Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Tuesday, November 11, 2008

AKO si DESTINY (CHAPTER 14: “KARMA” )

"AKO SI DESTINY"
(a heart-warming love story)

By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


“If you really love someone, you’re willing to take the most dangerous risks of your life. But if you love someone truly that love will make you survive out of your miseries.”



CHAPTER 14: “KARMA”


Oh? Bakit nandito ka?

“may kailangan tayong pag-usapan.”

“Jerome, wala na tayong dapat pag-usapan. Tapos na ang lahat sa pagitan natin, at sa pagitan namin ng boyfriend mo.”

Pagkalipas ng isang taon n
gayon lang kami nagkaharap ng “girlfriend” ni Russel. Tulad ng nakagawian niya, laging hindi ko inaasahan ang mga dalaw niya dito sa dorm. Alam ko sa tuwing pupunta ‘to dito may bomba siyang pinapasabog. Tapos iiwan niya akong sugatan.

Parang ang laki ng pinagbago niya. Halata ang pagbagsak ng katawan. Ang dating malaman na Jerome ay nangangayayat na ngayon. Kapansin-pansin din ang dating kutis porselana niyang balat na medyo nangitim na rin. Tipong parang lagi siyang babad sa init ng araw. Pinag-piyestahan na rin ng tagiyawat ang mukha niya. Sa pagkakakilala ko kay Jerome isa siyang banidoso at maarte pagdating sa pagpapagwapo. Ngunit nung mga oras na iyon parang pinabayaan na niya ang natatanging puhunan niya para mapansin.

“meron kang dapat malaman…” sambit ni Jerome habang pinipilit niyan
g makapasok sa loob ng dorm.

Napahinto ako sa pakikipagbuno upang maisara ang pintuan. Ano pa ba ang dapat kong malaman? Sarado na ang kasong ito para sa akin. Guilty na ang hatol sa inyo. Bakit kailangan pang magpaliwanag?

Kaya naman isang napaka-pilosopong banat lang ang inabot niya sa akin.

“Ano? Na may handaan para sa 3rd year anniversary niyo? Engaged na
kayo? O baka naman ikakasal na kayo? Ha!ha!ha! Ano bang kalokohan ‘to Jerome!? Ano pa bang gusto mo ha? Nilubayan ko na kayo. Nasa iyo na si Russel, kaya utang na loob lubayan niyo na rin ako!”

Aktong isasara ko ang pinto nang nagpahabol siya ng mga salitang pumilit sa damdamin ko upang i-entertain siyang muli. Hindi ko matitiis na hindi ako sasagot sa bawat sinasabi niyang dumudurog na naman sa puso ko.

“Wala ka pa rin pinagbago Lance… Ikaw pa rin ang dating Lance na kilala ko. Hindi mo pa rin kayang ipaglaban ang taong mahal mo… Ang tanga mo!”

“Ganyan mo ba ako kakilala? Oo. Siguro nga tanga ako, siguro nga ako na ‘yung gago. Isa akong napaka-laking gago sa mundong ‘to! Bukod sa pagiging tanga at gago natuto na din akong magpanggap. Pero hindi ko kayang dayain eh. Hindi ko kaya
ng dayain itong putang- inang nararamdaman ko diyan sa putang-inang boyfriend mo! Kung alam ko lang na ikaw pala ang nagmamay-ari sa kanya, sana ako na ang umiwas. Sana noon pa ako nagpaubaya. Tulad ng ginawa kong pagpapaubaya sa’yo.”

Pigil ang bawat hininga ko habang gumaganti sa mga salitang binabato niya sa akin. Hindi ako iiyak. Isinumpa ko ‘yun. Sapat na ang mga luhang nasayang noon. Ginto na ang halaga nito ngayon. Ang mga luha ko ay mas mahal pa sa mga pilak na ibinayad kay hudas. Kaya naman hindi ako iiyak sa harap ng isang hudas.

“Hindi na ako ang laman ng puso niya. Ikaw na ang nagmamay-ari nun. Mas pinili ka niya. Mahal na mahal ka ni Russel. Tanggap ko. Tanggap ko na Lance na hindi na niya ako mahal. Tanggap ko na hindi na namin maibabalik ‘yung dati. Kahit masakit tanggap ko kasi mahal na mahal ko siya!”

Napapailing na lang ako sa
mga pinagsasabi niya. Magaling kang artista Jerome. Napakagaling mo!

“naalala mo ‘yung gabing nagkaharap-harap tayo sa mcdo? ‘yun din ang gabing nakikipaghiwalay siya sa akin. Kasi mas pinili ka niya. Napakasakit nun Lance. Ang sakit-sakit pala dito…”

“so, pumunta ka dito para isumbat sa akin ‘yan? Pumunta ka dito para maghugas kamay? Nasa harapan mo na ang gripo, simulan mo na dahil alam kong mahihirapan kang linisin ang mga kasalanang nagawa mo!”

Unti-unting bumigay ang em
osyon ni Jerome. Isa-isang butil ng luha ang unti-unting nalaglag mula sa kanyang mata. Kasabay nun mabilis siyang nagnakaw ng yakap mula sa akin. Hinagkan niya ako ng mahigpit upang hindi ako makapiglas. Hindi ko na sinubukan pang


kumawala mula sa kanya, sa halip dinama ko ang bawat yapos niya. Puno ng sinseridad iyon. Puno ng pagsisisi. Ngayon ko lang naramdaman iyon mula kay Jerome. Kasabay ng bawat hagulgol niya sinambit niya ang mga salitang dumurog sa damdamin ko.

“ito na siguro ang karma ko. Nakakarma na ako sa kabila ng mga nagawa ko sa’yo noon. Patawarin mo ako hindi ko sinasadya…”

“Dapat lang Jerome, kasi pinaglaruan ninyo akong dalawa eh! Malinaw ‘yun! Napaka-linaw nun sa’kin. At kung pumunta ka dito para humingi ng tawad, matagal ko nang ibinigay sa inyo ‘yun… kaya please tigilan na natin ‘to…tapusin na ‘to, pagod na ako…”

Bumigay na rin ang kanina ko pang pinipigilang emosyon. Akala ko suot pa rin ng puso ko ang maskara ng poot. Akala ng mata ko lusot na siya upang hindi na mapagod muli. Akala ko nakalimutan ko na kung papaano patuluin ang luha ko sa aking mukha. Hindi pa pala. Nakalantad na pala ang tunay na mukha ng hinagpis. Kahit papaano marunong pa rin palang lumambot ang bato kong puso. Ang salitang pagpapatawad ay mas epektibo pala kapag dinadama mo. Wala palang saysay ito kapag salita lang ang gumuhit sa ere na mistulang hangin lang na dumaan.

Mas lalo akong naiyak sa ginawa
ni Jerome. Lumuhod siya sa harapan ko upang magmakaawa. Nanlimos siya ng kaunting pagkakataon upang buksan ko ang isinara kong tainga at damdamin.

“Sa kahuli-hulihang pagkakataon Lance please maniwala ka sa akin. Kilala mo ko. Kahit minsan hindi ka namin pinaglaruan. Hindi ko maaatim na paiyakin ka ulit. Walang alam si Russel sa nakaraan natin. Alam ng Diyos Lance. Pagkakataon na ang naglapit sa inyo. Tadhana na ang nakipaglaro sa atin…”

“Jerome…please…”

“Lance alam ko si Russel pa rin ang nilalaman ng puso mo… at ganun din siya sa’yo. Wag mong sayangin ang panahon sa galit at maling pag-aakala. Kung ako sa’yo ipaglaban mo ang taong nagmamahal sa’yo ng tunay lalo pa’t mahal na mahal mo rin ang taong yun.”

Sa mga sandaling ito nangibabaw na ang aking atensyon sa kanya. Ibinalik ko ang pagtitiwalang minsang nawala. Oo, tama si Jerome kilalang-kilala ko siya at ganoon din siya sa akin. Kaya naman isinantabi ko muna ang poot na dapat ay hindi na pinagyabong pa. Ikukubli ko muna ang pait ng nakaraan. Dahil sa pait nito wala akong pinakinggan. Muli akong maniniwala na ang bawat salitang bibitawan ni Jerome ang huhupa sa nagwawala kong damdamin. Muli akong aasa na ang b
awat sasabihin niya ang muling makapagpapabuo ng nagkalas-kalas na puzzle ng buhay namin. Ito ang tunay na Lance. Muli kong ihaharap sa kanya.

“hangga't may oras pa Lance, sabihin mo sa kanya ang nasa loob mo. Pupunta na siya ng Dubai. Bukas na ang flight niya. Kung talagang mahal mo siya, ipaglaban mo!”

“Bakit mo ginagawa ‘to? hindi na dapat Jerome…”

“Ginagawa ko ‘to para sa kaligayahan ko. Dahil kaligayahan ko si Russe
l. Makita ko siyang masaya, masaya na rin ako… Alam ko hindi na ako ang kaligayahan niya, ikaw na ‘yun. Kaya kung gusto mong lumigaya ang taong mahal mo puntahan mo siya sa bahay nila bago siya umalis…”

Kung kaligayahan bang matatawag ang pagsuko sa laban siguro wala nang magnanais na maging maligaya pa. Totoo ba? Totoo ba ang sinabi ni Jerome na ipaglaban mo ang taong mahal mo hangga’t alam mong mahal ka pa nito? Papaano kung hindi na? Papaano kung naglaho na ang pagmamahal na yun? Susuko ka na lang din ba tulad ng ginawa ko dati kay Jerome? Susuko ka na lang din katulad ng pagsuko niya kay Russel dahil iba na ang mahal nito?
Iyon ba ang kaligayahang sinasabi niya? Kailangan may masasaktan kapalit ng isang kaligayahan?

“Ala-diyes ng umaga ang alis niya … block 8 lot 18 ang bahay nila. Huwag ka sana mag-dalawang isip. Itinutuwid ko na ang mga pagkakamali dati, ‘wag mo na sanang
baluktutin pa.”

Nilisan ni Jerome ang dorm. Sa puntong ito siya ang umalis na sugatan. Ang bombang pinasabog

niy
a ang nagdulot sa puso niya upang masugatan ng husto. Samantalang para sa akin ang bombang iyon ang nagdulot sa akin upang muling maguluhan. Tinanggal ko na ang maskara. Tapos na ang isang taong pagpapanggap. Kailangan ko nang harapin ang katotohanang mahal na mahal ko si Russel.

Isinara ko ang pintuan ng dorm. Tinungo ko ang kinalalagyan ng singsing na ibinigay ni Luis. Muli kong ibinalik iyon sa loob ng kahon. May ibang taong mas karapat-dapat magsuot nun. Mas karapat-dapat sa ibinibigay na atensyon ni Luis.

Bukas muli akong magmamahal. Bukas susundin ko ang tibok nito. Dahil ito ang kaligayahan ko. Kung umiyak man akong muli, alam kong parte ng kaligayan ang masaktan. At kahit sa kahuli-hulihang patak ng luha ko wala akong pagsisisihan. Dahil sa pagmamahal na’to natuto akong lumaban at maging matapang.



---itutuloy

Read more...

3 komento:

otokonaata July 28, 2010 at 8:01 PM  

Sa pagkakataong ito di ko napigilang pumatak ang luha ko. sa karamihan ng parte ng istorya nanayo ang balahibo ko sa emosyon. Hindi nakakatuwa pero salamat p rin sa samu't saring emosyong napukaw mo sa aking kahimlayan.

Dark Angel March 11, 2011 at 9:53 PM  

I really love this story. You are really my idol... Mwah...

Anonymous,  May 26, 2011 at 11:07 PM  

PK, ang ganda talaga ng flow ng kwentong ito
grabe!
pati ang bato kong puso ay lumambot
tumayo balahibo ko sa eksena nina lance at jerome
napatulo din ang luha ko sa mga sinabi ni jerome
grabe talaga
napakahusay:D


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP