Photobucket


Destiny is for losers. It's just a stupid excuse for waiting for things to happen instead of making them happen

-- Blair Warldorf, Gossip Girl

Saturday, November 15, 2008

TATLONG PAGNANASA 1 (AN ANGLE OF REFLECTION)

AN ANGLE OF REFLECTION


By: PAULKIAN
http://paulkian.blogspot.com/



ANG ACHIEVER
(Si Jaime)

Hindi ako dapat magalit kay daddy. Narealized ko na kahit ganun kasaklap ang nangyari, tatay ko parin siya. Si dad na katulad ko at tao lamang na natutukso at nagmamahal ng tunay. As a human being we commit mistakes. Mahina kasi tayo eh. But on the contrary, let these weaknesses be our reason to be strong and stardy. Ang pagiging isang "tao lamang" is not a ticket to commit sin but rather a challenge for us to prove how we can withstand great temptation.
Dapat nga maging thankful pa ako kay dad, kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ko makikilala si Alvin. Si Alvin na nagturo sa akin how to trust, forgive, and how to control fear and hatred to fill my heart. Lahat-lahat ng ito ay nagpatibay sa akin at nagpatalino emotionally and spiritually.
Si God ang naging sandigan ko during my lowest-lows point of my life. Kahit hindi ako ganap na maligaya ngayon, I know that happiness is just around waiting me to discover them. Tayo naman kasi ang gumagawa ng ikaliligaya natin. We are the captain of our own ship. Kaya hindi dapat isisi ang failure sa ibang tao, sitwasyon, o maging sa pagkakataon, because life is what we make it. Kung hindi parin makita ang kaligayahan, siguro in God's perfect time dadating din yun. Basta marunong ka lang magantay. (",)



ANG CLOSET QUEEN
(Si Edward, isang pulis)

Siguro nga pinaramdam lang sa akin ni Lord kung papaano magmahal ng tunay. Kung gaano kakumplikado magmahal ng kapwa mo lalaki. Sabi nga nila, hangga't hindi mo nararanasan ang isang bagay hindi mo maiintindihan ang lahat. Nakakahiyang isipin na kung kailan ako tumuntong ng early 40's saka ko lang natutunan ang mga dapat ko matutunan at pahalagahan ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin. Kahit na sinuko ko ang isang kaligayahang hindi ko na matatagpuan kahit kanino, alam ko naman na mas umaapaw na kaligayahan ang kapalit nito sa piling ng pamilya ko. Handa ako magbago para sa aking asawa at kay Jaime. Penitensya ko ito sa lahat-lahat ng kasalanang nagawa ko. Akala kasi natin once na nakaramdam tayo ng kakaiba ay yun na yon. Sa sobrang excitement, hindi na tayo nagiisip kung ano ang maidudulot nito sa atin. Minsan nga nagiging manhid tayo sa paligid natin not knowing na marami na pala tayong nasasaktan at natatapakan. Nagiging makasarili tayo, to the point na wala na tayo pinapakinggan at sariling nararamdaman na lang ang iniisip. Hindi man lang natin iniisip kung papaano at ano ang nararamdaman ng iba. Ganoon daw ang negatibong kapangyarihan ng pagibig. Kaya naman I have to let go. Major decision ang ginawa ko. Ayaw ko na may 2 tao akong sabay na pinapaluha. Hindi kakayanin ng kunsiyensiya ko. Kahit ako na lang ang umiyak at maging malungkot habang buhay, wag lang sila. Because true love is not selfish.



SI DENNIS TRILLO
(Si Alvin)

Minsan si God din ang nagbibigay ng kasagutan sa binibigay Niyang problema. Alam ko naiintindihan tayo ng Panginoon... Kahit ganito tayo alam ko nauunawaan Niya ang laman ng puso natin.
Tulad ng nangyari sa akin, pinakita Niya na sa kabila ng lahat may dahilan para magbago at piliin ang nararapat at tama. Hindi dapat ino-over-complicate ang mga bagay-bagay. Simple lang naman ang buhay eh. Kailangan marunong lang tayo lumingon sa mga natutunan nating aral ng nakaraan. Dahil sila ang tunay na susi ng ating tagumpay sa kinabukasan. Si Jaime at Edward, ang dalawang taong naging parte ng puso't kaluluwa ko. At mananatili silang parte sa libro ng aking ala-ala. Naging masaklap man ang ending ng kabanata ko, alam ko hindi pa natatapos ang buhay para ako ay muling lumigaya at magmahal muli ng tunay.



ANG MARTIR
(Si Norina, ang asawa)

Sa kabila ng lahat-lahat, tinanggap ko kung ano siya. Pinatawad ko lahat ng kasalanan niya. At mas lalo ko pa siyang minahal. Ganoon ang tunay na pagibig. Kahit na alam ko na hindi niya ako mahal, okey lang at least napatunayan ko na totoo ang nararamdaman ko. At sa bandang huli, alam ko wala akong pagsisisi.






----------------------------------

Si Jaime ay nanalo sa pagkapresidente sa kanilang Supreme Student Council. Simula nun, itinuon na niya ang kanyang panahon sa organisasyon upang makalimot at makapagmove on.
Si Edward naman ay muling pinarangalan bilang isa sa mga top 10 Outstanding policemen sa buong Luzon. Lihim niyang inialay ang award sa kanyang ex.
Tinanggap naman ng bukal sa puso ni Norina ang pagamin ni Edward sa kanyang pagkatao. At dahil sa pagpapatawad ng mag-ina sa kanya mas tumindi pa ang pagsasama nilang mag-anak.
Si Alvin naman ay hindi na sumipot mula noon. Ngunit sa panahon ng tagumpay nina Jaime at Edward, patago itong pumapalakpak sa likod.
May nakapagsabing umuwi na ito sa mga kamag-anakan niya sa Cagayan de Oro upang doon na manirahan.


THE END




bizarre love triangle - SmokeFree

Read more...

24 komento:

Anonymous,  December 9, 2008 at 6:43 PM  

hi! dude... ang galing nung pagkakakgawa nung story... magaling 'to, nakarelate ako (pero ako yung character ahh) ehehhe... keep it up!

Anonymous,  December 11, 2008 at 4:08 PM  

wow great story kung magakakaroon ka ng tym magkita tayo sa jan.nasa manila na ulit ako eh.sana madami ka pang tory na dumaloy sa iyona puso at lumabas sa pluma at iying papel ng mailarawan ang pakikipagtunggalian ng isang reyalidad na buhay na sasalamin sa mga tagong ng mga taong nais isiwalat ang kanilang mga saloobin bilang sila o siya.

cookie,  May 13, 2009 at 1:54 PM  

im so happy sa nabasa ko nakarel8t talaga ako sa is god marami ako natutuan na dapa pala bago tayo mag disisyon sa isang bagay dapat alam natin kung ano ang kalalabasan nito, saka dapat wag tayo matakot magmahal maging anu man ang istado ng buhay

Laurence June 27, 2009 at 1:31 PM  

Wow. Galing nman ng story.. nakarelate ako du ah.... may book knb Paul kian.

Anonymous,  July 6, 2009 at 9:31 PM  

I LOVE THE STORY, NAPAIYAK AKU S SCENE NG SAMPAGUITA S CHURCH...

ANG GALING MO DUDE, NOW IM THINGKING KUNG I MOIVEON KU NRIN UNG PAG IBIG KUNG UMUWI N S PINAS.

THANXS ALOT!!! GALING MU DUDE.. EMAIL MOKO KWENTUHAN TAYU.YM KO mgpakilala k sabhin mu lng s IM mo paulkian.. i will waiy it..

Anonymous,  July 6, 2009 at 9:31 PM  

I LOVE THE STORY, NAPAIYAK AKU S SCENE NG SAMPAGUITA S CHURCH...

ANG GALING MO DUDE, NOW IM THINGKING KUNG I MOIVEON KU NRIN UNG PAG IBIG KUNG UMUWI N S PINAS.

THANXS ALOT!!! GALING MU DUDE.. EMAIL MOKO KWENTUHAN TAYU.YM KO mgpakilala k sabhin mu lng s IM mo paulkian.. i will waiy it..

quinlan jake thomas,  September 1, 2009 at 12:16 AM  

i love the story,,,ganda at first binasa ko iba inexpect ko...love the story of the 3 persons...nice!!!

im not a blogger reader but again i finished all the chapters :p

hero April 12, 2010 at 10:30 PM  

wow!! dude
super ganda
naghahaluhalo ung damdamin q
sobrang karelate
lahat na atah ng emotion ay naramdaman q sa storing ito
super fan niyo poh aq.
d aq mapakali kapag nauudlot ung pagbabasa q
dude
saludo aq sau
if may pagkakataon ,kwentuhan tayo due
my email add= nicole_hero13@yahhoo.com

just May 26, 2010 at 4:52 PM  

hahahaha,, nice ang story, same din kami ng palce ni deniis trillo. hahahaha tska mag ka tunog ang name namin ni jaime..whahahaha..sana d xa fiction, i really like it ...next story ko naman basahin nio...cdo to manila ang punot dulo. hahaha

just May 26, 2010 at 4:54 PM  

basta ha, ibalik dpat si lance. sa destiny. po...i want himback to the story..heheheh
moment niya un eh bakit xa nawala. pwede naman sabihin na that man was died is teh same features with him peru d xa un..basta basta kaya un xa ibalik..please....

Sasarai May 31, 2010 at 1:32 AM  

Ang galing talaga! ^_^ Bilib na ako sayo! :)

Anonymous,  June 14, 2010 at 12:41 AM  

,,ang ganda...suoer ganda..talaga ng inyong istorya na ito me istorya sya... at me aral s totoong buhay..na pwde mong ...gmitin s paglalakad s mundong kinatatayuan natin...sana mag karron ka ng gnitong kagandang mga isorya...keep it up..more powers...ang good job..(job weel.done...)...

Anonymous,  June 15, 2010 at 3:06 PM  

kudos s writer!!! ang galing!!! pwedeng irepost ang story s website namin??? im sure kapupulutan to ng aral ng ibang members ng org namin. thnx and keep it up!!!

-kearse

PAULKIAN June 15, 2010 at 5:19 PM  

@kearse

can i have the website para mabisita ko rin hehehe

okay lang basta nandun parin ang name ko bilang author...at payi yung blogsite na rin... =)

Anonymous,  June 25, 2010 at 5:25 PM  

thnx paul. oo nmn ilalagay ko ung name po pati ung blog mo. btw e2 ung websyt namin: www.pinkk-society.ning.com

pxenxa n now ko lang nabasa na nagreply pala u s comment ko. waiting n ako s chapter 11 ng destiny 2. sana mabuhay si lance. hehehe pero kaw ang writer and author, surprise us hehehe

thnx and more power

-kearse

prinsipepatrick July 26, 2010 at 8:04 PM  

ang ganda ng story na ito..parang connivance lahat.. mejo masakit ung ending.. parang it leaves the reader something to think about.. love it!

cutestud_24,  July 31, 2010 at 12:07 PM  

magaling kang writer tol love your story tol

Anonymous,  August 26, 2010 at 11:32 PM  

I really like the story kahit mejo masakit (nadali kasi ako ng emosyun). Hindi ko alam kung kanino ako mas naaawa, kanino ako kakampi, mejo masakit nga lang ang ending...totoo talgang nasaktan ako (seguro nakaka relate lang....)Pwede ba ito gawing movie? I want Albert M., Jake and Coco to the the role and of course miss chery pie as aling norina...hehehe

Anonymous,  January 23, 2011 at 12:47 AM  

Gusto ko yung "we are the cAptain of our own ship" tama nga naman doNt blame other people or dEstiny sa buhay mu =)

Anonymous,  June 2, 2011 at 3:47 PM  

maganda kasi may mga rhyming sentences na nakakaaliw basahin (iwas-boredom kumbaga). sana makahanap na si alvin ng taong tunay na magmamahal sa kanya. :))

Anonymous,  June 4, 2011 at 4:24 AM  

ang ganda ng story, it shows the different angles of love, ang mga taong involve, na dapat di mo husgahan ang isang tao dahil lamang sa iyong nakita at nararamdaman, dapat marinig mo rin ang kanilang side of story, ang focal point pa nito is how we define moving on and another angle of happines and satisfaction, eye opener talaga ang story na ito, to mr. paul kian ur one of the best! (",)

-josh

ken,  October 17, 2011 at 1:53 AM  

great story.2nd story i have read so far first yung ako si destiny.grabe napakasarap talaga mainlove pero napaksakit din :|
good job pual kian ang galing na writer 2 thumbs up.more stories to come hehe

-ken
ken.verzosa@hotmail.com

Remelan Nepomuceno October 1, 2012 at 4:26 AM  

i like the story but bitin:) i want it an ending!!!!!

Lonely and blue March 31, 2013 at 10:32 PM  

I am so overwhelmed on how the story run.
I can say that it is full of substance.
Here's hoping that many story of this kind be published both in soft and hard copy
Additional laurel on the hats of the author.
MORE POWER....


Supports:

Community & Groups - Top Blogs Philippines


This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
These are works of fiction. Names, characters, places and incidents are either the product of my imagination or are used fictitiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments, events, or locales are purely coincidental. All photos are not taken by me unless otherwise noted. They all came from different sources such as Google Images and several free photo sharing websites and forums. If any particular set of photos belong to you and you wish for either credit or removal of photos E-Mail me at paul_kian@yahoo.com.

© 2008-2015 ANG MGA KWENTO NI PAULKIAN
Designed by: Ourblogtemplates.com| DISCLAIMER | e-mail/YM

My Home Page has been viewed
Web Page Counter
since June, 2008

Creative Commons License

  © Blogger templates The Professional Template by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP