mula sa side mirror ng jeep pinagmamasdan ako ng binatang nasa tabi ko. Nagtataka siya siguro kung bakit ako umiiyak. Deadma lang. Pamilyar siya sa'kin. Kaya naman kahit kamukha niya si Coco Martin hindi parin ako natinag. Hindi naman niya ako kilala kaya wala akong pakialam kung panuorin o pagtawanan man niya ako. Muli kong ipinikit ang aking mga mata, baka sakaling maikubli ko ang lungkot na pilit umaagos sa aking mukha. Baka sakaling mapigilan kong kumawala ang mga luhang hindi ko alam kung paano biglang tumulo ng walang paalam.

Nagtagumpay naman ako. Pagtingala ko, nasa Angeles exit na kami. Hindi na ako pinapanuod ni Coco Martin. Busy na siya sa pag-tetext. Bumagal na rin ang takbo ng jeep. Palapit na kasi kami sa tollgate. Nasilayan ko na ang mga ilaw sa Marquee mall. Iyon ang first stop. Nagsibabaan ang ilang pasahero. Bumaba na rin ang binatang nanuod sa kadramahan ko sa salamin. Sa wakas, wala na akong kahati sa upuan. Masosolo ko na rin ang side mirror. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Kilala ko pa naman. Hindi pa naman nagbabago. Pinilit kong gawing maaliwalas ang itsura ng aking mukha. Hanggang doon lang ang kaya kong gawin.

Weekend in New England. Somwhere Down the Road. The Day you Said Goodnight. Realize. Pagkatapos ng 4 na kanta sa playlist ng cellphone ko pumara na ako sa harap ng subdivision namin. Maraming mga tricycle ang nakapila at nagaabang ng pasahero. Mas pinili kong maglakad. Moment ko ito. Nilakad ko ang kahabaan ng subdivision. Walkaton. Sa kung anong dahilan huminto ako sa paglalakad. Nag-isip.

“Ayoko pang umuwi” bulong ko sa’king sarili.

Pakiramdam ko kapag umuwi ako lalo ako lalamunin ng kalungkutan. Feeling ko kapag nasa bahay na ako hindi lang luha ang aagos sa mga mata ko. Walang pagdadalawang isip ako tumalikod at bumalik sa highway. Parang hinila ang paa kong sumakay muli ng jeep at bumalik sa Marquee mall. Naging sunud-sunuran ako sa dikta ng aking mga paa. Pagsakay ng jeep umusal ako ng dasal:

"Through 5455 wounds of Christ, and His 15 secret torments... Lord God sana kung ano man ang dapat kong makita, ipakita Mo sa'kin. Kayo na Po bahala..."

Lumakas ang loob ko. Nagplano ng mga bagay na gagawin sa Marquee mall. Manuod kaya ako ng sine?


--------------------------------------------------------


Enero. Unang buwan ng bagong taon. Sabi ni Rizza nagbago lang ang taon nagbago na rin daw si Ramil sa kanya. Hindi ako nagcomment. Nagpanggap ako na wala akong alam. Nagkunwari ako na wala akong kinalaman sa pagbabagong iyon. Kung alam lang niya na ako pala ang salarin. Kung alam lang niya na ako ang dahilan kung bakit biglang nagiba ang pakikitungo ni Ramil sa kanya siguro kasusuklaman niya ako. Kamumuhian ng bonggang-bongga. Kung malalaman lang niya na yung lalaking minamahal niya ngayon ay lalaki din ang gusto. Kung magiging madali lang sana kay Ramil ang umamin.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Honestly, walang guilt. Pero walang halong kaplastikan, nakaramdam ako ng awa kay Rizza. Hindi ako nagkulang ng paalala kay Ramil. Inunawa ko na lang siya. Siguro mahirap lang talaga kung ako ang nasa sapatos niya. Tatlo ba naman kami diba? Hindi ko maiwasang magduda. Paano niya nagagawang magmahal ng tatlong tao at the same time? Mahal niya kaya kaming tatlo o may isa sa amin ang namumukod-tangi at may taglay ng korona? Korona ng tunay at pinakamamahal niya.

Iniwasan kong mag-isip ng mga bagay na hindi makakatulong sa pag-unlad ng relasyon namin. Doon nagsimulang tumibay ang pagtitiwala ko kay Ramil. Talagang pinanindigan niya yung sinabi niya sa Mcdo na iiwasan niya si Rizza. Parang nabawasan ang tinik ko sa dibdib. At napunta naman ang tinik sa puso ni Rizza.

Pinatunayan ni Ramil ang mga bagay na hinahanap ko sa kanya. Isang araw nagulat na lang ako at proactive niyang sinabi sa akin na sa bahay siya matutulog. Akala ko nagbibiro lang siya pero nang makita ko ang mga dala niyang damit dun ko lang nalaman na seryoso pala siya. Pinakilala ko si Ramil kay mommy. Pumatok naman sa panlasa niya ang ugali ng mahal ko. Nahuli ni Ramil ang kiliti ni mommy. Nakasundo rin niya pati ang dalawang pamangkin ko. Dagdag pogi points talaga yun para sa akin. Sa loob ng isang linggo, 2-3 beses siya kung matulog sa bahay. Kapag umaga sabay din kaming pumapasok sa trabaho. Walang kaalam-alam ang mga tao sa opisina na mas malalim pa sa dagat tsina ang namamagitan sa amin ni Ramil. Tanging ang mga mata lang kasi namin ang naguusap sa tuwing nasa labas kami. Si Rizza? Parang nakakahalata. Mas umaasta pa nga siyang girlfriend ni Ramil pero ang totoo naman wala silang relasyon. Pero hindi namin masyadong pinagtuunan ng pansin ang mga teleserye ni Rizza sa mga group message niya at posts sa facebook. Bagkus mas nag-pokus pa kami sa kung anong meron sa pagitan naming dalawa. Pinaniwala ko ang sarili ko na dalawa lang kami sa mundo namin. Hindi ko inisip na sa mundo ni Ramil hindi pala ako nagiisa.

Sa dagat kapag lumalangoy ka palayo ng pampang lalong lumalalim ang tubig. Ganun din ang relasyon namin. Habang tumatagal lalo akong nalulunod. Nakakalimutan ko na yata ang mga paniniwala ko noon. Binago niya ang mga prinsipyo ko. Sabi nga sa nabasa kong blog: “Don’t over-think things. If it makes you happy, you must be doing the right thing. If not, at least you’re happy.” Sa ngayon masaya ako sa piling niya. Walang problema. Ramdam ko ang pagmamahal niya kahit na alam kong hindi ako nagiisa sa puso niya. Ramdam ko ang panahon at oras na nilalaan niya sa akin kahit alam kong 2nd best option lang ako.

Muling ipinanganak ang “tangang” si Kieron. Muli kong pinagaralan ang sining ng katangahan. Madalas kasi ikwento ni Ramil sa akin ang girlfriend niya. Masakit siyempre. Para kasing may comparison. Ano bang pagkukumpara? Eh mas mahaba ang buhok nun kaysa sa akin. Pero iniisip ko na lang na babae yun at bakla ako kaya magkaiba kami ng level. At kahit kailan hindi ko siya magiging ka-level. Inunawa ko na lang na insensitive talaga si Ramil paminsan-minsan.

May mga pagkakataong sabay kaming lalabas ni Ramil ng office at sabay ding babiyahe papauntang Marquee mall, hindi para kumain kaming dalawa o manuod ng sine, kundi para puntahan niya ang GF niya na sa nasabing mall din daw nagtatrabaho.

Sinabi ko sa sarili ko na simula pa lang aware na ako na may girlfriend siya. Kaya wala akong karapatang mag-inarte. Wala akong karapatang mag-selos kasi simula pa lang alam kong circus na ang labas namin. Kaya kahit masakit at parang kuryenteng tumutusok sa dibdib ko ang pagbaba niya ng Marquee sa tuwing magkasama kami sa jeep, isinasantabi ko na lang iyon. Siguro ang mahalaga, ako lang ang nagiisang “lalake” sa puso niya.


--------------------------------------------------------


Ang malamig na ambiance ng Marquee mall ang nagpalimot pansamantala sa naguguluhan kong puso. Inakyat ko ang ikalawang palapag. Mabilis kong tinungo ang sinehan. Sinuri ang mga palabas. Kinalikot ko rin ang aking pitaka. Mabilisang binudget ang mga natitirang salapi kung makakaabot pa hanggang sa susunod na linggo kung manunuod ako ng sine ngayon. Mukhang aabot pa naman kaya sumunod kong tiningnan kung anong oras magsisimula ang pelikulang: Percy Jackson and the Lightning Thief.

Nagbago ang isip ko. Alas-9 na matatapos ang movie kaya umatras ako. Ayaw kong late na ako makakauwi. Mas malungkot. Kaya naman imbis na manuod ng sine, naglakad at naglibut-libot ako sa mall. Konti lang ang tao. Lunes kasi. Karamihan sa mga kasabayan ko ay mga estudyante, o mga kagagaling lang din sa opisina. Mga nagpapalamig. Mga nag-uunwind. Nagpapalipas ng oras. Pansamantala kong nakalimutan si Ramil. Ngumiti ako dahil alam ko at nararamdaman kong bukas magkakaayos na kami. Init lang pala ng ulo ang drama ko. At dahil nalamigan na ang aking natuyuang utak, napagdesisyunan ko nang umuwi. Bumaba ako ng escalator at tinungo ang way para sa exit.


--------------------------------------------------------


Dumating ang pagkakataong paranoid na ako. Madalas kaming magkatampuhan dahil sa mga paranoia ko. Mga pagdududa ko na para kay Ramil ay napaka-non sense. Wala daw patutunguan. Walang kwenta na kung sa walang kwenta pero paano kung ang tinutukoy ni Ramil na girlfriend ay boyfriend pala? Paano kung hindi pala ako ang unang lalaking minahal niya? Nagising na lang ako isang araw na kinutuban ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung may basehan ba ang mga hinala ko. Basta ang tanging alam ko lang ay kahit minsan hindi ko pa nakikita ang litrato ng misteryosang kasintahan niya. Sabi ni Ramil, bukod sa pamilya niya, na ayon sa kanya ay kilala ang anim na taon na niyang girlfriend wala nang nakakalam ng bawat detalye o nakakakita ng itsura niya. Maging si Rizza daw. Ano bang meron at bakit ayaw niya ipakita? Hindi ko ma-gets ang logic. Sa tipo ni Ramil na parang naguguluhan at confused sa sarili niya, dapat nga maging proud siyang ilantad sa lahat ang pagmumukha ng GF niya. Siguro nga ayaw lang niyang ibulatlat ang libro ng lovelife niya sa mga kaibigan niya o maging sa akin. Hindi ko alam kung may nag-eexist nga bang “girlfriend” o ang lahat ay isang ilusyon lang.

Nabura lahat ng pangamba at paghihinala nang sabihin niyang:
“Nung balu mu mu nung makananu dakang kaluguran…” (kung alam mo lang kung gaano kita kamahal)

Siguro nga kung masusukat ko lang ng ruler kung gaano niya ako kamahal, maiiwasan kong magduda.

Pero isa sa mga kakayahan ni Ramil ang pahupain kung ano mang alinlangan ang bumabagabag sa damdamin ko. Niyaya niya akong gumala sa Trinoma. Unang date namin sa labas ng probinsya. Alam ko iyon ang paraan niya para linisin ang mga doubt sa utak ko. Dapat nga hindi matutuloy ang lakad dahil wala siyang mai-dahilan sa girlfriend niya kung bakit siya mawawala ng sabado at linggo. Iyon kasi ang restday namin ni Ramil. Iyon din ang araw kung saan nagkakasama sila ng GF niya. Kaya nga kapag weekends himala na kung makapag-text pa si Ramil sa’kin. Tulad ng dati inuunawa ko. May girlfriend eh. Babae yun. At binabae ako. Inisip ko na lang na hindi mahal ng sobra ni Ramil si babae. Kasi kung mahal nga niya talaga, hindi siya makikipagrelasyon sa iba, lalo pa’t sa tulad ko. Siguro nga confuse lang si Ramil. Siguro nga dadating yung time na iiwan niya ako at magpapakasal sila ng tunay niyang prinsesa. Pero sa ngayon gusto ko muna maging masaya. Kaya naman muli akong nagbulag-bulagan.

Wala akong ginastos kahit singko nung mga panahon na iyon. Sa tuwing bubunot ako ng pera sinasabi niya na yung ipang-aambag ko daw ay ipunin ko na lang para may maabot ako kay mommy o maging sa mga pamangkin ko. Imbis na makipagtalo, sinunod ko na lang siya. Ang natatanging nagawa ko lang ay kalkalin ang mga cellphone niya habang inaantay ang pina-take out naming mga ulam sa Gerry’s Grill. Dalawa ang cellphone ni Ramil. Isang i-phone at isang Nokia E series na hindi ko alam ang eksaktong unit.

“Bakit dalawa cellphone mo?” tanong ko sa kanya.

Sanay na daw siyang dalawa ang telepono niya. Nakakatawa kasi parehong Globe ang SIM card ng mga cellphone. Isang pampribado at yung isa daw ay para sa lahat. Yung pang pribado konti lang nakakaalam. Ang weird ng paliwanag niya kaya tinawanan ko na lang. Naisip ko bakit kailangan parehong Globe kung pwede namang Smart o Sun yung isa. At pwede rin namang isang cellphone na lang ang gamitin niya.

Kung tutuusin ngayon ko lang masisilip ang laman ng telepono niya. Madalas siya ang mahilig mangalikot ng cellphone ko. Pinagmasdan ko ang mga larawan . Mga pictures niya nung nasa Singapore pa siya. Dalawang taon din kasi siyang nagtrabaho dun bilang isang manager sa isang coffee shop. May litrato dun na parang minagnet ako. Ang gwapo kasi nung kasama at kaakbay niya. Tinanong ko sa kanya kung sino siya. Sabi ni Ramil, pinsan daw niya. Obvious naman kasi kasama ng pamilya niya. Kasama rin niya sa Singapore si pinsan. Biniro ko si Ramil, sabi ko bakit yung pinsan niya gwapo siya hindi. Natawa lang siya. Napikon yata. Kaya naman dinedma ko na lang si mahiwagang pinsan. Sasabihin ko sana na ipakilala niya ako pero baka pagmulan pa ng away namin kaya nanahimik na lang ako.

Hindi ko natiis. Akala ko hindi mangungulit ang utak kong humabi ng mga katanungan at mga pagdududa. Ginawa kong dahan-dahan ang pag-atake. Baka kasi bigla niya akong iwan sa Trinoma kapag hindi ko inayos ang mga pagtatanong ko. Sinabi ko lahat sa kanya. Lahat-lahat ng nasa loob ko. Lahat ng mga alinlangan. Lahat ng mga bagay na gugmugulo sa isip ko. Buong tapang kong sinabi na sa totoo lang iniisip ko na baka ang GF niya ay BF pala. Na meron akong pagdududa na hindi ako ang unang lalaking minahal niya. Tahimik lang siya. Halatang nag-iisip. Akala ko magagalit siya sa mga banat ko pero mukhang interesado siyang makinig. Nakaramdam ako ng kaba. Nabasa ko kasi ang mga nangungusap niyang mga mata. Naramdaman ko na may nais siyang sabihin. Parang may gusto siyang ipaliwanag. Maya-mayang konti ay nagsalita na siya:

“Bukud keka, atin pang aliwa…”

“Ano?” ang tanging naitugon ko.

“Bukod sa’yo meron pang iba…”

Katahimikan ang naghari sa pagitan naming dalawa. Medyo nahirapan ang pang-unawa kong nadehyrate na yata na basahin ang bawat bagay na nais niyang sabihin.

“Bakit ngayon mo lang sinabi?” ang tanging naitugon ko.

Hindi niya nasagot ang tanong ko. Unti-unting nakaramdam ng kirot ang puso ko. As in literal na kumirot. Shit! Biglang lumutang ang diwa ko sa kawalan. Parang lobo na bigla na lang lumipad sa kalawakan. Nagpapaliwanag siya sa akin pero wala akong maintindihan. Marami siyang sinasabi na ramdam kong hindi huwad pero parang hindi rumerehistro sa tainga ko. Nabibingi na yata ako.

“… hindi ko sinabi kasi alam ko hindi ka papayag maging tayo kapag nalaman mo.” Iyan lang ang natatanging pangungusap na naunawaan ko.

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Pakiramdam ko niloko niya ako. Tanga! eh niloko nga naman niya talaga ako. Nagsinungaling siya sa akin. Inisip ko kung sa simula pa lang naging totoo na siya sa aking eh ‘di sana hindi kami aabot sa ganito. Sana nagsinungaling na lang siya ulit. Sana pinanindigan na lang niya ang pagpapanggap. Sana pinangatawanan niya ang panloloko niya sa’kin, tutal naman doon nagsimula ang lahat.Bakit kailangan maging gahaman sa pagmamahal kung alam mong may mahal ka ng iba at minamahal ka rin?

(Putang-ina naman kasi eh! Hindi naman kita inanyayahang pumasok sa puso ko ah, pero bakit pumasok ka? Bakit kailangan mong magsinungaling? Bakit pinaniwala mo ako na ako lang ang nagiisang lalake sa buhay mo? Ginawa mo akong tanga! Napaka-selfish mo!)

Sino ba naman kasi ang mag-aakalang aabot sa ganito ang lahat. Akala ko babae lang ang karibal ko, pero hindi pala.

Bumaha ng luha. Hinabol niya ako palabas ng mall. Matapos ang drama-drama sa Trinoma, hindi kami nagkikibuang umuwi sa bahay namin. Napansin ni mommy ang katahimikang pumapader sa pagitan naming dalawa. Pero hindi siya nakialam, bagkus hinayaan niya lang kami.

Pagpasok ng kwarto niyakap ko siya ng mahigpit. “Mahal na mahal na mahal” ko na siya. Hindi ko na kayang mawala siya sa buhay ko. Hindi ko na talaga kaya. Sinabi ko yun sa kanya. Ginantihan niya rin ang yakap ko. At sinabing “mahal” niya ako. Tumulo muli ang luhang akala ko naubos na kanina. Bigla akong naawa sa sarili ko. Bigla kong naisip na bakit ako nagpapakatanga ng ganito. Nagmamahal ba ako o nagpapagago lang? Bakit sa kabila ng nalaman ko nanatili pa rin akong mahigpit na kumakapit sa kanya?

Sa pangalawang pagkakataon muli siyang nangako sa akin. Susubukan daw niyang ayusin lahat. Bigyan ko daw siya ng sapat na panahon. Kung hanggang saan ang bracket ng sapat na panahon, iyon ang hindi ko alam. Muli akong nagtiwala kay Ramil. Ayoko kasing pagdamutan ang damdamin ko. Pwede mo naman kasing ‘wag pagkaitan ang damdamin mo pero dapat sa bandang huli ikaw parin ang uuwing nakangiti at may halik sa puso. Alam kong gusto na niya magbago at ituwid ang bawat pagkakamali niya. Kasabay ng muling pagtitiwala ko, binigay ko ang buong pagkatao ko sa kanya. Siya ang kauna-unahang nakagawa nun sa akin. Kahit mahapdi tiniis ko para sa kanya. Kasi alam ko isa ito sa mga paraan para mapatunayan ko kung gaano ko siya kamahal. Lahat ibibigay ko hangga’t kaya ko. Lalo pa’t alam kong may iba ring gumagawa ng ganun sa kanya. Hindi ko alam kung tama bang ginawa ko. Hindi ko alam kung tama bang ibigay ang buong kaluluwa sa isang taong minsan ka na niloko. Muling ipinanganak ang tangang si Kieron, sa pagkakataong ito sinamahan pa ng katangahan ko ng kamartiran.

“Sana dumating yung time na ako na lang ang nagiisa diyan sa puso mo…” sabi ko sa kanya. Sana hindi ako mapagod. Sana hindi masayang ang bawat hapdi. Sana hindi mauwi saw ala ang lahat ng kirot.

Nagbunga naman lahat ng hapdi at kirot. Pagkalipas ng ilang linggo sabi niya sa akin na hiwalay na daw sila ng boyfriend niya. Wala na ring nagexist na girlfriend. Tama nga talaga ang mga hinala ko. Siguro nagiisa lang talaga sila. Ayaw lang aminin ni Ramil kasi ayaw niya maakusahan ng sinungaling. Siguro natatakot lang siyang batikusin ko ang mga huwad na kwentong-gf niya. Hindi ko masyadong inintindi. Ayaw ko kasing umasa. Ayokong masaktan. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang mabasa ko ang mga text ng (ex) BF/GF niya sa telepono niya. Hindi si Ramil ang nakipaghiwalay. Iyon ang twist. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Matutuwa ba ako? Parang wala na akong emosyon.

Ganun din si Ramil. Pagkatapos nilang maghiwalay nung BF slash GF niya medyo nagbago na rin siya. Hindi ko alam kung napaparanoid na naman ako. Pero hindi na siya tulad ng dati. Muli kong inunawa si Ramil. So, nagpaka-superman na naman ako. Akala ko naman superhero na ko…Diyos ko! Ako lang pala ung lumilipad mag-isa.


--------------------------------------------------------


Palabas na sana ako ng Marquee, pero parang may pumigil muli sa mga paa ko. Muli akong hinila paakyat. Hindi ko alam kung bakit. Hinayaan kong maglakad ang malilikot kong mga paa. Muli kong ginalugad ang bawat sulok ng mall. Nagpalinga-linga ako sa bawat madaanan ko.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita ko si Ramil. May kasama. Dalawang bag ang bitbit niya. Yung bag niya at yung bag siguro ng kasama niya. Nakaakbay sa kanya ang lalaking kasabay niya maglakad. Masaya silang pareho. Nagbubulungan pa habang naglalakad. Mababakas mo sa kanila ang relasyon na kahit hindi aminin ay mahahalata mo. Nanghina ako bigla. Nag-flash back sa akin ang mga picture sa cellphone ni Ramil, ang mahiwagang pinsan. Nanginig ang tuhod ko. Tinungo ko ang sulok kung saan hindi nila ako makikita. Nag-tago. Naduwag akong bigla. Pinakiramdaman ang bawat tibok ng puso kong unti-unting nauupos. Pinagmasdan ko sila. Tiningnan ko ang mukha ng kasama niya. Kamukha niya si Coco Martin. Kumirot ang puso ko. Napakaliit ng mundo. Kanina lang katabi ko siya sa jeep. Hindi ko siya namukaan. Siya pala. Siya pala ang tunay na nagmamay-ari ng korona. Kung alam lang niya na isa siya sa mga dahilan ng mga luhang nasaksihan niya kanina. Kung malalaman lang niya na ang katabi niya kanina ay ang kabit ng asawa niya.

Pumatak ang luha sa kaliwa kong mata. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob upang lumabas mula sa pinagtataguan ko. Buong tapang akong naglakad papunta sa kanila. Kasabay ng kabog ng dibdib sinalubong ko ang “couple”. Nakita ako ni Ramil. Nagulat siya at nagpanggap na hindi niya ako napansin. Para akong hangin na lumagpas sa kanila. Sinubukan ko siyang nginitian ngunit parang na-stiff neck siya at sa isang anggulo lang nakatingin. Parang eksena sa pelikula. Nilingon ko sila, umasa akong lilingon din si Ramil. Pero pinanindigan niya ang pagpapanggap na isa siyang bulag.

Parang meteor shower na naglalaglagan ang mga luha ko. Magisa akong naglakad palabas ng Marquee mall. At kailangan ko nang sanayin muli ang sarili ko na wala na akong kasama.

(Putang-ina mo Ramil! Gago ka! Bakit mo ako ginaganito!?? Ano bang kasalanan ang nagawa ko sa’yo? Minahal kita ng sobra-sobra. Minahal kita ng buong puso ko nang wala kang kahati pero anong ginawa mo? Pinaasa mo lang ako. Nangako ka pa pero hindi mo naman pala kayang tuparin. Sana hindi ka na lang dumating sa buhay ko. Pinagsisisihan ko ang araw na pumayag akong makipagrelasyon sa’yo! Ginago mo lang ako! Napaka-suwapang mo!)

Hindi ko alam kung kanino ba ako galit. Kay Ramil ba o sa sarili ko? Desisyon ko naman ito simula pa lang. Tama bang pagsisihan ko ang mga desisyon ko kung alam ko namang kahit papaano ay naging maligaya ako dito?

Tinext ko siya, sabi ko:

Cnungaling ka! Npapagod na ako ng gani2. Nagagagguhan nlng tau!

Isang mensahe din ang natanggap ko mula sa kanya:

I dont want to argue anymore. Kung pagod ka ako dn. Ttapatin n kta nakiusap xa n mgusap kmi khpon at dko mtatangging mahal ko p dn xa. Alam mong mahal kita pero d lng plging tumtanggap. Dko akam kung dmo nkikita ang mga gngwa mo skin. Anyways, i want to give time for myself

Siguro nga kasalanan ko rin. Pero kung maiisip niya lang kung bakit nga ba ako nagiging paranoid. Kung bakit ako laging nagdududa. Kung bakit lagi ko siya sinusungitan. Nang mabasa ko ang text niya parang alam ko na rin kung sino ang pinili niya. Siguro masyado siyang na-pressure sa’kin. Siguro nga hindi talaga kami para sa isa’t-isa kasi simula pa lang mali na. Simula pa lang marami na ang natapakan. Si Rizza at si BF slash GF. Kaya naman kahit alam kong mahirap at isang drastic change ang magaganap, nagdesisyon akong bumitaw. Sa pagkakataong ito kailangan ko nang panindigan. Mahal na mahal na mahal ko siya pero kailangan kong ipamukha sa sarili ko na dapat mas mahalin ko si “Kieron”. Hindi ko alam kung saang bahagi ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano ako kikilos sa opisina lalo pa’t nasa iisang team lang kami.

“It's about time na ipakita mo sa kanya na kaya mo. Ano ngayon kung nasa iisang trabaho kayo? Go. Manindigan ka Kieron. If you want me, work for it. I have done my part, ikaw naman. Kung ‘di mo kaya, someone else will love me more than what you can do…”

Natauhan ako sa payo ng mga kaibigan ko. Learn when to stop. Kung mahal daw niya ako, hahabulin daw ako ni Ramil at itatama ang mali niya. Kung nagsasakripisyo na ako, dapat siya din Sabi nila para daw diabetes yung relasyon namin. Pinipilit gamutin hangga’t kaya, pero kapag nabubulok na, kailangan nang putulin para ‘di na makapaminsala pa.

“Sabihin mo sa kanya, Diabetis ka. Leche! I-aamputate na kita!”



--------------------------------------------------------


Lumipas ang isang buwan at napilitan akong mag-resign sa company kung saan ko nakilala si Ramil. Hindi siya ang dahilan ng resignation ko. Dumating na kasi ang visa ko palipad ng UK. Inaapura na ako ng kuya ko kaya kailangan ko na asikasuhin ang iba kong papeles. Simula noon wala na akong balita kay Ramil. May nakapagsabi sa akin na napromote na daw ito bilang Operations Manager sa iniwan kong kumpanya. Hindi rin nagtagal si Rizza. Pinagpatuloy niya ang tunay niyang career… ang pagiging nurse. Minsan nagtext siya sa akin at sinabi niyang alam na niya ang lahat. Wala talagang lihim na hindi nabubunyag. Tulad ko, mukhang nakapag-move on na rin siya.

Isang linggo bago ako lumabas ng bansa, muli kong nakasalubong si “Coco Martin” sa Marquee mall. Hindi niya kasama si Ramil. May iba siyang kasama. Nakaakbay sa kanya. Dalawang araw naman matapos ko makita si BF slash GF, nag-krus naman ang landas namin ni Ramil. Nakasabay ko siya sa jeep papuntang Angeles. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nanghina ang kalooban ko. Mahal ko parin siya. Hindi nagbabago. Minsan hindi mo matatakasan ang tunay mong nararamdaman, lalo na kapag nasa harapan mo na…Kaysa umuwi ka sa inyong may pagka-dismaya, eh ‘di harapin mo na lang siya… Sayang naman, hindi nabibili ang kaligayahan…

“kamusta na?” bungad niya

“heto, okay na ako…”

Natawa nalang din ako. Been there. Done that. Kakamove on ko lang. I'm whole again. Single pero buo. May dignidad. Hindi biktima. Masaya. Basta, kahit ganito tayo we deserve to be loved and treated fairly. Dapat tayong maniwala na we deserve good things. We won't settle for anything less than what we deserve. Do good. Be good. At may darating na goodies. Marami pang iba diyan na magmamahal sa’yo at gagawin kang nag-iisa sa mundo nila. Don't let yourself down. Maraming iba diyan na itatrato ka ng maayos. Believe in yourself. You deserve something better. At ‘pag naniwala ka dun, you'll have the guts.

“kunan muku number…nagpalit kasi ako ng SIM” sabay bigay ng numero niya sa’kin.

“isa lang?” pagtatakang tanong ko kay Ramil.

“Awa, metung nemu kasi ing cellphone ku ngeni…(ah oo, isa na lang din kasi cellphone ko) Hastle na kapag dalawa pa.”

Napangiti na lang ako sa sinabi niya.




END


Read more...

34 komento:

Anonymous,  March 27, 2010 at 6:15 PM  

Aydapu mo kapampangan ka pala... kalwat a panaun kung manenaya keng tutuki mung kwentu pero enaka megpost pa... eka bisa itanamung adwa? malwat nakuring mantun tune lugud kanaku aydapu ra alang magluwat hehe... ingat at more power tol! oyne roaming # ko 09296258987. Atyu ku kasi Saudi Arabia...

Anonymous,  March 28, 2010 at 7:36 PM  

this was a lovely read. kinda mirrors my life, though in my story, i play ramil, i guess.

it's never my intention to hurt the ones i love...

hay. kabolangan ku talaga.

lemmescrewu

shanejosh March 29, 2010 at 3:54 PM  

Tol aldo aldo lalon ke blogsite mu... ituluy me itang "Have you ever felt the same ne" Male mu potang minuli ku ulit ken next year mikit kata Marquee Mall hehehe... ingat ka palagi at enjoy your life to the fullest no matter what! GOD BLESS!

Unknown April 11, 2010 at 9:25 AM  

I read through everything, habang nka tugtog ang "Someday It's Gonna Make Sense" ng MLTR. Half way reading pa lang umagos na mga luha ko.. it's not the panloloko part ang masakit e.. yung feeling lang na akala mo you're giving everything to the right person.. ang hirap.. kelan ba matatapos ang ulan

Anonymous,  April 19, 2010 at 5:17 AM  

i love your story,ĂĽ hahaha, nakakaiyak..ĂĽ and s0brang martir ha. anyway thats life. kaya nga kpg nagmahal dont forget to leave s0me l0ve para sa sarili. nice talaga..ĂĽ

Sasarai May 23, 2010 at 9:41 PM  

Ayos ang kwento huh! Medyo tinamaan ako in some parts and it's realistic! Bangis mo! ^_^

Unknown May 27, 2010 at 10:55 PM  

Ang ganda...

"If it makes you happy, you must be
doing the right thing. If not, at least you’re happy.”

Minsan in your life kahit hindi mo alam kung tama ang ginagawa mo go ka lang ng go kasi dun ka masaya. Time comes na marerealize mo mali pala yung ginagawa mo and even though you're happy you need to let go of what makes you happy.


“Sabihin mo sa kanya, Diabetis ka. Leche! I-aamputate na kita!”
---Patulo na luha ko pero natawa ako bigla dito. Uber! ^^

Julian July 24, 2010 at 10:12 AM  

I'm glad you tried something different sa writing style. Yung stream of consciousness style never fails to surprise me - napaluha ako at na-intriga ako sa progress. Tsaka more realism ang nakuha ko ngayon sa story nato. I read Ako Si Destiny and I loved it and ang romanticist style will always win the hearts of the Filipino Demographic so I'm glad I read something new. Subscribe na ako sayo!!! heeheee - Julian

dirtyguy19 July 27, 2010 at 6:31 PM  

hayzt buhay nga nmn tlga... meron manloloko at meron nmn nagpapaloko.. pero ganyan tlga, kelangan muna pagdaanan ang mga ganyan saka tayo magigising sa katotohanan.. ika nga nila experience is the best teacher... pero bakit ganun, di tayo nadadala sa mga nangyayari.. kahit pa anong iwas natin na maulit, eh nauulit pa din...

nice one dude..

Anonymous,  August 17, 2010 at 9:52 PM  

PARANG KULANG YUNG KWENTO? PERO I AM VERY SATISFIED. AT YUNG IBA MONG LINES. THEY REALLY DID SOMETHING TO MY LIFE AND MY HEART :)

Anonymous,  August 24, 2010 at 1:49 AM  

feel good story! kudos! write more, write more, write more. you could be famous one day with your articles. you can have a compilation. you can have your own books sometime. keep it up! 2 thumbs up dude!

Anonymous,  August 28, 2010 at 11:02 AM  

Learn when to stop..........

those were the words that sruck, the best po kayo.... keep it up!!!

Anonymous,  November 21, 2010 at 9:33 AM  

very nice composition ...fiction yet very realistic even to the details...i like your style, different from other gay bloggers, you're really a gifted writer...continue writing!!!

Anonymous,  November 21, 2010 at 10:56 AM  

dapat tagpasin ulo ni ramil dahil pinag lalaruan nya damdamin ng mga tao.... alam nya kung ano pakiramdam ng nasasaktan pero ginagawa nya pa din yun sa iba

Anonymous,  February 9, 2011 at 5:36 AM  

ksi n realidad mga baliw tyo when we fall in love... it's not about me n, it's about him n.... lhat tungkol s kanya n.. kya nga in the end tyo din n umiiyak at naiiwang lugmok s pag-ibig...

TREB-Suth,  February 13, 2011 at 6:37 PM  

wow! what more can i say u have gotten every good and inspiring word from ur avid followers...

keep up the good work... ill be waiting for the next post... thank you...

hirap pala ng nkakasakit... :(

Anonymous,  March 22, 2011 at 6:24 AM  

paranoid din akong tao sobra... [yung tipong sabi nga nila, 'kulang n lng maging diksyunaryo k kasi lahat ng ginagawa niya, binibigyan m ng kahulugan']nakakarelate talga ako...

naiyak lng ako

Anonymous,  June 4, 2011 at 3:16 AM  

realistic ang approach, maganda ang fow ng story me nakakarelate at merong nadadala, that is a trait of a good writer kudos! (",)

-josh

dae-hyun,  June 15, 2011 at 9:33 PM  

hahaha!!! cabalen!
post more stories!!!
tiga angeles ka dba paul?
once nka PM na kita sa friendster and guys4men pa un. way back 2005 or 06.. i think.

love you paul! (i mean your stories) :)

readmymouth June 22, 2011 at 9:02 PM  

parang ako si ramil..pinagsishan ko na un...heheh...love your story paul!

Anonymous,  September 22, 2011 at 11:10 AM  

i love your story... nice.. =)

Anonymous,  October 9, 2011 at 3:18 PM  

may kakornehan din. boy to boy relationship kasi...bakit kaya may bakla? maganda ang story pag bakla ang bumasa....nice story

Anonymous,  October 10, 2011 at 2:44 PM  

love the story, maka relate ku,,king side ning pagiging tanga ahahah,, dakal pala kampangan keni neh,, more power..

Chace

luvlessbrainchild October 25, 2011 at 1:21 AM  

I worked at that call center you were refering to. Hmmmmm

Anonymous,  October 28, 2011 at 8:31 PM  

wow! ang ganda ng story. grabe!
ang daming twist. more power PK.
meron ba dito seryoso at matino na naghahanap o naghihintay ng makakarelasyon? ako oo, reply lang kayo.
taga AC ako

Anonymous,  November 19, 2011 at 1:35 PM  

WAGAS KA!

nagtrabaho rin ako sa teletech ng mga panahong yun. di ko alam baka nakakabungguan ko na pala si KEIRON.

Alam mong mambitin ne... ehe

Anyway. Keep up the good work, tol!

Mon

Anonymous,  December 7, 2011 at 12:40 AM  

wow, this is the second time that i read your story . . . ang galing though mejo mahaba . . . but it's all worth it . . . tulad ng mga twists ng stories marami rin akong naging experiences sa mga naging "close friends" ko to the point na pati sarili ko nakakalimutan ko na . . . but true, there will always be heartaches and pains and akala mo di ka na makakabangon after all the storms . . . pero time heals all wounds and pag dumating yung time na totally healed and nakapag move on ka na, matatawa ka na lang sa kagagahang ginawa mo . . . i love it . . . totoo sa lahat ng mga taong tulad nating nagtatago sa dilim heheheheheh . . . kudos

jio

Anonymous,  May 22, 2012 at 1:17 AM  

Grabe destiny talga gumawa paraan para mabasa ko to....actually same na same nangyari sa story at sa akin...ako si Keiron d2...ganyan ganyan ginawa panloloko sakin nung naging karelasyon/ d talaga naging kami....ang iba lang nag ka hulihan kami....yung bf nya nahuli na ka txt ako tapos ayun txt ako bf,.....nalaman ko lahat lahat sobra ako nagalit......nag give way ako..iniwan nya ko pinili nya bf nya...pero mapag laro tadhana...naging close kami ng bf nya hanggang na fall kami sa isat isa....hiniwalayan nung bf ya dati siya...d ko alam kung karma tawag dun..basta maha
Na mahal ko ang bf nya na bf ko na ngayun........gulo no....hehehe eniway tnx mr author ganda ng story sobrang tinamaan ako...tnx:)))

patryckjr June 8, 2012 at 12:42 PM  

paulkian....asan ka na..til now..still hoping ill be reading your good stories...

wyatt,  June 9, 2012 at 8:06 PM  

it hurts talaga,habang binabasa ko yung story nalulungkot ako na masaya.isa lang naman ang naiisip ko "life is too short,enjoy every single day"...mahirap maging iba...

Anonymous,  June 13, 2012 at 10:45 PM  

habang binabasa ko toh,naalala ko yung mga sinabi ng partner ko habang nakiki-pag hiwalay sya :(

poorprince,  July 1, 2012 at 12:35 AM  

kasanting a kwento makarelate ko.. keng kayabe ku ken work.. same thing.. pero nagugugluhan ako sa kanya, nun una sobrang sweet nya sakin aatad naku pa bale,. dyang malaut ya keng balen na... after a few moths kabud namun ena naku masyado pansin.. tas tin neng aatad a bbae. . dati sobrang sweet na kaku.. laging nagtatanong nun ok kumu.. tara date tayo.. sabay pa kami kumakain.. ngeni.. bala mu sala sa init sala sa lamig sya,. obvious naman dyang ena aminan alam ko may gusto sya sakin ang malansa din sya ... takot lang sya.. hay naku.,. deng lalaki pin naman....

Anonymous,  October 26, 2013 at 8:05 PM  

I love you baby

-YEL

Anonymous,  October 26, 2013 at 8:07 PM  

I love you baby

-YEL


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP