Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Tuesday, November 11, 2008

AKO si DESTINY (CHAPTER 8: "WARNING")

“AKO SI DESTINY”
(a heart-warming lovestory)

By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


Mapagbiro ang tadhana, ngunit ikaw ang may hawak ng iyong kinabukasan…



CHAPTER 8: WARNING



Isang bisita ang hindi ko inaasahang dadalaw sa aking dorm. Hindi ko alam kung bisita nga bang matatawag ang taong ito. Buwisita siguro puwede pa.

“Oh, naligaw ka yata?”

“Napadaan lang ako… puwede ba akong tumuloy?” tanong ni Jerome.

Napadaan? Sa dinami-dami naman ng puwedeng daanan bakit dito pa sa dorm ko. Sumisikip ang espasyo ng bahay ko kapag napapadaan ‘tong si Jerome. Hindi ko alam kung bakit. Siguro nga masikip na ang mundong ito para sa aming dalawa. Kaya naman nagisip muna ako ng ilang segundo. Nagisip ako ng dahilan kung bakit ba nandito ang x ko. Ano ba ang pakay niya? Mangaasar na naman ba? Kung mangiinis lang siya, well hindi na ako apektado. Kahit hindi ako sigurado, pinaunlakan ko parin siyang papasukin.

“Oo naman sige pasok ka, pasensiya ka na ha? Makalat talaga ang bahay ko…”

“Okey lang ‘yun…” tipid niyang sagot.

Niligpit ko ang mga nakabalandrang mga produkto mula sa mcdo. Tira-tirang fries, mga tissue, at mga walang lamang plastic cups. Bute na lang maagang umuwi si Russel. Sinundo niya ako sa school kanina. Hindi ko inaasahang magaantay siya sa school para sa akin. Nadatnan ko siya na halos papakin na ng lamok sa sulok ng waiting shed. Nung mga moment na iyon naramdaman ko na sincere sa akin ang anghel. Napagtanto ko, matiyaga siyang tao. Mahaba ang pasensiya. Iyan talaga ang hinahanap ko sa isang lalaki. Mainipin kasi akong tao. Gusto ko ura-urada ang mga bagay-bagay. Kaya madalas pumapalpak.

Pinuna ng antipatikang si Jerome ang mga nagkalat na fries sa sahig:
“Akala ko ba hindi ka na kumakain ng French fries?”

“Ah iyan ba? Hindi akin ‘yan, sa bisita ko ‘yan kanina…” palusot ko habang pinaplastic lahat ng basura.

Dedma lang si Jerome sa alibis ko. Mukahang hindi siya naniwala sa aking palusot. Wala naman akong pakialam. Isipin na niya ang gusto niyang isispin.

“Si Russel?” tanong ni Jerome

Bigla akong napahinto mula sa pagiging busy-busihan sa pagliligpit ng kalat. Para kasing umalingaw-ngaw ang pangalang “Russel” mula sa bibig ni Jerome. Tama ba ang narinig ko? “Russel” nga ba? Tinatanong niya kung nasaan si Russel?

“Huh?!” paglilinaw ko sa kanya.

“Sabi ko, nasaan na si Russel? Kakaalis lang ba?” malinaw niyang sabi.

Kilala niya si Russel? Paano? Kailan pa? At paano niyang nalaman na galing siya dito kanina? Ano ba ‘to? Masyado akong nagugulat at naguguluhan kaya naman sinagot ko na ang nakakalokang tanong niya. Para masagot na rin ang mga gumugulo sa isip ko.

“Kilala mo pala siya? Kakaalis lang niya…” makalma akong sumagot na kunyari hindi nagulat sa tanong niya.

“Ay sayang, sasabay na sana ako. Papunta rin kasi ako ng village ngayon eh…
Nakita ko kayong dalawa kanina nung nasa mcdo pa kayo. Pagbalik ko wala na kayo, kaya I assumed na nandito na kayo…”

Gulat na gulat pa rin ako nung mga oras na iyon. Nakakaintrigang isipin kung papaano sila naging magkakilala ni Russel. Parang bigla akong nabagabag. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko. Sadya bang maliit ang mundo? O sadya lang nangiinis ang tadhana?

“Kayo na ba?” walang alinlangang tanong ni Jerome habang tinutulungan akong magligpit ng mga kalat.

Hindi ako nakasagot.

“Ui! Lance? Lumilipad yata ‘yang isip mo?”

Sa totoo lang nagiisip ako ng isasagot sa tanong ni Jerome. Kami na nga ba ni anghel? Bago kami naghiwalay ni Russel kanina, hindi ko man lang nalinaw sa kanya ang namamagitan sa amin. Masyadong mabilis ang bawat pangyayari sa aming dalawa. Parang ang dami-dami nang nangyari sa loob lamang ng iilang araw. Para kasi sa akin, ang mahalaga masaya kaming dalawa. Hindi dapat sinasayang ang mga ganitong pagkakataon. Minsan ka lang magiging masaya kaya dapat sulitin iyon hanggang sa huling patak. Hindi mo alam kung kailan ka ulit magiging malungkot at magmumukmok.

Ngaflash back sa akin ang sinabi ni Russel kaninang umaga:
"Namiss lang kita... Yung yakap mo, yung kiss mo... Hindi ko pa nararamdaman ang ganitong feeling. Maski sa gf ko 'di ko naramdaman 'to... Sa'yo lang."

Hindi naman maaaring maging batayan iyon para masabing kami na. At saka may girlfriend siya. Malinaw ‘yun! Hindi ko pinangarap maging kabit. Pero kung bibigyan ng pagkakataon, pwede ko naman subukan eh… tanga na siguro kung tanga. Sinusundan ko nga ang yapak ni Jhen diba? Ang babaeng ehemplo ng katangahan. Sasali na ako sa asosasyon nilang mga martir. Baka sakaling maging presidente pa ako.

“Hindi noh!!? Hindi pa naman…” sagot ko sa tanong ni Jerome, sabay ngisi ng palihim.

Nag-iba ang timpla ng mukha ni Jerome. Mula sa plain at hindi maaninag na expression kanina, ngayon ay hindi na maipinta ito. Kumunot ang noo niya. Muli ko na naman siyang nakitang nakasibangot. Kung hindi ako nagkakamali, ang huling kita ko sa kanya na nakabusangot ang pagmumukha ay noong panahong nahuli niya akong may katext na iba. Nung mga panahong iyon halos lamunin ako ni Jerome. Kulang na lang ihambalos niya ang cellphone ko sa sahig. Tamang hinala din kasi itong taong ito. Masyadong seloso. Super!

“hindi pa naman? So, may plano ka pala?” paglilinaw ni Jerome.

Napansin kong parang palalim nang palalim ang interrogation ni Jerome sa akin. Ano ba ito ha? Parang nakakalimot si Jerome na wala na kaming relasyon sa isa’t-isa. Parang sa tono ng pananalita niya ay wala na akong karapatang lumigaya at magmahal muli ng ibang lalaki. May kaunting pagkulo ng dugo akong naramdaman. Pinigilan ko ang aking sarili kasi baka may masabi akong hindi maganda kay Jerome. Baka mapalayas ko siya ng hindi oras sa dorm. Huminga ako ng malalim at nagbilang ng hanggang sampu. At saka nagbitaw ng aking tugon

“Bakit naman hindi diba? Single naman ako ngayon… Super available!” sabay tawa ng malakas.

“Oo nga, ikaw single. Pero si Russel ganun din ba? Aware ka ba na may girlfriend ang taong kinababaliwan mo ngayon?”

Para akong sinampal ng malakas ni Jerome. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Bigla akong napatahimik mula sa paghalakhak. Napahiya ako sa aking sarili. Parang nahiya ako sa sinabi ni Jerome.

"Ayaw ko sanang gawin 'to kasi baka isipin mong nanghihimasok ako sa buhay mo. Sino ba naman ako diba? Isang x-boyfriend mo na puro sakit ang idinulot sa'yo... Pero sa tingin ko kailangan kitang balaan kung ayaw mong masaktan ulit ng todo-todo...
Please, tigilan mo na si Russel, may girlfriend na siya. Matauhan ka Lance, 'wag kang magpakatanga!"

Malaman ang bawat salitang binitawan ni Jerome. Hindi siya nagbibiro. Seryoso siya sa bawat sinabi niya. Ramdam ko iyon. Tumagos hanggang puso, sumabit hanggang sa buto.

Tama naman siya eh. Bakit ba kasi ako nagpapakaganito? Ano bang gagawin ko? Paniniwalaan ko ba ang mga payo ni Jerome? Kilalang-kilala na ako ni x. Kaya siguro hindi na rin niya natiis na bigyan ako ng babala para hindi na ako umiyak muli. Kahit papaano concern pa rin sa akin si mokong. Mahal pa siguro ako nito. Pero nagtatalo talaga ang isip at damdamin ko. Sa tono ng pananalita ni Jerome parang kilalang-kilala na rin niya si Russel, at pati ang gf nito. Masyado talagang magulo. Mula sa kakiligan ko kanina, mukhang matatapos ang araw na ito na magiisip ako ng magiisip.

"Malaki na ako Jerome, alam ko na ang ginagawa ko..." sambit ko sa kanya.

"Sana nga lang Lance malaki ka na para malaman mo kung ano ang tama... Nasa huli ang pagsisisi tandaan mo 'yan..." dagdag ni Jerome habang papalabas ng aking dorm.

Naiwan akong magisa na naman. Kapag bumubisita ang mokong na 'yon may kung anong bagyo talaga siyang dala. So? ano naman ngayon? Yun na ba 'yon?

Nagmamadali akong lumabgas ng dorm upang itapon ang lahat ng kalat na naipon ko. Ang mga basurang nagiging dahilan para maging makalat ang kwarto ko. Nagdire-diretso ako sa may labas ng compound. Bumili ako ng Marlboro lights. Kailangan kong manigarilyo. Compensating what is lacking.

Nakaubos ako ng 2 magkasunod na stick ngunit mukhang hindi nakatulong ang usok para makapagisip ako ng maayos. Bagkus, lalo pa yata akong naguluhan.

Naalala ko si Destiny, sabi niya: "Basta kapag nasaktan ka ulit, nandito lang ako..." Bute pa si Destiny palaging pinalalakas ang loob ko. Palaging nandiyan kapag kailangan ko ng payo. Kahit hindi siya nagpapakita alam ko at ramdam ko ang pagmamahal niya. Kung siya na lang kaya ang mahalin ko? Hindi naman kaya mabaliw ako nun?

Naalala ko rin ang laging paalala sa akin ni Jhen: "...oh ayan, may kumatok na naman sa'yo, i mean nag-buzz pala. Wag mo din masyadong asahan 'yan baka hindi naman iyan yung hinahanap mo..." Kahit minsan boba 'tong si Jhen pagdating sa sariling lovelife niya, pagdating sa mga kagagahan ko minumulat at inaahon niya pa rin ako. Siguro kung nandito 'yun sa tabi ko ngayon baka pinakain na sa'kin yung upos ng sigarilyo.

Rumehistro ulit sa utak ko ang mga sinabi ni Jerome: "...please, tigilan mo na si Russel, may girlfriend na siya. Matauhan ka Lance, 'wag kang magpakatanga!" nakaramdam na naman ako ng kakaiba. Malaman talaga ang sinabi niya sa akin. may pinaghuhugutan.

Tiningala ko ang kalangitan habang nakasalampak ako sa gilid ng kalsada. Sinindihan ko ang pangatlong stick ng sigarilyo. Pagkatapos nito isa na akong chain smoker at may sakit na ako sa baga. Napansin kong kakaunti lang ang mga bitun sa langit. Ngunit kahit kakaunti iyon maganda pa rin sa paningin. Magandang pagkakataon ito. Naghanap ako ng isang senyales mula sa itaas. Nagbabakasakali akong may anghel na bumaba upang bigyang liwanag ang aking isip. Isang sign lang Lord. Isang sign para masabi kong tama ang ginagawa ko. Sige na po Lord, isang sign lang. Alam ko hindi ako bibiguin ng Panginoon. Nararamdaman ko iyon.

Nang nakaramdam na rin ng pangangawit ang aking leeg at bago pa ako magka-stiff neck kakatingala, umahon na ko mula sa pagkakasalampak sa semento. Nagpasya na akong pumasok ng dorm at matulog ng maaga kahit walang pasok kinabukasan. Bukas na lang ako mag-iisip.

Aktong papasok na ako ng gate, may isang pamilyar na tinig ang tumawag sa akin mula sa kawalan.

"Lance!"

Nilingon ko ang taong bumigkas sa aking pangalan. Muling nagliwanag ang buong paligid. parang nagbabaan ang mga bituin mula sa langit. Kasabay nun, kumislap ang aking mata. Nagbabadya ng isang pag-asa. at sa tingin ko ang senyales ay nasagot na. Ang aking kahilingan ay nakamtan na. Dahil nasa aking harapan, ang anghel na aking dinasal sa Maykapal. Si Russel, binigyan na naman ako ng ngiting makapagpapawala ng agam-agam sa aking dibdib.

"Oh bakit nandito ka? Akala ko ba umuwi ka na?" usisa ko sa kanya.

Ngunit tulad ng lagi niyang ginagawa, ngiti lang ang kanyang isinagot.

Napagtanto ko, malakas pa rin talaga ako kay Lord. Ngayon alam ko na. Im on the right track. Sorry na lang. Si Lord na ang kakampi ko. Matapang na ako ngayon.

At ang pag-aakala ko na matatapos ang araw na ito na maraming gumugulo sa akin, hindi naman pala.



---itutuloy


NEXT CHAPTER--- CLICK HERE


Read more...

2 komento:

Anonymous,  February 27, 2010 at 8:23 PM  

Hello, as you may already found I'm new here.
I will be glad to receive some assistance at the beginning.
Thanks in advance and good luck! :)

Anonymous,  May 23, 2010 at 10:38 AM  

Greets!

It is my first time here. I just wanted to say hi!


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP