Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Tuesday, November 11, 2008

AKO si DESTINY (CHAPTER 11: “DEJA VU” )

"AKO SI DESTINY"
(a heart-warming love story)

By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


Sa kabila ng malamig na gabi, hinayaan mo akong hubad...
Ang init na isinalin mo sa akin, lahat pala ay huwad...
Alam ko hindi ka magiging akin, nagpapanggap lamang ang aking damdamin...
Subalit nais kong ibuhos ang pagkakataon, baka ang panaginip ay maging kahapon.

Wag ka na magtanong kung bakit, sa mata ng isang anghel hindi ka dapat maakit.
Baka dulot nito'y walang humpay na sakit.
Ramdam parin ang hagupit, kahit ako ay nakapikit.



CHAPTER 11: “DEJA VU”



Nadatnan kong nakaupo sa dulo sina Russel at Jerome. Magkasama pala ang dalawa. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumas
ok sa loob ng Mc Donalds. Hindi karamihan ang mga customer sa loob. Tamang timing. Ito na ang tamang panahon.

“Ah pasensiya na kung nakaistorbo yata ako sa inyong dalawa… pumunta lang ako dito para isauli itong wallet ni Russel.”

Halatang kanina pa nagkakainitan ang dalawa. Halos namumula na sa galit si Jerome.

“Sige sabihin mo sa kanya ang totoo Russel, sabihin mo na ngayon…ano pang hinihintay
mo!? Sabihin mo na kasi!” winika ni Jerome na halos pinipigilan ang pag-patak ng kanyang luha.

Mula sa pagkakaupo, tiningala ako ni Russel.

“Lance, I’m sorry…”

Bago pa man naituloy ni Russel ang kanyang sasambitin pinigilan ko na siya.

“Sssssh! Teka lang ha?! Utang na loob ‘wag mong ituloy ‘yan. ‘Wag na tayong mag-drama-drama dito sa mcdo!”

Tiningnan ko ng masama si Jerome at nagsimula akong nagpakawala ng maaanghang na salita. Mga salitang ilang oras ko ring inipon.

“Hindi na kailangan Russel. Alam ko na ang l
ahat! Alam ko na, si Jerome ang “girlfriend” na tinutukoy mo! Girlfriend pala huh? Ha! Ha! Napakagwapo pala ng “girlfriend” mo ha? Nice meeting you Jerome! Ginawa mo kong tanga! Ginawa ninyo akong gago! Pinaglaruan niyo ako!”

“Teka lang Lance, makinig ka muna…” sinubukan akong i-interrupt ni Russel ngunit ‘di ako nagpapigil.

“Letse Russel! Letse kayong dalawa! Ano masaya ka na Jerome?! Masaya ka na at nakikita mo na naman akong umiiyak!? Sige na, panalo ka na. Panalo ka na! Ch
ampion! Saksak mo sa baga mo yang boyfriend mo!” sabay tapon ng wallet ni Russel at mga pictures nila sa table.

“Lance please makinig ka…” pagmamakaawa sa akin ni Russel.

“At ikaw Russel!? Anong akala mo sa’kin? Manhid? Hindi marunong masaktan? Ano ako robot? Nasasaktan din naman ako ha? Umiiyak din naman ako. Nagmamahal din ako. Pero bakit ninyo ginagawa sa akin ‘to!? Wala akong kasalanan sa inyo! Kung tutuusin ka
yo pa ang may kasalanan sa akin 2 taon na ang nakakaraan. Hindi man lang kayo naawa sa akin?! Pinagtulungan niyo pa akong dalawa! Mga ganid kayo! Mga hayup!”

Tuluyan ko nang hindi napigilang umiyak. Humagulgol ako sa harap nila. Wala akong pakialam kung maraming tao ang makakita. Mga tsismosa sila! Sadyang naghahalo ang poot at sakit. Halos



maghalo din ang mga litratong inihagis ko at ang french fries sa table nila. Natikman ko muli ang hapdi ng nakaraan. Nakipag-join force pa sa hapdi ng kasalukuyan. Nanadya ang tadhana! Punyeta naman oh! Isa lang naman ang hangad ko ah? ‘yung may magmahal sa akin. ‘Yung masuklian din ang pagmamahal na ibinibigay ko. Lord? Akala ko ba si Russel na ‘yun? Diba binigay mo na ‘yung sign na hinihingi ko? Pero bakit ganito? Bakit pinamukha Mo pa sa akin?

Pinaghandaan ko talaga ang
paghaharap namin ni Russel. Kanina pa ako gigil na gigil na ipamukha sa kanya na katapusan na ng pang-gagago nila sa akin ni Jerome. At talaga nga namang may pa-bonus pa ang pagkakataon. Nandoon din si “girlfriend”. Talaga nga sigurong nakalaan ang gabing ito upang magka-harap-harap kaming tatlo.

“Tama na ‘yan Lance… nakakahiya maraming tao.” Sabi ni Russel habang iniuupo ako sa tabi niya.

“Bitawan mo ko!”

Center of attraction kami sa loob ng mcdo. Para silang nanonood ng shooting. Nakakahiya talaga dahil malakas ang boses ko. At malakas din ang loob ko nung mga oras na iyon. Giyera talaga ang hanap ko. Pinaghandaan ko ang paghaharap na ‘yon. Gusto ko kapag humarap ako kay Russel hindi ako magmumukhang kawawa. Kailangan matapang ako. Kaya naman bago ako umalis kanina sa dorm uminom muna ako ng 3 shot ng Generoso. Ang alak na natira at pinagsaluhan namin kagabi. Pampalakas ng loob. Pampalimot ng sakit.

Maya-maya lang ay lumapit ang lalaking manager ng mcdo sa amin kasama ang kanilang security guard.

“Sir may problema po ba dito?” mahinahong tanong ng manager.

“Ha letse! Wala kayong pakialam!” sigaw ko sa kanila sabay walk-out ng mcdo.

Nawindang lahat ng tao sa Mcdo. Wala na akong sinanto. At bago pa magkaroon ng riot umalis na ako. Naging mabilis ang mga sumunod na eksena. Narinig ko na lang na isnigaw ni Russel ang aking pangalan at si Jerome naman ang pangalan ni Russel.

“LANCE!”

“RUSSEL!!!”

Iniwan ko ang sumpa sa loob ng fastfood na iyon. Tumakbo ako ng tumakbo. Wala na akong pakialam kung masagasaan man ako at makaladkad ng mga jeep sa daan. Mamatay na kung mamamatay! Nakipag-patintero ako sa mga taong nakaksalubong ko. Napansin kong may humahabol sa akin sa likod. Si Russel. Mabilis na humahangos papunta sa akin. Para siyang isang boomerang na kahit ibato mo sa ere babalik at babablik pa rin sa iyo. Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo. Habulan kung habulan. Hindi niya ako dapat maabutan. Dahil kapag maabutan niya ako baka hindi ako makapag-pigil at masampal ko lang siya.

Mabilis akong tumatakbo. Hinahabol ako ni Russel na mas mabilis pa tumakbo kaysa sa akin. Walang humpay kaming naghabulan sa damuhan. Parang pamilyar sa akin ang eksenang ito. Parang nagyari na ito ha? Parang napanaginipan ko na ito dati. Basta ang alam ko kailangan kong tumakbo. Kailangan niya akong habulin. Ilang sandali pa't huminto na rin ako sa kakatakbo. Alam ko naabutan na niya ako. Hindi pa rin ako lumilingon. Parang pinapakiramdaman ang susunod na hakbang. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Russel. Niyakap niya ako. Kahit hindi ko makita ang mukha niya. Kahit nakatalikod ako sa kanya. Kahit walang kasiguraduhan. Nagpayakap ako sa kawalan.
Tinanggal ko ang kanyang kamay mula sa pagkakayakap niya sa akin. At muli akong tumakbo papalayo sa kanya. At hindi na niya ako sinundan pa. Tulad ng isang boomerang na hindi ko pagmamay-ari kahit bumalik pa ito ng ilang ulit kukunin at kukunin pa rin ito ng tunay na nagmamay-ari dito.

Natagpuan ko na lang ang aking sarili sa isang madilim na iskinita. Pawisan. Mukhang kawawa. Wala sa sarili. Wasted. Walang patutunguan. Na-realized ko na mukha na pala akong baliw na takbo ng takbo. Napagtanto ko na hindi pala dapat ako tumatakbo. Hindi ko pala dapat tinatakasan ang kasalukuyan maging ang aking nakaraan. Dahil sila ang mag-uugnay sa aking magandang kinabukasan. Nakaramdam ako ng bahagyang pananakit ng ulo. Gawa ‘yun siguro ng alak na nainom ko kanina. Nahiya ako sa sarili ko. Nahiya ako sa mga pinag-gagawa ko kanina sa mcdo. Parang hindi si Lance ang humarap sa kanila. Parang nasapian ako ng kung anong demonyo para bastusin pati ang manager ng mcdo. Wala ako sa katinuan. Hindi ko na rin kilala ang sarili ko. Muling pumatak ang aking mga luha. Habang naglalakad ako papauwi sa aking dorm patuloy ding umagos sa aking mga pisngi ang kalungkutan mula sa aking mga balintataw. Binaybay ko ang daan na ginalugad ni Russel maabutan lang ako. Hindi ko ma-imagine na ganito kalayo pala ang natakbo ko. Napakalayo ko na pala. Sinikap ko muling bumalik sa dorm. Tama na ang kahupaan at kailangan ko nang magpahinga mula sa pagkakalugmok.

Pagdating ko sa aking dorm una kong nilapitan ang aking salamin. Tiningnan ko ang aking mukha. Magang-maga na pala ang aking mga mata. Ako ba ‘to? Hindi naman ako ‘to ha? Tinungo ko ang banyo upang makapaghilamos. Baka sakaling matauhan ako at bumalik ang dating itsura ng aking mga mata. Muli akong bumalik sa harap ng salamin. Hindi talaga siya nagsisinungaling. Buti pa ang salamin hindi marunong magsinungaling. Laging nagsasabi ng totoo.

Hinanap ko ang cellphone ko. Naiwan ko pala siya dito sa dorm kanina bago ako sumugod ng mcdo. Kinalkal ko ang mga contacts. Binura ko ang numero ni Russel. Panahon na para ibasura lahat ng dapat ibasura. Sinilip ko ang nilalaman ng inbox ko. Muli kong nabasa ang huling text niya sa akin:

“mhl, sa mcdo nlng tau kta mya ha? Sbay na tau dinner…hatid ko lng 2ng c gf… miz u po! Lav u!”

“Sinungaling kang anghel ka!” tanging nasambit ko sabay bura ng huli niyang mensahe sa aking telepono.

Ito na siguro ang pinaka-perpektong halimbawa ng “isang linggong pag-ibig”. Ang bilis ng mga kaganapan sa buhay ko. Sa loob ng iilang araw ang daming nabago. At meron ding naglaho sa buhay ko. Sa loob ng ilang araw biglang nawasak ang nanahimik kong puso. Sa loob ng ilang araw nasira ang pinapangarap kong pag-ibig. At may pagtitiwala ring nawasak Maigi pang dinahan-dahan na lang kaysa biglaan. Mas mabuti pang unti-unti kong naramdaman ang sakit kaysa biglaan nila akong sinaksak at pinatay. Bakit may mga taong hindi makuntento? Dapat kung tutuusin masaya na silang dalawa, pero bakit napag-tripan pa nila akong guluhin? Ano bang purpose nito ha? Ang purpose ba nito ay para ipamukha sa akin na pagdating sa love wala akong ibubuga? Na pagdating sa putang inang love na’to wala akong laban? Eh tarantado pala sila eh! Matagal ko nang alam ‘yun! Hindi na kailangang ipamukha sa akin kasi matagal nang alam ng putang ina kong puso ‘yun!!! Wag silang magmarunong. Hindi sila ang Bathala!

Muli kong nakita ang rubick’s cube na iniregalo sa akin ni Jerome noong first monthsary namin. Ang rubick’s cube na kamakailan lang ay binuo ni Russel sa loob ng ilang segundo. Dahil nabuo na ito malalaman ko na rin ba ang tunay na halaga kung bakit sa akin iniregalo ito? Kaya pala ang sabi ni Jerome noon sa tuwing magpapaturo ako ng technique sa kanya sa pagbuo nito:

“kaya mo yan... Pagaralan mo na lang po.”

Kaya pala dahil sa panahong mabubuo na ito may aral din akong mapupulot. Sa katauhan ni Jerome. Sa katauhan ni Russel. Ang blokeng puzzle ng mga buhay namin ay magkakaugnay. Iba’t-ibang kulay ngunit magkaka-dugsong.

Ibinato ko sa pader ang rubick’s cube. Nagkalas-kalas ang bawat bloke nito at nagkalat sa sahig. Kasabay nun, unti-unting bumigay ang aking hinang-hinang katawan. Nawalan na ako ng malay at sa sahig na ako napahiga ng mahimbing. Busabos. Mukhang palaboy. Palaboy sa sarili kong tahanan. Sawi ang diwa. Hapo ang puso. Wasak ang utak.



---itutuloy

Read more...

10 komento:

PAULKIAN November 11, 2008 at 4:18 PM  

"Maybe I’m just not the one for you..."


salamat sa pinaghugutan ko ng emosyon para mabuo ang chapter na ito. Sa totoo lang, medyo nahirapan akong isulat ito... hindi ko alam kung bakit... sana magustuhan niyo kahit mukhang minadali.
maraming salamat din sa mga patuloy na nagbabasa at naniniwala kay Lance, Russel, at Jerome.
sa mga sumisilip at hindi nagcocomment ngunit patagong nagbabasa, kilala niyo na kung sino kayo... salamat po sa pagsubaybay sa kahupaang kwentong ito... ilang kabanata na lang tapos na ang katangahan ni Lance!

Anonymous,  April 3, 2009 at 12:28 AM  

sOo nice.

pilit kung bnabasa ang blog mu.
nauumagahan naaku.
haha

--
suri. wla aku google account o blogger acc. haha
fs/26970707

Mharc,  September 29, 2009 at 10:07 PM  

Kahit na minadali mo ito, nandito parin ung feelings. Talagang maganda ang mga sinusulat mo. Hindi nakakalimutan iyong mga gusto mo iportray. Nandito lahat ng elements. More power!

Anonymous,  July 4, 2010 at 5:19 PM  

ang ganda!...ang galing galing mo...more please...ang dami kong ntutunan sa mga stories mo...

foxytroxy July 22, 2010 at 1:48 PM  

Grabe! Damang-dama ko ang nararanasan ni Lance. Galing mo ring sumulat PK and the character's tone comes through the surface. Awesome job.

ugatbayo July 28, 2010 at 7:41 PM  

hay wawa naman ang ating bida at least isang linggo pa lang sya naging tanga di ba wag na i add ang 2 years hahahahahaha, i like yung una ang ganda ng linya ang galing,

Sa kabila ng malamig na gabi, hinayaan mo akong hubad...
Ang init na isinalin mo sa akin, lahat pala ay huwad...
Alam ko hindi ka magiging akin, nagpapanggap lamang ang aking damdamin...
Subalit nais kong ibuhos ang pagkakataon, baka ang panaginip ay maging kahapon.

Wag ka na magtanong kung bakit, sa mata ng isang anghel hindi ka dapat maakit.
Baka dulot nito'y walang humpay na sakit.
Ramdam parin ang hagupit, kahit ako ay nakapikit

san kaya pupulutin ang ating bida wag naman sa sahig ng dorm bwahahhahaha nice paul

edward February 10, 2011 at 1:33 PM  

Ang haba naman ng post mo. Muntik na akong makatulog.

Anonymous,  April 27, 2011 at 8:41 AM  

feeling ko tlaga TRUE STORY to hehe.. based on experience mo to no? pero kung mali lang ang kutob ko.. KUDOS!!! ang ganda ng flow ng istorya.. balak mo ba i-palimbag tong istorya mo? tulungan kita :)

Anonymous,  September 6, 2011 at 3:16 PM  

da best talga si idol PK....

Anonymous,  October 8, 2011 at 5:21 PM  

3am na i was trying my best to finish your story kahit na may pasok pa ako bukas, ewan somewhat nakaka relate ako,, thank you sayo, i am also learning..


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP