Have you ever felt the same? ( CHAPTER 4: “CLICHE”)
(AKO SI DESTINY 2)
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/
She has an eye that could speak, though her tongue were silent.
–Aaron Hill
CHAPTER 4: “CLICHE”
“Mahilig ka talagang maglaro ng mga arcades?” usisa sa akin ni Russel
“Ah oo, nung bata ako madalas kami sa mga amusement center nina nanay… kaya medyo nakasanayan ko na rin…Ikaw? Hindi ka ba mahilig sa mga ganito?”
“Ako? Okay lang. pero madali kasi akong magsawa eh… nung bata ako kapag may bago akong laruan after 3 days sawa na kaagad ako.”
“Maluho ka siguro nung bata ka noh?”
Napakamot siya ng ulo sa tanong ko kaya parang defensive siyang sumagot kaagad.
“Maluho? Hindi ah… sunod lang siguro ako sa layaw nung nabubuhay pa mga parents ko.”
“Wala na sila?”
“Oo… maaga kaming naulilang magkapatid kaya si Lola na yung nagpalaki sa’min.”
Ilang segundong katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa.
Isang bagong rebelasyon na naman ang nalaman ko mula kay Russel.
Wala na pala siyang mga magulang. Rumehistro sa mga mata niya ang pangungulila sa kanyang ama at ina.
“Minsan nga naiisip ko, bakit ba lagi na lang kinukuha sa akin ng Ama ang lahat ng taong mahalaga sa buhay ko…” dugtong niya.
Biglang nabahiran ng lungkot ang mala-anghel niyang mukha. Ang masiglang aura niya kanina ay naging lugami. Ganito pala malungkot si Russel, napakatransparent niya rin.
Sa kagustuhan kong maiba ang daloy ng aming usapan at para hindi na rin malungkot ang lalaking nasa tabi ko ngayon, itinigil ko na ang paglalaro ng Time Crisis. Masyado akong naapektuhan sa mga sandaling nangungusap ng lumbay ang mga mata ng aking karibal. Para bang bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya na hindi ko malaman kung bakit. Naisip ko na lang na maswerte parin pala ako at kumpleto ang pamilya namin. At kahit hindi kami ganun karangya, mayaman naman kami sa bawat kalinga nina nanay at tatay.
“Halika na nga Russel, kain tayo… nagutom ako sa drama mo eh…” birong banat ko sa kanya.
“Loko ‘to ah… hindi ako nagda-drama noh!”
“O siya sige na, hindi na drama yun… halika ka na kain tayo!”
“Hindi mo na tatapusin ang paglalaro? May pitong token ka pa ha…”
“hayaan mo na, saka na lang…” sabay hatak ko sa kanya palabas ng Quantum
Parang batang nagpah

“Pwede mo naman na sigurong bitawan yung kamay ko noh?”
“Ay sorry…”
Shocks! Napahiya ako dun ah. Hindi ko naman sinadya na hawakan yung kamay niya ng matagal. Baka kung ano ang isipin ng mokong na’to ah. Palibhasa kasi puyat ako kaya medyo aaning-aning narin. Tangna talaga!
“Oh saan tayo kakain?” tanong ko sa kanya maiba lang ang usapan.
“dun na lang sa Mcdo…”
Isang makahulugang ngiti ang kanyang pinakawalan habang sumasagot sa tanong ko. Kakaiba yung mga tingin niya na kahit alam kong walang ibig sabihin ay pwedeng bigyan ng kahulugan.
Pero dedma lang! Tulad nga ng sabi ko:
“Palibhasa kasi puyat ako kaya medyo aaning-aning narin.”
Isang tipikal na lunch ang ginawa namin ni Russel. Medyo nagkaroon kami ng dead air sa isa’t-isa habang kumakain. Ayaw ko naman i-break yung silence kasi hindi ko pa siya ganun kakilala at kabisado. Malay ko bang gusto niya ng tahimik at maayos na set-up habang naglu-lunch? Hindi pa naman ako sanay ng ganun. Nasanay kasi ako sa bahay na habang kumakain, merong balitaktakan at kamustahan. Kaya wala akong choice kundi sabayan ang katahimikang tinahi ni Russel at muling paiiralin ang pagiging observant sa mga yugtong ganito.
Napansin ko na kumuha siya ng dalawang straw at inilagay sa plastic cup na may lamang iced tea. Akala ko dalawang straw ang gagamitin niya pero isa lang yung pinagsipsipan niya at sadyang iniwang nakasawsaw ang isa. S

“sa totoo lang Luis, hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon umaasa pa rin ako na babalik si Lance…umaasa parin ako na mabubuhay siya at babalikan niya ako.”
Iyon ang mga katagang bumasag ng todo-todo sa katahimikan.
Hindi ko alam kung ano ang magiging initial reaction ko sa mga binitawan niyang salita. Hindi ko alam kung paano ko pakakawalan ang emosyon ko. Nakakatawa na nakakakilabot na parang nakakalungkot. Tipong ganun ang nangibabaw sa damdamin ko. May kung anong hangin din ang nagpabigat sa baga ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon. Pero isa lang ang masisigurado ko, masyadong makapangyarihan ang moment na ito para matablan ako sa mga sinab
“Im sorry Russel…”
“Sorry? For what?” napakunot ang kilay niya sa winika ko.
“Nalaman ko ang mga pinagdaanan mo nung nawala si Lance… Im sorry kung masyado akong naging rude sa’yo…”
“Ah yun ba? Asus, Wala yun sa’kin… nauunawaan ko…”
“Hindi ko alam na nagcommit ka pala ng sui…”
“Sssshhh… tama na Luis… okay na yun… hindi big deal sa’kin yung ginawa mo…”
Hindi ko alam kung bakt ininterupt niya ako sa sasabihin ko. Siguro ayaw niya lang marinig yung salitang “suicide” na minsan niyang ginawa. O baka naman ayaw na niyang pahabain pa ang explanation ko kasi nga para sa kanya, hindi naman dapat pang pagtalunan pa.
Natapos ang tanghaling iyon ng maluwag sa aking dibdib. Hindi ko man masyadong nabasa ang nilalaman ng bawat salita at mga nangungusap niyang mga mata, siguro sapat nang malaman ko na hanggang sa ngayon hindi niya parin makalimutan si Lance. Si Lance na minsan ay kinabaliwan ko rin ng sobra-sobra. Sapat na rin na malaman ko na isang “emo” rin pala si Russel.
“See you next week Luis…” paalam ni Russel sa akin.
At unti-unti siyang naglaho sa kawalan.
Ang eksenang drama kanina? Parang cliché lang.
At ako? Heto, mag-isa na naman.
Read more...
1 komento:
Maraming salamat po sa patuloy na sumusubaybay at matiyagang naghihintay sa bawat kabanata ng aking mga kwento...
Asahan po ninyong mas pagagandahin ko pa ang mga tagpo...
Maraming maraming salamat po!
Post a Comment