Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Tuesday, November 11, 2008

AKO si DESTINY (CHAPTER 7: "EYEBALL")

"AKO SI DESTINY"
(a heart-warming love story)

By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


I’m going to smile and make you think I’m happy, I’m going to laugh, so you don’t see me cry, I’m going to let you go in style, and even if it kills me- I’m going to smile.



CHAPTER 7: EYEBALL


Kung matututo lang tayong bumiyahe ng hindi kinakailangang mag-pay attention sa batas trapiko, siguro swabe ang buhay-buhay. Kung maari lang bang huwag indahin ang bawat lubak na madadaanan mo. Ngunit sadyang parte iyon ng biyaheng tinatahak natin sa araw-araw. Minsan tayo rin ang pumipili ng daan. Kung malubak man o sementado. Kung dun tayo sa short-cut o sa tamang highway. Parang si kuya driver ng van. Mas pinili niyang dumaan sa short-cut kasi nga naman mas mabilis at walang trapik. Kaunti ang mga sasakyang makakasagupa namin. Iwas disgrasya. Tipid gasolina. Ngunit hindi niya iniisip na may mga nakaamba paring panagnib. Ang bangin na aming madadaanan. Ang madudulas at mapuputik na daanan. Ang tulay, na maaring maging tulay sa kamatayan. At pababa at pataas na daanan. Pero dahil matinik na driver si kuya, walang problema. As long as na maingat si kuya driver, walang dapat ipagalala. Kaya naman kampante ang grupo.

Parang roadtrip din ang ambiance sa loob ng van. Medyo mahaba-haba rin kasi ang bubunuin namin. Medyo may kalayuan ang Batangas mula sa GMA, Cavite. Kung hindi ako nagkakamali, may humigit kumulang 2 oras ang biyahe. Depende pa yun kung mabilis ang sasakyan o hindi trapik sa daan. Buti na lang maabilidad si kuya driver kaya naniniwala akong sakto sa oras kaming makakarating sa Apacible. Probinsyang-probinsya! Nakakaexcite!

Tualad ng nakagawian sa bandang likod kami umupo ni Jhen. Mas komportable kasi kapag nasa likod. Tipong parang solo mo ang mundong ibabaw. Parang pagmamay-ari ko ang van. Puwedeng humilata, magataas ng paa, magharutan, at marami pang ibang kalokohan. Napansin kong nakataas pa rin ang kilay ni Jhen habang halos tunawin niya ako sa pagkakatitig ng masama sa akin. Nahipan na yata ng masamang hangin ang friend ko. Kawawa naman.

“ano yan?”tanong ni Jennifer.

“alin?” tanong din ang aking sagot.

“iyang buhok mo!??”

“Bakit? Ngayon ka lang ba nakakita ng taong naka-wax ang buhok?!” sabay pose na parang pang-gatsby model ang binanat ko.

“alam ko nakawax ka gaga! Pero bakit naman ganyan ang hairstyle mo? Mukhang pugad ng ibon!”

“Sige lang, sabihin mo lang ang gusto mong sabihin. Basta masaya ako ngayon!”

“TALAGA LANG HUH!?” bulalas ng kaibigan kong chenadora.

“Aba’y oo naman… alam mo ba nagbigay na naman si Destiny ng libro…”

“Si Destiny na naman?! Haaay nako Lawrencio! Hindi ako magtataka isang araw pasyente na kita sa mental dahil psychotic ka na kakadestistiny mo!”

Tama si Jhen. Tamang-tama! Pero nginitian ko lang siya. Matigas ang ulo ko eh. Pinaramdam ko sa kanya na busilak ang nararamdaman kong kaligayahan nung mga sandaling iyon. Kesehodang sabihin niyang mukha akong sari-manok dahil sa heirdo ko, wala ulit akong pakialam. Kahit magkaroon pa ako ng mga symptoms ng pagiging schizophrenic. Hindi naman sila o siya ang magmumukhang manok. Hindi naman sila ang masisiraan ng bait. Inlove kasi eh. Ganyan talaga ang mga umiibig. Nalalason ang mga pananaw at isip. Nagiging wirdo ang buhok at nagiging insensitive. Mas pinili kong makipagkwentuhan sa katahimikan at musika. Katambal ko ang earphone ng MP4, pinagnilayan ko ang biyahe papuntang Batangas. Napagod na rin kakalait ang puta-puta kong bestfriend, na hindi ko ma-imagine kung bakit ko nga ba naging bestfriend. Hindi siya nagwagi sa pangaasar niya kaya natulog na lang ang gaga. Wala rin akong balak ikuwento sa kanya ang mga kaganapan sa pagitan namin ni papa Russel. Alam niyo naman si Jennifer. Laging pessimistic pagdating sa lovelife ko. Ayaw kong makarinig ng kung anu-anong litanya mula sa kanya. Hindi naman ako nainlove para masermunan lang. Ayaw kong mapangunahan ng mga babala para lagi akong magingat. Gusto kong maging smooth sailing ang lahat. Tipong sarili ko lang ang aking sinusunod. Sariling pananaw. Sariling diskarte. Para kapag nagkaaberya na, (if ever man pero wag naman sana) walang maninisi. Wala akong maririnig na: “Ikaw kasi eh… hindi ako nagkulang…”

Sinamantala ko ang bawat yugto ng pagkakataon.tamang-tama rin ang ilang oras na biyahe para makapagisip-isip. Tinanong ko ang sarili ko: “Handa na ba akonong magmahal muli?” isang tanong na hindi ko parin masagot ng oo. Pero siguro lang ang kayang ibigay ng aking puso. Siguro nga handa na ako. Siguro nga this is the right time. Siguro. Lagging hindi sigurado.

Naalala ko si Russel. Kung maari lang bang halukayin na parang lupa ang buo niyang pagkatao, noon ko pa ginawa. Straight ba talaga siya? Tipong straight na tripper o in- denial? O baka naman pang-front niya lang si girlfriend pero ang totooay miyembro din siya ng asosasyon? Teka, girlfriend nga ba o baka naman boyfriend? O baka ngayon lang niya talaga naramdaman na kauri ko siya. Baka pinipigilan niya dati na maging bisexual pero dumating ang point na sumabog na ang nararamdaman niya at hindi na nakapagpigil pa? at ako ang dahilan para umapaw ang pinakatagu-tago niyang lihim. Baka nga naman straight talaga siya? Isang tuwid na nabihag ng isang baluktot na tulad ko. Para lang yan yung pananaw ko pagdating sa ganitong mga aspeto. Ang kabadingan ay maihahalintulad sa Science, (na maraming branches tulad ng physics, biology, chemistry, at marami pang ibang nagpadugo ng ilong natin.) marami ring sanga ang pagiging bakla. Kahit ano pang itawag diyan, under pa rin yan ng iisang umbrella which is homosexuality. Kaya naman ganun na lang din ang mga pumapasok sa isip kong lito. Ang daming puwedeng maging spekulasyon. Ang daming puwedeng gawing konklusyon. Pero para sa akin, ang mahalaga nagging totooo siya sa nararamdaman niya. Ang magmahal ng kapwa lalaki. Kahit na parang tagilid sa pananaw ng nakakarami.

Bilib ako sa mga taong ganun. Tulad ni Jerome dati na halos ipagtabuyan ng kanyang ama nang malamang nagboboyfriend ang panaganay nilang anak. Imagine, hinarap niya ang buong pamilya niya, mga kamag-anakan, at mga pininsan nung kapanahunan ng reunion nila para aminin ang totoo. Halos ikahiya siya ng mga magulang niya. Aktibo kasi sa INC ang mommy at daddy ni Jerome, kaya naman para sa kanila isang kahihiyan ang pagkatao ng anak nila. Naaalala ko pa nga, halos gumuho ang mundo ni Jerome. Ako ang nagiisa at unang-una tinakbuhan niya sa oras ng mga rebelasyon sa kanyang pagkatao.

“Paninindigan ko na ‘to Lance… hindi ko pinagsisisihan na pinili kong maging ganito…”

Matapang si Jerome. Kung sa akin siguro nangyari yun baka hindi ko kayanin. Pinahanga niya ako sa mga prinsipyo niya sa buhay. Sa kanya ko natutunan na walang dapat pinagsisisishan sa mga bagay na napagdesisyunan mo. Kung pagsisisihan mo rin lang, dapat wag ka na magdecide kapag ganun. Sa kanya ko natutunan na maging matatag. Tumapang ako dahil kay Jerome. Inner courage kumbaga. Kahit nung iniwan niya ako, napakarami ko paring napulot na aral mula sa kanya. At patuloy kong ginagamit iyon sa kasalukuyan.

Ang bilis ng biyahe. Halatang propesyunal ang driver ng van namin ngayon. Natanaw ko na ang Casino Filipino. Nandito na pala kami sa Tagaytay. Ang lugar ng mga buko pie at espasol! Ang mga pine trees, ang view ng taal volcano, ang mga tindang bulaklak sa gilid ng daan, mga naglalakihang mga bahay na lagi kong pinapangarap. Lahat ng iyan ay bumusog sa puyat kong mga mata. Nakakarelax pagmasdan. Nais ko pa sanang buksan ng bahagya ang bintana upang malanghapang malamig na simoy ng hangin pero mukhang naka-child lock ang bintana sa tabi ko. At saka malakas din naman ang aircon sa van, kaya wag na lang. nagsuggest ang isa sa mga dominante kong kagrupo na magstop-over muna sa Mcdo upang makapagtake-out ng makakain. Mabait si kuya driver atpinagbigyan ang kanyang suhestiyon. Marami din kasi ang hindi pa nagaalmusal at isa ako dun. Ito ang isa sa mga advantages kapag walang C.I sa paligid. Kapag may techer, bantay sarado kami malamang. Depende na lang kung matakaw talaga yung C.I., tiyak kahit oras-oras mag-mcdo walang kaso sa kanya.

“Hoy Jhen! Gising na diyan… halina’t magtake-out sa mcdo!”

“Oh sige susunod ako…” parang lasing na sagot ni Jhen habang tinataboy ako papalabas ng van.

Nagtuloy-tuloy ako sa loob ng mcdo. Hinayaan ko ang kaibigan kong magtumulog sa van. Puyat na naman siguro. Baka dumuty din kagabi kasama ang boyfriend niya. Sosyal ang mcdo sa Tagaytay. Maraming turista ang kumakain kahit maaga pa. may mga foreigner, mga estudyante, at mga residente rin sa karatig pook. Nakakamangha rin an gang mga naggwa-gwapuhan at nag-gagandahan nilang mga service crew. Panghatak customer talaga. Kahit mahaba ang pila mas pinili kong pumila sa pangatlong counter. Gwapito kasi ang crew doon na kamukha pa ni Alfred Vargas. Apat na tao pa ang nakapila bago ako mapagsilbihan ni Alfred, kaya naman nagmuni-muni muna ako. Palinga-linga sa paligid. Iniisip kung ano nga ba ang oorderin ko. .

“puwede po bang makuha ang number nila?”

Isang pamilyar na boses ang aking narinig. Tinig mula sa nakaraan. Dalawang taon ang aking binuno upang makabisado ang boses na iyon. Kahit saang lupalop ko marinig ang mahiwagang tinig, hinding-hindi ako magkakamali. Narerecognize pa rin ito ng puso ko. Sa tuwing aalingaw-ngaw iyon nangingilid ang luha ko. Sa tuwing mamumutawi ang tinig ng nakaraan, muli akong tumutiklop sa aking kinaroroonan. Ngunit nung mga sandaling iyon mukhang isang normal na boses lamang ang aking natunghayan. Parang hindi na ganoon katindi ang impact sa akin. Inantay kong muli marinig ang tinig. Magbabakasakali akong maramdaman muli ang dapat na maramdaman. Wala paring dating. Walang spark. Walang kuryente. Inantay kong marinig muli ang kanyang tinig bago ko kumpirmahin ang mukha sa likod nito.

“ay, suplado na ha?!”

Tumpak! Siya nga! Hindi ako pupwedeng magkamali. Ang mga ganung banat! Ang mga ganung intonasyon! Si Jerome yun! Nilingon ko siya kaagad ng walang alinlangan. Taas noo akong humarap sa hamon ng nakaraan. Hinarap ko si x. buong pugay kong pinakita sa kanya na heto, buhay pa rin ako ako pagkatapos niya akong iwang duguan. Duguan at walang kalaban-laban. Walang malay.

“oh ikaw pala yan?” initial reaction ng mga x.

“akala ko hindi mo na ako lilingunin eh… anung ginagawa mo dito?”

(aba! Siyempre oorder!)

“may duty kasi kami sa Batangas, dumaan muna kami ditto para magtake-out… ikaw ba ba’t nandito ka?”

“ah eh, may ka-meet lang ako…”

“aaah I see…”

“ang gwapo mo ngayon ha?!”

(Bute naman at napansin mo!)

“gwapo?! Hindi naman kaya…”

Wala pa rin pinagbago si Jerome. Sasabihin niya parin ang gusto niyang sabihin. Wala siyang pakialam kahit maraming tao ang nakakarinig. Nung mga sandaling iyon, wala akong naramdamang kaba. Walang negatibong aura ang bumalot sa aking katawan. Wala ring positibong enerhiya ang kumawala. Plain na reaksyon lang. Senyales yata ito na okey na ako. Ito na yata ang hudyat na maaari na akong magmahal muli dahil hindi na ako bitter sa nakaraan ko. Maraming mga sawi sa pagibig ang nahihirapang humingi ng sign kung kailan ang nararapat na panahon para muling patibukin ang minsan nang napagod nilang puso. Para sa akin, ang tamang sign na hinihingi mo ay ang kakaibang “feeling” dapat mong maramdaman. Ikaw mismo ang makakasense nun. Nung mga sandaling iyon biglang nabigyan ng kasagutan lahat-lahat. Naging automatic sa akin ang bawat galaw. Naging detalyado sa bawat salitang binibitawan. Naging wise. Naging palaban. Tinapatan ko ng matamis na ngiti ang smile ni Jerome. Sadyang pinaramdam at ipinakita ko sa kanya ang kaligayahan sa puso ko. Ngayon lang ako makakabawi. Ngayon lang ako makakaganti. Sa aming muling pagkikita, dapat niyang malaman na nakarecover na ako. Sa aming muling pagkikita, dapat ako ang magwagi. At hindi ako nabigo. Panalo na ako sa round na ito. Hindi ako nagmukhang kawawa. Hindi ako nagmukhang binusabos sa harap niya.

Bakit ba mahalaga para sa akin ang manalo? Bakit ayaw nating nagpapatalo pagdating sa love? Bakit ba kapag feelings na ang pinaguusapan kaakibat palagi ang pride? Ito ba ang umiiral sa akin ngayon? Isang pride o isang katotohanan na hindi na talaga tulad ng dati ang lahat? Hindi natin dapat lokohin ang sarili natin sa isang bagay na hindi naman natin nararamdaman. Hindi mo kailangang magpanggap para lang masabi na okey ang lahat. Parang ganito lang yan eh: “learn from yesterday, live for today, and hope for tomorrow…”

“sir welcome po sa mc donalds ano po ang order nila?”

Pinutol ni Alfred Vargas ang sandali namin ni Jerome. Ako na pala ang oorder. Masyado yata akong nalibang sa pakikipagtagisan ng kaligayahan sa aking nakaraan. Kaligayahang minsan niyang binigay sa akin. Isang kaligayahang bigla rin niyang binawi ng walang paalam. Ninakawan ka ng pagkakataong ayusin ang kung ano man ang kulang o mali.

Wala kang kalaban-laban, tinulak sa sa kawalan. Mag-isa. Walang kasama.

“isang burger… saka mc flurry… saka iced tea… take-out yan ha?”

Sinadya kong hindi umorder ng French fries. Kasama yun sa eksena. Tiniis ko, kahit takam na takam ako sa mga bagong luto na fries. Kailangan eh. Tahimik na pag-ganti ang strategy ko. Alam ko magiging masakit sa kanya kapag nakita niyang hindi na kasama ang fries sa mga pangunahin at paborito kong orderin. At katulad ng piniritong patatas, kinalimutan ko na rin siya (kunyari).

“Oh? Mukhang nakalimutan mo yatang umorder ng fries?” bulong ni Jerome sa likod ko habang mabilis na inaayos ng counter ang mga pagkaing inorder ko.

(oh loko! At nahulog ka sa bitag…)

“ayaw ko na ng fries eh… huling kain ko nun nagkaroon ako ng acute gastroenteritis…”

“ah ganun ba…”

Oh diba? Sige, subukan niyang kumuha ngayon ng medical dictionary at hanapin ang ibig sabihin at mga causes ng acute gastroenteritis. Dedma lang ang gago, pero alam ko nasaktan siya sa mga sinabi ko. Kahit papaano pinakirot ko ang masaya niyang puso na laging nagmamayabang. Okey na yun. Sa puntong ito nais kong humalakhak ng malakas. Tapos, papalakpak na parang kontrabida sa mga teleserye. Bago ako nagpaalam ng tuluyan sa nakaraan, pinabaunan ko siya ng isang matamis at mapanghamak na ngiti. Sapat nay un. Kuntento na ako. Sa pagtalikod ko hindi na ako lumingon. Paglabas ko ng mcdo, inaantay kong may sumigaw ng: “and the winner is…” Nais ko ring mag-bow dahil sa eksena at sa mga linyang binitawan ko. At sa mga sandaling iyon naramdaman ko ang 100 puntos na lamang ko kay Jerome. Sapat na talaga yun. Panalo ako sa round na ito! At hindi na ako magpapatalo muli.




---itutuloy…



NEXT CHAPTER--- CLICK HERE



Mata - Mojofly

Read more...

1 komento:

Anonymous,  April 27, 2011 at 7:49 AM  

haha nice PAULKIAN!!! tama yan! Pero halata na BITTER ka.. Deny it or not.. Pwede bang magtanong? HANGO SA TOTOONG BUHAY MO TO ANO? ntanong q lang hehe :)


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP