Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Saturday, November 15, 2008

TATLONG PAGNANASA 1 (ANG CLOSET QUEEN)

Hanggang saan ba dapat sinusukat ang iyong sekswalidad?

ang pagpapatuloy...


"TATLONG PAGNANASA"
(a love triangle)
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/





ANG CLOSET QUEEN


Apatnaput apat na taon na akong namumuhay sa isang madilim na kabinet. "Closet Queen" na nga akong matatawag. Ngunit hindi ito naging sagabal sa aking trabaho bilang isang pulis. Oo, isa akong pulis. Sa katunayan, pinarangalan pa ako kamakailan sa pagiging huwaran, ehemplo ng katikasan. Hindi naman kasi ako halatang bakla. Hindi maaamoy ang pagiging dugong bandido. Kahit ang mga kauri ko ay hindi mababasa ang lihim sa likod ng aking baril. Kahit mga gay detector ay mapapahiya. Mas macho pa nga ako sa mga bouncer sa club na nakasex ko noon. Mas maton pa kasi ako sa mga gym instructor na pinagnanasahan ko. At mas siga pa ako sa mga kriminal sa kulungang minsa'y nahipuan ko na. Iba ako eh.
Ibang-iba sa inaakala mo. Kakaibang pulis. Kakaiba dahil hindi ako isa sa mga kotong cops. Hindi rin ako kawangis ng mga pulis patola. Isa lang ako sa mangilan-ngilang pulis na may malansang pagkatao. Kabaklaang pilit itinatago. Ang lambot ay ikinukubli sa likod ng plantsadong uniporme at matitikas na saludo. Aking lihim
na pilit itinago sa lipunang mapanukso.

Pangarap ni tatay ang magkaroon ng isang anak na pulis. Frustrated policeman kasi ito, dahil hindi niya nakamit ang inaasam niya noong panahon ng kopong-kopong. Isang malagim na aksidente kasi ang pumutol sa kanyang mga paa. Nagdulot ito ng walang humpay na depresyon at umaatikabong batas militar sa bahay. Sinapian siya bigla ng espiritu ni hitler. Pati ako, na kaisa-isang anak na lalaki sa 5 magkakapatid ay nadamay. Umukit sa aking gunita ang konkretong mga salita na madalas niyang sambiting parang orasyon:


"Wala akong anak na binabae! Kaya ituwid mo ang sarili mo! Kung ayaw mo ibibitin kita patiwarik!"

Puno ng kapangyarihan at awtoridad ang bawat kataga. Anim na taong gulang pa lamang ako noon. Hindi pa marunong magjakol. Wala pang kamalayan. Ngunit alam ko na ang ibig sabihin nun. Kaya naman pinilit kong baguhin ang ak
ing sarili. Ang napapalihis kong landas ay aking itinuwid. Ang lumelembot-lembot kong kamao ay aking pinatigas. Mas matigas pa sa kamay na bakal ni itay. Ang phobia sa ipis at daga ay napalitan ng takot kay tatay. Diniktahan ni hitler ang aking buhay at kinabukasan. Isang death march patungo sa aking nararamdaman. Pati buhay pagibig ay pinakialaman. Kaya naman nakabuntis ako kaagad ng hindi sinasadya at naging pulis ako kahit labag sa aking kalooban.

Limang araw naman pagkatapos ng aking graduation nadedo ang aking mapandiktang ama. Halatang inantay lang niya na makita ang kanyang unico hijo na umakyat sa entablado at magkaroon ng isang pamilya bago siya tuluyang lagutan ng hininga. Ilang buwan din kasi ang kalbaryo niya sa sakit na kanser sa lalamunan. Ito ang
naging bunga ng kaadikan niya sa nicotine.
Hindi ko alam kung magdadalamhati ba ako at magsusuot ng belong itim. Ngunit aminado ako na isang toneladang tinik ang nabunot sa aking pusong mamon na pagkatao. Im free at last!

Unti-unti akong lumabas sa aking closet. Parang isang suso na lumalabas ng dahan-dahan sa kanyang shell. Nakakahiya mang sabihin ngunit kung kailan nagkaroon na ako ng asawa't anak sak
a lang ako natutong lumandi sa aking kapwa. Mas dinaig ko pa ata ang mga putang bakla na pakalat-kalat sa kalye. Ang unipormeng ginagalang at kinatatakutan ay aking hinuhubad madiligan lamang ang nanunuyo kong lalamunan. Halos araw-araw puro tsupa at kantot na lang. Akala ko yung 2 iyon ang makapagpapakumpleto sa akin. Dapat pala 3. Kulang pa pala ng 1. Dapat pala ganito: Tsupa, kantot, at siyempre ang pinakakorning "pagmamahal"
3, tatlong makapagpapabloom ng tuluyan sa akin bilang isang bulaklak.

Pero bago ako humalimuyak,
Let me answer the question people (mga bakla at pakialamerang kaibagan) always ask:

"Mahal mo ba ang asawa mo?"

Tinatanong pa ba yan? Siyempre, sa loob ng humigit kumulang 21 taong bahay-bahayan naming magasawa napamahal na siya sa akin. Isa siya sa mga dahilan kung bakit ako naririto ngayon. Alam ko ramdam niya na hindi ko siya gaano pinapahalagahan. Madalas ko siyang masaktan emotionally and unintentionally. Hindi kasi ako mapagpanggap na tao eh. Kapag hindi ko feel, hindi talaga. Sabi nga sa nabasa kong libro: "a gentleman is one who never hurts anyone's feelings unintentionally" Sapul na sapol na kaagad ako dun. Para akong nilaglagan ng hollow blocks sa ulo. Siguro nga hindi ako gentleman kasi bakla ako. Kaya muntik ko na sunugin yung binabasa kong libro.

Pangalawa si Jaime (ang aking kaisa-isang anak) sa mga naging dahilan para maituwid ko ang pagkakamali ng nakaraan. Ayaw kong matulad siya sa akin noon na naging puppet ng isang diktador. Gusto kong gawin niya ang nais niyang gawin. Ang maging malaya. At maramdaman ang tunay na pagkatao na walang alinlangan sa sarili at sa iba. Yung tipong hindi huwad, at malayang nakakalipad. Alam kung nasaan ang kanyang kaluluwa at mga pangarap. Ayaw kong maging selfish. Kaya naman hinubog namin siya ni Norina ng naayon sa tama.

At ang pangatlo sa nagtransform ng aking talulot ay si Alvin. Dating bayarang lalaki si Alvin. Dati niya akong parokyano. Ngayon, binago na siya ng pagkakataon. At ang pagkakataon na iyon ay walang iba kundi ako. Isang nagmamagandang pulis na bumihag sa kanyang puso at tarugo.
Kaya naman mas lumalim pa ang hindi inaasahang relasyon, mas malalim pa sa pag-deep throat ko sa kanya palagi.

Kung kagwapuhan ang paguusapan, title holder na 'tong si alvin ko. Mata pa lang ulam na. Kutis pa lang panalo na. Kulang na nga lang ay pakpak, at mukha na siyang anghel. 5'6" na ako pero mas mataas pa siya sa akin. At ang kargada? Tumataginting na pitong pulgada. On the spot jackpot talaga ako. At ang glorya palaging natatamo.
Ngunit sa kabila ng magagandang katangian at nakakatigas titing itsura, hanggang ngayon hindi parin niya kilala ang kanyang sarili. Yugto niya ng identity crisis. Isang krisis na mas malala pa sa krisis sa bigas. Ayaw kong ipamulat sa kanya ang mundo ko. Ayaw kong maging dahilan ng paglaladlad niya balang araw. Mas mabuti pang siya na lang ang tumuklas.

Sa kanya ko nahanap ang ikatlong kulang. Siya lang ang tuluyang nagpabuka sa aking nalalantang gumamela. Si alvin lang--- ang aking lalaking kabit.
Kaya naman lahat-lahat ay binigay ko mapaligaya lamang siya. Ini-enroll ko siya sa kaparehong pamantasang pinapasukan ni Jaime dahil alam ko na pangarap niya makatapos ng pagaaral. Pangako niya kasi iyon sa yumao niyang ina. Bukod doon, isa sa mga layunin ko ay para mapalapit siya sa anak ko. Magiging madali ang buhay pagibig naming dalawa kapag nangyari yun. Magiging bukas ang bahay sa kanya,bilang isang matalik na kaibigan ni Jaime, at bilang isang lihim kong asawa.
Iniahon ko siya sa imoral niyang trabaho,kahit na batid ko na mas imoral pa ang aming relasyon.
Wala akong pakialam. Live your own life. Masaya ako sa ginagawa ko. As long as na wala kang tinatapakang tao. Ngunit sa pagaakala kong wala akong tinatapakan, pero meron pala.

Isang unexpected na hapon ang naganap. Dumating si jaime sa bahay bitbit ang kanyang pasalubong sa akin, ang bago niyang bestfriend, ang aking boyfriend--- si Alvin.

"Alvin, ito si daddy... Dad, siya po si Alvin, classmate ko po."

Isang makahulugang ngiti lang ang sinukli naming pareho sa isa't-isa. Natuwa ako dahil close na sila ng anak ko. Mas madalas na kami magkikita. At mas malupit dahil dito pa sa loob ng aking tahanan. May konting kaba ngunit mas nangibabaw ang pananabik ko sa kanya. Isang makamundong pananabik. Libog na libog parin ako kay Alvin. Kahit 3 taon na ang aming relasyon, may boltahe paring gumuguhit sa aking burat sa tuwing makikita ko ang kanyang mapupulang labi. Ang labing aking pagmamay-ari.

Tuluyan na akong hindi nakapagpigil. Itinaon ko na wala si Jaime.

--- itutuloy


ang pagpapatuloy ng isang PULIS na maging kabilang sa...


TATLONG PAGNANASA
(a love triangle)
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


Nabuksan muli ang ang pintuan ng kamunduhan. Samantalahin dapat ang pagkakataon hangga't walang tao sa tahanan.
Kasabay ng pagbukas ng pintuan, hinatak ko siya mula sa kawalan.

"Halika puntahan natin ang kalangitan..." aking pinakawalan.

Isang paganyaya, na alam ko hindi niya matatanggihan. Tumayo na siya kaagad sa kanyang kinauupuan. Bigla na lang niya akong hinalikan. At muli pinaubaya ang kanyang katawan.
Bawat halikan ay walang katapusan. Buong katawan niya ay aking hinagkan. Pinisil-pisil pati ang kanyang kalamnan. At muling sinamba ang anghel sa aking harapan.
Tuluyan akong bumaba para siya ay luhuran. At dinakma ang kanyang pinakatagu-tagong kayamanan.
Hindi siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuhan. Kahit kaunting pagungol ay hindi mapapakinggan. Ngunit okey lang dahil ito na ang nakasanayan, sa loob ng ilang taong kasalanan. Ang mahalaga ay sa oras na ito akin ang kanyang harapan.
Unti-unti na akong pinagpapawisan. Bawat patak ay init mula sa kaibuturan. Ito ay kasabay ng mabibilis na ayudang pinakakawalan. At mukhang nasa kalagitnaan na siya ng kasarapan. Kaya naman aking pagsuso ay dapat ko pang galingan. Dahil ito na ang ang susi sa kasarapan.
Kasarapang patungo sa walang hanggan.

Bawat kalibugan ay may katapusan. Sunud-sunod siyang bumuga at tuluyang nilabasan. Hindi ako umalis sa dambanang luhuran, bagkus ako'y bumuwelo para tanggapin ang katas patungong lalamunan.
At muli kami ay bumalik sa kinalalagyan, at patuloy na magkukubli sa isang kasinungalingan.


Hanggang kailan kaya kami ganito? Hanggang kailan ko ililihim ang tunay kong pagkatao? Papaano kapag nabuko na ako? Mga tanong na paulit-ulit na gumugulo habang nagmamadali akong kumuha ng mouthwash para makapagmumog.
Bakit ganun noh? Kapag wala na ang pagnanasa at libog matatauhan ka na at maaalala ang lahat ng dapat alalahanin...Sana puro libog na lang ang nararamdaman ko para hindi ko na maisip ang mga problema.
Sa ngayon, saka ko na lang siguro iisipin. Basta ang mahalaga ay halos araw-araw kami nagkikita. Malaking puntos na yun para sa akin. Kahit hindi madalas ang sex, okey lang. Ang gusto ko lang ay nandiyan siya at alam ko na safe siya palagi. Malayo sa kung anumang panganib at tukso. Nakakabawas pa nga ng pagaalala dahil bestfriend niya ang anak ko. Kaya alam ko na nasa mabuti siyang kamay. Kapante na ako.

Pumasok na muli ako sa aking kwarto habang natanaw ko si Alvin na mukhang natutulog. Napagod siya siguro sa pinagagawa ko sa kanya kaya naman hinayaan ko na lang siya. Pumasok na ako sa silid namin ni Norina. Ini-rewind ko ang nakasalang na dvd sa kwarto. Sa sobrang kainitan ko kasi nakalimutan kong i-pause yun kanina .
Inulit ko ang eksena kung saan kumakanta si Drew Barrymore ng: "wouldnt it be nice if we were older...blah...blah...blah..."
Mahilig kasi ako manuod ng mga pelikula lalo na kapag love ang tema. Diyan lang mahahalata ang kabaklaan ko. Ang isang pulis na dapat mga action movies ang pinapanood ay mas pinagaaksayahan panoorin ang mga pelikulang may kinalaman sa puso. Siguro frustration ko lang talagang magmahal ng sobra-sobra. Kaya naman nang makilala ko si Alvin, pinangako ko sa sarili ko na ibubuhos ko talaga lahat ng nilalaman ng puso ko. Ang pagmamahal na hindi ko ibinigay sa tunay kong asawa. Kahit hindi ko nararamdaman na magka-level ang pagmamahal ni Alvin sa akin at ang binibigay ko sa kanya. Okey lang din yun. Basta nandiyan siya. Basta alam ko hindi niya ako iiwan. Dahil alam ko kailangan niya pa ako. At ako naman, mahal na mahal ko siya. Iyon na siguro ang ultimate na katangahan ko. Katangahan ni SPO1.

Nagising ako ng pagkatok sa aming kwarto. Nakaidlip pala ako habang tinatapos ang pelikulang 50 First Dates. Nagmamadali akong bumangon para buksan ang pinto.
Si Jaime pala at ang mukha ay pinintahan ng pagaalala.

"Daddy, kunin ko lang po ang thermometer
diyan po sa kwarto niyo..." pagpapaalam ni Jaime sa akin habang nagtuloy-tuloy pumasok sa kwarto.

May pagtataka ko siyang inusisa: "Bakit? May lagnat ka ba?"

"Wala po dad, si Alvin po kasi mukhang mataas ang lagnat. Tinatrangkaso yata pero pinainom ko na ng gamot."

Nawindang ako. Bigla akong nataranta habang tinutulangan kong maghanap ng thermometer si Jaime. Sa loob ng tatlong taong relasyon namin ngayon ko lang siyang makikitang magkasakit.
Hindi ako masyadong nagpahalata. Cool na cool kong iniabot ang thermometer kay Jaime, at sabay kaming lumabas ng kwarto. Umupo ako sa sofa. Matatanaw kasi mula doon ang kwarto ni Jaime. Gusto kong makita ang kalagayan ng pinakamamahal ko. Gustuhin ko mang pumasok at arugain si Alvin, kaso hindi pupwede. Kaya hanggang tingin na lang ako. Nagbabantay mula sa malayo. Tumatanaw-tanaw at nagaalala. Mukhang kawawa. Nakita kong pinunasan ni Jaime ang kanyang bestfriend ng basang bimpo. Alagang-alaga talaga. Daig pa ni Alvin ang nagkaroon ng isang private nurse.
Mula sa malayo, unti-unting nadurog ang puso ko. Kumalas-kalas.Parang pinupunit. Napakasakit. Gumuguhit sa puso ko ang bawat haplos ni Jaime kay Alvin ko. Ang mga haplos na kapag nagsesex lang nagaganap.
Nakakaiyak. Ewan ko ba pero selos ang nararamdaman ko. Dapat bang naninibugho ako sa sarili kong anak? Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Naghahalo ang selos,inggit,at sakit. Ang sakit-sakit dahil hindi ko man lang siya magawang alagaan sa panahong kailangan niya ako. Inggit dahil si Jaime ang kauna-unahang nakagawa sa kanya ng ganoon. At selos dahil gusto ko ako ang nasa lugar ng anak ko. Mas nangibabaw ang emosyonal na ako. Bakit naman kasi ganito? Tumayo na ako sa aking kinauupuan at nagkulong muli sa kwarto. At hindi ko na namalayang tumulo ang luha ko. Hindi ko magawang ipaglaban ang tunay na ako. Hindi ko kayang ipakita na mahal na mahal ko si Alvin sa harap ng ibang tao. Hindi ko siya magawang alagaan. Hanggang dito lang siguro ang kaya ko. Ang magsinungaling, ang magpanggap, at ang magtago. Bukas, aantayin ko ang muling pagalis ni Jaime, at sasamantalahin ang 2 weeks seminar ni Norina sa Davao. Bukas akin uli si Alvin. Bukas... Puro bukas.
Isang tahimik na paghagulgol ang aking ginawa, umaasang bukas wala na rin ang problema. At niyakap ko ang aking sariling mga tuhod sa kama.



---itutuloy


Hanggang saan ang paninindigan ng isang PULIS makabilang lamang sa...


TATLONG PAGNANASA
(a love triangle)
By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/


"Edward, ayoko na..."

Nakakunot-noo ko sinagot si Alvin sa kanyang napakalabong tanong:

"Huh??? Ano!??"

"Sabi ko, ayaw ko na..."

"Anong ayaw mo na?!"

Nanginginig ko siyang nilinaw kasi mukhang nararamdaman ko na ang nais niyang pakahulugan.

Ramdam na ramdam ko na ang lamig sa pagitan naming dalawa. Simula nung nagkasakit siya ( 2 linggo na ang nakakalipas) ay bigla na lang siya nagbago. Isang pagbabagong hindi ko napaghandaan. Isang pagbabago na kung alam ko lang ay sana napigilan.
Hindi parin talaga sa akin malinaw ang lahat. Naguguluhan parin ako kasi wala naman kaming problema. Oo, wala kaming problema, yun ang alam ko. Wala kaming dapat problemahin, yun din ang paniniwala ko. Pero meron pala. Masyado ako nagbulag-bulagan sa kung ano ang dapat isipin. Lagi kong isinasantabi ang "issue" na dapat ay hinaharap ko, o naming dalawa. Naging manhid ako. Walang pakialam. Sakim. Dahil ang alam ko nandiyan lang si Alvin at hindi niya ako iiwan.

"Ayaw kong lumala pa ang sitwasyon natin, Dward, habang maaga pa putulin na natin kung ano man ang namamagitan sa atin... Napakahirap ng kalagayan ko... Naaawa na ako kay Jaime. Alam mo naman yun diba? Hindi na kaya ng kunsyensiya ko...Minsan ko na pinaiyak ang anak mo, at tama na yun. Ayaw kong dumating ang araw na pati ikaw nasasaktan ko na. Kaya please Edward, please tama na. "

Tuluyan na akong nawala sa huwisyo. Sa loob ng 3 taong pagsasama namin ni Alvin, ngayon lang siya nakapagbitaw ng ganoong mga salita. Madalas, ako ang nakikipaghiwalay at siya ang makikita kong naghahabol. Ngunit ngayon, sa pagkakataong ito, mukhang ako na ang maghahabol para maisalba ang tagilid naming relasyon. Tinapatan ko ng mataas na boses ang mahinahon niyang tinig:

"Ahh! Ganun lang yun? Ha?!! Ganun lang Alvin?! Pagkatapos ng lahat-lahat?!!! Ganoon lang?!! Bullshit ka!!! Hindi ganun!
Hindi!!! Hindi pupwede! Hindi ako papayag! Isipin mong maigi,sa loob ng 3 taon, tatlong taon Alvin! Tatlooong taooon!!! Sasayangin mo lang ng ganito?! hindi ako papayag... Hinding-hindi!"

Tumalbog ang mapapait kong mga salita sa 4 na sulok ng kwarto ni Jaime.
Pinipigilan kong maiyak. Mas gusto kong mangibabaw ang galit ko. Dali-daling tumayo si Alvin sa kanyang kinauupuan at niyakap ako. Pati ang yakap niya iba na. Hindi na katulad ng dati. Hindi na kasing higpit ng dati. Hindi na mainit. Puno na ng lamig. Pero kahit ganoon, mabilis niyang napahupa ang nagpupumiglas kong puso. Alam niya talaga kung papaano niya paaamuhin ang nagwawalang hayop. At tuluyan ko nang hindi napigilan ang aking luha. Umiyak ako kasi, hindi na talaga siya tulad ng dati. Hindi na siya ang unang Alvin na nakilala ko. Muli ako nagsalita ngunit ngayon,mahinahon at nagmamakaawa:

"Alvin, puwede pang maayos ito. Puwede pa nating ayusin. Magtiwala ka sa akin. Magtatapat na ako sa pamilya ko. Please Alvin, nagmamakaawa ako. Ayusin natin to...please"

Nginitian lang ako ni Alvin at pinunasan niya ang umaagos na luha sa aking mata. Magsasalita pa sana ako pero pinugpog na niya ako ng halik... Isang kakaibang halik. Ngayon ko lang natikman.
Unti-unting dumilim. Sunod-sunod na kulog din ang aking naririnig. Uulan siguro ng malakas. Habang kami naman ay maglalaro ng apoy. Apoy na nakakapaso ng puso't damdamin.

Inisa-isa ni Alvin ang aking kasuotan. Tumambad sa kanya ang hubad kong katawan. Alam ko pagdating sa sex wala siyang kaalaman,ngunit sa puntong ito mukhang marami siyang nalalaman.
Sa kaunaunahang pagkakataon siya ay gumalaw. Hinawakan at sinubo aking kargada na mukhang uhaw na uhaw. Nakikita ko ang libog mula sa kanyang balintataw. Kaya naman hinayaan ko siyang gawin lahat ng inaasam.
Halatang first-timer ang bata sa harapan. Pero matindi ang dulot nitong kasarapan. Sumabay siya sa indayog ng aking katawan. At ilang minuto lang ay ako'y nilabasan.
Sa pagaakala kong tapos na ang palabas, bigla na lang kargada niya'y inilabas. Itinutok sa lagusan at maskip na butas. Hinawakan niya aking kamay upang walang takas.
Umuulan na ng pagkalakas-lakas, at ang tarugo niya'y naipasok na sa wakas. At sinimulan ang pagindayog, paabante't paatras.
Tumuwad na ako para hindi siya mahirapan. Kasi alam ko anumang oras, katas ay pakakawalan. Sa kauna-unahang pagkakataon inangkin niya aking likuran. Ang katumbas ay walang humpay na kaligayahan.


Dumagundong ang malakas na kulog. Kasabay nun biglang bumukas ang kwarto. Napahinto si Alvin sa kanyang mabilis na pagpapump. Nagtaka ako kaya naman nilingon ko siya. Nagulantang ako sa aking nakita. Si Jaime, nasa pintuan at huli kami sa aktong kahalayan!

SHIT!!!

Ilang segundo kaming nagulat. Hindi nakagalaw. Hindi alam ang gagawin. Mabilis na tumakbo si Jaime palabas. Kami ay nanatili sa loob ng silid. Hindi ko parin alam ang gagawin. Pati si Alvin windang parin.


Pagkatapos ng 1 oras na katahimikan ay tumigil na rin ang biglaang pagulan. Walang imik si Alvin na lumabas ng bahay. Tulala. Hindi makausap. Sinundan ko siya sa kanyang patutunguan. Dinala ang paa niya sa park ng aming subdivision. Mag-bestfriend nga talaga ang dalawa. Alam na alam ni Alvin kung saan pupuntahan ang kaibigan sa panahon ng kanyang kalungkutan. Tumuloy-tuloy si Alvin papasok ng playground. Nanatili ako sa aking puwesto. Hindi ako nagpakita. Hindi alam ni Alvin na sinundan ko siya. Mas pinili kong magtago sa likod ng puno ng acacia. Magtago. Magkubli. Diyan ako magaling. Diyan ako expert. Pagkalipas ng ilang minuto papalapit na si Alvin sa aking puwesto. Nagpakita na ako sa kanya. Umaasang ako naman ang kasunod niyang kakausapin. Ngunit nakatungo siya habang naglalakad. Ewan ko kung nakita niya ba ako o sadyang binale-wala na lang. At unti-unti na niya akong nilagpasan. Hindi na siya nagpaalam, at ako'y iniwan. Ang sakit! Ang sakit-sakit. Tagos-tagusan...Ito ang kapalit ng kaligayahan sa kama. At ngayon ako naman ay naiwang luhaan.


----------------------------------

NEXT:

TATLONG PAGNANASA 1 ( SI DENNIS TRILLO)
CLICK HERE


Hiling (acoustic) - Asteg

Read more...

2 komento:

Anonymous,  June 13, 2010 at 11:57 PM  

...ang ganda kuya me love story...me akibugan..din at ang pinaka maganda s lahat is ,mag kaka rhyme ang mga huling salita ng bwat..pangungusap...doon ako ntuwa ksi...ang galing...prang..nag tutula lang s pag kukwento..at isinasalaysay ang mga pangyayari...and i love it...nice job and good work...sana gnito din yng iba...more powers po..

-Enso (lorenso)

Anonymous,  October 17, 2011 at 12:55 AM  

what a story,after having read this story i turned out to be a cry baby.haha grabe talaga.galing galing :D

-ken
ken.verzosa@hotmail.com


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP