Naiwan sa Ere
Dear Mark,
Bute na lang at masyadong common ang pangalan mo at kahit ipagsigsawan ko dito sa fb ang galit, hinanakit at kabitteran ko sayo ay hindi mahahalata ng mga taong nakakakilala sayo.
Umaasa ako na sa pamamagitan ng open letter na ito ay maishare ng mga taong nakarelate sa akin at nararamdaman ang emosyong ibubuhos ko dito para naman maligaw diyan sa news feed mo at mabasa mo. Hindi ko na kasi alam kung paano kita kakausapin. Isang buwan ka nang hindi nagpaparamdam. Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot. Blinock mo pa ako. Nagtext ka na: "Tama na please" pero bakit ko kailangan tumigil ah? Anu ba ang nagawa ko? Pati nga betstfriend mo ginulo ko na pero alam ko namang sayo siya kakampi kaya tikom bibig nalang din siya. Kahit mga messages ko sa fb hindi mo man lang iseen. Iniwasan mo ako bigla-bigla. Iniwan mo ako sa ere Mark!
Siguro naman hindi lingid sa kaalaman mo at alam ko na naramdaman mo na tunay ang feelings ko para sayo. Gusto ko patunayan sayo kung gaano ako kapursigido kaya naman kahit taga Pampanga pa ako sinadya kita diyan sa maynila. Naalala mo yung nagkita ulit tayo? Kahit diko alam ang pagpunta ng Starmall Crossing sinikap ko kase gustong gusto kita mameet. Tulad ng pinangako ko sayo niyakap kita nung pagkakita natin. Habang nagtatawanan tayo sa burger king, magkaholding hands sa sinehan, nagkukwentuhan sa starbucks, alam ko at sigurado ako sa sarili ko na hindi infatuation ang nararamdaman ko o libog lang. Gusto kita. Mahal kita. Gusto kita mahalin habambuhay sa kabila ng age gap natin. Kaya naman nung sinabi mong tayo na nasa gitna tayo ng kalsada nun, hindi ko alam ang sasabihin ko kase tinupad mo ang isa sa mga pangarap ko. Ang pangarap na muling lumigaya.
Diba nga naglibot-libot pa tayo sa MOA tapos nagStar City? Mas doon ko napatunayan na ikaw ang taong karapat dapat kong mahalin. At hindi nagbago ang level ng nararamdaman ko. Hindi mo ba naramdaman ang halik ko na iyon? Wala lang ba sa iyo lahat ng iyon?
Hanggang sa lumipas ang dalawang araw. Bigla ka nalang hindi nagparamdam. Hindi ka man lang nagpaliwanag. Iniwan mo ako sa ere kung kailang hulog na hulog na ako sayo. Pinabayaan mo ako magisa na clueless at nagtataka kung anu ba ang nangyari. Sabi mo hindi mo ako iiwan pero bakit umabot tayo sa ganito?
Sa kabila ng hindi mo pagpaparamdam, hindi mo parin ako blinock sa FB. Siguro ayaw mo parin maputol ang kaisa-isang bagay na naguugnay sa atin. Umaasa ako na isang araw bigla ka lilitaw sa chatbox ko at magpapaliwanag ng lahat. Umaasa ako na sana bigyan mo ng closure ang isang bagay na binuksan mo sa puso ko. Pero wala parin eh. Kaya naman umasa nalang ako sa kakasilip sa profile mo. Binantayan ko lahat ng posts mo. Nagpanggap ka na okay na okay ka at masaya. Nagpanggap ka na everything is fine at wala kang inagrabyadong tao na naghihintay ng paliwanag sayo.
Hanggang sa untiunti nagiging malinaw na sa akin ang lahat. Yung mga post mo. Untiunting nasagot ang mga tanong sa utak ko. May iba pala. Tangina! Kaya pala.
You should've told me earlier. Tangina, ang tanga ko rin kase eh. I should've seen this coming. Pero masyado akong nabulag ng feelings ko sayo. Ang tanga ko kase napapaniwala mo ako na totoo lahat ng sinabi mo sa akin. Na mahal mo na rin ako. Na hindi mo ako gagaguhin. Pero tangina, ikaw tong nanggago eh. Ginago mo ako. Pinagmukha mo akong tanga. Pinaasa mo ako sa mga bagay na kusa mo namang binigay!
Madali naman akong kausap mark eh. Malawak naman ang pangunawa ko kung nakipagusap ka sa akin ng maayos at hindi umiwas. Pilit kong uunawain yun kasi mahal kita. Para sana hindi na tayo umabot sa ganito. Ganitong nasasaktan ako ng sobra sobra. Walang araw na lumipas na hindi kita naiisip kase sinisisi ko sarili ko bakit bigla ka nawala pero tangina lang. Meron palang ibang option, hindi ka man lang nagssabi eh di sana di na ako nakigulo sa inyo!
Sana magsing masaya ka sa kanya kahit mukhang isang LDR din ang napili mo. Hanggad ko lagi ang kaligayahan mo Mark kahit mahirap tanggapin na nagmukha akong tanga at gago in a short period of time. Tangina talaga Mark pero sa sa kabila ng sakit na naidulot mo bakit mahal parin kita? Bakit gusto parin kita makasama habambuhay? Ganito na siguro ako katanga talaga. Tumanda na akong tanga.
Sana mabasa mo talaga ito. At kung mabasa mo man. Sana nakalimutan na kita. Pinagdarasal ko yun sa Maykapal.
Ang lalaking naiwan sa ere,
Baste
0 komento:
Post a Comment