Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Wednesday, April 01, 2009

Have you ever felt the same? ( CHAPTER 5: “CONSEQUENCE”)

(AKO SI DESTINY 2)
Have you ever felt the same?
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/



"There will be a moment when you're eyes meet and everything in the world is simple again." [Michael Edwards]


CHAPTER 5: “CONSEQUENCE”





Happy birthday to you, this is your day.
On this day for you we're gonna love you in every way.

This is your day, you
r day, happy birthday to you, to you, to you.

Happy birthday to you, you're still young.
Age is just a number, don't you stop having fun.
This is your day, your day, happy birthday to you.
This day only comes once every
year,
Because you're so wonderful with
each and everything you do, hey!





“Akala ko may children’s party dito sa bahay mo eh… Nandiyan na ba yung mga Boyoyong clowns?” biro ko kay Jhen habang inaabot sa kanya ang regalo ko.

“Gaga! Tayo-tayo lang noh!”

“Pano ba naman, mag-sasound trip ka lang happy birthday song pa!”

“Birthday ko kaya!” sabay lipad ng umirap niyang mga mata sa
kisame.

Hininaan ni Jhen ang cd player niya. Siguro napagtanto niya na hindi kami magkarinigan.

“Teka, kanino bang version yan at parang ngayon ko lang narinig?”

“Gandara diba? New Kids on the Block kumanta niyan… dinownload ko
kanina… para naman magkaroon ng spirit ng birthday ang bahay…”

“Spirit, spirit ka pa… baka mga ligaw na kaluluwa pa matawag mo!”

“Tseh! Halika nga dito! Wag kang magmaganda diyan at feel na feel mo pang umupo sa
sofa naming 50 thousand pesos ang halaga! Tulungan mo akong gumawa ng graham cake…”


Hinatak ako ni Jhen papuntang kusina. Kung tutuusin, hindi naman kalakihan ang bahay nila pero halatang mamahalin ang mga kasangkapan na mukhang galing pa sa kalakalang galyon mula tsina. At talagang malinis at masinop sila sa mga kagamitan. Sa pagkakaalam ko kasi magisa lang dito si Jhen. Ang mga magulang niya ay nasa Canada na at kapag naayos na ang mga papeles niya ay i-pepetisyon na rin siya para doon na rin mamuhay.

Pinaupo ako ni Curacha sa monoblock habang siya naman ay kinukuha ang mga ingredients sa loob ng cabinet.

“Wow! Graham! Favorite ko yan!!!”

“Hoy beki! Ku
nin mo yung can opener dun sa cabinet at buksan mo itong nestle cream at fruit cocktail…”

Sunod-sunuran naman ako sa utos ng mala-diktador na si Jennifer. Kinuha ko ang abrelata sa lugar na tinuturo niya. Sa itsura pa lang ng pambukas parang lalamunin na ako kasi hindi ko siya alam kung paano ito gamitin.

At kahit hindi ko alam kung paano magbukas ng lata gamit ang kasangkapang hawak ko, pinilit ko parin. Nagmamadali kong pinalakad ang ngipin ng can opener sa gilid ng lata. Pinihit ko ang pinaka-ikutan nito upang kumapit sa edge ng lata.

Wala pa sa 2 inches ang nabubuksan ko nahiwa na ako ng talim ng lata.

“Ouch!!! Shit!” bulalas ko.

“Hala! Bakla ka talaga!”


Tumulo ang dugo sa de tiles na sahig nila sa kusina. Parang dinagtaan
ng kulay pulang likido ang mala-bulak na kaputian ng sahig.

“Paano ba kasi gamitin ‘to?” tanong ko kay Jhen

“Ay? Shongaers? Akin na nga yan!”

Inagaw ni Jhen an
g abrelata sa kamay ko. Sabay sambit ng mga quotable quotes niya:

“Alam mo Luis, ang pagbubukas ng lata gamit ang can opener ay parang
love lang… kung first time mo at wala kang alam, malaki ang chances na masugatan ka. Pero kapag alam mo na kung paano, kahit nakapikit ka kayang-kaya mo na…”

Naalala ko ang unang pagkakataong mahulog ng todo-todo ang loob ko kay Lance. Sabi ko nga, first time ko pa naman main-love tapos
masasaktan pa ako.

Hinugasan ko naman sa gripo ang duguan kong daliri. Hindi ko matingnan ng diretso. Sa totoo lang takot ako sa dugo. Hindi ko alam kung bakit. Siguro nandidiri lang ako, o baka sadyang may trauma na ako sa sakit, o baka psychological lang tulad nga ng sabi ni Lara.

“Bakit hindi mo sinama yung kapatid mo?” usisa ni Jhen habang pinagpapatuloy ang naudlot na pagb
ubukas ng lata.

“Exam daw niya bukas eh… alam mo naman yung kapatid kong yun, napaka- studious.”

“May band aid diyan sa kabinet, nakalagay sa box…”



Ding…dong… ding… dong…



Parang kampanang umalingawngaw ang doorbell nila Jhen sa buong kabahayan. Naging hudyat iyon upang lisanin niya ang kusina at magtungo sa labasan.

“Ayan na sigu
ro sina Papa Russel. Saglit lang ha papapasukin ko lang sila…”

Kumaripas ng takbo palabas si Jennifer. Excited ang gaga sa pagdating ni Russel. Nakaramdam muli ako ng kakaibang feeling
na kumikislot sa kaibuturan ng aking damdamin. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang ganoong pakiramdam. Siguro excitement na matatawag ang ganun.

Binuksan ko ang tukador kung saan nakalagay ang band aid na i-noffer ni Curacha kanina. Nurse na nurse talga kasi kumpleto sa mga kagamitang pang-first aid ang nasilip ko.

Segundo lang ang pagitan nang magulat ako sa narinig kong mga yabag ng paa pababa ng hagdanan nila Jhen. Palibhasa nakatalikod ako s
a may hagdan kaya hindi ko masyadong napansin na may pababa pala mula sa second floor nila.

Inaninag ko ang taong bumababa. Nagtataka ako kung sino yung nilalang na iyon. May kasama pala si Jennifer dito, at ngayon ko lang nalaman. Ilang baitang na lang pababa makikita ko na kung ano ang kanyang mukha. Pero sigurado na akong lalaki ang taong tinutukoy ko dahil sa laki at bigwas ng katawan niya.

Sa pagharap ng mukha niya sa akin nagulat ako sa aking nasilayan.

Isang maskuladong lalaki, na nasa late 20’s. Mas mataas siya sa’kin ng kaunti at halatang adik sa pag-gygym.

Isang nakakabanas na ngiti sa kanyang labi ang kanyang binato sa gulat na gulat kong emosyon.

“Shocks…” tanging naibulong ko sa hindi makapaniwala kong diwa.


“Sabi ko na nga ba kalahi rin kita eh…”

“Anong ginagawa mo dito? Hanggang dito ba naman sinusundan mo ko?”

“Hello? Bahay ko ‘to noh? Adik ka ba?”

Siya ang lalaking lumapit sa katabing urinal noong umihi ako sa CR ng SM ilang linggo na ang nakakaraan. Siya yung lalak
ing manyak na nilaru-laro ang tinatagong sandata at pilit na iwinawagayway sa hangin. Siya ang lalaking lumapit sa aking likuran habang naglalaro sa Quatum at nagbitaw ng nakakabastos na mga paanyaya:

“Ang galing mo maglaro ha? Sa kama din ba magaling ka makipaglaro? Bro? sex tayo?”

Ang mabilis na pag flash back ng aking gunita ang nagpakulo
muli sa aking dugo. Mabilis ding lumapit sa akin ang lalaki at umaktong hahahawakan ang aking nananahimik na alaga.

“Pwede ba wag ka ngang magulo!” Mahinang sita ko sa kanya.

“Hindi ako magulo, malibog lang ako…”

Tinuloy niya ang balak niyang panghihipo ngunit mabilis akong nakabalikwas upang makailag sa nagbabadyang demonyo ng pagnanasa.

“I heard, sister mo si Lara?”

“Kilala mo kapatid ko?”

“Of course! estudyante ko kaya siya…”

Umikot siya ng bahagya at muling lumapit sa akin. Parang umikot din ang isip ko at medyo naguluhan sa mga pinagsasabi ng lalaking nasa harapan ko. Parang namanhid ang hiwa sa aking daliri na kanina lang ay iniinda ko.

Mistulang eroplanong lumapag ng mabilis sa kanyang paliparan ang kanyang kamay. Dumausdos ito papasok sa suot kong pantalon.

“Wag kang magalala Luis, hindi kita isusumbong sa kapatid mo na isa kang bakla!”

Nabigla ako sa mapangaha
s niyang mga galaw at matatalim niyang salita kaya medyo tumaas ang tono ng pananalita ko sa kanya.

“Sige, subukan m
o lang sabihin sa kanya! Humanda ka sa’kin kapag nalaman niya!”

Tinulak ko siya palayo sa akin. Kahit nasa teritoryo niya ako kaya ko parin siyang i-reject tulad ng unang ginawa kong pang-rereject sa kanya sa
SM.

“Bakit ano bang kaya mong gawin sa akin na hindi ko kayang gawin? Basta ako, meron akong kayang gawin na alam kong hindi mo kaya…” p
anunukso niya sa’kin

“Ano bang gusto mo ha?!”

“Gusto ko? Kaya
mo ba ibigay ang gusto ko? Ikaw ang gusto ko! Simple lang diba?”

“Mukha mo!” kasunod ng fuck you sign na idinuro ko sa kanya.

“I’m gonna suck you later Papa Luis!”

Mabilis na umakyat pataas ang hayup na lalaking yun. Sinundan ko ng masamang tingin ang pagakyat niya sa ikalawang palapag ng tahanan nila. Halos tunawin ko ng irap ang bawat baitang na dinaanan niya.

Hayup talaga! Nakakapikon! Nakakabuwiset! At dahil ayaw kong masira ang araw ko, pinilit kong mag-shift ng mood at d
inivert ko ang emosyon sa paggawa ng graham cake. Inisip ko na lang na nangiinis lang siguro yun kasi nakikita niya sa mata ko ang pagkagulat at pangamba sa kanya.

Maya-maya lang ay pumasok na si Jennifer. Sa wakas. Medyo nakahinga ako ng maluwag.

“Akala ko naman sina Russel na…” sambit ni Jhen habang papasok, bitbit ang kahon ng cake mula sa Goldilocks.

“Nag-padeliver ka?”

“Ah oo, wala na kasing time si akez para bumaysung sa labas…oh ano okay ka lang ba? Bakit parang namumutla ka? dahil ba sa dugo?”

Oo nga dahil sa dugo kung bakit nag-iba ang timpla ng mukha ko. Tumaas ang presyon ko sa inasal ng lalaki mula sa itaas. Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko, tinanong ko na si Jennifer.

“Jhen? Sino yung lalaking malaki ang katawan na kasama mo dito?”

Natawa ng bahagya si Jhen sa tanong ko. Hindi ko alam kung bakit.


“Ah yun ba? Talagang pinuna mo talaga yung kalakihan ng katawan niya? Bakit bumaba ba si Andrei?”

“Andrei? oo kanina nung nasa labas ka…”

“Ate ko yun, I mean, Kuya pala! Ha! Ha!”

“magkapatid kayo!??” halos lumuwa ang mata ko sa ibinulgar niya.

“Yizterday once more! bakit? hindi kami magkamukha noh? Mas maganda ako sa kanya!”

“Puro ka kagagahan Jennifer! Teka, akala ko nagiisang anak ka lang…” usisa ko sa kanya

“Hmmm… kasi si kuya nag-mamasters sa Dubai, mas pinili niya dun mag-aral kasi nandun din daw mga “friends” niya na kumukuha ng masteral.”

Napatango lang ako sa
sunod-sunod na kwento ni Jhen patungkol sa kuya niya.

“eh ayun naisipan na niyang bumalik dito kaya ayan wala ako choice, nagpapart-time siya diyan sa La salle ngayon…” dugtong pa niya.

Humupa ang nag-uuromintado kong dugo nang malaman kong magkapatid sila ng kaibigan kong hitad. At saka medyo natawa rin ako sa mga banat niya. Napakaliit lang talaga ng mundo. Biruin mo yun, estudyante niya pala ang kapatid ko at ang mas malupit pa kapatid siya ng kaibigan ko. Haaaay, ano ba yan!

“Alam mo ba may chika ako sa’yo…” dagdag trivia ni Jennifer.

“Huh?”

“PLU siya…” bulong niya sa’kin.

“Anong PLU?”

“People Like Us! Malakas ang kutob ko, bading si kuya. Nako! Kahit hindi niya aminin sa’kin, nanunuot sa ilong ko ang kalansahan niya. Feeling ko kaya ayaw niyang aminin kasi baka akala niya mawawala ang respeto ko sa kanya… eh keri lang naman yun! Kung alam niya lang, bakla rin ako!”

Doon ko naisip na hindi pala close si Jhen at ang sinasabi niyang kuya. Kaya naman pala parang may maskarang nakatakip sa kanya habang kausap ko kanina. Maskarang mas makapal pa kaysa sa suot-suot kong maskara.

Napagdesisyunan ko rin na huwag na lang ikwento kay Jennifer ang kung ano mang mga kaganapan sa pagitan namin ng kuya niya. Hindi naman na siguro lalaki ito. At saka mahirap na, ayaw kong pag-ugatan ng away ng magkapatid. Okay lang naman.


“Ikaw Luis? Bakit ayaw mo ipagtapat sa kapatid mo ang tunay mong pagkatao?” buwelta niya sa’kin.

Mahirap ang tanong pero ito lang din ang unang sagot na naisip ko:

“Same reason na naisip mo… ayaw ko mawala respeto niya sa’kin…”

“Haaay nako! Maniwala ka s
a’kin hindi mawawala yun!”

“Siguro sa’yo
, pero iba si Lara…, hindi kayo magkapareho ng ugali.”

“Sa bagay, corrected by! May point of intersection ka dun neng!”

“Pero may plano rin akong ipagtapat, hindi lang kay Lara pati na rin kina nanay at tatay… bahala na kung matanggap nila ako o hindi. Hahanap muna ako ng tamang tiyempo.”

“Good… parang paggawa lang ng graham yan eh. Bawat layer ng crackers nilalagyan ng cream. Sa umpisa siyempre hindi kaagad lalambot yung bawat layer… saka lang lalambot yun kapag nilagay na sa ref.” sabay lagay sa ref ng ginawa naming graham cake.

Parang gusto kong maglaslas ng pulso gamit ang can opener sa mga words of wisdom ni Jhen ngayon.

“Sa madaling salita? ” tanong ko sa kanya.

“Sa madaling salita
, kung hindi man lumambot ang mga puso nila at matanggap ang tunay mong pagkatao, darating ang time na matatanggap din nila yun… basta palamigin lang. oh ha?!”

“Loka-loka
ka talaga! Siya nga pala jhen, nagkita kami ni Russel nung nakaraang linggo sa SM…”


Ding…dong… ding… dong…


“Speaking, nandiyan na sina Papa Russel!”

Automatic na lumabas si Jhen para pagbuksan ng pinto ang mga bisita. Sa ilang segundong lumalabas si Jhen, kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung ano ang dahilan sa likod ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

Kinawayan ako ni Jerome pagpasok niya sa munting mansion ni Jhen. Samantalang si Russel parang hindi ako napansin. Dedmahin ba ako? Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung anong meron.

Isinalang ni
Jhen ang isang Korean movie sa DVD player. Inilabas din niya ang 3 bote ng lambanog sa kabinet. Bubble gum flavor iyon. Lasingan yata ito.

Naks! Magpapainom si Jhen!” papuri ni Russel.

Muli kong narinig ang tinig niya. Muling sumilay ang ngiti niya sa kanya
ng mukha. Sa pagkakataong iyon napatingin siya sa akin at napako ang tingin niya sa akin ng ilang segundo. Hindi galit. Hindi rin saya. Medyo may kahulugan tulad ng dati niyang mga tingin. Umiwas ang mata ko at nagpanggap na hindi ko siya napansin. Bilang ganti na rin sa pandededmang ginawa niya.

“Wag ka ngang asyumero!” sabi ko sa sarili ko.

Kainan. Inuman. Tawanan. Habang lumalalim ang gabi paingay kami ng paingay. Sumasabay sa paglalim ng gabi ang hindi mapakaling daliri ni Russel. Kanina pa siya text ng text. Nakikiayon din sa paglalim ng gabi ang mapupulang pisngi ni Jerome na halos kakulay na ng suot niyang polo shirt. Dala siguro iyon ng alak na iniinom namin.Umiikot ang shot glass a aming apat. Bawal ang pass muna, dahil sabunot ang aabutin naming kay Jhen. Kailangan maubos ang 3 bote ng lambanog na inihanda ni b-day girl.

“At dahil nalalasi
ng na kayo, maglalaro tayo ng truth or consequence!” entrada ni Jhen.

“Jhen, diba dumating na kuya mo? Bakit wala siya?” singit na tanong ni russel.

“Haaay nako, alam mo naman yun… masakit daw ang ulo…”

“Aah oo nga daw…” mabilis na pagsang-ayon ni Russel sabay ngisi.

Kinuha ni Jennifer ang bote ng coke litro at inilapag sa gitna naming apat. Maglalaro daw kami. Truth or consequence. Isang pang-high school na kalokohan. Naalala ko pa nga huling laro ko nito halos magtatalon ako sa tuwa dahil never tumapat sa akin ang pinaka-nguso ng bote. Sana ganoon din ngayon. Saniban sana ako ng swerte. At sana ambunan na rin ng lakas
ng loob kung saka-sakaling tumapat sa akin ang umiikot na bote.

Pinaikot ni b-day
girl ang bote. Lahat kami ay titig na titig kung kanino unang tatapat maliban kay russel na patuloy at walang humpay pa rin sa kakatext. At dahil hindi siya nakatingin, sa kanya huminto ang bote. Siguro naramdaman ng bote na hindi siya interesado kaya sa kanya ito tumapat.

“Oh Russel, ikaw! Haha” sambit ni Jerome.

“anong ako?”

“Truth or consequence?”

Parang paghuhukom ang tanong ni Jhen. Paano kapag ako na yung mamimili? Ano pipiliin ko?

“consequence!”

Walang paliguy-ligoy na iyon ang pinili ni Russel. Parang hindi man lang siya nagisip. Ibinaba niya ang hawak niyang cellphone at itinuon ang pansin sa ginagawa naming “laro”.


“Consequence? Okey sige, kiss mo nga si Luis sa lips? Gusto ko torrid ha?”

“hala??!”

Napa-putang ina ako sa utos ni Jhen. As in putang ina talaga! Biglang nawala ang tama ko. Biglang bumilis
ang kabog ng puso ko. Hindi ma-explain. Hindi mailarawan. Daig pa ang pakiramdam ng nagrerecite ng declamation piece sa harap ng 1,000 katao.

“oh ano Russel?” dagdag pambubuyo pa ni Jerome.

“ilang segundo ba?”

Hindi ko alam ang mga susunod na mangyayari. Parang tinahi ng laway ko ang bibig kong hindi kayang makapagbitaw ng alinlangan o hindi pagsang-ayon.

“10 seconds! Okay game! Timer starts now!” sigaw ni Jennifer.


Sampung segundo. Huminto ang aking mundo. Hinalikan niya ako. Sa loob ng sampung segundo, naging isa ang am
ing mga labi. Sampung segundong katahimikan. Sampung segundong kakiligan. Nabingi ako sa buong paligid. Parang nag-mute mode sina Jhen at Jerome. Pinikit ko ang aking mata. Sinadya kong damhin ang malambot niyang labi. Pinukaw niya ang uhaw kong puso, at dehydrated kong kaluluwa.

“Okay! Time is up! Baka mawili! Haha” interrupt ni Jerome sa nagspark na sandali.

Natawa ang tatlo sa resulta ng consequence. Ako? Parang hindi ko alam kung makikitawa ba ako o tatahimik na lang. hindi ko alam kung gusto ko ba yung nagyari. Masyado akong nagulat sa sunod-sunod at mabilis na pangyayari. Parang sinadya.

Muling pinaikot ni Jhen ang mahiwagang bote. Mabilis na umikot ito. Parang nagbabadyang ako na ang susunod na biktima. Nais ko mang takasan ngunit hindi pwede. Kailangan kong harapin ito. Kaya naman para makabwelo mula sa eksena kanina, nagpaalam muna akong iinom at iihi na rin. At nagsabing kung sakaling sa akin tatapat ang bote, consequence ang pipiliin ko. Tinungo ko ang kusina at doon huminga ng malalim. Humugot ako ng ulirat sa kaninang naginginig kong kamay.

“haaay nako Russel…” bulong ko sa aking isip.

Ngunit imbis na makaluwag ang dibdib ko ang paginom ng tubig, may biglang nagpasikip naman ng dibdib ko sa inis.

Parang multong lumitaw sa dilim si Andrei, ang kuya ni Jhen.

“Hi luis, mukhang nauhaw ka sa pinaggagawa niyo kanina ha?”

“Hindi ka ba napapagod kakamasid sa amin? Alam ba ni Jhen na malansa ka?” blong ko sa kanya.

“ito naming si papa luis, wag mo akong takutin kasi baka mamaya ikaw pa ang matakot sa sarili mong multo… patsupa nga?”

Kung gaano kabastos ang bunganga ni Andrei ganun din kabilis ang kamay niya manghipo. Dumapo ang kamay niya sa aking harapan.

“pwede ba, wala akong panahong makipaglokohan sa’yo…”

“Wow! Pavirgin ka masyado boy! Gusto ko lang naman ipakita sa’yo ‘tong video habang kahalikan mo yung friend mo…ang cute kasi ng eksena kaya kinunan ko kayo kanina… para kasing ang sarap i-upload sa youtube… at tiyak magiging favorite at most viewed ito ng lahat…”

Gusto kong isiping tinatakot lang ako ni Andrei. Tipong nais niya lang akong inisin para makuha na niya ang nais niya. Pero sorry na lang siya dahil hindi niya ako madadala sa mga pamba-black mail niya.

“Oh? Namutla ka yata? Don’t worry, hindi ko ito iuupload…Joke lang, pero sa isang kondisyon?”

“Fuck you!”

“Fuck me Luis!”

Inabot sa akin ni Andrei ang isang piraso ng card. Umalingasaw ang bango ng calling card na iyon. Hindi man kasing lansa ng pagkatao niya, pero kasing sang-sang naman ng ugali niya.

“Ito ang contact number ko, itext mo ako paguwi mo mamaya…o kaya mag-sleep over ka na lang dito…”

“Asa ka pa!” pinunit ko sa harap niya ang iniabot niyang calling card.

“Dalawa ang hawak kong alas…isa lang naman ang hiling ko… matikman ko ang katawan mo… pagkatapos nun pwede na tayong magkalimutan. Pagisipan mong maigi… or else, suffer the consequence, echos!”

Hindi ko alam kung anong klaseng ugali ang meron ang kuya ni Jhen. Para kasing ang layo ng mga trip nito sa buhay kumpara sa kapatid niyang nakasundo ko naman ng sobra-sobra.

Pagbalik ko kina Jhen, may 3 shot na pala ng lambanog ang naghihintay sa akin. Yun pala ang consequence ko nang matapat sa akin ang bote. At dahil kailangan tumupad sa pinagusapan, ininom ko ng walang kaabog-abog ang 3 shot ng lambanog. Inisip ko na lang na kunyari bubble gum lang yun. at tanging nabulong ko na lang:

“Tangna, sana nag-truth na lang ako…”








Read more...

1 komento:

Anonymous,  April 2, 2009 at 8:56 AM  

love it!!!

thanks paul.


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP