Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Tuesday, November 11, 2008

AKO si DESTINY (CHAPTER 17: “DESTINY” )

"AKO SI DESTINY"
(a heart-warming love story)
by: pauLkiaN



Isa ka bang hopeless romantic person?
Yung tipong sabik mainlove?
Naniniwala ka ba sa love at first sight?
Yung tipong kahit hindi mo pa nakikita mahal mo na?
Naniniwala ka ba sa DESTINY?
Kahit parang nagkataon lang ang lahat?





eh paano kung ako si...,


CHAPTER 17: "DESTINY"


Humiga ako sa aking kama. Dinama ko ang lambot ng kutson at niyakap ang unan. Ito ang natatanging bagay na kaya kong gawin nung mga oras na iyon. Nais kong yakapin ang sarili ko. Nais kong pahupain ang kanina pang umiiyak kong puso.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Nagbabaka-sakaling tumigil ang patak ng aking mga luha. Umaasa rin akong tumigil na sana ang takbo ng bawat minuto. Dahil hangga’t tumatakbo ang oras lalo lang ako nagiging duguan. Pinilit kong pinatahimik ang aking diwang sawi. Kailangan kong mag-ipon ng tapang.

Nagising ako sa mga yabag ng paa papasok ng dorm. Nakaidlip na pala ako ng ilang minuto. Ilang sandali rin akong nakalimot sa totoong mundo.

Pinakiramdaman ko si Luis habang dahan-dahang pumapasok ng dorm. Maingat siyang naglakad. Ayaw niya sigurong maistorbo ako mula sa pagpapahinga. Alam ko sa mga oras na iyon pinagmamasdan niya ako. Alam ko tinutunaw niya ako ng mga malalagkit niyang tanaw. Ramdam ko na ilang dangkal lang ang layo niya sa akin.

Sinimulan ni Luis na hagurin ang aking buhok sa pamamagitan ng kanyang kamay. Dahan-dahan niya akong hinaplos na waring minamasahe ang aking noo. Mas pinili kong huwag dumilat at magpanggap na natutulog. Mas mainam na damhin ko ang pag-aarugang ginagawa niya noong mga sandaling iyon.

Hinawakan niya ang aking kamay. Pinisil-pisil niya iyon na parang nais niya akong gisisngin mula sa pagkakahimbing. Nanatili pa rin akong pikit-mata at hinayaan lamang ang nais niyang gawin.

Naramdaman ko na lamang ang kamay niya sa aking mga pisngi. Mainit ang mga iyon. Damang-dama ko ang init mula sa kaibuturan ng kanyang puso. Sinimulan din niyang pisilin ang aking labi gamit ang kanyang daliri.

Isang nakaw na halik ang kanyang binitawan. Isinalin ng kanyang labi ang nais niyang sabihin sa akin. Hindi ko alam ang aking gagawin. Nagulat ako sa ginawa niya. Bawat segundo parang isang hamon sa akin kung ipagpapatuloy ko pa rin ba ang pagtutulog-tulugan. Pinakalma ko ang aking damdamin.

Nanatiling tikom ang aking bibig. Hindi pa rin ako dumilat. Hinayaan ko lang si Luis na gawin ang nais niyang gawin. Ang totoo, hindi ko rin alam ang gagawin. Mas mabuti na ang ganito.

Hinagkan niya ako ng mahigpit matapos niyang nakawan ako ng isang halik. Nasakop ng kanyang mga braso ang tahimik kong katawan. Umalingasaw ang pabango niya na halos kumapit sa akin. Napatigil ako sandali. Pamilyar ang amoy na iyon. Habang humihigpit ang yakap niya, unti-unti kong naaalala kung kanino ang pamilyar na pabango na aking naamoy. Ang halimuyak ng nakaraan ay muli kong gumuhit sa aking gunita..

“I love you Lance…” tanging nasambit niya sa akin.

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Nagulat ako sa nasilayan ko.

“Russel???”

Nananaginip ba ako? Kumalas ako mula sa pagkakayakap at sinipat ang kanyang mukha. Anghel ang kaharap ko. Hindi ito isang panaginip. Totoo na ito.

Kinurot ko pa ang balat ko sa braso upang siguraduhing hindi panaginip ang nagyayari. Totoo nga ang lahat. Nasa harapan ko si Russel. Muli niya akong hinalikan. Muli niya akong hinagkan.

Tanging hagulgol lang ang nailabas ng aking sarili sa piling niya. Hinayaan niya akong umiyak habang siya naman ay yakap ang aking katawan. Akala ko hindi na mangyayari ito. Akala ko hanggang panaginip na lang ang lahat.

“Russel, akala ko…”

“Lance, mamaya na ang flight ko, dumaan ako dito para humingi ng tawad sa lahat ng nagawa ko sa’yo… hindi ko kayang umalis ng hindi ko naaayos ang lahat.”

“hindi mo na kailangang gawin yun, naunawan ko na ang lahat… sinabi sa akin ni Jerome… Russel, mahal na mahal din kita… ngayon lang ako nagmahal ng ganito…higit pa sa pagaakala mo.”

“gusto ko lang malaman mo na hindi kita kayang saktan. At ayaw kong may nananakit sa’yo…”

Muling naglapat ang aming mga labi. Saksi ang dorm sa muli naming pagtatagpo. Sa pagkakataong ito nabuhayan ako ng loob.

“hintayin mo ako Lance, 4 na taon lang akong mawawala… sa pagbabalik ko magiging maayos na ulit ang lahat…ipangako mo sa akin ha? Hihintayin mo ako… hindi kita ipagpapalit. Makakaasa ba akong may babalikan ako dito?”

“promise po… promise! maghihintay ako…pangako ‘yan…”

Pinabaunan ko siya ng isang pangako. Dadalhin niya iyon sa Dubai at makakaasa siyang tutuparin ko ang aming napagkasunduan. Kahit anong mangyari. Kahit ilang bansa at kultura ang nakapagitan sa amin. Alam ko dadating ang araw na muli kaming magkakasama upang dugtungan ang aming nasimulan.

Bago niya isara ang van, iniwanan niya ako ng isang assurance:

“anghel ko, babalikan kita… antayin mo lang ako.”

Kung alam lang niya na siya ang tunay na anghel na nagbigay sa akin ng tunay na kahulugan ng langit. Siya ang anghel na nagpakulay muli sa dating black and white kong puso. Ang puso kong patuloy na titibok dahil sa kanya… para sa kanya.

Nawala na sa paningin ng aking balintataw ang van na sinasakyan ni Russel. Mabilis itong umandar papalayo sa akin. Nanatili akong nakatayo sa labas ng dorm. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Ligaya ba o lungkot? Napalitan ng ngiti ang maluhaluha kong mata nang makita ko si Jhen mula sa malayo na naglalakad patungo sa akin. Tamang timing ang hitad.

“oh ba’t umiiyak ka? Dramarama sa hapon na ba?”

“Jhen, nakakkita na naman ako ng anghel… bumaba siya muila sa langit upang magpaalam sa akin…”

“ay, nasisiraan na yata ng bait ang kaibigan ko… ano na naman ba ang hinithit mo ha? Oh heto kumain ka gutom lang ‘yan!”

“Teka, para sa’kin ba yang bitbit mo?” sabay turo sa bitbit na plastic ni Jhen na naglalaman ng mga pagkain mula sa Mcdo.

“ah eto, oo kapatid… ipinabibigay ‘to ni Luis…”

“si Luis? Nasaan na siya?”

“ayun lumarga na! Nagkasalubong kasi kami sa kanto kanina, pupunta yata sa dorm mo. Eh may kasama ka daw na bisita kaya ‘di na daw siya tumuloy… ibigay ko na nga lang daw sa’yo ‘to… bongga ha? Ginawa akong delivery boy!”


(LUMIPAS ANG ISANG TAON)


Simula noon hindi na nagpakita pang muli si Luis. Pati ang number niya hindi na rin ma-contact. Pareho silang dalawa ni Jerome na nawalang parang bula. Saan man sila naroroon ngayon, alam ko masaya sila para sa akin. Kahit friendship lang ang kaya kong isukli kay Luis, alam ko dadating din ang araw na haharap siyang muli sa akin upang tanggapin ang pagkakaibigang kaya kong ibigay. Alam ko rin dadating ang araw na muli akong dadalawin ni Jerome, hindi para magpasabog ng panibagong bomba kundi para mangamusta.

Samantalang ako naman, heto nag-aantay parin. Alam kong hindi waiting in vain ang ginagawa ko. Alam ko may saysay lahat ng paghihintay ko kay Russel. Tatlong taon pa. Ilang taon na lang naman at muli kaming magkakasama ni Russel. Medyo mahirap sa akin, kasi ba naman nasanay ako sa mabilis na pacing ng lovestory naming dalawa. Sabi nga ni Jhen, mala-isang linggong pag-ibig nga. Pero ito pala yung pinaka simula talaga, ang paghihintay ng taon sa taong isang linggo mo lang minahal. Nandiyan naman ang yahoo messenger at globe roaming, kaya hindi na rin nakakalungkot. Sa muli naming pagkikita sana ito na ang simula ng panibagong ekspedisyon ng buhay namin.

Si Jhen? Ayun, ngayon lang nauntog. Hiwalay na (daw) sila ng bf niyang nanguumbag. At ito pa ang malupit! May ka-chat mate daw siya ngayon. Nagbabakasakaling mahanap niya daw si “destiny”. Tingnan mo talaga ‘tong si Jhen, nakikigaya sa mga long distance relationship ko.

“Lance, nakakatuwa naman! Buhay pa pala ‘tong kauna-unahang chikapad natin…”

“aba siyempre naman noh, memorable yata yan!”

“Saglit nga lang basahin ko nga muna ‘to… nakalimutan ko na ang pinagusapan natin dito eh…”

Sinimulan ni Jhen ang pagbabasa ng unang chikapad.


CHIKA PAD- AUG 12-06

JHEN:
Ano na naman bang gimik iyong kanina Lance ha?
Kung hindi pa kita susunduin sa dorm mo wala kang balak pumasok ng RLE. Alam mo namang tayo ang mag-kapartner sa return demo ngayon!

LANCE:
Ano ‘to Jhen? “written sermon”?

JHEN:
Bakla ka! Napuyat ka na naman siguro kagabi noh? Saan ka na naman rumampa? Tangina, sabi ko naman sa’yo kung mag-gagala ka i-text mo ko eh… masyado kang makasarili kapatid.

LANCE:
Jhen, tumigil-tigil ka nga baka ipakain ko sa’yo ‘tong notebook ko na sinasayang mo lang…

JHEN:
Aba, may mga paganun-ganun ka na ngayon ha?
May regal ka?

LANCE:
Gaga wala! Delayed na nga ako ng 5 months eh… (he!he!)

JHEN:
Eh kung raspahin ko kaya yang puwerta mo para matauhan ka!
Baklang ‘to ambisyosa!

LANCE:
Ito naman, alam mo namang sa’yo lang ako naglalabas ng kajoklaan ko, hindi mo pa ako mapagbigyan!

JHEN:
OO NGA EH! feeling ko tuloy pasan ko ang daigdig kasi lahat ng sikreto mo ibinuhos mo sa’ken. Minsan nga tinatanong ko si Lord:

“Lord, bakit ba ako nagkaroon ng baklang kaibigan hindi naman ako bakla…”

LANCE:
Ah ganun? So, pinagsisisihan mo pala kung bakit tayo naging mag-bestfriend?

JHEN:
Hindi naman sa ganun kapatid, ang hirap lang talaga
magtago ng sandamakmak na sikreto… punong-puno na ang utak ko ng mga sikreto mo! 215 MB lang capacity nitong utak ko. minsan nga naiisip kong ikwento sa iba o ‘di kaya ipa-photo copy ‘tong chika pad natin at ipamudmod sa klase.

LANCE:
Tangna! Halina’t ipa-upgrade na natin yang
utak mo bago mo pa ako ibuko. At kung gagawin mo man yun, ihanda mo yang mukha mo dahil uuwi kang cornea lang ang walang latay.

JHEN:
Ha! Ha! Ha! Cornea talaga dapat?
Joke lang yun kapatid, siyempre hindi ko magagawa yun noh.
Mahal kita eh!

LANCE:
Sabi ko na nga ba may pagnanasa ka sa’kin eh. ha!ha!ha!

JHEN:
Yuck!!! Lason! Maligo ka nga ng sanga ng makabuhay at kulantro para matauhan ka, samahan mo narin uminom ng pinakuluang dahon ng talampunay!

LANCE:
Putang inang mga halaman yan! Ha! Ha!
Gusto ko lang i-remind sa’yo jhen na mag-nunurse tayo hindi tayo magaalbularyo…

JHEN:
Gaga! Effective naman talaga yun.
Anyways, maiba ako bakit ka na naman ba sinapian ng espiritu ni Juan Tamad ha?
Hay naku Lance kilala kita, ano na naman ba ang problema?

LANCE:
Wala naman, nakakatamad lang talaga. Alam mo yun?
Yung feeling na wala kang “special someone”?
ang tagal ko na rin kasi nagaantay simula nung naghiwalay kami ni Jerome. Hanggang ngayon wala pa rin dumadating. Nasaan na ba si “Destiny”?

JHEN:
Hay nako! Akala ko naman kung ano na. Love life na naman!

LANCE:
Siyempre noh, parang feeling ko mas gaganahan ako mag-aral kapag may bf ako. Tipong nandiyan lagi. Mas may eagerness ako kapag ganun. May magtutuwid sa akin.

JHEN:
Ayan na naman tayo Lance. Hindi mo kailangan ng boyfriend para magsipag noh? Nasa sarili mo yan! Ikaw ang gumagawa ng mga bagay na ikakatamad mo! Naghahanap ka lang ng dahilan kaya nasabi mong kailangan mo ng bf para sipagin kang mag-aral. Haaaayssst! Tigilan nga yang mga ganyang rason.

LANCE:
Eh sa yun ang nararamdaman kong kalutasan.

JHEN:
Ang kalutasan sa problemang katamaran ay magmumula sa sarili mo. Kung gusto mo ng inspirasyon nanadiyan ang pamilya mo, nandiyan Mommy mo. Dalawa na lang kayo kaya dapat magsumikap ka. O kaya ialay mo sa Papa mo, saan man siya naroroon.
tiyak matutuwa yun kapag nalaman niyang para sa kanya ang pagsisipag mong mag-aral.

LANCE:
Kung sa bagay may point ka dun. Pero hindi mo kasi ako naiintindihan kasi may bf ka at umaalagwa ang relasyon niyo. Try mo kayang maging single ng ilang taon para maunawaan mo ko!

JHEN:
Hmmm… teka magiisip ako ng pwedeng alternative.

LANCE:
Kita mo na, mahirap para sa’yo magpayo!

JHEN:
O siya sige, madali lang solusyunan yan. Sa tingin ko hindi naman bf ang kailangan mo eh. ang kailangan mo ay “tagapagpaalala”.
Why don’t you try na gumawa ng isang imaginary bf?

LANCE:
IMAGINARY BOYFRIEND??? So, magpapakaloka-loka ako?
Ganun ba Jhen? Magpapanggap ako na may bf ako pero ang totoo wala naman? Ganun ba? Ang panget!

JHEN:
Ay oo panget nga yung ganun, baka mabaliw ka. Hmmm teka. Alam ko na Lance, bakit hindi na lang invented secret admirer?

LANCE:
Hay nako Jhen ha! Hindi ko carry mga suggestions mo! Mga pang loka-loka!

JHEN:
Eh bakit? Sa tingin mo ba hindi ka nagiging loka-loka sa mga pinagiisip mo? Mas maigi na yung ganito kaysa naman wala? He! He!

LANCE:
Oh siya, sige nga ano naman bang pakulo niyang secret admirer na yan ha?

JHEN:
Simple lang, tutal naman gusto mo ng “eagerness” sa pagaaral at gusto mo na may nagpapaalala sa’yo ng dapat gawin, gumawa ka ng kunya-kunyariang secret admirer mo.
Pangalanan mo siyang DESTINY. Si Destiny ang representasyon ng sarili mo. Oh diba? Bongga yun! Ha!ha! may secret admirer ka na, may nagreremind pa sa’yo lagi, yun nga lang kunyari lang. he! he!

LANCE:
Letseng suggestion na yan! Hay nako!



Pagkatapos basahin ni Jhen ang laman ng chika pad natawa na lang ito mula sa kinauupuan niya.

“oh bakit ka natatawa diyan?”

“wala lang nakaktawa yung mga pinag-susulat ko dito. Biruin mo yun sinakyan mo pala yung tangang suggestion ko?”

“bakit? Hindi ka ba seryoso nung mga araw na yun?”

“binibiro lang kita nun noh? Ito naman pinaniwalaan mo naman! Malay ko bang tototohanin mo yung mga “Destiny” na yan…”

“Sira ka talaga! In fairness effective naman eh… mas nakilala ko ang sarili ko… at dumating ang tunay na Destiny…”

Tama si Jhen, walang ibang makakatulong sa akin… Hindi siya, hindi si Russel, hindi si Jerome, hindi rin si Luis, mas lalong hindi si Aling Bebang o ibang tao. Dahil tayo lang ang makakatulong sa sarili natin. Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Jennifer. Kung hindi dahil sa kanya hindi magiging maayos ang lahat. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ko makikilala si Destiny. Si Destiny na dati hindi alam ang nais at magulo lagi ang puso. Si Destiny na laging naliligaw ng landas pagdating sa love.

“Lance paano kung sabihin kong ako si DESTNY?”

“AMBISYOSA KA! Lason nga diba?”

“ako nga si Destiny! Maniwala ka!”

“hay naku Jhen ha?!”

“JOKE!!! Lason! Ha-ha!”

Aminado ako, isa akong hopeless romantic person. Yung tipong amak mainlove. Naniniwala din ako sa love at first sight, yung tipong kahit hindi ko pa nakikita mahal ko na. Naniniwala din ako sa DESTINY, kahit parang nagkataon lang ang lahat. Sabi nila kung lahat daw paniniwalaan mo, tatanda kang tanga. Siguro totoo nga. Destiny is a word coined by people who can’t stand the fact that everything happens is the result of their choice. Hawak mo ang buhay mo. Hawak mo rin ang kaligayahan mo. Kaya hindi totoo si “DESTINY”… binuhay lang siya ng paghahangad kong maging maligaya…

Ako si Lance. Isang nursing student. May sikreto.
Ito na siguro ang pinakamalupit na lihim ibubunyag ko:



AKO SI DESTINY…







THE END











Gunita - Spongecola

Read more...

40 komento:

PAULKIAN November 11, 2008 at 5:45 PM  

Una sa lahat gusto kong pasalamatan si Lord God dahil binigyan niya ako ng isang talentong naging instrumento para maipahayag ang aking saloobin, upang kapulutan ng aral ng nakakarami.

Pangalawa, sa mga taong naging bahagi ng buhay ko... sa inyo ako humugot ng lakas at lalim ng inspirasyon upang mabuo ang akdang ito...

sa mga kaibigan kong patuloy din na sumusuporta: manel, jeff, vince, lea, wileth, jinky, at mam cha. maraming salamat sa inyo... hanggang sa muli nating pagkikita.

sa mga taong sumusubaybay ng AKO SI DESTINY, binuhay niyo sina Lance, Russel, Jerome, Luis, at Jhen sa mga puso ninyo. Alam kong hindi ganun kaperpekto at kapulido ang gawa ko pero sana kinapulutan niyo siya ng gintong aral.

Tulad ng lagi kong sinasabi, patuloy akong magsususlat hangga't nandiyan kayong lahat na patuloy na nagbabasa at sumusuporta. asahan ninyo ang mga susunod kong akda... mabasa ko lang ang mga comments ninyo, masaya na ako...

muli po, maraming salamat!

hanggang sa muli kong pagtipa ng keyboard...



---PAULKIAN




ABOUT PAULKIAN?


http://paulkian.multiply.com/

http://paulkian.blogspot.com/

http://groups.yahoo.com/group/kwento_ni_ paulkian

email: paul_kian@yahoo.com
friendster: paulkian_kianpaul@yahoo.com

chat:
http://kwentonipaulkian.cbox.ws
http://kwentonipaulkian.chatango.com

Anonymous,  December 17, 2008 at 11:03 AM  

many thanks, Paulkian...
sobrang nakaka inlove at nakakarelate ako sa love story ni Lance sana may friend din ako kagaya ni Jhen ... Looking forward to your next story.. :)

Anonymous,  March 11, 2009 at 3:23 PM  

Great story.

Real lesson.

Anonymous,  March 18, 2009 at 3:15 PM  

GREAT STORY!!!!
Ang daming nakakarelate sa kwentong ito. Even my friend na girl na kasabay kong nagbasa nitong kwento mo, nakarelate at naaliw...
Thanks paulkian for the wonderful story...

Anonymous,  March 24, 2009 at 6:28 PM  

Hays. Sobrang nakakainlove ang kwento mo. Napakaswerte ni lance! Kainggit! Hehehe.. More power sayo at sana marami ka pang masulat. Sobrang nakakainlove

Anonymous,  April 3, 2009 at 1:47 AM  

eii kian.

ang ganda ng story mu.
it made me shiver, made me wonder, made me sad, made me curious, made me cry, and lastly made me learn.
hihi

thumbs up.!
sana me continuation.
hihi
fs/26970707

jeira April 16, 2009 at 12:08 AM  

congrats paul!!!

great story!

may lesson..


you've got a real talent..

Anonymous,  April 22, 2009 at 6:06 PM  

Andito ako para suportahan ka... Magaling kang magsulat at nakikita ko na malalim kang tao... May sense. Huwag kang mag alala...
may tao ngaun na MAHAL ka....

Mharc,  September 29, 2009 at 11:59 PM  

Tama lahat ng mga nagcomment sayo Kian. Magaling ka nga. Napakagaling! Kaya dapat baguhin mo ung nandun sa profile mo na frustrated writer ka, well in fact isa ka talagang WRITER! Sana talagang maipagpatuloy mo ang pagtitipa mo sa keyboard mo ng mga kwento na may aral sa buhay. Muli, MARAMING MARAMING SALAMAT! Alam ko na ngayon kung anung tama sa larangan ng pag-ibig. Nasa iyo lahat ang desisyon. Walang DESTINY. Thank you very much! MORE POWER!

-Mharc

WE LOVE YOU!

EarthY! October 7, 2009 at 8:34 AM  

Kudos PK! sa isang akdang totoo namang naka-relate ako ng sobra. Maraming salamat sa pagbibigay mo sa akin ng link na ito. Hindi matutumbasan ng kahit na ano ang mga bagay na nalaman ko sa sarili ko dahil bago pa lamang ako sa larangang ito. Hihintayin ko pa ang mga susunod mong akda! Kitakits! (n_n)

Heto, naisip ko lang gumawa ng sampol ayon sa nalathalang akdang AKO SI DESTINY. Puro kalokohan lang ito. Hayaan mo. Kapag maayos na akong gumawa ng blog sa wikang Filipino, asahan mong maipapahayag ko rin ang saloobin ko ng malaya. Salamat sa inspirasyon! Keep it up!

SAMPOL: Naisip ko lang. Hindi naman pala importante kung gaano kalawak ang kaalaman mo tungkol sa buhay at pag-ibig. Minsan, sa mga hindi sinasadyang pagkakataon, si DESTINY na ang magtuturo sa'yo kung paano mo lalawakan ang pananaw mo. Wala namang sinabi sa kahit ano'ng libro na mali ang magmahal. Siguro kung SOBRA. Pero lahat naman ng sobra MASAMA sabi ng ilan. Kung hindi MASAMA, BAWAL naman.

Kung magagawa mo lang pagtatagni-tagniin ang bawat aspeto na kumukumpol sa kamalayan mo, sa mga susunod na "chapter" ng life story mo tiyak buo ka na. Kaya lang ang buhay ay para ring "puzzle" na ginagawang libangan. Wala namang time-pressure kung ikaw lang mag-isa ang bubuo. Pero kadalasan, maraming gustong makisawsaw at bawasan ang tsansa mong mag-isang buuin ang mga piraso ng papel. Marahil hindi nga ito maganda sa ilan, nguni't kung pakakaisipin, masaya rin ang may katulong sa pagbuo ng mga piraso ng buhay mo.Sinasabi rin sa Johari's Window na lahat ng tao ay may pribado at pampublikong katauhan. Kung gayon, hindi mo mahuhukay ang sarili mo kung wala ang tulong ng iba. Sobrang cliche na pero "No man is an island" ika nga at "It takes two to tango".


---ITUTULOY. . . . waha

Anonymous,  February 17, 2010 at 6:04 PM  

NICE JOB. NORMALLY I DONT SPEND A LOT OF TIME HERE IN THE NET BCOS I HAVE NOTHING TO DO. BUT BCOS OF UR STORIES, I STAYED LIKE 4 HOURS JUST READING UR DESTINY STORY. STARTING FROM CHAPTER 1 UNTIL THE LAST. IN JUST ONE SITTING. I AM VERY INTERESTED IN UR STORIES BCOS MOST OF THE SCENARIOS HAPPENED TO ME ALOT. AKALA KO NGA KILALA KITA AT ISINULAT MO ANG BUHAY. ANG MALUPET PA, TGA GMA CAVITE RIN AKO. AT ALM KO ANG PERPS. ESPECIALLY THE LUIS PART, ACCIDENTALY(CGURO) NANGYARI RIN SAKIN YAN NA NAKIPAGHIWALAY SA LOVER AT MAY MGA NAG COURT FROM THE SKUL, BUT STIL, MY LOVE DIDNT FADE AWAY. HE'S STILL HERE IN MY HEART. BUT THE DIFFERENCE IS THAT I LEARNED TO LOVE SOMEONE. IM LEARNING TO LOVE. BUT I KNOW THE PERSON THAT I CONSIDER MY TRUE LOVE ALREADY LEFT A SPACE IN MY HEART. AND KAHIT MAGMAHAL AKO NG IBA. DI KA NA MAWAWALA SA PUSO KO. KUNG NASAN KA MAN, AT MAGKATAON NA MABASA MO TO. MAHAL KITA. SIMULA DASMA HANNGANG GMA.

Sasarai June 1, 2010 at 10:31 PM  

At last! NATAPOS ko din ang mahabang chapter ng AKO SI DESTINY.. LOL!! :)) Nakakatuwa talaga, striking... Hope mas marami pang ganito para mas masaya! I took two days just to finish this (syempre gabi lahat yun) .. and magaling!!!

Anonymous,  June 16, 2010 at 9:29 AM  

ang galing!!! kudos sau paulkian. ang galing mong magsulat at storyteller nadala mo kami sa kwentong ito. alam mo bang halos ayaw kong putulin ang pagbabasa ng kwentong ito dahil eager akong malaman ang kahihinatnan ng story. maganda ang presentation at malinaw ang moral lessons na mapupulot ng mambabasa.

keep it up. excited n akong magbasa pa ng iba mo pang stories.

thnx for sharing ur talent wid us.

btw, mabuhay ang mga perpetualites!!! perps binan aq. hehehe

-kearse

julius,  June 18, 2010 at 1:07 PM  

paulkian sa lahat ng nabasang kong blogs mula sa ibat-ibang blogsite sau ang pinakakakaiba..chil ang ang ganda super..talentado k talaga..sana kita tau kaw gumawa ng project ko sa filipino..hahaha joke,nasabi ko lng yan kc gusto ko rin makuha talent mo..i love u na..oh sa lhat ng writers kaw lang cnabihan ko nyan..hahaha

Anonymous,  July 5, 2010 at 1:24 PM  

hi paulkian tama ka sa suggest mo sakin na basahin ko to nice job! sana meron pang isang chapter na ang pagbabalik ni russel grbe fav. ko charac. ni russell nkaka inlove sya! hahahaha...sana gawa kapa ng mga ganitong story i like it! :)
....troy to yung sa PR

Anonymous,  July 22, 2010 at 11:36 PM  

This ought to be published! Love it PaulKian!

icyblue12 July 26, 2010 at 7:46 PM  

ay... sabi ko na nga ba siya si Destiny eh... =(

kala ko pa naman bumalik na si Russell sa kanya and they lived happily ver after. hehe. =)

frenchfrieskoto July 27, 2010 at 5:25 PM  

hello paulkian,

Salamat and Sorry...

Honestly I don't know where to start, there's alot of things that's coming into my mind now.

Salamat, because you've been a part of my journey since then. Your blog became my daily dose to be my motivation.


Sorry because I know it's been a long time that your asking me to say something about your work.


Im really looking online for a story, real life or not that will become my cup of tea. I've red blogs from MGG, Pantasya, etc. But I never encounter such marvelous work and has a heart. I will not deny that I really love sequels, it urge me to wait for the next chapter. Until I found "paulkian"

In the beginning I'm just reading the text but all the while I'm already addicted to it. I found myself in his works. like what I've felt after reading Orosa-Nakpil of Louie.

"Ako si Destiny" is one of my favorite work. It depicts the life of simple and sweet yet classy character of people like Us. Hoping that someday there will be a person that will love us unconditionally.

As you can observe the story is a limbo for us, but if your just be observant enough, clues are already there. Every scene and every encounter of the character assures us that it will gonna be a heart pounding. Using of local langguage that makes us more attached gives us instant connections to the story. Places, names, situations are so realistic which made us love the sequel more.

We know that people like Us could hard to find the real love, generally speaking, but with this story it give us hope.

I mean it. Some of the chapters made me cry because of the similarity of the scenes. I was refreshed of my past but it made me strong because I learned how to move on. The ups and downs of the story is so nice. As you can imagine every character was introduce in the manner they were need to be recognized. Balance writing. My emotions went up and down, thrill moments as he uses good choice of adjectives really describes the scenario. I'm lovin it.

On the other side of the coin I would wanted to stress out about telling maybe not too much but enough things of how it really happens, a suggestion that would somehow leave to the readers mind on how they will create their own scenes.

As what I've observe each chapter has its own emotion. I'm not sure or maybe depending on the writer's mode. I hope I'm not mistaken.

The twist of the story was one of the highlights and I admit it, it works! It catches the reader's attention to what's gonna happen next. Specially when lance had a bad dream about the tragic death of Russel that relieves us after.

Anyway paulkian. Thank you again. I know my comment is way to long. But I hope you like it. You became an instrument of the unsung spirit like me. I hope you continue writing such wonderful, inspirational stories. God gave you this gift, enrich it and continue sharing it to others...

T'ill then...

frenchfries

dracrodel July 27, 2010 at 8:28 PM  

oh ayan joco, andami mong napapasaya at nata-touch sa mga works mo..finally natapos ko rin itong pagkahaba-haba mong "ako si destiny" inaamin ko, tamad ako magbasa talaga..pero may kakaiba sa gawa mo, tipong aabangan nga talaga ng kung sino mang makabasa nito ang bawat yugto..halo-halong emosyon ang mararamdaman mo..halos lahat ng emosyon mararamdaman mo sa pagbabasa..bawat chapter may sariling karakter..emosyon..ang totoo niyan kinikilabutan ako sa ibang chapters na nabasa ko dito sa "Ako si Destiny" para kasing pareho nga tayo ng pag-iisip sabi mo nga..sa pagkakasulat mo ng istorya..sa mga kaganapan sa buhay nila Lance..napakahusay mo pala talaga magsulat..akala ko nung una eh pangkaraniwang blog lang at istory tong mga to..pero nagkamali ako..at dahil jan kahit sinong reader mahuhulog sa'yo hahaha..ang storya mo kasi makatotohanan..yung tipong lahat ng tao makaka-relate..buti na lang pinrint ko to kahit na isang ream ng papel ang naubos ko :p pero at least nabasa ko anytime ko gusto at tuloy-tuloy pa..tapos mo na kasing isulat tong istorya nang simulan kong basahin :) Congrats sa napakagandang istorya..ayaw mo bang maisalin sa pelikula mga istorya mo? palagay ko maganda to sa big screen eh? basta yun lang nag-enjoy ako ng sobra dahil matalino pero simpleng maiintindihan mo ang pagkakagawa talaga..at napakaraming twist ng istorya..parang roller-coaster ride ang drama..haha..kaya ayan meron na tuloy akong aabanagan sa susunod..pero habang wala pa ang mga bago mong istorya eh babasahin ko muna yung iba mo pang gawa..me aaminin pala ako, ...ako si destiny..hahaha..hindi..kasi nung nabasa ko yung last part ng story kinilabutan ako..hindi ko alam kung bakit? basta kinilabutan ako dun lalo na nung mabasa ko ang last line :D

akosinatnat July 28, 2010 at 5:48 PM  

hi paulkian,

senxa, ngaun lng ako magcocomment..sa ending pa. maxado kasi akong naexcite. hehe


i love the story.
naiyak ako ng bonggang bongga.
haha.

thank you sa fren ko sa pagsashare ng website mo...

kaya i'd do the same.

i'll spread the word.

keep writing inspirational stories such as this
;)

ugatbayo July 28, 2010 at 8:25 PM  

hehhehe i like the ending hehehhehe at least me pangako na babalik at me maghihintay sana lang makapghintay silang dalawa, at sa churvang ikaw si destiny hehehhehe ganda naman nun at least ikaw mismo ang nagbigay ng motivation sa sarili mo hahahah galing

otokonaata July 28, 2010 at 8:26 PM  

certainly hope is a good thing... something to keep us going.

Anonymous,  July 28, 2010 at 8:27 PM  

NAKU PAUL.... thnxs.. ang ganda ng ending, simple pero very sensible... nakakaiyak ung parang nag boboost cya ng trust sa long distance love nila ni russle...sana pamatay uli ang book 2... babalik na si russle doon noh? owow!!!! excited na ako.... more power paul... simple but very meaningful...BORIS_HUNK here...

eshh July 28, 2010 at 8:28 PM  

bow... fantastic...^_^ I was really impressed by the way you created the story... pwede ng pang-indie film...^_^ anyway, congrats for this wonderful piece...

wangshiishii July 28, 2010 at 8:28 PM  

ganda ng story line..

bravo!

sana ako din mameet ko na din yung destiny ko. *wink

:)

gregsaturday July 28, 2010 at 8:39 PM  

okay ngayon ko lang nabasa. at dahil last chapter na 'to, medyo hahabaan ko na ang comment ko. comment ko na 'to sa buong kuwento. at puro good comments ito, wag ka mag-alala. haha.

1. naglagay ka ng mga elementong pang-nursing students. bilang nursing student ang main character ano... magaling 'yung pagkakalagay ng mga elementong ito. nae-establish ng maigi ang characters, at kahit hindi naman ako nursing student, hindi naman ako na-"out of place" at tipong napasigaw ng "ano daw??" habang nagbabasa.

2. gusto ko 'yung talaga 'yung character ni jhen. she reminds me of my girlfriends (female friends). ganung ganun sila magsalita, mag-advise, mag-joke. ang cool! at 'yung chika pad thing? ginawa ko din 'yan nung high school, at ang ka-chika pad ko ay "jenny" ang pangalan. kamusta naman 'yun.

3. nung umpisa nung kuwento, namatay ako sa sunud-sunod na kilig moments. bilang film major, "visual" akong tao: 'yung mga ideas sa utak ko mas naa-appreciate ko kapag nai-imagine ko sila in "images". at sobrang nakakakilig lang talaga 'yung na-imagine ko upon reading the first few chapters. nung kalagitnaan na, nung tipong emo-emohan na si lance, medyo madrama naman ang dating. na binawi naman lahat sa isang masaya at "hopeful" na ending.

nagustuhan ko 'yung ganitong structure ng kuwento. kasi feeling ko, ganun din ang structure ng "love". (oo based on experience ito. haha.) 'yung tipong sobrang nakakakilig sa umpisa... pero siyempre along the way may mga problemang kaka-emo-han mo talaga. sabi nga ni jhen, "dramarama sa hapon" ang level nun. at kung anuman ang ending niyong dalawa, happy man o hindi, magmamahal at magmamahal ka pa rin. kahit ilang beses masaktan, hindi naman tayo nawawalan ng pag-asa, lalo na sa pag-ibig. i should know. (yak ang emo!! sorry emo ako ngayong mga panahong ito. ang lamig na kasi. hahaha.)

4. na-attach ako kay lance. maaaring dahil effective ang establishment mo nung character niya, or nakikita ko ang sarili ko sa kanya... or both. hindi ko na iisa-isahin 'yung similarities namin dahil masyado nang revealing about my personal life.. haha! pero definitely, mas malandi si lance sa akin.

5. ANG COOL NUNG TWIST. well, siguro masyado akong namatay sa kilig habang nagbabasa, at masyado akong na-apektuhan ng paghihiwalay nila lance at russel kaya hindi ko na naisip 'yung possibility na si lance ay si destiny. swak na swak ang title: "ako si destiny". ang galing talaga. all this time nababasa ko na pala 'yung sagot sa tanong na "sino ba si destiny?" na-amaze ako. hahaha.

6. the moral of the story: very well conveyed. 'yun naman ang importante sa pagku-kuwento di ba? hindi lang para maipahatid mo 'yung nangyari sa kuwento, kundi para maipahatid mo kung anong gusto mong sabihin sa kuwento mo. kaya dito pa lang, HIGH PASS ka na.

7. at alam mo ba kung bakit hindi na ma-contact ni lance si luis?......

....kasi kami na ni luis. hahaha. joke. XD

na-excite ako sa book 2. galing mo! ipagpatuloy mo ang pagsusulat ng mga ganitong kuwento! pag ako naging direktor, hihingiin ko sa'yo 'yung rights ng kuwentong ito para gawin kong film or tv show! (take note: HINGI ha, hindi bili! hahaha.) XD

edit: tinype ko muna 'yung comment ko sa notepad. kaya feeling ko hindi naman exaggerated 'yung haba. pero nung pinost ko siya dito, ang haba-haba pala. nalula ako. haha. XD

Anonymous,  September 4, 2010 at 12:43 AM  

Hi I'm Jay-em an 18 yr.old college student in Laguna....I really2 admire your story...skatunyan npaiyak ako dun sa panagnp ni Lance n nmtay si russel....maybe someday matagpuan ntng mga Bisexuals ung true love ntn...wag lang mwln ng pag-asa...tuladan ntn si Lance na....nagmamahal kht alam niang mhrap...pero anjan prin si LORD nakasubay2 stng lht...

Thank you for a wonderful inspiration to all of us.....

Anonymous,  December 28, 2010 at 12:23 AM  

very superb intelligence. Ang galing humabi ng story. Ang ganda ng twist. F pwede lang kitabigyan ng Palanca award eh for literature. How ideal.

Anonymous,  January 19, 2011 at 8:02 AM  

lupet tol. binasa ko to isang upuan. galing ng twist.

di ko inexpect na siya si destiny. haha

-kokey

Anonymous,  May 4, 2011 at 6:27 PM  

i really love the whole story (ako si destiny)...kahit medyo predictable ung ibang part i appreciate the fact na nakakakilig at nakakapag papataas ng emotions ko as a reader...i want more online stories from your blog and hope someday we'll meet

-zero nine one six five seven three nine seven seven zero

Anonymous,  June 20, 2011 at 8:03 PM  

sana po may book 2 ang AKO SI DESTINY :))

Anonymous,  August 16, 2011 at 5:06 PM  

ganda ng storya promise,,hindi nakaka inis basta wala akong ma isip na regret kong bakit ko pa binasa ito,,ang ganda talaga,,nakaka inspired,,,,thums up po sayo,,


marjvaler"

Jonathan,  September 6, 2011 at 1:26 PM  

ang galing nman!! binasa q to ng isang upuan lng. take note 2hours un. i really like your story. looking forward on your nxt story :D

Anonymous,  September 6, 2011 at 4:20 PM  

Galing mo sir... Mapalad si Lance sa buhay nya na kinilala nya ang sarili nya... si Destiny... lahat ng enerhiya andito sa istoryang ito... nakakainggit minsan si Lance nang dahil sa katapangan nya hinaharap nya ang lahat ng mga balakid at problema.. normal lang naman na tayo ay mag-asam ng magmamahal... handang mabuhay, handang masaktan, hindi nag-aalangang ibuhos ang mga luhang babagsak mula sa ulan ng kasawian, papuri at parangal sa isang magaling na manunulat. Sir PK napakahusay mo. sana may jerome na dumating sa akin pero wag akong sasaktan, may lance na anghel mula sa langit at akoy pahahalagahan, o di kaya may luis na magmahal kahit handang masaktan.

Anonymous,  October 9, 2011 at 3:37 AM  

I finished reading the story in one sitting, if it happen that you are in front of me the time that i read the last word of the story i would clap my hands with standing ovation, it was a very nice and moving story.. nakakarelate ehehe.. thank you :-)


XOXOXO
_DESTINY_




joke... Cheserae

Anonymous,  October 13, 2011 at 8:14 AM  

what a great story.i went crazy over the story as i read through chapters by chapters,i almost reached putting my self on lance's shoes.really crazy! :D most exciting part was to know who was DESTINY is.haha only to find out na si lance din pala yun.anyway more stories po.galing galing ng writer Ü


-ken
ken.verzosa@hotmail.com

Anonymous,  January 23, 2012 at 1:21 AM  

great skills & techniques, im a bit late in this comment becoz im just new in surfing the net & i accidentally found ur site that's why ngayong 2012 ko lang nabasa ang ako si destiny! napaka payak ng storya pero hinaluan mo ito ng istilo na nakapag paangat sa kagandahan nito. kung meron mang sinasabing bagong pamatayan, ito na iyon. the comic relief provided by jen is so hilarious & effective. cheers & more power!

wyatt,  June 12, 2012 at 3:33 AM  

Wala ako masabi.kundi sobrang ganda.sumabay ako sa mga luha ni lance sa mga ngiti.parang nakikita ko sarili ko sa kanya.totoo man ito o hindi nandito sa puso ang kwento na kung saan mAy natutunan ako.lagi kc ako naghahanap ng magmamahal sa akin at hangang ngayon ganun pa rin ako.salamat nalAng sa kwentong ito,muli akong nabuhayan ng loob.alam ko darating ang para sa akin...salamat ng marami DESTINY!

Anonymous,  August 1, 2012 at 2:13 AM  

Napadaan lang ako sa blog mo ang ganda ng story inspiring pagdating sa love kala ko true story dinamay mo pa yung perps at yung mcdo na sarado na ... Agbuya ka ba ??

Anonymous,  September 6, 2012 at 12:04 PM  

Maganda pagkakasulat, writer ka talaga. Maayos ang story. Nagenjoy talaga ako


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP