Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Tuesday, November 11, 2008

AKO si DESTINY (CHAPTER 6: "MUSIC AND LYRICS" )

"AKO SI DESTINY"
(a heart-warming love story)

By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


"Music is well said to be the speech of angels."

- Thomas Carlyle



CHAPTER 6: MUSIC AND LYRICS


Umaga na. Isang umagang hindi dinalaw ng katamaran. Walang puwang si juan tamad sa mga oras na ito. Pinalayas ni kupido ang espiritu ni juan na bumabalot sa aking pagkatao. Alas quatro pa lang ng madaling araw gising na ako. Pwede na akong magpamisa sa oras ng gising ko. Ganadong-ganado. Gwapitong-gwapito. Walang laziness disease.

Sinariwa ko ang halik mula sa langit. Matamis pa rin hanggang ngayon. Parang ayaw ko na yatang magtoothbrush. Kung pupwede nga lang bang ipreserba na parang dried mangoes ang bibig ko, kahapon ko pa ginawa. Ngunit ang natatangi lang na kayang kong gawin ay balik-tanawin ang mga panahong naging isa ang aming mga labi.

Lumabas ako ng dorm para maginat-inat. Naks! Ako ba ito? Kahit minsan sa hinagap ng utak ko hindi ko inisip na magunat ng mga buto habang sinasalubong ang pagsibol ni haring araw. Nilanghap ko ang sariwang hanging dulot ng nobyembre.
Inhale-exhale ang drama ko. Mula sa pagbuga ko ng hangin, naalala ko na malapit na pala ang kaarawan ko. Nakaamoy ako ng pagibig. Nakaamoy ako ng ligaya. Napakaagang b-day gift ito sa akin. Sininghot ko na parang droga ang morning dew. Isang drogang unti-unting lalamon ng aking katinuan.

Muli akong pumasok ng dorm. Parang nais kong sumayaw. Hinalukay ko sa gabundok na mga kagamitan ang aking cd. Isinalang ko iyon sa pakarag-karag kong vcd player. Ang vcd player kong minsan ko nang pinagtangkaang ibenta, at tinatawaran pa ng 100 piso ng magbabakal.Parang latang umalingaw-ngaw ang tunog ng cd na bumasag sa katahimikan ng buong
kalawakan ng dormitoryo. Wala akong pakialam kung may magising. At kung meron man, alam ko takip tainga lang sila. Tipong walang magagawa. Isipin na lang nila na alarm clock ang naririnig nila.

Sinabayan ko ng indayog ang bawat beat na inilalabas ng player. "Last Night" featuring Keyshia Cole ang nagpaingay sa apat na sulok ng kwarto. Kasabay ng bawat indak, tumagaktak ang aking pawis. Kasabay ng bawat pitik, muling pumintig ang aking puso.

"I need you, and you need me...this is so plain to see...and i will never let you go, and i will always love you so...and i will!"
Sinabayan ko ang bawat chorus at bawat birit ni Keyshia. Nagmistulang entablado ang maliit na dorm. At ako? isang ganap na performer na mala-Moulin Rouge ang epek at
parang nakawala sa kural. Sayaw dito. Sayaw doon. Malayang-malaya ang bakla!

Eksaktong alas singko y media ng umaga nang matapos ang kabaliwan. Napagod na rin siguro ang katawan ko kakaindak. At narealized ko na wala ako sa Araneta Coliseum. Naging hudyat din siguro ang kanta ni Hugh Grant at ni Drew Barrymore para itigil ko ang pagsayaw sa galak. Senti mode muna daw. Saliw sa kanta ng "Way back into love" huminto ang malikot kong katawan. Parang kailan lang nung una kong marinig ang tugtog na iyan. Tandang-tanda ko pa summer noon. Gabi ng taginit at kasalukuyan akong naglalaba ng mga uniporme. Isang hindi inaasahang bisita ang nagpahinto sa kamay kong magkusot ng damit. Si Jerome. Ang taong lumunod ng puso ko sa isang timbang tubig. Ang kapal ng mukha! May lakas ng loob pang dumalaw. Para ano? Para manginis? Para mangamusta? Punyeta! Tigi
l-tigilan nga ako!

"May nakapagsabi sa akin na dito ka daw nagdodorm, kaya naman dumaan na rin ako..."
dahilan ni Jerome. Isang dahilang wala akong pakialam.

Wrong timing ang dalaw ni x nung mga oras na iyon. Nagmukha lang akong labandero sa harap niya. Siya? Pormadong-pormado. Mukhang aakyat ng ligaw o rarampa sa fashion show. Parang gusto kong isipin na kaya siya dumaan ay para ipakita niya sa akin kung gaano siya kagwapo at kablooming nung mga oras na iyon. O parang gusto niya lang ipagmayabang ang bago niyang jacket. Alam ko nagaantay siya ng compliment mula sa akin. Sinadya kong pigilan at ipitin ang aking dila upang hindi makapagbitaw ng matatamis na salita. Mga salitang makapagpapalaki ng ulo ni Jerome. At sak
a para ano pa diba? Non-sense.

"Tara, pasok ka... Pasensiya ka na magulo ang dorm ko..."
(simula kasi nung iwan mo ako gumulo na rin ang buhay ko...)

"aah hindi na... Dumaan lang talaga ako... Pupunta pa kasi ako diyan sa village...b-day kasi eh... Alam mo na,..."

Wala akong pakialam. Hindi mo na kailangang ipamukha sa akin na may lovelife ka ngayon. Hindi mo na kailangang pagdikdikan sa utak ko na: "masaya ako! Ikaw masaya ka na ba?"
Kahit kailan talaga wala kang alam kundi manakit ng damdamin. Hindi sensitive sa paligid mo. Manhid!

Pagtalikod ni x, nakaramdam ako ng pangungulila. Pinaghalo-halong poot, galit, awa sa sarili, at panghihinayang. Muling pumatak ang aking luha. Pumatak sa isang palangganang tubig. Humalo sa mga bula at uniporme. Nakatikim ng pait ang labada ko. Kasabay nun, narinig ko ang kanta sa pelikulang Music and Lyrics. Isang kanta para sa mga na
ghahanap ng mamahalin. Umakma sa eksena. Bumagay sa senaryo.


6:00 AM. Napakabilis ng oras. Sinimulan ko nang maggayak. Naligo. Namalantsa. Nagwax ng buhok. Nagpahid ng nivea cream sa mukha. Nagpulbo. Nagtoothbrush. Nagmouthwash. Naglotion. Nagspray ng pabango. Iyan ang daily routine ko bago pumasok sa eskwela. Sapat na ang 1 oras upang matapos ang mga kalandian sa katawan. May 5 mins pa ako para maglakad bago ako malate. Kaya naman nagmamadali na akong lumabas ng dorm. Ikinandado ko ang kwarto at ibinulsa ko ang susi sa aking bag. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng pinto...haaaay...
Sabay talikod. Malelate na ako.

Binilisan ko na ang lakad ko. Wala nang panahon para namnamin ang kalsadang binabaybay ko. Nadaanan ko ang tindahan k
ung saan tinawag ako ni Russel. Sarado pa iyon. Sa pagkakaalam ko tanghali na sila magbukas. Malamang napupuyat dahil sa mga nagiinumang estudyante. Kinapa ko ang aking bulsa upang tingnan ang oras mula sa aking cellphone. Mas accurate kasi ang oras doon kumpara sa wrist watch ko. Kapa sa kaliwa't-kanang pantalon, wala...Tangina! Naiwan ko yata sa dorm!

Babalik pa ba ako o hindi? Hindi pwede 'to! Kailangan ko ng cellphone. Duty pa naman ngayon. Kailangan ko ng mapaglilibangan habang bumibyahe papuntang Batangas. At saka inaantay ko ang tawag ni mommy. Nangibabaw ang kaadikan ko sa pagtetext kaya naman nagmamadali na akong bumalik upang kunin ang naiwan kong telepono.

Takbo na ang ginawa ko. Shet! Hindi pa ako nakakarating sa school mukha na akong busabos. Pawisan na ako. Nasayang ang pulbo. At kahit napakaaga kong nagising mukhang malelate parin ako.
Natataranta kong binuksan ang gate ng compound. Tahimik parin ang paligid. Napansin ko ang isang estudyanteng nakatayo malapit sa pintuan ng aking dorm. May tinatanaw. May tinitingnan.

"Teka kilala ko 'to ah..." bulong ko sa aking sarili.
Muling nagliwanag ang buong paligid. Nagbabaan ang mga ulap mula sa langit. Nagliparan din ang mga ibon sa paligid. Hinipan ng hangin ang feather ng anghel. Tiniklop ang kanyang pakpak upang humubog ang kanyang kakisigan. At muli ako nakaramdam ng pagkamangha. Muling tumugtog ang radyo sa loob ng puso kong teknikal. "Anghel sa Lupa" by stonefree ang banat.
Kasabay ng paglingon ni Russel, dinikta ng utak ko ang lyrics ng kanta:
"Maaari ba ang isang mortal, na sa iyo ay magmahal?
"

"Oh? Anung ginagawa mo dito?" isang nakakapressure atang tanong para kay Russel.

"ah... Eh... Wala lang, akala ko kasi nandito ka pa...isasauli ko lang sana itong librong hiniram ko..."

(asus! Aminin na kasi...ako lang ang pinunta mo dito eh...)
"ah ganun ba? Bumalik kasi ako eh...naiwan ko yung phone ko."

"mukhang may secret admirer ka ha?"

"secret admirer??!" pagtatakang paglilinaw ko kay Russel

"ayan oh..."
sabay turo ni Russel sa pintuan ng aking dorm.

May isang maliit na pirasong papel ang nakapost sa pinto. Naglalaman ng:

"Basta kapag nasaktan ka ulit, nandito lang ako..."
---Destiny

Sa kandado, nakasabit ang isang maliit na plastik na naglalaman ng isang libro: 1001 Ways in saying I LOVE YOU.
Mula kay destiny. Umarangkada na naman ang aking admirer. Kapag nalaman ni Jhen ito, pagtatawanan na naman ako nun. Tiyak iyon. Nakakatawa naman kasi talaga!


"ah yan ba? Hahaha... Oo nga eh... Hayaan mo na nga yan..."

Medyo nahiya ako kay Russel kaya naman binuksan ko na kaagad ang kandado. Mabilis kong inisip kung saan ko naipatong ang cellphone ko. At natagpuan ko siya sa sulok ng aking kama. Inilapag naman ni Russel ang makapal na libro sa ibabaw ng TV. Nakikita ko sa mga mata niya na parang hindi siya mapakali, na hindi ko naman masyado tinuunan ng pansin.

"Tara na Russel, malelate na kasi ako eh..."

Gustuhin ko man magstay ng matagal sa dorm kasama siya pero mas nangibabaw pa rin ang pagduduty. Mahal magmake-up duty. At kawawa na ang grades ko kapag nagabsent pa ako. Next time na lan
g, sabi ko sa sarili ko. Marami pa namang araw. Nagsisimula pa lang ang pelikula. Hindi dapat magmadali.

Ibinulsa ko kaagad ang telepono. Nanalamin panandalian at nagpulbo ng kaunti. Bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit pinigilan ako ng isang puwersa mula sa langit. Hinawakan ni anghel ang aking kamay. Pinigilan niyang buksan ang pintuan.

"oh? Bakit?"
tanging namutawi sa aking labi.

Hinatak niya ako papunta sa kanya at niyakap ng pagkahigpit-higpit.

"Namiss lang kita... Yung yakap mo, yung kiss mo... Hindi ko pa nararamdaman ang ganitong feeling. Maski sa gf ko 'di ko naramdaman 'to... Sa'yo lang."

KABOG! Biglang humaba ang nakawax kong buhok. To the
highest level ang ganda ko. Level 12 ang lola niyo. Parang nanalo ako sa lotto. Parang deal or no deal at ang laman ng brief case ay 2 million pesos. Bigla yatang huminto ang oras. Ang pokus ko ay nauwi sa yakapan. Marami pang script si Russel pero hindi ko na masyadong naintindihan. Masyado akong napatulala sa unang sinabi niya. Para akong nanaginip. Pero totoo ang lahat. Totoong-totoo. Hindi lang pala sa telenobela nagkakaroon ng mabilis na pace. Pati rin pala sa real life meron. Tipong kahapon nakabunggo mo lang. Kinabukasan nahalikan mo na. Tapos ngayon, mahal niyo na ang isa't-isa.

Taliwas iyon sa pananaw ko dati. Salungat iyon sa dahilan kung bakit ako namuhi kay Jerome. Ang senaryong: sinundan sa mall, nagkakilala, nagsex, mahal na nila ang isa't-isa. Ganun kabilis. Ngayon, kahit papaano nauunawaan ko na si Jerom
e. Alam ko hindi titi ang naging batayan. Siguro nga may "something" din dun sa nakilala niya kaya mas pinili niya iyon. Hindi mo naman kasi mapipigilan. Once na nahagip ka ng pana, lagot ka na. Pigilan mo man, lalabas at lalabas pa rin.

Sinuklian ko ang mahigpit na yakap ni Russel. Pinantayan ko ang mahigpit na yapos. Gusto kong iparamdam sa kanyang pareho kami ng nararamdaman. Sa pamamagitan ng yakap, kailangan niyang maramdaman iyon. Ayaw ko magsalita. Ayaw kong sirain ang isang napakaperpektong sandali. Inaantay ko kasing ibuka ng anghel ang kanyang pakpak at tuluyang umangat ang aking mga paa sa sahig. Tanging halik na inaasam-asam ang aking nakamtan. Mas matindi kumpara kahapon. Mas mainit. Nakaramdam ako ng kung anung bukol. Bukol na nagpainit sa aking kalamnan, at nagpagising sa natutulog kong libido.

Ngunit sadyang may mga bagay na makapagpapainterrupt ng nagiinit na sandali. Nagring ang aking telepono. Ang cellphone palagi an
g direktor ng aming eksena. Siya lagi ang nagpapaalala na masyado na kaming nageexceed sa limitasyon.

"Hello?!" bungad ko habang nakayakap pa rin ang anghel.

"Hoy! Morillo? Anung oras na?! Natutulog ka pa ba?!
Aba naman, aalis na ang van, maiiwan ka na! Umiral na naman ang katamaran mo! Bilisan mo, 5 mins dapat nandito ka na..."

Hindi ko na nagawang magdahilan kay Jhen. Bawat salita ay may awtoridad. Akala ko diktador ang tumawag sa akin. Ang mga huling pangungusap na lang ni jhen ang umalingawngaw sa utak ko...
"...tandaan mo kapag nag-absent ka ngayon, 1 is to 3 yun! 3 araw na make-up duty tapos magbabayad ka pa ng 1500!"

Parang narinig ni Russel ang malakas na bunganga ni Jhen mula sa phone. Kaya naman kumalas na ito sa pagkakayakap sa akin. At muling nagpahabol ng isang halik.

"Oh tara na, baka malate ka na niyan..."

Napangiti lang ako kay Russel. Speechless talaga ako nung mga oras na iyon. Nagmadali na kami ni Russel na lumabas ng dorm. Napagdesisyunan naming magtricycle dahil kung maglalakad pa kami hindi na ako aabot at maiiwan na ako ng van. Umaandar ang timer ni Jhen. 5 minuto lang ang taning sa akin. At kapag lumagpas pa ako doon, baka pasabugin na niya ang dorm.
Sa loob ng ilang minuto sa tricycle hinawakan ko ang kamay ng anghel. Malamig pa rin. Parang laging kinakabahan. Tahimik lang siya. Pinagmamasdan niya ako mula sa salamin na nakaharap sa amin.

"anong oras ang labas mo niyan?"
tanong niya sa akin.


"mga 8pm nasa school na kami... Bakit?"

"aah wala..."

"text text na lang po tayo? Kunin mo number ko... 09198115625..."

Sinave ni Russel ang number ko sa telepono niyang N95. Inantay kong ibigay niya rin sa akin ang numero niya. Ngunit ito lang ang binigay niyang assurance:

"Text na lang kita mamaya... Hindi ko kasi kabisado number

ko eh. Bago sim ko."


Saktong huminto ang tricycle sa maingate ng Perpetual. Nakipagunahan pa sa aking nagabot ng bayad si Russel. 100 ang binayad niya. At dahil walang barya ang tricycle driver, ako na ang nagbigay ng 12 peso
s na barya. Kasabay ng pagharurot ng tricycle, tinapik ng anghel ang aking balikat. Sumenyas siyang mauuna na. At muli na namang lumipad sa kalawakan ng quadrangle. At ako maglalakad sa kalupaan. Maghihiwalay muna kami ng landas.

Nagmamadali naman akong pumunta sa mga van na nakaparada sa gilid ng campus. Malayo palang tanaw ko na ang kilay ni Jhen na abot hanggang sa puno ng acacia. Nakahinga ako ng maluwag dahil, hindi pa ako iniiwan ng van.

"at anong meron at pangisi-ngisi ka diyan?"

tanong ni Jhen habang nakapameywang.

"wala lang naman...haha"

tipid kong sagot sabay pasok sa loob ng van.

Huminto ang sandali. Binuksan ng driver ang radyo. Isang pamilyar na intro ng tunog ang aking narinig. Ang kantang kanina lang ay pinakikinggan ko. Way back into love na naman! Ang kantang laging nagpapalungkot sa akin. Pero sa mga sandaling iyon hindi nainvade ng kalungkutan ang aking damdamin. Mas nanatili ang ganap na kilig at ligaya. Ligayang parang may expiration date.



---itutuloy...



NEXT CHAPTER--- CLICK HERE



Way Back Into Love - Hugh Grant

Read more...

1 komento:

Jett Paul October 7, 2009 at 6:44 PM  

The earth has music for those who listen.


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP