Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Tuesday, January 18, 2011

Have you ever felt the same? (CHAPTER 13: “REFLECTION”)

(AKO SI DESTINY 2)
Have you ever felt the same?
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


No government has the right to tell its citizens when or whom to love. The only queer people are those who don't love anybody.
---Rita Mae Brown
Speech, 28 August 1982



CHAPTER 13: “REFLECTION




Pinunasan ko ang aking luha. Nauumay na ako sa ganitong paulit-ulit na kaganapan sa buhay ko. Aasa. Mag-mamahal. Masasaktan. Madadapa. Babangon. Tapos magmamahal ulit, paaasahin ulit ang sarili tapos maba-basted. Sabi nila kapag hindi daw kayang ibalik ng pinagtapatan mo ang nararamdaman mo, basted nang matatawag iyon. Ngayon, kailangan ko ulit tumayo mula sa pagkakalugmok. Kukumbinsihin ulit ang sarili na hindi lang sa isang lalaki umiikot ang aking mundo. Napagtanto ko, kung gaano ako kabilis ma-inlove dapat ganun ko din kabilis ma-realize na marami pang iba diyan. 'Yung karapat-dapat sa pagmamahal na iaalay ko. Kaya naman hindi ko hinayaan ang sarili kong mag-lakad pauwi na lugami sa daan. Hindi ko pinabayaan ang isip kong humabi ng mga katanungang alam ko ang sagot ay makakasakit lang sa akin. Ngunit isang valid na tanong hindi nakaligtas sa mapang-dedma kong utak: love ba ito o infatuation?

Ako si Luis. Lahat ng nanaisin pipiliting abutin. Kapag may ginusto gagawan ng paraan. Kahit parang nawawalan ng pag-asa, hindi parin sumusuko hangga't may katiting na liwanag na nakikita sa dulo ng "tunnel". Ngunit kapag ang natitirang liwanag ay nakihalo at nilamon na sa dilim. Kusa kong itataas ang dalawang kamay kasabay ng pagwagayway ng puting watawat. Mula kay Lance, hanggang kay Russel tanggap ko ang aking pagkabigo.

Pagbaba ko sa subdivision namin, mas pinili kong mag-lakad pauwi ng bahay. Isa itong preparasyon upang hindi nila mahalata na may pinagdadaanan ako. Kailangan ko i-kundisyon ang aking sarili at magpanggap na okay lang ako at okay lang ang lahat. Pansamantala kong binahiran ng kalabuan ang transparent kong pagkatao. Kailangan paguwi ko hindi nila mahahalata. Kailangan masaya. Kailangan diretso. Kailangan walang luhang babagsak.

Naabutan ko ang tatay na abala sa kanyang paboritong hobby, ang pag-inom ng alak sa terasa. Si nanay naman ay nakaupo sa sofa habang kausap si Lara. Isang tipikal na eksenang lagi kong naabutan sa bahay. Nag-mano ako sa aking mga magulang. Hindi nila ako pinansin. Nakakapagtaka. Gayunpaman, maluwalhati parin akong nagtuloy-tuloy sa aking kwarto upang magpahinga. Tumingin ako sa salamin. Sinipat ko ang aking sarili. Walang pagbabago. Ganun parin.

Sabi nga nila darating ang panahon na mababasag din ang salamin na iniingatan mo. Ang salamin kung saan siya lang nakakakilala kung ano ka at sino ka. Ang salamin na na-ko-kopya ang iyong pag-katao. Kuhang-kuha ang bawat kilos, galaw, emosyon, at ekspresyon. Kapag nabasag iyon, dalawa lang ang pwedeng mangyari: ang masugatan ka ng pira-pirasong bubog o tuluyang tanggapin sa sarili na bukod sa isang salamin meron pang iba na pwedeng makakita ng tunay na "ikaw". Hindi lang kasi ang salamin ang repleksyon ng iyong pagkatao. Ang mga taong nasa paligid mo ay isa ring malaking salamin. Naniniwala ako na ang paligid ay isang impluwensiya. Ngunit kung ano ka ngayon iyon ay hindi dahil sa idinikta nila. Desisiyon mo yan at hindi mo nakopya sa salamin ng iba.

"Kuya?"

"Oh bakit?"

"Tawag ka nina tatay sa labas..."


Iba ang tono ni Lara. Malamig. Hindi maipaliwanag ang lamig ng tinig niyang halos tumalbog sa pinto papunta sa mga pader ng aking silid. Kaya naman nagmadali akong nagbihis upang humarap sa aking pamilya. Wala akong kahit na isang ideya kung bakit nila ako gustong makausap. Nag-assume ako. Siguro may hindi na naman sila pag-kakaunawaang mag-asawa. Ganun lagi ang senaryo kapag meron silang alitan. Tulad ng nakagisnan, ako ang nagsisilbi nilang tagapamagitan. At ang ending, magkakaayos din naman. Paulit-ulit na lang. Nakakainis.

Minsan kailangan mong harapin ang isang bagay na paulit-ulit na lang nangyayari.

"Bakit nay?"

"Gusto ko marinig mula sa'yo anak..."

Pero akala natin ang paulit-ulit na kaganapan ang inaasahan nating mangyayari. Ngunit ang totoo may mas malalim pa.

"ang alin?" tugon ko sa kanya.

"Totoo ba anak?"

Minsan may mga bagay tayong hindi maintindihan ng isang upuan lang. Pero pilit na ipapaintindi sa'yo sa ibang paraan. Tiningnan ko si Lara. Umiwas siya ng tingin sa akin. Tumayo siya at pumasok sa kanyang kwarto. Naiwan kaming dalawa ni nanay sa sofa. Si tatay ay patuloy sa kanyang hobby sa terasa. Walang imik.

"Anong meron sa inyo ni Russel anak? Nakita ko kayo ni Russel kaninang umaga"

Napahinto ako sa tanong ng nanay. Bakit si Russel ang subject ng usapang ito? Sa isang binitawang tanong ni inay at sa hindi maipaliwanag na mga reaksyon nila parang natumbok ko na kung ano ang nais nilang malaman. Napa-shit na lang ako sa isip nang maalala kong nakalimutan ko pa lang mag-lock ng pinto nung natulog kami kagabi. Kaya pala kakaiba si nanay kanina. Mas malamig pa sa tinig ni Lara. Malamang nasilayan nila ang hubu't-hubad naming katawang mag-kayakap.

Minsan kailangan nating mag-kunwari upang pagtakpan ang mga bagay na hindi pa handang harapin.

"Ano pong problema nay?"

"Ikaw anak? Anong problema mo? Pinalaki ka namin ng tatay mong may takot sa Ama... Nagkulang ba kami sa'yo bilang mga magulang mo?"

Nabasag ang kanina pang iniingatang emosyon ni inay. Tumulo nang walang patid ang kanyang mga luha. Hindi ko inaasahan na ganito ang sasalubong sa akin. Mabilis parin ang pintig ng puso ko. Kinakabahan sa mga susunod na mangyayari.

"Sabihin mo sa'min ng tatay mo anak? Bakit ka nagkakaganyan? May nagawa ba kaming mali sa pagpapalaki namin sa'yo?"

Hindi ko lubusang maisip na aabot kami sa ganito. Masayahin si nanay. Sobrang masayahin. Palabiro in si tatay. Pero bakit sa puntong ito, kabaligtaran ang mga pinapakita nila. Bakit taliwas lahat sa pag-aakala ko.

"Mahal na mahal ka amin anak, ayaw ka namin mapariwara. Ayaw naming lumihis ang landasin mo... Ano na lang ang sasabihin ng mga kapatid natin sa..."

At minsan kailangan mong yakapin ang tunay na ikaw at ipagtanggol ang desisyong ilang taon mo ring ikinahiya.

"Bakit ba sila na lang lagi ang iniisip niyo? Lagi kayong nagaalala sa mga sasabihin nila. Eh ano naman ngayon kung bakla ako? Ititiwalag nila ako?"

Lalong nanginig sa kakaiyak si nanay. Hudyat nun naramdaman ko ang dugong umagos pataas ng ulo ko. Nananatiling tahimik ang aking ama. Sadyang nakikiramdam at nakikinig sa usapan naming mag-ina.

"Hindi ganyan ang pagpapalaki namin sa'yo Luis, hindi ganyan ang pinangrap namin sa'yo ng tatay mo..."

"Bakit ginusto ko bang maging ganito? Mapipigilan ko bang mahalin ang kapawa ko lalake? Hindi niyo alam kung gaano kahirap nay..."

Nalaglag ang hawak na baso ni tatay. Nabasag iyon sa sahig na de tiles. Mabilis siyang pumasok sa loob. Parang lintik na umarangkada pasulong ng sala. Nagulat ako sa kinilos niyang kakaiba. Nakakatakot. Maling bumalik ang ala-ala ko nung bata kung saan ginulpi niya ako matapos niyang mahuling naglalaro ako ng manika.

Kinuwelyuhan niya ako at hinatak patayo. Pinasandal sa pader malapit sa nakasabit na salamin. Halos masakal na ako sa komosyong ginawa niya. Gigil na gigil siya sa akin. Nararamdaman ko ano mang oras, may masabi lang akong hindi maganda, mababasag ang mukha ko sa galit na galit niyang kamao.

Si nanay, ayun reyna ng drama. Walang tigil sa pag-iyak. Tinakpan niyang kanyang dalawang palad ang kanyang mga mukha. Hindi ko alam kung bakit. Ayaw niya ba akong makitang pagbuhatan ng kamay ni itay o ayaw niya lang magpakita na ayaw tumigil ng luha niya sa pag-agos?

"Tarantado kang hayop ka, Ano? Mag-babakla ka?!!!"

Dumagundong ang mga salitang iyon. Manhid ang buo kong katawan. Nung mga oras na iyon parang wala akong reaksyon.

Napalabas si Lara sa kanyang silid. Inawat niya si tatay na halos katayin na ako. Parang walang naririnig ang lasennggo kong ama. Hindi rin natitinag mula sa pagkakaupo ang iyakin kong ina.

"Hindi niyo nararamdaman kung ano ang nararamdaman ko, kaya utang na loob, 'wag kayong magsalita na akala niyo alam niyo ang lahat!!!"

"Kuya tama na wag ka na magsalita..." saway ni Lara.

"Punyeta ka!"

Iyan ang huling kataga na binitiwan ni tatay. Pagkatapos nun lumapag sa pisngi ko ang isang makapangyarihang sampal na sa buong buhay ko ay ngayon ko lang natikman. Huminto siya ng ilang segundo. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Hindi siya sa akin nakatingin. Halos lamunin ng kanyang matatalim na mata ang salamin sa tabi ko. Siguro nakita niya ang sarili niya. At kung makapagsasalita lang ang repleksyon ng salamin baka sinabihan siya na walang perpekto sa bahay na ito. Lasenggo siya, bakla ako. Patas ang laban. Bumuwelo siya. Hindi niya ako magawang suntukin sa mukha, kaya naman ang salamin sa pader ang napagtuunan niya pansin. Nag-iba ang timpla ng kanyang emosyon nang makaramdam siya ng hapdi at nang makita niyang umagos na ang dugo sa ugatan niyang kamao. Takot ako sa dugo. Ngunit hindi ako natatakot sa kanya. Buong puwersa kong inalis ang kaliwang kamay niyang halos isakal na sa akin. Dahan-dahan akong umalis papasok ng aking silid. Manhid. Walang pakiramdam. Walang nararamdaman.

Malinaw ang lahat. Hindi nila ako tanggap. Hindi nila matanggap na ang kaisa-isang anak nila na lalaki ay isang bakla. Akala ko walang kaso sa kanila. Akala na naman.

Lumabas ako ng kwartong bitbit ang isang backpack. Galit ang iniwan ko sa bahay. Tiningnan ko silang tatlo na puno ng hinagpis. Masasalamin naman sa mukha ng nanay ang dissapointment, takot mula sa mukha ni Lara at hindi maipaliwanag na ekspresyon mula sa aking ama. Walang kahit isa sa kanila ang pumigil sa akin. At hindi na ako sumubok na lumingon pa.





ITUTULOY

(Ikaw? Alam na ba ng family mo? Paano kapag nalaman nila? Handa ka ba?---PK)


NEXT: CHAPTER 14: "MAZE"

Read more...

8 komento:

Anonymous,  January 18, 2011 at 2:30 PM  

Tol i really admire this chapter of your story..... Sakin diman matanggap ng magulang o pamilya ko dina kaso sakin yun naging ganito ako dahil ako ito o ginusto ko to.... discreet ako at yun ang gusto ko hindi yung naglaladlad kumbaga sakin lang naman ay dapat nasa tamang lugar o kilos ka.... bastat masaya at wala kang ibang naapakang pagkatao ng iba or sakto lang ika nga!

Dakal salamat keng kwentu mu lapit naku pamong muli kanyan kekatamu ken at eku balu nanung malyari o nokarin ku tutuking miras o maglakbe keng puntu ning biye ku ngeni sobrang lungkot at ing tawli kung liguran likwan at tinabi naku pero angga ngeni kaluguran keparin.... masakit sobra kikiyak nakumu potang ekuna agyu pero kagising kung abak oyta panibayung aldo na naman arapan ku eku balu pero dadalan kunamu keng imahinasyon na masaya at atin kung kaluguran..... pakisabi kung mayap kareng kalupa tamu alang susuku at magpatuluy keng biye nanumang malyari!

Ingat at GOD BLESS!


-shanejosh-

Oel January 18, 2011 at 7:10 PM  

haays..ako di ko pa alam paano ko i explain..sa family ko i know they will understand..

pero syempre mahirap sa mga schoolmate ko nung high school mga dating kaibigan,,..

siguro..come what may nalang//..ala naman akong magagawa...


ganda ng chapter na to..sulit yung paghihintay ko..


god bless author at sa lahat

Anonymous,  January 18, 2011 at 8:26 PM  

Thanks Paul...tagal ko hinintay ang chapter na'to....di parin ako magsasawa maghintay ng next chapter mo. Sana makita kita ng personal ng makapag share din ako ng "THE STORY OF MY LIFE"

uno January 18, 2011 at 9:22 PM  

may kanya kanya tayong paraan ng pagtanggap... may stages yan... ,maaring s auna hindi nila matanggap but give them time... wag pilitin just be whatever makes you happy... makikita din nila ung happiness mo someday...

treb-comcast,  January 29, 2011 at 12:52 PM  

hi PK,


damn! this is the best chapter!
i must assume that i am affected by this story however this is the story of almost everybody..

i started dating when i was 16 and i turned 18 i bought one of my bfs at home and my mom accepted him very well.. after that, almost all of the next bfs were known by my mom. she would sometimes say that one is better than the other and sometimes advises me to break up with the former.. im blessed and lucj tohave a very young and cool mom.

One thing i would like to share is when my mom cried for one whole day when i decided to break up with her best bet for me. she even asked me to go back and settle down with my ex because this ex is so kind (daw)and all of those good stuff.. i realized that day that somehow kahit bakla tau andun pa rin point na ung magulang natin (na natanggap na tau) would have to say kung sinu tingin nila ang best para sa atin...

that day i felt im just like a normal being, being cared for. :)

treb-comcast

Anonymous,  January 29, 2011 at 6:52 PM  

Paul,

Another Very impressive post.. kaabang abang at kapanapanabik talaga ang posts mo...

naalala ko tuloy nugn first time ako bumisita sa page mo...

noon... may nararamdaman na ako... hindi ko lang talga tanggap... sinusubukang intindihin ang mga bagay bagay... hanggang sa natapos ko ang "Ako si Destiny 1" isang bagay na nagpamukha sa akin na hindi kasalanan ang maging kakaiba... ang tanggapin na iba tayo sa normal at sa nakasanayan...

Post mo ang nagtulak sa akin na kumawala sa hawlang pinagkulungan ko ng sarili ko... mga salita mo ang nag udyok sa akin na hindi masamamang subukan ang bagay bagay dahil sa iyon ang nararamdaman mo... huwag mong pagkaitan ang sarili mo na hanapin ang kaligayahang hinahanap mo...

All the best... Bro...

- Paulo C..

Anonymous,  February 2, 2011 at 6:47 AM  

HI PK,

i really admire your stories..lahat ng kwento mo may kurot sa aking puso..lalo na etong chapter..i remember my childhood days when i was beaten by my father 'coz of me being 'gay..now that he's older he eventually accepted me for who am i..mahirap magpanggap..itago ang mga bagay lalo na ang pagkatao mo dahil sa takot na panghhusga ng mga tao..to be honest, i can hardly open up to anyone that i'm gat..hope someday..i'll have the courage to show to the public who really am i..



--AL--

Anonymous,  May 21, 2012 at 9:33 PM  

Sana datang ne ing tune a lugud keka talaga. Para maging masaya ne ing gising mu bawat abak.


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP