Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Tuesday, November 11, 2008

AKO si DESTINY (CHAPTER 13: "AMNESIA")

"AKO SI DESTINY"
(a heart-warming love story)

By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


Minsan kailangan nating itulak ang nakaraan sa bangin ng pagkalimot.
Minsan kailangan nating magpanggap na wala tayong nakaraan.
At minsan kailangan mong paniwalain ang sarili mong nagpapanggap lang, na limot mo na ang nakaraan.


CHAPTER 13: "AMNESIA"


Gabi na nang matapos ang madugong case presentation ng buong 4th year. Para kaming nabunutan ng tinik sa dibdib. Halos matuyuan na ako ng utak kakasagot sa mga tanong ng mga panelist. Buti na lang pinaghandaan namin ito kaya nalagpasan namin lahat ng mga dapat pagdaanan. Isang buwan
lang ang naging preparation namin kaya isang himala para sa akin ang nangyari. Biruin niyo kahit parang kulang-kulang ang documentation namin pumasa pa rin kami sa standards ng mga CI. At hindi lang basta pasa, talagang pumasok daw kami sa mga dapat tingalain. So far, ang presentation lang daw namin ang may pinakamagaling at komprehensibong presentasyon sa buong campus. Nakakataba ng puso kapag nakakarinig ako ng ganoong comment. Nakakaganang mag-aral. Pero parang hindi parin ako masaya.

Nagyaya sina Jhen na gumimik. Tutal naman daw walang
pasok bukas at para magkaroon na rin ng celebration ang grupo dahil naging maganda ang kinalabasan ng presentation namin about cholecystitis.

“Jhen, hindi ako makakasama…”

“Oh bakit naman?” usisa ni Jhen sa akin

“may susundo sa akin…”

“Sino? Si Luis?”


“oo”

“Kayo na ba?”

Ngiti lang ang tanging
naisagot ko sa kanya. Nakakatawa ang mga padali ni Jhen. Pagdating talaga kay Luis interesadong-interesado siya.

“hay nako Lance! ‘wag mo nga ako daanin sa mga pa-beautiful-beautiful eyes mo at mas maganda pa rin di hamak ang mata ko! Ano ba kasi? Kayo na noh?"

“Hindi pa kaya… hindi ko pa siya sinasagot.” Tugon ko sa
makulit niyang tanong.

“ano ka ba? Ilang buwan na nagtiya-tiyaga yung taong sunduin ka dito, tapos hindi pa pala ka
yo?”

“hindi pa ko ready!”

“anong hindi ready? Bakit namimili ka pa ba ng magiging monthsary niyo? Ipapa-feng shui mo pa ba yung date kung kailan mo siya balak sagutin?”

“ayan ka na naman Jhen ha?” napakunot ang noo sa mga banat ng hitad.

“hay nako…sige ka kapag napagod at nagsawa ‘yan…boto pa naman ako sa kanya!”

Maingat na ako ngayon. Hindi na ako madadala sa mga pangiti-ngiti. Hindi na ako katulad ng dati na madaling bumigay sa mga haplos ng anghel. Lalo na kapag ang anghel ay may tinatagong kasinungalingan. Ayaw ko na maulit ang dati. Ayaw ko na. Tama na ang minsan akong naging tanga. Tama na yung minsan akong ginago at pina-ikot. Kung cycle bang maituturing ang katangahan dapat ngayon pa lang ay putulin na. Kung katalinuhan ang magiging sandata laban sa katangahan, mero
n na ako niyan. Huwag lang makikialam ang puso dahil tiyak sira ang diskarte mo.

“alam mo, kinikilala ko pa siya wala naman masama dun… sigurista lang ako.”

“sigurista o baka naman may inaantay kang iba?”

“At sino naman?”

“sino nga ba?”

“kalimutan mo na yun kapatid… Hindi ko na maalala yun. Nagka-amnesia na ako.”

“Aba! Asensado? Dati dyspnea lang mga banat mo ngayon may amnesia na! Naku! Lance papasa ka na sa board exam! At teka? kailan pa nabagok ang ulo mo?!”

“Nung isang taon pa…”


Isang taon na ang nakakaraan.
Kinalimutan ko na ang mga dapat kalimutan. Hinarap ko ang buhay na dapat kong harapin. Alam ko mahal pa rin ako ni Lord. Hindi Niya ako iniwan. Binuksan Niya ang ibang pintuan ng opurtunidad sa akin upang makalimot.

Tumakbo ako bilang vice president sa Student Body Organization. Pinalad akong nanalo. Naging maayos din ang mga grades ko. Humanga na sa akin si Doc Alonzo (aba! Dapat lang!) dahil ang laki na daw ng pinagbago ko. Dahil dun, ako ang pinamahala niya sa case presentation ng grupo namin. At ngayon naging top 1 ang grupo ko sa buong campus. Pinagsumikapan ko ring makapasok sa top 10 na may highest na grade sa Nursing Care Management sa buong fourth year. Milagro akong nakasampa sa ikatlong puwesto. Iyan ang bunga ng pagsusunog ko ng kilay. Aral kung aral! Kinarir ko na rin ang pagiging pambansang emcee ng campus namin. Pati teatro pinasok ko na rin. Kung maganda lang boses ko pati siguro sa choir sumali na ako. Wala rin akong pinalalampas na mga quiz bee. Hindi talaga ako titigil hangga’t ‘di ko nakukuha ang first place. At sa pangatlong sali ko nagwagi rin ako ng unang gantimpala.

Naging aktibo ako
ng nilalang sa loob ng isang taon. Humarya ako sa loob at labas ng campus. Isinantabi ko si Lance na puno ng kalandian at puro lalake ang inaatupag. Ginising ko ang diwa ko upang maging isang productive at kapaki-pakinabang, sa mata ng mga guro, kapwa ko nursing, at maging sa aking sarili.

Sa loob ng isang taon naibangon ko ang sarili ko mula sa pagkakalugmok. Ginawa kong libangan ang pag-aaral. Na-challenge
ako eh. Hinamon ako ng sarili ko. At kaya naman hindi dapat ako magpatalo.Minsan na akong natalo noon kaya ayaw ko nang maulit pa.

Maraming nagulat sa “total transformation” ko. Maraming
nagtaka. Maraming nainggit at na-insecure. Marami rin naman ang humanga.

Isa sa mga napahanga ko si Luis. Si Luis ay nakilala ko sa isang leadership training seminar sa Tagaytay. Isa siyang Mass Communication student mula sa New Era University. Bukod sa kapangalan niya si Luis Manzano, kawangis niya rin ang mukha nito. Tipong ganun kagwapo, ganun kaganda ang mata. Tandang-tanda ko pa nung una kaming nagkita. Kasaluk
uyang naghihilom ang sugat na natamo ng puso ko. Perfect timing nga eh. Parang nanadya.

“Sino pwedeng mag-bigay ng intermission number diyan? A song number?” tanong ng facilitator sa seminar.


Nagsigawan ang mga participants mula sa New Era. Isinisigaw nila ang pangalang LUIS.

“Okey, Mr. Luis alayan mo naman kami ng isang kanta bago natin simulan ang susunod na module…”

Nagkakamot pa ng ulong tumayo si Luis at pumunta sa harapan. Walang alinlangan
niyang kinuha ang microphone. Tumingala muna ito sa taas. Aktong nagiisip ng kakantahin o ng lyrics na bibigkasin.

“in fairness cute siya, pero maganda naman kaya ang boses?” bulong ko sa katabi ko nung mga oras na iyon.

Humarap siya sa audience. Tindig artista. Nginitian ni Luis ang mga schoolmate niyang naghihiyawan sa gilid. Biglang lumiwanag nung nagpakawala siya ng ngiti. Ngiting anghel ang hatid niya. Kahit naka-braces ang mokong maganda pa rin pala ang smile nito.

“para sa inyo ‘to
guys” wika niya bago bigkasin ang kanyang unang A capella.

”Put away the pictures.
Put away the memories.
I put over and over
Through my tears
I've held them till I'm blind
They kept my hope alive
As if somehow that I'd keep you here
Once you believed in a love forever more?
How do you leave it in a drawer?

Now here it comes
, the hardest part of all
Unchain my heart that's holding on
how do I start to live my life alone?
Guess I'm just learning,
learning the art of letting go…”

Nanahimik ang lahat ng mga participants. Nangilid ang ak
ing luha sa aking narinig. Kinilabutan ako sa ganda at lamig ng boses ni Luis. Bukod pa dun, hindi ko ineexpect na “Art of letting go” ang aawitin niya. May naalala ako. Naalala ko siya. Ganyan din kaganda ang boses niya. At iyan din ang kauna-unahang kantang narinig ko mula sa kanya. Sayang hindi ko na siya maalala. Maging ang pangalan niya ay pilit na kinalimutan ko na.

“ang ganda ng boses noh? Tapos pang-matinee idol pa ang itsura… nasagap ko, pre
sident pala siya ng choir …” bulong sa akin ng tsismosa kong katabi.

Nagpalakpakan lahat ng tao sa seminar. Kasabay ng palakpakan pinunasan ko ang mga tumulong luha sa aking mata. Nagulat ako nakatingin na sa akin si Luis. Dedma lang naman ako. Hindi naman siya yung iniiyakan ko. Lumapit siya sa akin at ibinigay ang panyo niya. Natawa ako dahil ang panyo ay burdado ng salitang “DESTINY”. At dun
nagsimula ang lahat.

Pagkatapos magdiscuss ang facilitator, nagkaroon ng isang group activity. Hinati kaming lahat sa sampung grupo. Naging magkagr
upo kami ni Luis. At ako ang naasign na leader sa group namin.

“I want you guys to make a tableau about what we have discussed a while ago…” utos ng facilitator namin.

Nagsimula akong pulungin ang aking mga kagrupo. Tableau pala ha? Magaling ako diya
n. Matapos kong hingan ng suggestions ang mga groupmates ko sinimulan ko na ang pag-aayos. Konting turo diyan. Utos dito. Anggulo diyan. Lipat dito. Pwesto dito. Arte diyan. Ayan! Maayos na ang tableau.

“ako? saan mo ko ilalagay?” tanong ni Luis sa akin.

Oo nga pala. Siya pa pala. Nakalimutan ko siyang isama sa tableau. Ang laking tao kasi eh. Siguro mga nasa 5’9’’ ang katangkaran niya. Paano ko ba isisingit ‘to? Saan ko ba kasi isisingit si matinee idol?

“ah oh sige dito ka na lang sa tabi sabay tayo mag-eexplain…” tugon ko sa tanong niya.

“ay siya nga pala, ito na ‘yung panyo…” dagdag ko.

Nginitian lang ako ni Luis. Positive feature niya ‘yun. Biglan
g may nag-flash back na naman sa akin. Naalala ko na naman ang mga ngiti niya. Mga ngiting minsang nagpatunaw din sa akin. Mga ngiting nagdala sa akin sa langit. Sayang hindi ko na siya maalala. Maging ang pangalan niya ay pilit na kinalimutan ko na.



“Aba! Isang taon na rin pala nung mga panahong nagdra-drama ka sa akin…” pagpapaalala sa akin ni Jennifer

“utang na loob wala akong maalala…”


“kamusta na ba siya?”


“sino?”

Simula noong ni-reject ko ang sorry niya noong huling pagtatagpo naming dalawa, hindi ko na siya muling nakita pa. Siguro nahiya na siya sa mga pinag-gagawa nila. Ang kapal naman ng mukha niya kung babalik pa siya.

Biglang lumaki
ang mundo sa pagitan naming dalawa. Huling balita ko huminto na siya ng pag-aaral. At according sa aking reliable source, sila pa rin daw nung “girlfriend” niya. Good luck na lang sa kanila! Sayang hindi ko na siya maalala. Maging ang pangalan niya ay pilit na kinalimutan ko na.

Simula din nun hindi na nagparamdam si Destiny. Nagsawa na rin siguro. Hindi ko naman kasi siya pinapakinggan eh. At saka pinaniwala ko na ang sarili kong walang destiny. Kaya tapos na ang kahupaan. Tigilan na ang pag-iilusyon at pangangarap ng gising.

“oh nandito na pala si Luis!” sigaw ni Jhen habang kinikilig-kilig pa.

“kanina ka pa?”

“hindi ngayon lang…” sagot ko habang papalapit siya sa akin.

Ang gwapo ni Luis sa porma niya. Naka polo shirt na kulay blue, faded na maong pants, kulay itim na Converse, at naka-jacket na kulay gray na may hood. Malamang kagagaling lang niya sa church nila. Nagtuturo kasi siya dun sa children’s choir. Iglesia din siya.

Iniabot sa akin ni Luis ang isang paper bag. Sa tuwing magkikita talaga kami hindi pupwedeng wala siyang maiabot sa aking pasalubong.

“ano ‘to?”

“pasalubong ko sa’yo…”

Nahiya pa akong abutin sa kanya ang paper bag. Buti na lang umentrada
na naman si Jhen.

“Sige na nga hindi ko na kayo iistorbohin… una na kami kapatid! Oi Luis, ikaw na bahala diyan ha?”

Isang makahulugang ngiti at tango lang ang ibinigay ni Luis.
Pagkatapos nun, sinimulan namin ang paglalakad pauwi ng dorm. Halos gabi-gabi akong hinahatid ni Luis pauwi ng dorm kaya wala akong nararamdaman na sakit sa tuwing babaybayin ko ang makasaysayang daan na ito. Tinulungan ako ni Luis na makalimot. Siya ang naging sumbungan ko ng lahat-lahat. Sa kanya ko ibinuhos ang sakit na naramdaman ko noong isang taon. Kahit paulit-ulit ang kwento ko wala siyang sawang nakikinig. Laging nakahanda ang panyo niya sa tuwing luluha ako.

“Dapat ‘di ka na nagabala pa na bigyan ako ng ganito…” wika ko kay Luis.

“ano ka ba? Para yan lang naman…”

“Siyempre noh, estudyante ka pa lang din… dapat diyan sa perang ipinambibili mo ng pasalubong sa’kin iniipon mo na lang…”

“French fries yang dala ko…”

Napahinto ako sa paglalakad at inulit ko ang kanyang sinabi.

“French fries?”

“Oo”

“eh bakit nasa paper bag pa?”

“wala lang para presentable diba?”

Natawa ako sa reason niya. Hindi naman alam ni Luis na gustong-gusto ko ang fries. May naalala na naman ako. Isang taong minsan din akong dinalan ng fries nang di ko inaasahan. Sayang hindi ko na siya maalala. Maging ang pangalan niya ay pilit na kinalimutan ko na.

Simula nung nakilala ko si “matinee idol” parang naging madali na sa akin ang lahat. Akala ko mahihirapan akong makapag-move on. Oo aaminin ko nahirapan nga ako pero mas mah
irap siguro kung walang Luis sa tabi ko. Siguro mas nakakabaliw kung walang Luis na patuloy na nandiyan para sa akin. Alam niya lahat-lahat ng pinagdaanan ko. Nauunawaan niya yun. Handa daw siya mag-antay kung kailan muling titibok ang puso ko. Alam niya at malinaw sa aming dalawa na wala pa kaming relasyon. Ayaw ko siyang gawing panakip-butas. Kahit minsan ganun na nga ang nagyayari.

“Basta tandaan mo Lance nandito lang ako, hindi kita iiwan hangga’t kailangan mo pa ako… pero kung hindi talaga titibok ang puso mo para sa akin, handa akong magparaya…”

Ayan na yung pinakatangang dialogue na narinig ko. Nang marinig ko ‘yan kay Luis, natakot ako. Kasi alam ko hindi ko siya magagawang mahalin. Kaya naman hangga’t maaga pa sinabi ko na sa kanya ang limitasyon. Ngunit alam ko naniniwala pa rin siya na balang araw matututunan ko din siyang mahalin. At iyan ang pinag-aaralan ko sa ngayon.

“Lance? Kung ikaw talaga ang para sa akin, matututo akong maging matapang… ipaglalaban ko kung ano man ang mamamagitan sa atin. Walang makakapigil. Dahil mahal kita.”

“Luis…”

“Ssshhh… alam ko… nauunawaan ko. Please ‘wag ka na po magsalita, hayaan mo na lang ako…”

Inilabas ni luis ang
isang maliit na box. Isang singsing ang laman nito. Isang silver na singsing. Iniabot niya iyon sa aking kamay. Naramdaman ko ang kaba at lamig sa palad niya.

“Gusto ko isuot mo ‘yan kapag handa ka na… hindi ako nagmamadali handa ako maghintay.”

Naiyak ako sa sinabi niya. Ngayon lang may nakagawa sa akin ng ganito. Tinanong ko tuloy ang sarili ko,
handa na ba akong isuot ito? handa na ba akong pakawalan ang nasa puso ko? Oo nakapag-move on na ako pero hindi pa ako nakakapag-let go. Sa ngayon inaantay ko na lang ang puso kong mag-let go. Tama ba ang ginagawa ko? Habang ang isa naman ay masugid ding nagaantay sa akin. Umaasang mamahalin ko din siya.

“alam ko namang hindi ko mapapalitan si Russel diyan sa puso mo, pero kung bibigyan mo ako ng pagkakataong maging parte ng isa sa mga puzzle ng buhay mo maipapangako kong hinding-hindi kita sasaktan…”

Siguro nga handa
na akong pakawalan ang nakaraan. Handa na siguro akong magmahal muli. Alam ko namang ito ang kulang sa buhay ko ngayon eh.

Maaga kong inihatid si Luis sa sakayan ng jeep. Sa Bacoor pa kasi umuuwi ito kaya naman mahaba-haba din ang biyahe niya. Inantay kong umandar ang sinasakyan niyang jeep bago ako umalis at umuwi pabalik sa dorm.

Masyadong maraming nangyari ngayon. Kailangan ko na magpahinga. Napapagod na ako.

“Lord, Ikaw na po ang bahala…naguguluhan ako.”

Isang tahimik at maikling panalangin ang aking sinambit para sa langit. Pinagmasdan ko
ang singsing na ibinigay ni Luis. Isusuot ko na sana ito ngunit
isang katok mula sa aking pintuan ang aking narinig.

Nagmamadali kong binuksan ang pintuan. Isang sorpresa ang aking nakita. Isang bisita mula sa nakaraan. Hindi ko inaasahan. Nanumbalik ang poot sa aking puso. Ang sugat na naghilom ay muling dumugo.





---itutuloy





Read more...

5 komento:

PAULKIAN November 11, 2008 at 4:27 PM  

"Now here it comes, the hardest part of all
Unchain my heart that's holding on "


itong chapter na ito ay dedicated sa isang taong may utang sa akin... hahaha
oh ayan ha? sana magustuhan mo...


"Kung cycle bang maituturing ang katangahan dapat ngayon pa lang ay putulin na..."

---LANCE

Anonymous,  June 11, 2010 at 6:21 PM  

new era?... INC prin.. haha nice.. waaaa... favorite ko din ang fries.. w/ cheese... the best!!!... love your stories.. hehe

adonis2040988 July 27, 2010 at 7:16 PM  

love your story... almost everything on it parang nadaraanan ko na... or shall i say still the process of letting go... I know its hard to let go that person you truly loved, but its the only way to gain respect for ourselves... I know the pain and everything... Hope you will write more lovely stories... goodluck..

ugatbayo July 28, 2010 at 7:58 PM  

wow nice naman ang bida natin haba ng hair ha me nag aantay talaga, bait naman ni papa lucky hehehhe

otokonaata July 28, 2010 at 7:58 PM  

oo nga ang haBA ng hair nya. hahahaha di ko napigilang tumili nung last part nung pagbukas nya ng pinto. bakit naman kasi bumalik pa yung kahapon? hahahaha isusuout n nga lang nya yung singsing eh. hahahahahaha iba talaga ito si paul kakaloka gumawa ng kwento. kudos!!! parang gusto ko tuloy gumawa ng fans club hahahahaha


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP